App herunterladen
49.64% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 483: Divorce (4)

Kapitel 483: Divorce (4)

Redakteur: LiberReverieGroup

Nitong mga nakaraang araw, may nagugustuhang bagong Audi si Liun Shiyi

kaya kahapon, noong natulog siya kasama ang isang mayamang lalaki na

kakakilala niya lang, sinadya niyang magpakita ng magazine para ituro ang

sasakyang nagugustuhan niya.

Noong mga oras na iyon, sobrang libog na libog na ang lalaki sa katawan niya

at naktingin nalang ito sa dibdib niya. Tumungo nalang ang lalaki nang hindi

na tinitignan ang hawak niyang magazine at tuluyan na siyang itinulak sa

kama.

Kinaumagahan, pinaalala ni Lin Shiyi ang ipinangako sakanya ng lalaki kagabi

at talagang dinala siya nito sa S4 Shop. Matapos niyang tignan ang

sasakyang nagugustuhan niya, walang hiya niyang sinabi sa lalaki na ibili yun

sakanya na may kasamang insurance. Pumayag naman ang lalaki pero sabi

nito sa ibang araw nalang.

Alam ni Lin Shiyi na baka pinapasakay lang siya ng lalaki nang sabihin nitong

sa ibang araw nalang kaya muli niya itong pinilit. Nang ikatlong beses niyang

maglambing, nasigurado niya na wala talagang balak ang lalaki na bilhan siya

ng sasakyan kaya nagpaalam muna siyang pumunta ng CR.

Pagkatapos niyang magCR, nagayos muna siya ng make up. Habang

nakatingin niya sa salamin, napansin niya na hindi nakasing ganda ng dati ang

balat niya. Naiinis siya sa sarili niya kung bakit ngayon niya lang naisipang

bumili ng sasakyan at hindi noong sikat pa siya, at mga lalaki pa mismo ang

nagkukusang magbigay sakanya ng pera….

Habang iniisp niya ang buhay niya noon, lalo lang siyang nagalit kay Qiao

Anhao. Dalawang araw na simula noong ipinadala niya ang mga kinuha niyang

litrato sa mga reporters pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito kumakalat

sa balita.

Padabog niyang sinara ang compact powder niya at naiinis na lumabas ng CR.

Noong pabalik na siya sa waiting room, nakita niya ang manager ng 4S store

kasama ang isang eleganteng babae na hindi naman masyadong katandaan

na tinitignan ang Audi na nagugustuhan niya.

Halata sa itsura ng babae na arogante ito. Hindi niya narinig kung anong

sinabi nito pero tumungo at yumuko ang manager. Noong oras ding iyon,

magalang na inhatid ng manager ang babae sa VIP seats at nagpakuha sa

sales assistant ng isang tasa ng kape bago ito tumakbo papunta sa front desk

para kunin ang bill.

Noong una, napansin lang ni Lin Shiyi ang babae dahil binibili nito ang

sasakyang nagugustuhan niya na para bang namamalengke lang ito, pero

nang pabalik na sana siya sa waiting room, bigla niyang narinig na magalang

na nagsalita ang manager, "Madam Xu, para sainyo po ba ang sasakyan?"

"Hindi, para sa anak ko."

"Edi ilalagay ko po sa pangalan ni Mr. Xu Jiamu?"

Tumungo lang ang babae at walang imik na humigop ng kanyang kape.

-

Mr. Xu Jiamu… Matapos marinig ni Lin Shiyi ang mga salitang iyon, muli

nanaman siyang nabuhayan. Lumapit siya sa isang sales asstant at

nagtanong, "Sino ang babaeng yan?"

"Siya si Mrs. Han Ruchu, ang deputy director ng Xu enterprise."

-

Naghintay si Han Ruchu sa loob ng 4S store hanggang sa maayos na ang

lahat ng papeles. Iniwan niya ang address ni Xu Jiamu para direkta ng

maipadala sa anak niya ang binili niyang sasakyan. Nang masigurado niyang

maayos na ang lahat, agad niyang kinuha ang kanyang bag at naglakad

palabas kasama ang assistant niya.

Nauna ang assistant sa sasakyan para mapagbuksan siya ng pintua pero

noong papasok na sana siya, may biglang tumawag sakanya.

"Madam Xu."

Napahinto si Han Ruchu at sabay silang napatingin ng kanyang assistant.

May nakita siyang isang babaeng nakasuot ng magandang damit na

nakatayo sa may pintuan ng 4S shop habang nakatingin sakanila.


Kapitel 484: Divorce (5)

Redakteur: LiberReverieGroup

Sa araw-araw na trabaho ni Han Ruchu, marami na siyang nakasalamuhang

mayayamang tao pero sigurado siyang hindi niya kilala ang babaeng tumawag

sakanya kaya napataas nalang siya ng kilay niya.

Hindi nagtagal, naglakad si Lin Shiyi papalapit kay Han Ruchu. Iniangat niya

ang kanyang kamay at nagpakilala. "Madam Xu, ako po si Lin Shiyi."

Tinignan lang ni Han Ruchu ang kamay ni Lin Shiyi at wala siyang balak na

makipagkamay.

Noong sandaling iyon, magalang na nagtanong ang assistant ni Han Ruchu,

"Pasensya ka na Miss, anong kailangan mo?"

Kahit na ang assistant ang nagtanong, inisip pa rin ni Lin Shiyi na galing yun

kay Han Ruchu kaya tumingin siya ng diretso sa mga mata nito at sinabi,

"Madam Xu, hindi ba si Qiao Anhao ang daughter-in-law mo at ang asawa ni

Mr. Xu Jiamu? Siya ang dahilan kung bakit kita tinawag dahil may gusto akong

sabihin sayo ng tungkol sakanya.

Dahil sana si Han Ruchu na makisalamuha sa iba, kabisado niya na hindi

magpakita ng reaksyon sa ibang bagay. Kahit gaano pa siya kainteresado sa

sinasabi ni Lin Shiyi, nanatili pa rin siyang kalmado.

Nang makita niya na walang bakas ng galit sa aroganteng mukha ni Han

Ruchu, dali-dali niyang inilabas mula sakanyang bag ang mga kinunan niyang

litrato at iniabot dito.

Ang assistant ang kumuha ng litrato na siya ring nagabot kay Han Ruchu.

Biglang natigilan si Han Ruchu nang silipin niya ang ibinigay ni Lin Shiyi.

Makalipas ang ilang sandali, nagsalita siya sa kauna-unahang pagkakataon

simula noong tawagin siya ni Lin Shiyi. "Saan mo nakuha ang mga litratong

'to?"

Sa wakas, nakita na na ni Lin Shiyi ang reaksyon na gusto niyang makita.

Kung magagalit kay Qiao Anhao ang mother-in-law nito, siguradong

magdudusa ito. Sa kabila ng kaligayahan na nararamdaman niya, nanatili pa

rin siyang kalmado habang nagsisinungaling.

"Isang kaibigan ang nagbigay sakin nito kanina. Hindi mo pa baa lam, Madam

Xu? Marami ng nakakaalam sa business network ng Beijing ng tungkol dito.

Halos lahat ay nagtsitsismisan na ang daughter-in-law raw ng mga Xu at ang

CEO ng Huan Ying Entertainment ay nagkaroon ng relasyon habang

nagfifilm…"

Bago pa matapos si Lin Shiyi sa sinasabi niya, biglang nagsalita si Han

Ruchu, "Tama na!"

Sobrang nagulat si Lin Shiyi sa tapang ng boses ni Han Ruchu.

Muling tinignan ni Han Ruchu si Lin Shiyi at kinuha ang mga litrato sa kamay

ng kanyang assistant bago siya tuluyang pumasok sa kanyang sasakyan.

Nagmamadali ring pumasok ang assistant at pinaandar ang sasakyan.

Mula noong pumasok si Han Ruchu sa sasakyan, nakatitig lang siya sa hindi

masyadong malinaw na litrato. Nanlilisik ang kanyang mga mata at parang

sasabog na siya sa sobrang galit. Makalipas ang ilang sandali, bigla niya

nalang itinapon ang mga litrato at sumandal sa upuan dahil parang hindi na

siya makahinga. Habang nakatitig sa labas, muli siyang nagsalita, "Wag na

tayong bumalik sa Xu enterprises. Dumiretso tayo sa mansyon ng mga Qiao!"

-

Noong umaga ng araw iyon, lumipad si Cheng Yang papuntang France para

sa isang runway kaya sumabay si Qiao Anxia sa mga magulang niya pauwi.

Kumpara sa nakasanayan, mas maaga silang nakauwi ngayon kaya

pagkarating nila sa bahay, hindi pa nakakapaghanda ng gabihan ang mga

katulong.

Nagshower muna si Qiao Anxia at naghanda ng isang takuri ng Bi Chu green

tea para sa mga magulang niya na nagbabasa ng dyaryo sa sala.

Habang humihigop ng tsaa ang kanyang tatay, may pumasok sa isip nito na

patungkol sa trabaho kaya bigla itong nagtanong ito sakanya.

"Dad, kapag nasa bahay ka, pwede bang wag ka munang magisip ng tungkol

sa trabaho?" Pareklamong sagot ni Qiao Anxia na hindi nagtagal ay

ginatungan rin ng nanay niya. Habang masaya silang naguusap, biglang may

nagdoorbell.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C483
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES