Sa sobrang kahihiyan, binalatan niya ang mga hipon pero hindi para sakanya
kundi para kay Lu Jinnian.
Medyo malaki ang lamesa kaya kinailangan niya pang tumayo para mailagay
ang mga binalatan niyang hipon sa plato ni Lu Jinnian.
Kahit na may kausap si Lu Jinnian sakanyang phone, hindi pa rin nawala ang
atensyon niya kay Qiao Anhao lalo na noong nagbabalat ito ng hipon.
Bigla siyang natigilan noong nakita niya na tumayo si Qiao Anhao para ibigay
sakanya ang binalatan nitong hipon. Akala niya sinusubuan siya nito kaya
bigla niyang kinain ang inaabot nito.
Nagulat si Qiao Anhao nang maramdaman niya tumama ang mga labi ni Lu
Jinnian sa mga daliri niya noong kainin nito ang hipon na hawak niya.
Wala naman talaga siyang ballak na subuan si Lu Jinnian, ilalagay niya lang
sana ang hipon sa plato nito…
Nakatingin lang si Qiao Anhao kay Lu Jinnian.
Noong napansin ni Lu Jinnian na nakatingin lang sakanya si Qiao Anhao,
akala niya naghihintay ito na magpasalamat siya kaya itinabi niya ng bahagya
ang kanyang phone at walang boses na sinabi, "thank you."
Si Qiao Anhapo ba ang tipo ng babae na basta nalang nagsusubo ng pagkain
sa isang lalaki?
Masaya si Qiao Anhao kahit alam niyang mali lang ang pagkakaintindi
sakanya ni Lu Jinnian.
Maikukumpara ang pakiramdam niya sa isang dahon na bigla nalang nalaglag
sa isang kalmadong lawa kung saan agad na kumalat sa buong katawan niya
ang kilig na bigla niyang naramdaman.
Habang nakayuko siya, pakiramdam niya parang na sasabog ang puso niya sa
sobrang kilig. Muli siyang kumuha ng hipon at binalatan ito pero noong
ilalapag niya na sana ulit sa plato ni Lu Jinnian, muli nanaman nitong kinain
ang hawak niya.
Napakatamik ng lamesa nila dahil kahit may kausap si Lu Jinnian sa phone,
madalang lang siyang magsalita. Noong malapit niya ng ibaba ang tawag,
nagsend ang kausap niya ng video para makita niya ang laman ng computer.
Habang tutok na tutok sa screen, patuloy lang siya sa pagkain ng lahat ng
ibinibigay sakanya ni Qiao Anhao.
Nang makita niya na hindi tinitignan ni Lu Jinnian ang isinusubo niya, sinilip
niya ang huling hipon na nasa plato niya bago niya muling tignan si Lu Jinnian
at naisipan niyang lokohin ito kaya muli niyang iniangat angf kamay niya para
subuan ito pero sa pagkakataong ito, balat lang ng hipon ang hawak niya.
Walang pagdadalawang isip si Lu Jinnian na isubo ang inaabot sakanya ni
Qiao Anhao pero nang nguyain niya ito, napansin niya na may mali kaya
biglang nagbago ang itsura niya at idinura ito. Pagangat niya ng kanyang ulo,
nakita niya si Qiao Anhao na tumatawa habang binabalatan ang huling hipon
na nasa plato nito.
Pagkatapos magbalat, muling isinubo ni Qiao Anhao ang hipon sakanya na
kinain niya naman. Hindi nagtagal, naputol na ang tawag at tumingin siya kay
Qiao Anhao. Nakita niya na nahihirapan itong kumuha ng tissue kaya bigla
itong nagsalita nang maramdaman nitong naibaba niya na ang kanyang
phone, "Tulungan mo nga ako."
Kinuha ni Lu Jinnian ang tissue pero imbes na ibigay ito kay Qiao Anhao, bigla
niyang kinuha ang kamay nito para siya mismo ang maglinis ng kamay nito.
Napayuko nalang si Qiao Anhao habang hinahayaan si Lu Jinnian na linisin
ang mga kamay niya.
Wala siyang ideya kung aong tumatakbo sa isip ni Lu Jinnian kahit na alam
niyang masyado na silang komportable sa isa't-isa at hindi na normal ang mga
ikinikilos nila. Pero kahit wala siyang kasiguraduhan, sobrang saya niya pa rin
dahil ngayon niya lang ito naramdaman sa loob ng labing tatlong taong lihim
niyang minamahal ito.
Sa totoo lang gusto sana talagang tanungin ni Qiao Anhao si Lu Jinnian kung
tama ba na masyado silang malapit….na para bang may namamagitan
sakanila. Pero wala siyang sapat na lakas ng loob na magtanong.
Maayos na ang relasyon nila ni Lu Jinnian nitong mga nakaraang araw kaya
paano kung dahil sa pagtatanong niya ay bigla nanamang masira ang masaya
nilang araw? Pinili niyang wag nalang ituloy ang pagtatanong dahil kuntento
na siyang nakakausap ito bilang kaibigan niya at ayaw niyang masira ito.
Walang pagdududa ang puso ni Lu Jinnian. Alam niyang umaasa sakanya si
Qiao Anhao pero hindi niya alam kung saan eksakto. Isa pa, malinaw sakanya
na asawa ito ng sarili niyang kapatid.
Alam niya naman na hindi na siya dapat lumalapit kay Qiao Anhao pero hindi
niya talaga makontrol ang sarili niya. Sobrang magkasundo nila ni Qiao Anhao
nitong mga nakaraang araw at ayaw niyang sayangin ang pagkakataon kahit
hindi niya alam kung saan sila patungo dahil sa loob ng labintatlong taong
paghihintay niya, ngayon lang naging sobrang saya.
-
Ngayong gabi, may sinamahan si Lin Shiyi sa 'Peppermint Garden.'
Minsan na siyang naging isa sa pinakasikat na artista sa bansa nila kaya
kumpara sa ibang mga baguhang model, hindi maitatanggi na talagang angat
pa rin siya. Noong gabing iyon, sinamahan niya ang kanyang 'investor' sa
isang dinner party. Kung gaanong saya ang naibibigay niya rito, ganoon din
ang ibinabalik nitong pera sakanya kaya handa siyang gawin ang lahat ng
gusto nitong ipagawa sakanya. Kapag sinabi nitong samahan niyang uminom
ang isang partikular na tao, talagang ginagawa niya.
Sunod sunod ang naging paginom niya ng alak kaya kahit mataas ang alcohol
tolerance niya, dumating siya sa punto na hindi niya na rin kinaya kaya
nagpaalam muna siya sa mga kasama niya aalis lang siya sandali.
Pagkarating niya sa CR, dumiretso siya sa lababo para isuka ang lahat ng
alak na nainom niya kaya agad na gumaan ang pakiramdam niya. Hindi
nagtagal, nagmumog siya at inayos ang kanyang makeup bago siya lumabas
para balikan ang mga kasama niya.
Ang 'Peppermint Garden' ay isang Chinese restaurant na halos pare-pareho
ang itsura ng mga daanan kaya noong babalik na siya, hindi niya na maalala
kung saan siya dumaan. Naisip niyang magtanong sa waiter kung paano siya
makakabalik sa table 08 pero wala siyang nasalubong ni isa. Habang patuloy
na naglalakad, hindi niya inaasahan na makikita niya sina Qiao Anhao at Lu
Jinnian na nakaupo sa isang lamesa na malapit sa lawa.
Base sa obserbasyon niya, mukhang may kausap si Lu Jinnian sa phone.
Hindi niya masyadong makita ang itsura nito dahil natatakpan ito ng anino.
Pero ang malinaw niyang nakikita ay ang nakaupo sa harap nito - si Qiao
Anhao na nakayuko habang abalang kumakain ng hipon. Kahit hindi niya
nakikitang naguusap ang dalawa, halata niya pa rin na komportable ang
dalawa sa isa't-isa.
Sa totoo lanh, hindi niya lang ito pinansin noong una. Naging magkatrabaho
ang dalawa at maaring nagkataon lang na nagsabay ang mga itong kumain.
Pero noong paalis na sana siya, nakita niya na biglang sinubuan ni Qiao
Anhao si Lu Jinnian.
Hindi ba asawa ni Xu Jiamu si Qiao Anhao? Bakit sobrang lapit naman ata nila
ni Lu Jinnian?
Maliban nalang kung… Nagkakalabuan na sila ni Xu Jiamu? At kabit niya si Lu
Jinnian?
Biglang kumulo ang dugo ni Lin Shiyi habang iniisip niya ang mga posibilidad.
Kung makikita ito ng lahat, gaano kaya kalaking gulo ang maaring mangayari?
Pero alam niya rin na masyadong malapit ang entertainment circle at ang
media kaya pwede nilang pagtakpan ito. Isa pa, sa tagal ni Lu Jinnian sa
industriya, wala pa itong nagiging scandal kaya maaring hindi rin ito
paniniwalaan ng mga tao…Kahit pa makarating ito sa mga reporters,
siguradong hindi rin ito ilalabas ng mga ito.
Pero! May tsansa na makuha niya ang atensyon ng mga tao sa social media.
Pwede niyang sabihin muna sa kanyang mga 'investor' ang balita at
impluwensyahan ito na ikalat sa lahat ng business network sa Beijing. Sa oras
na iyon, bilang may asawa, siguradong magiging katatawanan si Qiao
Anhao…
Hindi napigilan ni Lin Shiyi na mapangiti habang iniisip ang maduming niyang
plano. Para maisakatuparan ang lahat ng balak niya, kinuha niya ang kanyang
phone at sikretong kinunan ng litrato sina Qiao Anhao at Lu Jinnian.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES