Napakagat si Qiao Anhao ng labi niya at bigla nalang siyang huminto.
Tinignan niya ang mga kasama niya at sinabi, "Ang sakit ng tiyan ko, pupunta
muna ako sa CR. Hintayin niyo nalang ako sa boarding gate."
Tinignan ni Han Ruchu si Xu Jiamu at sinabi, "Qiao Qiao, baka mawala ka.
Magpasama ka nalang kay Jiamu."
"Ayos lang po, alam ko naman po kung saan ang boarding gate." Magalang
na sagot ni Qiao Anhao.
Sa takot na baka magpumilit si Xu Jiamu na samahan siya, dali-dali siyang
magpaalam sa mga kasama niya at mabilis na naglakad papunta sa CR na
pinasukan ni Lu Jinnian. Habang naglalakad siya, sumigaw si Qiao Anxia
para paalalahanan siya, "Gate thirty one."
-
Nagmamadaling naglakad si Qiao Anhao papunta sa CR. Pagkalipas ng
sampung segundo, sumilip siya sa mga kasama niya at nang makita niyang
nakaalis na ang mga ito, dali-dali siyang lumabas at naghintay sa labas ng
panlalaking CR.
Hindi napansin ni Lu Jinnian si Qiao Anhao noong una kaya nagdire-diretso
lang siya sa paglalakad papunta sa isang lababo. Pagkapatay niya ng gripo,
kukuha na sana siya ng tissue pero may biglang tumayo sa harap niya at
nakita niya si Qiao Anhao na masama ang tingin sakanya.
"Bakit ang tagal mo?"
Natawa si Lu Jinnian at nagpaliwanag, "Ang dami kasing tao."
Kinuha niya ang tissue na binibigay sakanya ni Qiao Anhao at pinunasan
niya ang kanyang kamay bago niya pakiramdaman ang noo nito. Nang
makumpirma niya na wala na ngang lagnat si Qiao Anhao, nagtanong siya,
"Kamusta na ang pakiramdam mo?"
"Mas mabuti na."
Ngumiti si Qiao Anhao at muling sumilip sa likod niya. Nakita niya sina Han
Ruchu at Qiao Anxia na halos tatlumpung metro lang ang layo mula sakanila
kaya nagmamadali niyang sinabi, "Nandito sina Auntie Xu at Anxia, aalis na
ako. Bye bye."
Nagmamadaling naglakad palabas si Qiao Anhao pero matapos ng pangalawa
niyang habang, may bigla siyang naalala kaya muli siyang tumingin kay Lu
Jinnian at nagtanong, "Saan ka nakaupo?"
"32F" Tumungo si Qiao Anhao at tuluyan ng lumabas.
-
Pagkasakay nila sa eroplano, nakupo sina Qiao Anhao at ang mga kasama
nito sa pinakaharap samantalang sina Lu Jinnian at ang assistant nito ay
nakaupo sa may bandang likod nila. Halos dalawang oras lang ang biyahe
pabalik ng Beijing pero limang beses na pumunta si Qiao Anhao sa CR.
Kaya nainis si Qiao Anxia, na nakaupo sa may daanan, dahil pabalik balik
siya hanggang sa magdesisyon itong makipagpalit nalang sakanya.
Sa tuwing dadaan si Qiao Anhao sa pwesto ni Lu Jinnian, hindi naman sila
naguusap at madalas kumakaway or binabati lang nila ng "Hi" ang isa't-isa.
Pero kahit na ganoon lang, kuntento na si Lu Jinnian.
Noong huling beses na pumunta si Qiao Anhao sa CR, pabiro niyang tinapik
ang balikat ni Lu Jinnian pero noong sandali ring iyon, bigla namang tumayo
si Han Ruchu para magCR. Dali-dali niyang inalis ang kamay niya at
naglakad ng nakayuko pabalik sa kinauupuan niya samantalang si Lu Jinnian
naman ay nagbuklat ng dyaryo para magtago. Pagkalagpas ni Han Ruchu,
naramdaman ni Lu Jinnian na para bang may lihim silang relayon ni Qiao
Anhao.
Oh, ang mas tamang salita, lihim na pagkakaibigan.
Kahit na pagkakaibigan sana ang pinaka matapat na relsyon na buong
mundo, kailangan pa rin nilang gawin ito ng patago, at sa dilim.
Pero kung dito naman sila magiging mapayapa, handa siya kahit habang
buhay pa siyang maging lihim nitong kaibigan. Pero makalipas ang ilang
araw, hindi nila inasahan na mailalantad na ang pinaiingatan nilang
pagkakaibigan.
Pagkauwi nila sa Beijing, dumiretso si Qiao Anhao sa mansyon ng mga Qiao.
Kahit na magaling na siya, may posibilidad pa ring bumalik ang sakit niya
kaya nagpumilit ang aunt at uncle niya na doon muna siya kahit dalawang
araw lang.
Hindi naman makatanggi si Qiao Anhao kaya pumayag siya. Sobrang saya
talaga ng katulong ng mansyon sa tuwing umuuwi siya kaya masigasig itong
nagluto ng mga paborito niyang pagkain sa tuwing kakain sila. Kahit na
sobrang daming ginagawa ng aunt at uncle niya, sinasabayan pa rin siyang
kumain ng mga ito habang paulit ulit na pinagsasabihan na umalis na siya sa
entertainment industry.
Ramdam na ramdam ni Qiao Anhao ang pagaalala ng kanyang uncle at aunt
para sakanya kaya hindi siya naiinis kahit na paulit ulit siyang
pinagsasabihan ng mga ito. Kinabukasan, pinuntahan siya ni Zhao Meng para
ihatid ang kanyang phone kaya sa tuwing naiinip siya, lagi niyang tinetext si
Lu Jinnian.
Noong ikatlong araw, sa wakas pinayagan na siyang umuwi sa Mian Xiu
Garden ng aunt at uncle niya. Walang ideya ang mga ito na hindi talaga sila
kasal ni Xu Jiamu kaya kinailangan niyang magpasundo para hindi sila
mahalata.
Habang nakaupo sa passenger seat, kinuha ni Qiao Anhao ang kanyang
phone dahil nakasanayan niya ng itext si Lu Jinnian: [Anong ginagawa mo?]
Mukhang may ginagawa si Lu Jinnian dahil limang minuto ang pagitan bago
ito sumagot, [Meeting.]
Nagreply lang si Qiao Anhao ng isang [Oh]. Nang tumingin siya sa labas ng
bintana, napansin niya na malapit na sila Huan Ying Entertainment kaya
tumingin siya kay Xu Jiamu at sinabi, "Brother Jiamu, ibaba mo nalang ako
pagkaliko natin. May kailangan lang akong daanan sa office."
Tumungo si Xu Jiamu at nagtanong, "Gusto mo bang hintayin kita?"
"Wag na, nasa office rin naman si Zhao Meng, sakanya nalang ako sasabay
mamayang gabi."
"Sige," sagot ni Xu Jiamu bago siya muling tumingin sa daan.
Pagkaliko nila, nakarating sila kaagad sa Huan Ying Entertainment ng wala
pang limang minuto. Bago bumaba si Qiao Anhao, may napaka importanteng
bagay na bigla niyang naalala kaya muli niyang tinignan si Xu Jiamu at
sinabi, "Brother Jiamu, naalala mo ba ang tungkol sa divorce?"
"Naalala ko." Sumandal si Xu Jiamu at medyo natawa na para bang
nangaasar, "Qiao Qiao, simula pagkabata natin, kailan ba kita binigo?
Pakiramdam ko tuloy ayaw mo talaga sa akin kaya sobrang nagmamadali ka."
Natawa nalang rin si Qiao Anhaop. "Pinapaalal ko lang!" Noong sandali ring
iyon, kumaway siya kay Xu Jiamu at sinabi, "Mauna na ako. Bye Brother
Jiamu."
"Bye." Hinintay muna ni Xu Jiamu na makapasok si Qiao Anhao sa loob ng
Huan Ying Entertainment bago siya umalis.
Hindi pa rin tapos ang meeting ni Lu Jinnian noong umakyat si Qiao Anhao.
Mula sa isang pader na gawa sa salamin, nakikita niya si Lu Jinnian na
walang reaksyon habang nakaupo sa loob ng meeting room.
Kaya kinuha niya ang kanyang phone para kunan ito ng picture na sinend
niya rin dito. Hindi nagtagal, nakita niya na sumilip si Lu Jinnian sa phone
nito at nang sandaling iswipe nito ang screen , bigla nalang nagbago ang
itsura nito at napatingin sa labas hanggang sa tuluyang magtagpo ang
direksyon ng kanilang mga mata.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES