Nang magising si Qiao Anhao noong tanghali, gusto niya sanang kamustahin
si Lu Jinnian pero dahil nandoon si Han Ruchu, hindi niya nalang tinuloy.
Masyadong matagal siyang nakatulog kaya kahit malalim na ang gabi, hindi
pa rin siya dinadalaw ng antok. Naisipan niyang maglaro sa phone ni Xu
Jiamu pero hindi nagtagal, ibinaba niya rin ito kaagad dahil nainip siya.
Noong mga oras na 'yun, wala na siyang ibang marinig kundi ang malalim na
paghinga ng kanyang aunt na kasalukuyang natutulog ng mahimbing. Habang
tumatagal, unti-unti siyang nabalot ng lungkot.
Muli niyang kinuha ang phone at nakatingin lang siya sa screen ng ilang
sandali bago niya hanapin ang number ni Lu Jinnian sa contacts ni Xu Jiamu.
Pero hindi siya sigurado kung may bago na ba itong phone…Siguradong
magkasama si Lu Jinnian at ang assistant nito ngayon…Pero…
Hinanap ni Qiao Anhao ang number ng assistant sa contacts ni Xu Jiamu
pero hindi niya ito nakita kaya kahit medyo nagaalangan, sinubukan niya pa
ring imessage ang number ni Lu Jinnian, [Nandiyan ka pa?]
Nang marinig ni Lu Jinnian na tumunog ang kanyang phone, bahagya niyang
pinagpag ang kanyang sigarilyo bago niya silipin ang screen ng kanyang
phone. Nagtaka siya kung bakit siya tinext ni Xu Jiamu kaya sumagot ng
isang question mark.
May sumagot nga sakanya…Hindi maitago ni Qiao Anhao ang saya na
nararamdaman niya kaya kahit isa lang ang kamay na pwede niyang gamitin
dahil nakaswero nag isa, dahan-dahan pa rin siyang nagtype habang
nakakagat labi, [Anong ginagawa mo ngayon?]
Nang makita ni Lu Jinnian ang sagot, bigla siyang napakunot ng kanyang noo
at naramdaman niya na parang may mali kay Xu Jiamu kaya muli siyang
nagsend ng isang question mark.
Tinignan ni Qiao Anhao ang dalawang question mark na sinend sakanya ni Lu
Jinnian at muli siyang napakagat ng kanyang labi habang iniisp kung
automated reply lang ba ang natatanggap niya.
Medyo nagalangan siya noong una pero sinubukan niyang magsend ng isang
question mark para makumpirma.
Pero sa pagkakataong ito, hindi na sumagot si Lu Jinnian. Naghintay pa siya
ng ilang sandali pero wala talaga siyang natanggap.
Biglang nagbago ang kanyang itsura kaya sinubukan niyang balikan ang
naging usapan nila at doon niya lang naalala na nakikigamit nga lang pala
siya ng phone kay Xu Jiamu kaya dali-dali siyangy nagtext, [Si Qiao Anhao
'to.]
Kakakuha lang ni Lu Jinnian ng bagong stick ng sigarilyo at nang sisindihan
niya na sana ito, muli niyang narinig na tumunog ang kanyang phone.
Pagsilip niya sa screen: Isa nanamang text mula kay Xu Jiamu – isang
question mark naman ang sinend nito sakanya ngayon. Sa pagkakataong ito,
naiinis na siya kay Xu Jiamu dahil parang nababaliw na ito kaya hindi niya na
sinagot ang text nito at tuluyan nalang na sindihan ang hawak niyang
sigarilyo.
Makalipas ang halos limang minuto, tumunog nanaman ang kanyang phone at
pagsilip niya sa screen, text nanaman ni Xu Jiamu ang bumungad sakanya [Si
Qiao Anhao 'to.]
Bigla siyang napatingin sa bintana na nasa ikalawang palapag at sobrang
saya ng pakiramdam niya na nakatanggap siya ng text mula kay Qiao Anhao.
.
Tutok na tutok si Qiao Anhao sa phone ni Xu Jiamu habang hinihintay ang
reply ni Lu Jinnian pero bigla itong nagvibrate at nakita niya ang salitang
"Brother" sa screen.
Tinatawagan siya ni Lu Jinnian. Gamit ang isa niyang kamay, sinubukan
niyang sagutin ang tawag pero aksidente niya itong napatay. Dali-dali niya
itong tinawagan pabalik ngunit hindi niya ito makontak kaya nagpalipas muna
siya ng ilang sandali bago niya ito muling tawagan at sa pagkakataong ito,
sumagot kaagad si Lu Jinnian.
Ayaw niyang maistorbo ang kayang aunt na natutulog kaya hininaan niya lang
ang boses niya, "Lu Jinnian?"
Buong araw na wala sa mood si Lu Jinnian pero nang marinig niya na tinawag
ni Qiao Anhao ang kanyang pangalan, parang bigla nalang gumaan ang
pakiramdam niya. Hindi nagtagal, mahinahon siyang sumagot, "Hmm?"
Kahit napakasimple lang ng naging sagot ni Lu Jinnian, sapat na ito para
mapanatag ang hindi mapalagay na puso ni Qiao Anhao. Pero hindi niya alam
kung anong sasabihin niya dahil hindi niya naman pwedeng sabihin na
namimiss niya na ito…masyadong nakakababa ng pagkatao.
Hindi siya sigurado sa tanong niya pero sinabi niya pa rin ito, "Lu Jinnian,
klumain ka na ba ng dinner?"
Napatingin si Lu Jinnian sa biniling pagkain ng kanyang assistant na hindi
niya pa nagagalaw at mahinahong sumagot, "Kumain na ako."
Nang muli niyang ibaling ang kanyang tingin sa bintana, nakita niya ang
sigarilyo na nasa kamay niya, alam niyang hindi ni Qiao Anhao na malaman
na nainigarilyo siya kahit hindi siya nakikita nito sa phone magugustuhan,
kaya hindi siya nagdalawang isip na itapon ito kahit halos kalahati palang ang
nauubos niya.
"Anong kinain mo?"
Muling sinilip ni Lu Jinnian ang pagkain na nasa tabi niya. "Pizza."
"Hindi yan masustansya, ako rin gusto ko ng pizza pero dapat hindi ka laging
kumakain ng ganyan. Masyado yang mamantika…" Kanina lang hindi alam ni
Qiao Anhao kung anong sasabihin niya, pero ngayon halos hindi na siya
maawat sa pagsasalita.
Walang kahit kaunting inis na nararamdaman si Lu Jinnian, bagkus, mas
panatag pa nga siya ngayon na kausap niya si Qiao Anhao.
Habang nasa kalagitnaan ng kanilang paguusap, may dumating na nurse para
tanggalin ang swero sa kamay ni Qiao Anhao kaya nailipat niya na ang phone
sa kabila niyang kamay. Wala siyang intensyon na tapusin na ang usapan nila
ni Lu Jinnian pero naputol na ang tawag pagkaalis ng nurse kaya dali-dali
niyang itong pero bago pa mag'ring, bigla niya itong pinatay para pindutin ang
video call.
Sumagot naman kaagad si Lu Jinnian pero medyo matagal bago lumabas sa
screen ang mukha niya.
Masyadong madilim ang paligid niya kaya binuksan niya ang ilaw sa loob ng
sasakyan.
Ang unang tinanong ni Qiao Anhao ay, "Nasa kotse ka?"
Napansin niya rin na parang mas nangitim pa ang paligid ng mga mata ni Lu
Jinnian kuumpara dati at halata sa mukha nito na parang pagod na pagod ito.
Nakutuban niya na wala itong tulog kaya bigla niyang tinaggal ang kumot na
nakapatong sakanya. Dahan-dahan siyang bumangon sa kama at naglakad
papunta sa bintana. Pagkahawi ng mga kurtina, nakita niya ang nakailaw na
sasakyan ni Lu Jinnian na nakaparada sa hindi kalayuan.
Tama nga ang kutob niya, naghihintay ito sakanya sa baba…
Naramdaman niya na parang sumikip ang dibdib niya at bigla nalang nanginig
ang kanyang mga daliri habang nakahawak sa phone. Noong sandali ring
iyon, muli siyang nagsalita ng malambing, "Lu Jinnian, lumabas ka sa
sasakyan mo."
"Bakit?"
"Baba."
Pagkatapos ng ikalawang beses niyang magrequest, nakita niya na bumaba
talaga si Lu Jinnian ng sasakyan.
"Nakalabas na ako, bakit..? Habang nagtatanong si Lu Jinnian, bigla siyang
napatingin sa bintana na kanina niya pa sinisilip at bandang huli, hindi niya
na natapos ang gusto niyang sabihin.
Ngayong araw, ilang beses niyang sinilip ang bintana na nasa ikalawang
palapag pero ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita si Qiao Anhao na
nakatayo sa harapan nito habang may hawak na phone. Hindi niya man
nakikita ang mukha ni Qiao Anhao dahil sa distansya, naaninag pa rin naman
niya pagkaway nito.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES