Tanong assistant, "Kung ganon…paano ka, Mr. Lu?"
"Mag..." Sinilip ni Lu Jinnian ang isang bintana na nasa ikalawang palapag na
kasalukuyan ding tinitignan ng kanyang assistant at sinabi, "Maghihintay
muna ako dito."
Si Qiao Anhao ay nasa loob ng ospital samantalang siya ay nandito sa baba.
Alam niya na kahit maghintay pa siya hanggang sa makalabas ito ay hindi rin
naman siya pwedeng makalapit.
Malinaw sa assistant na wala siyang karapatang magsalita pero hindi talaga
kayang hindi magsalita sa sobrang pagaalala, "Mr. Lu, bakit hindi ka muna
bumalik sa hotel para makapagpahinga ka. Magdamag kang naghintay sa
hagdanan ng nakatayo at buong araw ka ng hindi nakakapagpahinga. Kapag
ipinagpatuloy mo yan, baka magkasakit ka."
Magkakasakit…Nakatitig lang si Lu Jinnian sa isang partikular na bintana na
nasa ikalawang palapag ng gusali. Nakabukas pa rin ang mga ilaw sa loob
nito at maya't-maya'y may mga aninong dumadaan sa bintana. Hindi
nagtagal, bigla siyang natawa na para bang may narinig siyang biro at
sumagot, "Hindi ako magkakaskit, sanay na ako."
Siguro dahil din sa mga pinagdaanan niya mula pagkabata, lumaki siya ng
may ilang personality issues: ayaw niyang nakikisalamuha sa iba, madalas
niyang iniiwas ang kanyang sarili, at mahirap siyang pakisamahan kaya
madalas naiinis lang ang mga taong nakikipagusap sakanya. Ayaw niya na
sanang magsalita pero hindi niya kayang itago ang lungkot na nararamdaman
niya.
Ito ang klase ng pakiramdam na hindi kayang tiisin ninuman, kaya sa kauna-
unahang pagkakataon, hindi niya na napigilan ang kanyang sarili na
magkwento sakanyang assistant ng tungkol sa kanyang pribadong buhay.
"Wala kang ideya kung ilang beses na akong naghintay para sakanya sa loob
ng sasakyan kagaya ng ginagawa ko ngayon."
Kagaya ngayon, nakaupo lang din siya sa loob ng sasakyan para bantayan si
Qiao Anhao na hindi niya na halos mabilang kung ilang beses niya na itong
ginawa.
Noong bata at wala pa siyang pera, alam niya na hindi niya kayang pasayahin
si Qiao Anhao kaya hindi niya binalak na ligawan ito. Pero may mga
pagkakataon na hindi niya mapigilan ang kanyang sarili sa kagustuhan niyang
makita ito kaya naghihintay siya ng matagal sa ground floor ng tinutuluyan
nito para lang masilip ito ng kahit pahapyaw . Pero madalang niya lang din
itong makita dahil hindi naman ito araw-araw na pumapasok sa school.
Pagkatapos 'nun, tuluyan na silang nawalan ng komunikasyon at naging
abala na rin siya sa pagfifilm kaya bihira nalang siyang pumunta sa Beijing,
pero sa tuwing nandoon siya, wala siyang ibang gagawin kundi maghintay sa
labas ng bahay ni Qiao Anhao. Minsan, naghihintay siya hanggang mag'gabi,
o kaya naman hanggang kinaumagahan ng sumunod na araw, pero may mga
pagkakataon din na higit isang araw pa siyang nakatayo lang sa labas at
kuntento na siya kahit likod lang nito ang makita niya.
Isang beses, araw ng kaarawan niya, walang bumati sakanya kahit isa at
dahil doon sobrang nalungkot siya at wala siyang ibang maisip na
makapagpapagaan ng kanyang loob kundi si Qiao Anhao kaya agad siyang
kumuha ng flight pabalik ng Beijing pero lalo lang siyang nalungkot dahil hindi
niya rin naman ito nakita.
Kaya ngayon, sanay na siya at kahit kailan ay hindi siya mapapagod na gawin
ito, madalas pa nga mas nagiging panatag siya sa tuwing hinihintay niya si
Qiao Anhao.
Ito ang unang pagkakataon na nakausap ng assistant si Lu Jinnian ng ganito
kalalim kaya hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Makalipas ang ilang
sandali, muli siyang nagsalita, " Mr. Lu, bakit hindi mo siya ligawan? May
laban ka naman kay Mr. Xu."
"May laban?" Inulit ni Lu Jinnian ang sinabi ng kanyang assistant habang
nanatiling nakatitig. Noong tatlong taong gulang palang siya, lumuhod ang
nanay niya sa labas ng mansyon ng mga Xu para magmakaawang tulungan
siyang mabuhay at simula noon, naging mas mababa na siya kay Xu Jiamu.
At higit sa lahat…
Pagpapatuloy ni Lu Jinnian, "Kahit ano pang ginawa sa akin ng nanay niya,
hindi 'nun kayang baguhin na siya nalang ang natitira kong pamilya."
Nang mamatay ang nanay ni Lu Jinnian noong labing isang taong gulang
palang siya, ipinamigay siya ng sarili niyang lolo sa Xu family. Noong mga
panahong iyon, hindi lang sina Han Ruchu at Xu Wanli ang hindi namamansin
sakaya dahil maging ang mga katulog sa masyon ng mga it ay ayaw din
siyang tignan. Tanging si Xu Jiamu lang ang nagiisang tumanggap at naging
mabait sakanya kahit anng iwas pa ang gawin niya.
Pagtungtong ng hating gabi, napakaraming nagbigay kay Xu Jiamu ng pulang
envelope na may lamang limpak limpak na salapi. Ang kabuuhan ng mga
natanggap nito ay di hamak na mas malaki kumpara sa iniwan ng nanay niya
para sakanya.
Samantalang siya ay walang natanggap na kahit ano.
Noong araw na iyon, itinapon ni Xu Jiamu ang lahat ng pulang envelope na
natanggap nito at nagbitaw ng salita na talagang bumaon sa puso niya: Kung
wala ang kapatid ko, ayoko nalang din.
Mula noon, itinuring niya ng kapoatid si Xu Jiamu.
Sa matagal na pananahimik ni Lu Jinnian, walang ideya ang assistant kung
anong tumatakbo sa isip nito.
Base sa pagkakakilala ng karamihan kay Lu Jinnian, napaka suplado at bihira
lang itong makisalamuha. Mukha rin itong walang pakielam sa mundo at sa
nararamdaman ng iba kaya walang gustong lumapit dito dahil nahihirapan
silang pakisamahan ito. Pero ang hindi alam ng lahat,
napakaramingpagsubok na ang pinagdaanan nito.
Kapag ang isang tao ay nakaranas ng kabutihan mula sa iba, tatak na ito ng
diretso sa puso at ang taong nagawan ng mabuti ay mananatili ng tapat na
handang umako ng lahat ng sakit na pwedeng maramdaman ng taong
gumawa ng mabuti sakanya.
Isinuko ni Mr. Lu ang karapatan nitong maging masaya dahil alam nito na
gusto rin ni Mr. Xu si Miss Qiao.
Dahil ayaw ni Mr. Lu na saktan ang kapatid nito.
Ito nalang ang umako ng lahat.
Parang may biglang bumara sa lalamunan ng assistant at medyo sumikip ang
dibdib niya kaya ilang sandali pa ang lumipas bago siya muling
makapagsalita. "Pero, Mr. Lu, marami pang pwedeng mangyari, hindi
pwedeng maghintay ka nalang. Bakit hindi mo kaya subukang maghanap
nalang ng iba…"
Oo, pwedeng may magustuhan pang iba si Mr. Lu at malaki ang posibilidad
na hindi na ito masaktan kapag nakahanap na ito ng ibang mamahalin.
Sumagot si Lu Jinnian na halatang walang kalaban-laban, "Pero ang ibang
mga babae…hindi sila si Qiao Anhao."
Nang marinig ng assistant ang sagot ni Lu Jinnian, hindi niya na alam kung
ano bang dapat niyang sabihin.
Muling nabalot ng katahimikan ang buong sasakyan at medyo matagal bago
muling nagsalita si Lu Jinnian para sabihan ang kanyang assistant na
magpahinga muna. Sa pagkakataong ito, agad na pumayag ang assistant at
tahimik na umalis.
Ibinaba ni Lu Jinnian ang bintana ng passenger seat para magsigarilyo
habang pinagmamasdan ang isang partikular na bintana sa ikalawang
palapag. Bakas sa mga mata niya ang matinding kalungkutan.
Ilang metro lang ang layo ni Qiao Anhao mula sakaya…Pero hindi niya
kayang umakyat.
Para bang kahit napakalapit niya na at anumang oras ay pwede niya na sana
itong hawakan, pero hindi niya pwedeng gawin.
Pakiramdam niya parang may isang mahabang pader ang nakapagitan
sakanila na kahit kailan ay hindi niya matatawiran.
-
Paubos palang ang pangalawang swero ni Qiao Anhao na ikinabit sakanya
kagabi kaya mga alas diyes ng gabi pa ito pwedeng palitan.
Buong magdamag na siyang binantayan ni Xu Jiamu kagabi kaya
nagdesisyon ito na umuwi muna sa hotel kasama si Han Ruchu para
makapagpahinga habang si Qiao Anxia at ang nanay naman nito ang
magbabantay sakanya ngayong gabi.
May lagnat pa rin si Qiao Anhao hanggang ngayon pero di hamak na mas
naging mabuti na ang pakiramdam niya at sa takot na baka mainip, naisapa
niyang hiramin hiniram muna ang phone ni Xu Jiamu para may
mapaglibangan.
Noong kinatanghalian, nagpadagdag si Xu Jiamu ng isa pang kama sa kwarto
ni Qiao Anhao. Pagsapit ng alas onse imedya, tumakbo si Qiao Anxia sa
isang convenience shop para bumili ng makakain habang natutulog sa
reserbang kama ang nanay niya.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES