May mga pagkakataon talaga na kahit anong gawin ng tao para itago ang
mga bagay-bagay, magkakaroon at magkakaroon pa rin talaga ito ng butas
para malaman ng iba.
Noong umattend si Xu Wanli ng isang dinner kasama ang ilang investors mula
sa entertainment industry, nalaman niya na naaksidente si Qiao Anhao
habang nagfifilm ng 'Heaven's Sword'.
Wala siyang ideya na si Qiao Anhao ang biktima kaya inisip niya na chismis
lang ang narinig niyang balita shanggang sa may isang investor ang lumapit
sakanya at kinumpiram na ang biktima sa aksidente ay walang iba kundi ang
kanyang daughter in law, pero para maiwasan ang problema, pinigilan ang
buong crew na pagusapan ito.
Hindi siya sigurado sa kredibilidad ng nakalap niyang balita, pero pagkauwi
niya binangit niya pa rin ito kay Han Ruchu na agad agad namang tumawag
sa nanay ni Qiao Anxia para malaman ang nangyari. Nang walang sumagot,
hindi na ito nagdalawang isip na tawagan si Qiao Anxia sa sobrang
pagaalala.
Kahit na sinigurado na ni Qiao Anxia na maayos na ang lagay ni Qiao Anhao
at wala ng dapat ipagaalala dahil nandoon naman si Xu Jiamu, hindi pa rin
mapanatag si Han Ruchu at ang nanay niya kaya agad agad na nagbook ng
flight ang mga ito ng sumunod na araw.
-
Noong gabing iyon, bumili ang assistant ng makakain para sa gabihan na
dinala niya sa loob ng sasakyan ni Lu Jinnian. Binuksan niya ang driver's
seat at umupo sa loob.
Kasalukuyang nakaupo si Lu Jinnian sa passenger seat at gamit ang bagong
phone na binili para sakanya ng kanyang assistant, tinitignan niya ang mga
company documents na natambak sakanyang email. Sa tabi niya, may
pagkain na para sana sakanyang tanghalian na hanggang ngayon ay hindi
niya pa rin nagagalaw.
Inilapag ng assistant ang kabibili niya lang na pagkain at itinapon niya ang
luma sa basurahan. Agad siyang bumalik sa driver's seat at sinabi, "Mr. Lu,
halos buong araw ka ng hindi kumakain. Kumain ka muna."
"Hindi ako gutom." Sagot ni Lu Jinnian na hindi manlang nagabalang tumingin
sakanyang assistant at nagpatuloy lang sa pagrereply sa mga email.
Muling nagpatuloy ang assistant, "Mr. Lu, may mga nagaalaga na kay Miss
Qiao. Sigurado ako na magiging maayos na ang lagay niya."
Imbes na pansinin ang sinabi ng assistant, lalo pang inilapit ni Lu Jinnian ang
kanyang phone sakanyang mukha bago siya muling magsalita, "May ilang
problema sa kontrata. Inindicate ko na yung mga kailangang baguhin at
nasend ko na rin sa email mo."
Dahil hindi napansin, napakamot nalang ang assistant sakanyang ilong at
napatingin sa isang bintana na nasa ikalawang palapag ng katapat nilang
gusali. Napabuntong hininga siya habang iniisip kung gaano nagalala si Lu
Jinnian noong nahimatay si Miss Qiao pero wala itong ibang magawa tumayo
nalang sa isang gilid dahil ang taong nasa tabi ni Miss Qiao ngayon ay
walang iba kundi ang fiancé nito.
Pero simula noong dumating ang nanay ni Mr. Xu, hindi na pwedeng makita si
Lu Jinnian sa loob ng ospital kaya napilitan nalang itong maghintay sa
sasakyan. Pagkagising na pagkagising ni Miss Qiao, agad niyang niyang
ibinalita kay Mr. Lu sa pagaakalang mapapanatag na ito at magpapahinga na
pero nagkamali siya dahil hanggang ngayon ay mukhang wala pa rin itong
balak na umalis.
Hindi na nagsalita ang assistant dahil ayaw niyang maistorbo si Lu Jinnian.
Nabalot ng matinding katahimikan ang buong sasakyan maliban nalang sa
paisa-isang pagsasalita ni Lu Jinnian habang nakikipagmeeting sa ibang
board members gamit ang phone nito.
Napakadilim ng kalangitan tuwing sumasapit ang gabi sa nasabing bayan.
Nang matapos na ni Lu Jinnian ang mga natambak niyang trabaho, dahan-
dahan siyang sumandal sa upuan. Habang minamasahe niya ang kanyang
noo, nakita niya ang kanyang assistant mula sa rear view mirror kaya bigla
siyang natigilan at sinabi, "Pwede ka ng umuwi."
Tanong assistant, "Kung ganon…paano ka, Mr. Lu?"
"Mag..." Sinilip ni Lu Jinnian ang isang bintana na nasa ikalawang palapag na
kasalukuyan ding tinitignan ng kanyang assistant at sinabi, "Maghihintay
muna ako dito."
Si Qiao Anhao ay nasa loob ng ospital samantalang siya ay nandito sa baba.
Alam niya na kahit maghintay pa siya hanggang sa makalabas ito ay hindi rin
naman siya pwedeng makalapit.
Malinaw sa assistant na wala siyang karapatang magsalita pero hindi talaga
kayang hindi magsalita sa sobrang pagaalala, "Mr. Lu, bakit hindi ka muna
bumalik sa hotel para makapagpahinga ka. Magdamag kang naghintay sa
hagdanan ng nakatayo at buong araw ka ng hindi nakakapagpahinga. Kapag
ipinagpatuloy mo yan, baka magkasakit ka."
Magkakasakit…Nakatitig lang si Lu Jinnian sa isang partikular na bintana na
nasa ikalawang palapag ng gusali. Nakabukas pa rin ang mga ilaw sa loob
nito at maya't-maya'y may mga aninong dumadaan sa bintana. Hindi
nagtagal, bigla siyang natawa na para bang may narinig siyang biro at
sumagot, "Hindi ako magkakaskit, sanay na ako."
Siguro dahil din sa mga pinagdaanan niya mula pagkabata, lumaki siya ng
may ilang personality issues: ayaw niyang nakikisalamuha sa iba, madalas
niyang iniiwas ang kanyang sarili, at mahirap siyang pakisamahan kaya
madalas naiinis lang ang mga taong nakikipagusap sakanya. Ayaw niya na
sanang magsalita pero hindi niya kayang itago ang lungkot na nararamdaman
niya.
Ito ang klase ng pakiramdam na hindi kayang tiisin ninuman, kaya sa kauna-
unahang pagkakataon, hindi niya na napigilan ang kanyang sarili na
magkwento sakanyang assistant ng tungkol sa kanyang pribadong buhay.
"Wala kang ideya kung ilang beses na akong naghintay para sakanya sa loob
ng sasakyan kagaya ng ginagawa ko ngayon."
Kagaya ngayon, nakaupo lang din siya sa loob ng sasakyan para bantayan si
Qiao Anhao na hindi niya na halos mabilang kung ilang beses niya na itong
ginawa.
Noong bata at wala pa siyang pera, alam niya na hindi niya kayang pasayahin
si Qiao Anhao kaya hindi niya binalak na ligawan ito. Pero may mga
pagkakataon na hindi niya mapigilan ang kanyang sarili sa kagustuhan niyang
makita ito kaya naghihintay siya ng matagal sa ground floor ng tinutuluyan
nito para lang masilip ito ng kahit pahapyaw . Pero madalang niya lang din
itong makita dahil hindi naman ito araw-araw na pumapasok sa school.
Pagkatapos 'nun, tuluyan na silang nawalan ng komunikasyon at naging
abala na rin siya sa pagfifilm kaya bihira nalang siyang pumunta sa Beijing,
pero sa tuwing nandoon siya, wala siyang ibang gagawin kundi maghintay sa
labas ng bahay ni Qiao Anhao. Minsan, naghihintay siya hanggang mag'gabi,
o kaya naman hanggang kinaumagahan ng sumunod na araw, pero may mga
pagkakataon din na higit isang araw pa siyang nakatayo lang sa labas at
kuntento na siya kahit likod lang nito ang makita niya.
Isang beses, araw ng kaarawan niya, walang bumati sakanya kahit isa at
dahil doon sobrang nalungkot siya at wala siyang ibang maisip na
makapagpapagaan ng kanyang loob kundi si Qiao Anhao kaya agad siyang
kumuha ng flight pabalik ng Beijing pero lalo lang siyang nalungkot dahil hindi
niya rin naman ito nakita.
Kaya ngayon, sanay na siya at kahit kailan ay hindi siya mapapagod na gawin
ito, madalas pa nga mas nagiging panatag siya sa tuwing hinihintay niya si
Qiao Anhao.
Ito ang unang pagkakataon na nakausap ng assistant si Lu Jinnian ng ganito
kalalim kaya hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Makalipas ang ilang
sandali, muli siyang nagsalita, " Mr. Lu, bakit hindi mo siya ligawan? May
laban ka naman kay Mr. Xu."
"May laban?" Inulit ni Lu Jinnian ang sinabi ng kanyang assistant habang
nanatiling nakatitig. Noong tatlong taong gulang palang siya, lumuhod ang
nanay niya sa labas ng mansyon ng mga Xu para magmakaawang tulungan
siyang mabuhay at simula noon, naging mas mababa na siya kay Xu Jiamu.
At higit sa lahat…
Pagpapatuloy ni Lu Jinnian, "Kahit ano pang ginawa sa akin ng nanay niya,
hindi 'nun kayang baguhin na siya nalang ang natitira kong pamilya."
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES