Biglang natigilan si Lu Jinnian, samantalang si Qiao Anhao naman ay tuluyan
ng nahimasmasan kaya dali dali siyang kumawala sa pagkakayakap nito.
Inayos niya ang kanyang damit at sumagot kay Madam Chen pero bago siya
lumabas, muli niyang sinilip si Lu Jinnian.
"May dalawang sasakyang nasa labas. Sabi nila nadito raw sila para sunduin
kayo…" Mungkahi ni Madam Chen habang nakaturo sa bakuran. Wala siyang
reaksyon noong una pero nang sandaling makita niya ang mga naghihintay
sakanya sa labas, hindi niya na napigilan ang kanyang sarili na mapangiti.
"Sis, Brother Jiamu!"
Si Lu Jinnian na nakasunod kay Qiao Anhao ay biglang natigilan nang marinig
niya ang mga pangalang tinawag nito. Medyo matagal bago siya sumunod
kaya nang sandaling makalabas na siya ng bahay, masaya ng
nagkwekwentuhan at nagtatawanan ang tatlo.
Siguro nabanggit na ni Qiao Anhao na nasugatan ito sa binti kaya agad itong
inalalayan ni Xu Jiamu papunta sa upuan na nasa ilalim ng puno kung saan
dahan dahan nitong itinaas ang pantalon ni Qiao Anhao para silipin ang sugat.
Mukhang naisip na ng mga ito na may posiblidad na may masugatan kaya
nagdala ang mga ito ng first aid kit na dali-daling kinuha ni Qiao Axia mula sa
sasakyan. Pagkabalik nito, agad na nilinisan ni Xu Jiamu ang sugat ni Qiao
Anhao bago ito lagyan ng gamot at balutan ng bandage.
Iniangat ni Xu Jiamu ang ulo nito at may tinanong kay Qiao Anhao na hindi
niya narinig pero nakita niyang ngumiti ito at umiling.
Sa pwesto ni Lu Jinnian, sakto ang sinag ng araw sa mukha ni Qiao Anhao
kaya medyo nasilaw siya at dahil hindi niya na rin kayang makita ang nasa
harapan iya, agad niyang ibinaling sa iba ang kanyang tingin. Nanatili lang
siyang nakatayo sa may pintuan na medyo balisa hanggang sa marinig niya
ang boses ng kanyang assistant na tinatawag siya, "Mr.Lu."
Bigla siyang nahimasmasan at napatingin kay Brother Chen at sa asawa nito.
Nagpasalamat siya sa dalawa bago siya tumingin sakanyang assistant na
nagmamadaling naglabas ng isang envelope.
Kinuha i Lu Jinnian ang envelope at ibinigay kay Brother Chen at sa asawa
nito. "Maraming salamat sa lahat ng ginawa niyo para sa amin. Tanggapin
niyo ito bilang kapalit kabutihang loob niyo."
Pagkakuha ni Brother Chen ng envelope, nakita niya ang limpak limpak na
salapi sa loob nito kaya bigla siyang tumanggi at ibinalik ito kay Lu Jinnia pero
biglang namagitan ang assistant nito para pilitin silang tanggapin ang evelope.
"Mr. Lu, aalis na ba tayo?" tanong ng assistant. Matapos magpasalamat ng
assistant sa mga Chen, agad siyang naglakad papunta kay Lu Jinnian na
nakatayo lang sa isang gilid bahay habang nakadungaw sa labas ng bahay.
Agad na ibinaling ni Lu Jinnian ang kanyang tingin at tumungo.
Nagmamadaling pinuntahan ng assistant ang tatlo na hanggang ngayon ay
nagkwekwentuhan pa rin para paalalahanan si Xu Jiamu, "Mr. Xu, pwede na
po tayong umalis."
"Sadlit lang, magpapaalam lang ako kay Brother Chen at sa asawa niya."
Tumayo si Qiao Anhao mula sakanyang kinauupuan at nagmamadaling
pumasok sa bahay.
Samantalang si Xu Jiamu naman ay hindi umalis sakanyang kinatatayuan at
tinawag si Lu Jinnian na nakatayo sa loob ng bahay.
Tumungo lang si Lu Jinnian bilang pagtugon sa bati ni Xu Jiamu at bigla
siyang napatingin kay Qiao Anhao na kalalabas lang ng bahay.
Medyo mabagal at paika-ikang maglakad si Qiao Anhao dahil sa sugat na
dalawang araw na nitong tinitiis.
Lalo pa siyang bumagal sa takot niyang mabasa ang mga sapatos niya dahil
may ilang parte pang baha na gawa ng katitila lang na ulan.
Limang metro palang ang nalalakad niya nang bigla siyang huminto.
Nagtataka si Qiao Anxia kung bakit siya tumigil kaya tinawag siya nito, "Qiao
Qiao?"
Imbes na lumingon kay Qiao Anxia, napahawak si Qiao Anhao sakanyang ulo
at noong sandali ring iyon, bigla nalang siyang bumagsak sa sahig.
"Qiao Qiao!"
"Miss Qiao!"
"Miss Qiao!"
Sabay sabay na napasigaw ang lahat sa sobrang gulat.
Si Lu Jinnian ang unang tumakbo papunta kay Qiao Anhao na agad ding
sinundan ni Xu Jiamu pero kahit gaano pa siya kabilis, di hamak na mas
malapit ang distansya ni Xu Jiamu mula kay Qiao Anhao kaya nauna pa pa rin
ito. Dali-dali itong lumuhod para alalayan si Qiao Anhao.
Tinapik ni Xu Jiamu ang mukha ni Qiao Anhao at sinubukan niyang tawagin ng
dalawang beses ang pangalan nito pero hindi niisag beses ay hindi ito
sumagot.
Biglang natigilan si Lu Jinnian sa kanyang pagtakbo at nagulat siya nang
makita na na namumutla ang mukha ni Qiao Anhao at kasalukuyang walang
malay sa mga braso ni Xu Jiamu.
Sa sobrang pagaalala niya, dali-dali siyang tumakbo papunta kay Qiao Anhao.
Nandoon na rin sina Brother Chen at ang asawa ito, Qiao Anxia at ang
assistant.
"Anong nangyari kay Miss Qiao? Bakit siya biglang nahimatay?" Nagaalalang
tanong ni Madam Chen sakanyang asawa.
"Qiao Qiao, Qiao Qiao!" Inalog ni Qiao Anxia ang balikat ni Qiao Anhao at
nagaalalang sinabi kay Xu Jiamu, "Xu Jiamu, bakit nakatulala ka pa jan?
Bilisan mo at dalhin mo na si Qiao Qiao sa ospital!"
Biglang nahimasmasan si Xu Jiamu nang marinig niya ang sinabi ni Qiao
Anxia kaya agad niyang binuhat si Qiao Anhao at nagmadaling lumabas ng
bahay.
Bago sumunod si Qiao Anxia, nagmamadali siyang nagpasalamat sa
magasawa, "Maraming salamat sa pagaalaga niyo kay Qiao Qiao."
Tumakbo siya palabas at pinilit niyang habulin si Xu Jiamu kahit sobrang taas
ng takong na suot niya. Habang binubuksan niya ang kanyang bag, bigla
niyang hinila ang pintuan ng sasakyan at itinulak si Xu Jiamu, na
kasalukuyang pinupwesto si Qiao Anhao sa loob ng sasakyan, at pautos
niyang sinabi, "Akin na ang susi. Ako na ang magmamaneho!"
Sa sobrang taranta ni Qiao Anxia, hindi niya na nahintay na mailabas ni Xu
Jiamu ang susi mula sa bulsa nito at hindi na siya nagdalawang isip na
kapkapan ito kaya bigla itong napasigaw, "Qiao Anxia, ano ba yang
hinahawakan mo?!"
Nang mahanap niya na ang susi, hindi niya sinagot ang tanong ni Xu Jiamu at
tinignan niya lang ito ng masama. Wala na siyang siayang na oras at dali-dali
siyang sumakay at pinaandar ang sasakyan.
"Bro, bilisan mo at sumunod ka nalang!" sigaw ni Xu Jiamu sa bakuran bago
siya sumakay sa sasakyan pero hindi niya pa man din naisasara ng maayos
ang pintuan, bigla ng inapakan ni Qiao Anxia ang accelerator kaya bigla silang
tumalon at nagsitalsikan sa mukha niya ang maduming tubig mula sa kalsada
kaya muli nanaman siyang napasigaw sa inis, "Qiao Anxia, pwede bang
kumalma ka!"
Biglang nagsara ng malakas ang pintuan ng sasakyan at tuluyan na itong
kumirapas ng takbo.
"Mr. Lu, susunod ba tayo sakanila?"
Biglang nahimasmasan si Lu Jinnian nang marinig niya ang tanong ng
kanyang assistant. Bakas sakanyang mga mata ang labis na kalungkutan kaya
yumuko siya para itago ito. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang mga
kamay na handa na sanang buhatin si Qiao Ahao para magpaalam kay Brother
Chen at sa asawa nito pero hindi niya kayang magasalita kaya tumungo
nalang siya at naglakad palabas sa bakuran.
Nakatingin lang ang magasawang Chen habang sumasakay sina Lu Jinnian at
ang assistant sa sasakyan pero hanggang sa putong iyon ay hindi pa rin
nagsasalita si Lu Jinnian kaya ang assistant nalang ang masigasig na
nagpaalam sa dalawa bago niya hinabol ang sasakyan kung nasaan si Qiao
Anhao.
Sinigurado ng assistant na halos kasabay lang nila ang sasakyan ni Qiao
Anxia hanggang sa tuluyan na silang huminto sa entrance ng isang
pampublikong ospital sa bayan.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES