Siguradong alam ni Han Ruchu na makukunan si Qiao Anhao sa ospital dahil
ito rin mismo ang naglagay ng sleeping pills sa swallow's nest.
Wala ng inaalala ngayon si Han Ruchu dahil nagising na ang anak nito pero
natatakot itong baka nagkagusto na sakanya si Qiao Anhao matapos nilang
magsama ng matagal, kaya naghanap ito ng butas para masira sila.
Noong mga panahong iyon, puro ang intensyon niya nang hindi niya sinabi
ang katotohanan dahil ayaw niyang masaktan si Qiao Anhao pero hindi niya
naisip na pwede pala 'yung gamitin laban sakanya.
Nangyari ang lahat dahil hindi natantsa ng maayos ang mga posibilidad.
Kung hindi pa nalaglag si Qiao Anhao sa bangin, hindi niya malalaman na
kinamumuhian pala siya nito.
Limang taon na ang nakakalipas, ang babaeng iyon ang nagtapon ng mga
bulaklak at cake na ipinadala niya para sa kaarawan ni Qiao Anhao.
Makalipas ang limang taon, sa kaarawan muli ni Qiao Anhao, siniraan naman
siya ng babaeng iyon para kamuhian siya ni Qiao Anhao.
Hindi niya alam na aabot sa kasukdulan ang kasamaan at galit sakanya ni Han
Ruchu.
Sa pagitan ng isang hindi kilalang nurse at ni Lu Jinnian na parehong
nagpaliwanag ng nangyari noong gabing iyon, mas pinili ni Qiao Anhao na
paniwalaan si Lu Jinnian. Wala siyang napansing kakaiba sa itsura nito at
nagtatakang nagtanong, "Bakit naman magsisinungalig ag nurse? Anong
motibo niya?"
Sa sobrang lalim ng pagiisip ni Lu Jinnian, hindi niya na napansin na nagsalita
si Qiao Anhao.
Makalipas ang ilang sandali, hindi pa rin siya sumagot kaya muling nagsalita
si Qiao Anhao, "Lu Jinnian?"
Biglang nahimasmasan si Lu Jinnian mula sa mga iniisip niya. Tumingin siya
kay Qiao Anhao at mahinahong sumagot, "Hindi ko rin alam…Pinaubaya ko na
kasi ang lahat sa assistant ko, pero may nabanggit siya na may nurse raw na
humihingi sakanya ng mas malaking halaga ng pera pero hindi niya lang daw
pinansin, yun siguro ang dahilan kung bakit siya pumunta sayo…"
So 'yun pala ang nangyari…Tumingin si Qiao Ahao kay Lu Jinnian para muling
humingi ng tawad. "Lu Jinnian, kahit ano pang nagyari, gusto ko lang humingi
ng tawad."
"Wala yun…" Natigilan si Lu Jinnian at biglang nanlisik ang kanyang mga
mata.
Paano maiintindihan ni Qiao Anhao ang mga nangyari kung may taong
gumagawa ng paraan para iligaw siya sa katotohanan.
Nasubaybayan na ni Han Ruchu ang paglaki ni Qiao Anhao at itinuring rin siya
nito na parang tunay anak kaya malaki ang posibilidad na hindi siya maniwala
kapag nalaman niya na ito ang pumatay ng kanyang anak.
Kung aamin si Lu Jinian ngayon, hindi kaya iisipin ni Qiao Anhao na
pinagbibintanangan niya lang si Han Ruchu?
Nagawa niya pang tiisin ang pangiinsulto at pananakit sakanya ni Han Ruchu
pero hinding hindi niya magagawang patawarin ang giawa nito sa anak nila at
sisiguraduhin niyang darating din ang araw na makakagati siya.
Ipinikit ni Lu Jinnian ang kanyang mga mata para subukang kalmahin ang
kanyang sarili bago siya muling sumagot ng mahinahon, "Sa totoo lang,
kasalanan ko din naman." Natigilan siya bago muling magpatuloy, "Gabi na,
matulog na tayo."
Medyo matagal silang nagusap kaya inaantok na rin talaga si Qiao Anhao.
Bandang huli, hindi niya kinayang labanan ang antok at tuluyan na siyang
nakatulog. Hindi nagtagal, naramdaman niya na parang may lumapit sakanya
at hinalikan ang kanyang noo.
Gumalaw ang mga kilay ni Qiao Anhao nang maamoy niya ang pamilyar na
amoy ni Lu Jinnian. Noong sadali ring iyon, narinig niya na parang may
bumulong sakanya, "Qiao Qiao, gusto kita, matagal na matagal na kitang
gusto."
Ngumiti si Qiao Anhao at ikiniskis niya ang kanyang ulo sa unan hanggang sa
tuluyan na siyang makatulog ng mahimbing.
Matagal na nakatitig si Lu Jinnian sa mukha ni Qiao Anhao at bago siya
bumalik sakanyang pwesto, dahan-dahan niya munang hinimas ang buhok
nito.
-
Kinaumagahan, ginising si Qiao Anhao ng kulog kasabay ng malakas na
pagbuhos ng ulan. Bigla siyang napabangon at nakita niya na wala na si Lu
Jinnian sa pwesto nito kaya naisipan niyang lumabas ng kwarto. Sa sala,
nakita ang asawa ni Madam Chen ba magisang nakaupo sa isang kahoy na
bangkito habang nagtatahi ng isang t-shirt na mukhang panlalaki.
"Miss Qiao, gising ka na?" Iniangat ng babae ang ulo nito para tignan si Qiao
Anhao. Walang pagdadalawang isip nitong inilapag ang t-shirt na hawak
paghandaan siya ng umagahan.
Hindi nakalimutang magpasalamat ni Qiao Anhao bago siya umupo. Hindi
nagtagal, muli niyang tinignan ang babae at nagtanong, "Nasaan ang iba?"
"Pumunta sila sa bundok para kumuha ng mga halaman."
Hindi na sumagot si Qiao Anhao at yumuko nalang siya para kumain. Noong
nasa kalagitnaan na siya, bigla nalang kumidlat na sinundan pa ng isang
nakakarinding kulog at paglakas ng ulan.
Biglang napatingin si Qiao Anhao sa pintuan. Nang makita niya na bumabaha
na sa labas buhat ng walang tigil na pagbuhos ng malakas na ulan, lalo pa
siyang nagalala at tuluyan ng nawalan ng gana kumain.
Noong napansin ni Madam Chen na nakatingin lang si Qiao Anhao sa labas,
ngumiti siya at pampablubag loob na sinabi, "Miss Qiao, wag kang magalala,
laging ganyan ang panahon dito, titigil din yan maya-maya."
Tumungo lang si Qiao Anhao pero hindi pa rin mapanatag ang puso niya.
Ngayon lang kasi siya nakaranas ng ganun kasamang panahon dahil sa
Beijing siya lumaki.
Naiintindihan ni Madam Chen ang pagaalala ni Qiao Anhao at dahil medyo
naiinip na rin siya kaya naisipan niyang magtanong, "Miss Qiao, saan ka
nanggaling?"
Habang pinagmamasdan ang masamang panahon, napakaraming tumatakbo
sa isip ni Qiao Anhao kaya wala sa sarili siyang sumagot, "Beijing."
"Oh Beijing, malaking siyudad yun. Kaya naman pala mukha kang mayaman."
Habang nagsasalita, ibinuhol ni Madam Chen ang sinulid bago niya ito kagatin
para maputol.
Biglang namutla si Qiao Anhao nang muli nanamang kumidlat. Sa
pagkakataong ito, lalo pa siyang kinabahan at nanginginig na ang buo niyang
katawan sa sobrang pagaalala.
Hindi na napigilan ni Madam Chen na matawa. "Miss Qiao, wag kang
magalala. Walang mangyayari sa asawa mo."
Asawa…Magpapaliwanag palang sana si Qiao Anhao nang makita niya na
may dalawang taong papalapit.
Natigilan siya at hindi niya na naituloy ang gusto niyang sabihin Dali dali
siyang tumayo at nakita niya si Brother Chen kasama si Lu Jinnian na
parehong nabalutan ng putik. Pero kahit na madumi, hindi maikakailang
mukha pa rin itong mayaman.
Tuluyan ng napanatag si Qiao Anhao nang makita niyang ligtas na nakabalik
si Lu Jinnian. Pero noong sadaling kakamustahin niya na sana ito, biglang
tumawa si Madam Chen.
"Buti naman at bumalik ka na Mr. Lu! Wala kang ideya kung gaano nagalala
sayo ang asawa mo noong nalaman niyang lumabas ka ng masama ang
panahon. Halos umiyak na siya sa sobrang pagaalala!"
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES