Nagmamadaling tumayo si Lu Jinnian na para bang may kailangan itong
gawing napaka importante kaya nagulat si Qiao Anhao at bigla siyang
natigilan sa pagsasalita. Tinignan niya si Lu Jinnian at nagtatakang
nagtanong, "Bakit?"
Itinuro ni Lu Jinnian ang labas ng kweba at kalmadong sinabi, "Tawag ng
kalikasan."
Hindi niya na nahintay na makasagot si Qiao Anhao at nagmamadali siyang
tumakbo palabas ng kweba.
Hindi na siya nagisip kung saan siya liliko at humito siya matapos niyang
maglakad ng halos limampung metro.
Dahil nagmamadali siyang tumakbo palabas, hindi niya na naibaba ang prutas
na kinakain niya. Kinagat niya ito para hindi mahulog at diukot niya ang
kanyang phone mula sakanyang bulsa. Nagbakasakali siyang buksan ito at
laking gulat niya nang bigla itong magliwanag. Hindi lang iyon dahil mayroon
din siyang sigal! Napakaraming texts sunod sunod na pumasok kaya walang
tigil itong tumunog.
Sa loob loob niya, naiinis siya sakanyang phone. Anong klaseng phone ba 'to?
Nagbukas pa talaga kahit matagal na 'tong nalublob sa tubig?
Napabuntong hininga si Lu Jinnian habang iniisip niya ang babaeng iniwan
niya sa kweba na walang ibang inaalala kundi kung paano sila makakahanap
ng paraan para makahingi ng tulong. Biglang may pumasok sakanyang isip
pero medyo nagalangan pa siya noong una bago niya tuluyang ihagis ang
kanyang phone.
Noong lumabas siya kahapon para kumuha ng mga prutas, napansin niya na
maraming harang sa loob ng kagubatan. Ang ibig sabihin lang nito, mayroong
malapita baryo rito at malaki ang posibilidad na may pupunta rito ngayon para
maghanap ng makakain. Sa oras na mangaso ang mga ito, pwede silang
sumama pero bago pa yun mangyari, kakailanganin pa nilang maghintay ni
Qiao Anhao ng ilang oras kaya pwede niya pa itong makasama ng mas
matagal…
Pagkabalik ni Lu Jinnian sa kweba, umupo siya sa torso at humarap kay Qiao
Anhao na kasalukuyan pa ring inuubos ang prutas. Hindi nagtagal, kalmado
siyang nagsalita para magtanong, "Bago ako umalis, ano nga ulit yung gusto
mong sabihin sakin?"
"Dala mo ba ang phone mo?"
Hindi nagsinungaling si Lu Jinnian, "Oo dala ko."
Biglang nagkaroon ng pagasa ang mga mata ni Qiao Anhao: "Bilisan mo,
ilabas mo na. Tignan natin kung gumagana pa. Kapag nagbukas yan,
makakahingi na tayo ng tulong!"
"Sige." Tumungo si Lu Jinnian at dali-dali niyang kinapa ang kanyang bulsa.
Pero biglang kumunot ang kanyang noo at sinubukan niya ring kapain ang isa
niya pang bulsa. Paulit ulit niyang kinapa ang lahat ng bulsa pwede niyang
kapain bago niya muling tignan si Qiao Anhao na para bang naiinis siya…
Kalmado siyang nagsalita para hindi ito masyadong magalala, "Baka nasa
jacket."
Matapos niyang magsalita, nagmamadali siyang naglakad papunta sa isang
gilid para damputin ang kanyang jacket. Sinubukan niyang kapain ang lahat ng
bulsa nito habang si Qiao Anhao naman ay puno ng pagasang nakatingin
sakanya. Noong sandaling ding iyon, inilabas niya ang kanyang wallet mula
rito ng sobrang bagal.
Muling kumunot ang kanyang noo at tumayo. Pinagpag niya ang pantalon niya
at nagtatakang nagsalita na para bang kinakausap niya ang kanyang sarili.
"Ang weird naman, ang alam ko dala ko ang phone ko."
Halatang nadismaya si Qiao Anhao pero sinubukan niya pa ring tulungang
magisip si Lu Jinnian. "Baka nalaglag noong tumalon ka sa sapa?"
Tumungo si Lu Jinnian at pampalubag loob na sumangayon, "Baka nga…"
Pagsapit ng tanghali, nangyari ang inaasahan ni Lu Jinnian. May dumating na
dalawang lalaki sa kweba: isang matanda at isang hindi pa masyadong
matanda. May dala ang mga itong baril na ginagamit sa pangangaso habang
sa kabilang kamay ay may hawak an mga ito ng iba't-ibang klase ng mga
patay na hayop.
Bakas sa mga mukha nito ang matinding pagkagulat na makakita ng buhay na
tao sa loob ng isang abandonadong gubat. Pero an mas ikinagulat ng mga ito
ay ang kasuotan ni Qiao Anhao na parang kawangis ng sa mga sinaunang tao.
Hindi makagalaw ang mga nna para bang nakakita ng halimaw ang mga ito.
Nakampante lang ang dalawa nang ipaliwanag ni Lu Jinnian ang nangyari
sakanila. Ang mga mangangaso ay hindi nagalinlangang pumayag na tulungan
silang makauwi.
Hindi kayang maglakad ni Qiao Anhao dahil masyadong masukal ang daan sa
gubat sabayan pa ng sugat niya sa paa kaya nagdesisyon si Lu Jinnian na
buhatin nalang siya.
Maputi na ang buhok at ang mahabang balbas ng matandang lalaki pero di
maikakaila na mabilis at maliksi pa rin itong kumilos na pa bang hindi hadlang
dito ang edad. Pero bigla itong bumagal nang makita nito na pinasan ni Lu
Jinnian si Qiao Anhao at inalalayan din nito ang dalawa noong medyo kumipot
ang daan.
Nalaman ni Qiao Anhao na mag'ama pala ang dalawang lalaki. Wala
masyadong imik ang matandang lalaki samantalang ang mas batang lalaki
naman ay di hamak na mas makwento. Masigasig nitong sinabi na buti nalang
daw at nasaktuhan sila ng mga ito dahil kadalasan, tatlo hanggang limang
araw ang pagitan ng pagpunta ng mga ito sa gubat. Kung nagkataong
napaaga ang mga ito ng dating, malamang kakailanganin nilang maghintay ng
tatlo o apat na araw.
Makalipas ang tatlong oras na paglalakad, sa wakas at nakarating na sila sa
baryo ng dalawang lalaki, Maliit lang at puno ito ng mga bahay na gawa lang
sa kahoy.
Habang naglalakad, nakita ng mga mangangaso ang sugat ni Qiao Anhao
kaya sa pagamutan sila unang pumunta nang sandaling tumuntong sila sa
baryo.
Ang nasabing pamayanan ay masyadong liblib na napapalibutan ng marami ng
bundok dito. Ang mga daan ay mukhang kagagawa lang at hindi pa ito ganun
ka'asensado. Maging ang pagamutan nila ay gumagamit pa rin ng mga lumang
kagamitan at mayroon lang silang iisang doktor na naglapat sa sugat ni Qiao
Anhao ng paunang lunas.
Matapos magamot ang kanyang sugat, walang alinlangan silang sinama ng
dalawang sa tinitirhan ng mga ito. Pagkapasok nila sa bahay, may mas batang
lalaki na sumalubong sakanila. Hindi nagtagal, may sumunod pang isang
babae na sa wari nila ay halos kaedad ng anak ng matandang mangangaso.
Gulat na gulat ang mga ito nang sandaling makita sila kaya agad na
ipinaliwanag asawa nito ang nangyari. Noong sadali ring iyon, masigasig na
niyaya ng babae na kumain muna sina Qiao Anhao at Lu Jinnian.
Hindi inaasahan ng babae na may darating silang mga bisita kaya nagdagdag
siya ng dalawang pakete ng noodles sa pagaalala na baka kulangin ang mga
pagkain na inihanda niya.
Pagkatapos nilang kumain, hinatid sila ng babae sa kanluran ng bahay. Itinuro
nito ang isang kwartong inihanda nito para sakanila.
Lupa lang ang sahig ng kwarto at wala rin ito masyadong kagamitan sa loob.
Bagong laba ang kubrikama pero mukhang nasira na ito noon at tinahi lang
para magamit pa.
Sa tabi ng kama, mayroong isang maliit na lamesang kahoy na may
nakapatong a isang pitchel ng tubig at dalawang kulay itim na baso. Halatang
hindi pa nagagamit ang mga baso simula noong binili ang mga ito.
Hindi na nagtagal ang babae dahil ayaw nitong maistorbo sila sakanilang
pagpapahinga pero sinabihan sila nito bago lumabas ng kwarto na huwag
silang mahihiyang magsabi kung may iba pa silang kailangan.
Parehong pagod sina Qiao Anhao at Lu Jinnian dahil hindi maganda ang
naging pagpapahinga nila sa kweba. Bukod pa rito ang pagod na inabot ni Lu
Jinnian nang buhatin niya ng tatlong oras si Qiao Anhao, kaya hindi na sila
nahirapan pang matulog ng mahimbing nang sandaling humiga sila sa kama.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES