App herunterladen
46.76% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 455: Bakit ayaw mo sa anak ko? (16)

Kapitel 455: Bakit ayaw mo sa anak ko? (16)

Redakteur: LiberReverieGroup

Naiiyak nanaman si Qiao Anhao. Niyakap niya ang leeg ni Lu Jinnian at sumandal siya sa dibdib nito.Makalipas ang ilang sandaling pananahimik, unti-unti niyang inangat ang kanyang ulo at bumulong sa tenga nito, "I'm sorry."

Kahit mahina ang pagkakasabi ni Qiao Anhao, malinaw pa rin itong narinig ni Lu Jinnian. Hindi siya sumagot, bagkus lalo niya pang hinigpitan ang pagyakap dito.

Hindi na rin nagsalita si Qiao Anhao. Sa gitna ng walang katao-taong lugar, wala silang ibang maramdaman kundi ang saya sa yakap ng bawat isa.

Sa wakas, tumila na rin ang ulan makalipas ang ilang sadaling pagbuhos nito. Muli nanamang nabalot ng katahimikan ang buong kagubatan at ang tanging maririnig nalang ay ang mga lumalagatik na tunog na nanggaling sa apoy.

Noong sandaling kumalma na si Qiao Anhao, muli niyang inisip ang mga sinabi ni Lu Jinnian. Dahan-dahan niya itong tinignia at sinabi, "Lu Jinnian, bakit namatay ang bata?"

Biglang natigilan si Lu Jinnian at naalala niya ang swallow's nest na ibinigay ni Han Ruchu. Magkahalong poot at paghihinagpis ag bumakas sakanyang mga mata pero pinilit niyang magmukhang kalmado sa harap ni Qiao Ahao.

Biyenan ni Qiao Anhao si Han Ruchu, ang nanay ng taong mahal nito…Kung malalaman nito ang katotohanan, sigurado siya na magkakaroon ng lamat ang relasyon ni Qiao Anhao at Xu Jiamu…Kaya lang naman ito sinaktan ni Han Ruchu ay dahil sakanya, siya talaga ang may kasalanan…

Walang emosyong nagsalita si Lu Jinnian para magpaliwanag, "Kritikal ang unang tatlong buwan ng pagbubuntis, kaya madaling malaglag ang bata. Noong mga panahong iyon, nagfifilm ka pa kaya kulang ka sa nutrisyon at pahinga na naging dahilan kung bakit nangyari yun."

Naalala ni Qiao Anhao noong nagsusuka siya. Akala niya normal lang 'yun dahil sakanyang gastric problem, pero habang iniisip niya ngayon, naintindihan niya na dahil pala 'yun sakanyang pagbubuntis. Noong mga sumunod na araw, bigla nalang huminto ang kanyang pagsusuka kaya akala niya gumaling na siya, pero dahil pala yun sa pagkamatay ng kanyang anak…

Kung nakinig lang sana siya kay Lu Jinnian na magpatingin kaagad sa ospital, baka hindi namatay ang anak nila na naging dahilan pa ng maling pagkakaintindi niya sa mga nangyari.

Ilang sadali ring nanahimik si Qiao Anhao habang iniisip ang mga bagay-bagay bago siya muling magtanong, "Lu Jinnian, bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?"

Hinang hina na si Lu Jinnian. Sumadal siya sa pader ng kweba habang nakatitig sa apoy. "Qiao Qiao, ayaw kitang maging malungkot."

Wala akong ibang intensyon, ayoko lang maramdaman mo ang sakit na naramdaman ko noong araw na 'yun.

Gusto kong akuin nalang ang lahat ng sakit na posible mong maramdaman.

Nagaalala siya na baka sobrang malungkot si Qiao Anhao kaya hindi niya sinabi. Hindi dahil ayaw niya sa bata…Hindi nanaman mapigilan ni Qiao Anhao ang kanyang emosyon kaya muli nananaman siyang naging mangiyak niyak. Pabulong siyang nagsalita, "I'm sorry."

Hinintay ni Qiao Anhao na sumagot si Lu Jinnian pero nang hindi ito sumagot, muli siyang nagtanong, "Lu Jinnian, galit ka ba sa akin?"

Hindi na kayang pigilan ni Lu Jinnian ang kanyang ubo kaya iilabas niya muna ito bago siya magtaong, "Huh?"

"Galit ka ba sa akin kasi mali yung inisip ko?" Muling inulit ni Qiao Anhao ang kanyang pagtatanong sa sobrang pagaalala.

"Hndi…"

Bago pa matapos ni Lu Jinnian ang gusto niyang sabihim, bigla nalang siyang natumba kay Qiao Anhao.


Kapitel 456: Bakit ayaw mo sa anak ko? (17)

Redakteur: LiberReverieGroup

Nalaglag kay Qiao Anhao ang lahat ng bigat ni Lu Jinnian kaya muntik na rin

siyang matumba. Sinilip niya ang mukha nito at nakita niya ang noo nitong

nakabalot ng tela at ang napakaputla nitong mga labi. Doon niya lang naalala

na inaapoy nga pala ito ng lagnat bago sila magusap kaya dali dali niyang

kinapa ang noo nito at naramdaman niya na di hamak na mas mainit na ito

ngayon kumpara kanina.

Siguro dahil matagal itong nababad sa tubig at lumabas din ito ng walang

pangitaas para kumuha ng mga panggatong kaya ito nagkasakit.

Biglang bumigat ang pakiramdam ni Qiao Anhao. Dali-dali siyang kumawala sa

pagkakayakap nito at ginawa niya ang lahat para madala ito sa banig. Hindi

niya inalintana ang masakit niyang binti para lang maihiga ng maayos si Lu

Jinnian.

Kinumutan niya rin ito gamit ang jacket at para uminit ang kweba, dinagdagan

niya ng mga tangkay ang apoy para mas lumakas ito.

Medyo matagal ding umulan kaya malamig ang kapaligiran. Nang umihip ang

hangin, ramdam na ramdam sa loob ng kweba ang lamig na buhat nito.

Nakakunot ang noo ni Lu Jinnian habang nakahiga sa banig at halatang hindi

siya mapakali sa sobrang sama ng pakiramdam niya. Habang walang malay,

nangiginig siya sa sobrang ginaw.

Tumayo si Qiao Anhao sa harapan ni Lu Jinnian sa pagbabakasakalig

mahaharangan niya ang hangin pero patuloy pa rin itong nanginginig sa

sobrang lamig. Maging ang paghinga nito ay nanghihina na rin habang patuloy

lang ito sa pagbulong.

Inilapit ni Qiao Anhao ang kanyang tenga sa bibig ni Lu Jinnian para pakinggan

ang sinasabi nito. Makalipas ang ilang sandali, napagtanto niya na ang paulit

ulit pala nitong sinasabi ay ang salitang "Malamig."

Hindi na siya nagdalawang isip pa at dali-dali niyang hinubad ang kanyang

costume para ikumot kay Lu Jinnian kaya nang muling umihip ang hangin bigla

siyang nakaramdam ng matinding ginaw.

Dalawa na ang damit na ipinatong niya kay Lu Jinnian pero hindi pa rin ito

sapat dahil hanggang ngayon ay giniginaw pa rin ito….

Sinilip ni Qiao Anhao ang apoy bago siya tumingin sa labas ng kweba. Ano

kaya ang maari niyang makuha sa kagubatan na pwedeng magbigay ng init kay

Lu Jinnian?

Naramdaman niya ang nagyeyelo sa lamig na mga kamay ni Lu Jinnian noong

sinubukan niyang pakinggan ang binubulong nito. Hindi siya mapakali at gusto

niyang makaisip ng paraan para bigyan ito ng init. Noong sandali ring iyon,

biglang may pumasok sa isip niya at dali-dali niyang hinubad ang lahat ng suot

niya. Sumisiksik siya sa tabi ni Lu Jinnian at nagmamadaling inayos ang mga

damit na nakapatong dito para pareho silang makumutan. Hindi siya

nagalinlangang yakapin ito para gamitin ang sarili niyang init bilang solusyon sa

matinding pagkaginaw nito.

Makalipas ang ilang sandaling pagyakap ni Qiao Anhao kay Lu Jinnian, unti-unti

ng tumigil ang panginginig nito at medyo uminit na rin ang kamay nito. Bumagal

na rin ang paghinga nito na sa wari niya ay mukhang nakatulog na. Sa mga

oras na ito, napanatag na si Qiao Anhao at sumandal siya kay Lu Jinnian sa

sobrang pagod hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog.

-

May napanaginipan si Lu Jinnian, nakahiga raw sila ni Qiao Anhao at parehong

nakahubad. Base sa naalala niya, parehong pareho ang balat nito sa nakikita

niya ngayon sakanyang panaginip. Ang malambot at makinis nitong balat na

labis na nakakapang'akit. Noong mga sandaling iyon, hindi niya na talaga

kayang pigilan ang kanyang sarili kaya bigla niya itong hinalikan.

Kakaiba ang pakiramdam niya at parang sabik na sabik siya kay Qiao Anhao

hanggang sa tuluyan ng may nangyari sakanila.

Naririnig niya ang pagbilis ng kanyang hininga at naramdaman niya na parang

unti-unting nagiinit ang kanyang buong katawan.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C455
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES