Ilang beses na sinabi ni Qiao Anhao ng pabulong, "Sinong nagbigay sayo ng karapatan?" Tumingala siya sa kisame habang paulit ulit niyang pinupunasan ang mga luha niyang walang tigil sa pagbuhos. Hindi nagtagal, ibinaling niya ang kanyang tigin sa labas para pagmasdan ang ulan.
Unti-unti, inalala niya kung paano siya nahulog kay Lu Jinnian. Umuulan din noong araw na yun kagaya ngayon. Parang may biglang tumusok sa puso niya kaya hindi niya nanaman napigilan ang sarili niya at muli nanaman siyang umiyak.
Sa pagkakataong ito, tumahan din siya kaagad. Matapos niyang mahimasmasan, tinitigan niya si Lu Jinnian ng may mga pilikmatang basang basa ng luha. Hindi niya mapigilan ang bugso ng kanyang damdamin kaya muli siyang nagsalita, "Lu Jinnian, seryoso, naiintindihan ko naman kung bakit mo 'yun ginawa. Asawa ako ni Xu Jiamu sa pangalan kaya hindi talaga pwedeng mabuhay ang bata. Pero kahit naiintindihan ko ang intensyon mo, hindi pa rin kita magagawang patawarin.
"Kaya ko ring maging kasing sama mo…"
Pahina ng pahina ang boses ni Qiao Anhao. Ang buong akala niya noon ay wala ng papantay sa sakit na nararamdama ng taong hindi kayang magmahal, pero nagbago ang lahat ngayon dahil napagtanto niya na mas masakit pala ang katotohanan na kahit sinaktan na siya ng sobra ni Lu Jinnian pero hindi niya pa rin kayang pigilan ang kanyang pagmamahal para rito.
Yumuko siya sa pagitan ng kanyang mga tuhod at malungkot niyang sinabi, "Kung mabait ka lang sa akin dahil nakokonsensya ka, wag ka ng mag'abala dahil hindi ka na makakabawi sa ginawa mo…"
Gulat na gulat si Lu Jinnian sa mga sinabi ni Qiao Anhao, at ngayon niya lang naproseso ang tunay na nangyari. Alam na ni Qiao Anhao ang tungkol sa abortion? Pero binayaran niya na ng malaki ang mga doktor at nurse para hindi magsalita ang mga ito…
Habang iniisip niya kung paano nalaman ni Qiao Anhao, bigla niyang narinig ang huling sinabi nito: "wag ka ng mag'abala dahil hindi ka na makakabawi sa ginawa mo…"
Bigla siyang nagkaroon ng pagasa at walang pagdadalawang isip na sinabi, "Gusto mong layuan kita dahil iniisip mo na ipinalaglag ko ang bata?"
Hindi inaasahan ni Qiao Anhao ang naging tanong ni Lu Jinnian. Sa sobrang galit niya, napahawak siya ng mahigpit sa kanyang kwelyo at hindi niya kayang tumingin kay Lu Jinnian dahil nagbabadya nanamang tumulo ang kanyang mga luha. Hindi nagtagal, muli siyang nagsalita na puno ng poot, "Pinatay mo ang anak ko…"
Dahil sa sagot ni Qiao Anhao, medyo nainis si Lu Jinnian kaya bigla niyang hinawakan ang balikat nito at muling nagtanong. "Qiao Qiao, sagutin mo muna ang tanong ko. Gusto mo akong layuan dahil sa bata?"
Muling yumuko si Qiao Anhao sa pagitan ng kanyang mga tuhod at sinubukan niyang kumawala mula sa pagkakawak ni Lu Jinnian.
Pero pang hinigpitan ni Lu Jinnian ang kanyang pagkakahawak at muling nagtanong, "Sagutin mo ako…"
Bago pa siya matapos sakanyang pagtatanong, biglang iniangat ni Qiao Anhao ang ulo nito at galit na galit na sinabi, "OO!"
Sapat na ang isang salitang sinabi ni Qiao Anhao. Bumakas sa mukha ni Lu Jinnian ang isang masayang ngiti at dali-dali niya itong hinila para yakapin ng mahigpit.
Lumong lumo at parang mamatay na si Qiao Anhao samantalang si Lu Jinnian ay nagawa pang ngumiti? Hindi naman talaga mabilis magalit si Qiao Anhao pero dahil sa ipinakita nito, hindi niya napigilan ang kanyang sarili na mainis. Pinilit niyang manlaban para makawala pero lalo lang hinigpitan ni Lu Jinnian ang pagkakayap sakanya na parang balak nito na magdikit na sila.
Lalo pa siyang nainis kaya naisipan niyang kagatin ang balikat ni Lu Jinnian.
Napagalaw si Lu Jinnian nang maramdaman niya ang kagat ni Qiao Anhao pero wala pa rin siyang balak na pakawalan ito.
Dahil sa sobrang inis na hindi siya makawala, wala ng ibang magawa si Qiao Anhao kundi umiyak nalang at ang kanyang buong katawan ay nangiginig. Noong puntong pakiramdam niya ay parang mamatay na siya sa sobrang sakit, bigla niyang narinig ang bulong ni Lu Jinnian.
"Qiao Qiao, totoong nakunan ka at pumirma talaga ako sa abortion papers, pero wala na akong pagpipilian dahil ang bata ay…"
Ang buong akala niya ay ayaw talaga sakanya ni Qiao Anhao at ngayon niya lang naintindihan na dahil pala ito sa bata.
Halo halo ang mga naramdaman ni Lu Jinnian kaya halos mamatay na siya sa sobrang pagod.
Sa pagkakataong ito, muling napalitan ng lumbay ang kanina'y kaligayahan na nararamdaman niya nang sandaling banggitin niya ang tungkol sa bata. Pabulong siyang nagpaliwanag, "Noong lumabas ang report, sinabi roon na isang linggo ng patay ang bata."
Nagulat si Qiao Anhao sa narinig niya kaya bigla siyang napahinto sa pagkagat kay Lu Jinnian.
"Qiao Qiao, noong dumating ako sa Mian Xiu Garden, dinudugo ka na. Hindi ko alam kung anong nangyari sayo kaya sinugod kita sa ospital…Noong oras na iyon, masama na raw ang lagay mo at kailagan mong maoperahan kaagad.." Hanggat maari, ayaw na sanang maalala ni Lu Jinnian ang nangyari noong gabing iyon dahil kahit hanggang ay may mga pagkakataon pa rin na napapaaginipan niya ito. "Qiao Qiao, patawarin mo ako kung hindi ko naprotektaha ang anak natin kagaya ng dapat na ginagawa ng isang ama."
Ilang beses na kumurap si Qiao Anhao. Dahan-dahan niyang inalis ang kanyang bibig sa balikat ni Lu Jinnian at gulat na gulat siyang tumingin dito. "Namatay sa sinapupunan ko?"
Bahagyang tumungo si Lu Jinnian at nagpatuloy sa pagaalalang baka hindi siya pinaniniwalaan ni Qiao Anhao. "Nasa akin ang lahat ng reports, kung hindi ka naniniwala sa akin, pwede mong tignan ang mga yun kapag nakabalik na tayo."
Patay na ang anak niya? Kaya pinirmahan ni Lu Jinnian ang mga abortion papers? Ibig sabihin, mali lang ang pagkakaintindi niya?
Napakabait ng trato nito sakanya nitong mga nakaraang araw…Pero wala siyang ibang ginawa kundi balewalain lang ang mga ito at umiwas…Kanina lang, marami siyang nasabing masasakit a salita…
Nagsisisi at nahihiya siya sa mga nagawa niya. Sumandal siya sa balikat ni Lu Jinnian at sinilip niya ang parte na kinagat niya kanina…Nagkaroon pala ito ng pasa.
Napayuko nalang siya sa sobrang kahihiyan. Hinimas niya ang pasa nito at pabulong na nagtanong, "Masakit ba?"
Sobrang namumutla na ang mukha ni Lu Jinnian pero nagawa niya pa ring umiling. "Hindi masakit."
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES