Nagaalala si Lu Jinnian. Sa pagkakaalam niya, ayos naman ang lahat kanina kaya hindi maintindihan kung bakit bigla nalang itong umiyak. "Qiao Qiao…"
Bago niya pa masabi ang gusto niyang sabihin, biglang nagtanong si Qiao Anhao habang umiiyak.
"Bakit ka tumalon?"
Matapos niyang masabi ang kanyang tanong, muling naramdaman ni Qiao Anhao na parang biglang sumikip nanaman ang kanyang dibdib.
Nitong mga nagdaang linggo, ginawa na ni Qiao Anhao ang lahat para pigilan ang nararamdaman niya para kay Lu Jinnian, pero ngayon hindi niya talaga kaya.
Pinagmasdan lang siya ni Lu Jinnian: hindi siya mapakali at nanginginig ang kanyang mga labi habang inuulit ang kanyang tanong. "Lu Jinnian, bakit ka ba nagaalala sa akin? Bakit ka tumalon para iligtas ako?"
Tuloy-tuloy ang pag'agos ng mga luha sa mukha ni Qiao Anhao habang si Lu Jinnian naman ay nagaalalang nakakatitig sakanya. Hindi alam ni Lu Jinnian kung anong gagawin niya at dahil sa kanyang lagnat, hindi siya masyadong makapagisip ng maayos kaya noong sandaling magsasalita sana siya ay agad din siyang natigilan at hindi nalang ito itinuloy.
Lalo pang umiyak si Qiao Ahao kaya dali-dali niyang pinunasan ang mga luha niya, na mukhang walang balak tumigil sa pagbuhos, gamit ang kanyang mga kamay. Kinagat niya ang kanyang labi at tinitigan si Lu Jinnian habang nagpipigil ng luha. Huminga siya ng malalim at muling nagsalita, "Alam mo ba kung gaano ko a kagustong mawala ka sa buhay ko!"
Walang nagbago sa reaksyon ni Lu Jinnian na para bang wala siyang pakielam sa narinig niya, pero ang hindi alam ni Qiao Anhao ay sobrang higpit na ng hawak niya sa lupang naipon niya sakanyang kamay sa sobrang sakit.
"Wala na tayo, hindi teka, hindi naman talaga naging tayo, pero ngayon, hindi na tayo magkakilala…Wala kang ideya kung gaano kahirap para sa akin na iwasan ka…" Habang patuloy na nagsasalita si Qiao Anhao, lalo lang sumisikip ang kanyang dibdib. Noong sandali ring iyon, bigla nalang siyang nagmakaawa kay Lu Jinnian, "Lu Jinnian, nagmamakaawa ako sayo, pwede bang tantanan mo na ako…Hindi mo alam kung gaano kasakit at kalungkot sa tuwing nakikita kita…"
Nakaluhod sa sahig si Qiao Anhao habang walang tigil na umiiyak.
Hindi alam ni Lu Jinnian na nasasaktan niya pala si Qiao Anhao. Matapos nitong makipaghiwalay at iwanan siya, patuloy parin siyang umaasa rito at hanggat maari ay gusto niyang palagi itong samahan at alagaan.
Kung dati, nagagawa pang iwasan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian, pero ngayon… Tumalon ito sa bangin para sundan siya, ginamot ang kanyang sugat, ibinigay sakanya ang damit nito, sumugod sa ulan para maghanap ng pagkain at panggatong, tiniis ang lamig para makatulog siya ng mahimbing, at ngayon ayaw nitong magalala siya kahit pa sobrang taas na ng lagnat nito.
Kung talagang gusto gumawa ng masama sakanya ni Lu Jinnian, bakit hindi nalang ito manitiling masama para maging mas madali para sakanya na kalimutan ito? Bakit kailangan pa nitong maging mabait sakanya matapos nitong gumawa ng isang kasuklamsuklam na bagay? Dahil sa mga ikinikilos nito, sobrang nalilito na ngayon ang puso niya dahil parehong galit at pagmamahal ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay parang mababaliw na siya…
Biglang nablangko ang isip ni Lu Jinnian at wala na siyang ibang marinig kundi ang pag'iyak nito. Sa tuwing humihikbi ito, parang dinudurog ang kanyang puso.
Paulit ulit niyang naririnig sakanyang isipan ang sinabi nito sakanya at parang pinapatay siya sa tuwing mangyayari ito.
Sanay na si Lu Jinnian na insultuhin ng iba dahil simula pagkabata niya ay madalas niya na itong nararanasan. Maging ang mismong tatay niya ay sinabihan rin siya noon ng masasakit na salita, pero wala sa mga ito ang papantay sa sakit na nararamdaman niya ngayon.
Gusto niya sanang sumagot pero hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Wala siyang ibang magawa kundi panatilihing kalmado ang kanyang itsura para ipakita na hindi siya apektado.
Matapos ang ilang sandali, unti-unting tumahan si Qiao Anhao pero nanginginig pa rin ang kanyang mga pilikmata.
Natatakot si Lu Jinnian na umamin ng kanyang tunay na nararamdaman dahil baka tuluyan lang mawala sakanya si Qiao Anhao kaya mas pinili niyang palihim itong samahan.
Walang problema kung hindi na talaga sila pwedeng bumalik sa dati.
Pero para sakanya, si Qiao Anhao lang ang tanging nagbigay sakanya ng pagasa at ang nagiisang tao na nagpakita sakanya ng tunay na ganda ng buhay.
Maraming pagkakataon na makita niya lang ang ngiti nito at nabubuo na ang araw niya.
Pero ang ibig sabihin ng simpleng hiling nito sakanya ay walang iba kundi ang kawalan ng pagasa ng kanyang pangarap.
Mangiyak ngiyak ang mga mata ni Lu Jinnian kaya yumuko siya para pigilan ang kanyang mga luha. Makalipas ang ilang sandali, muli niyang iniangat ang kanyang ulo at walang emosyon na tumingin kay Qiao Anhao.
Qiao Qiao, alam mo ba? Ikaw ang mahal ko na handa kong pagalayan ng buong buhay ko.
Bahagya siyang ngumiti at kitang kita sakanyang mukha ang kalungkutan na kasalukuyan niyang nararamdaman. Sa mga oras na ito, handa na siyang sabihin na aalis na siya sa buhay nito.
-
Kanina pa umiiyak si Qiao Anhao pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tuluyang nailalabas ang kanyang sama ng loob kaya patuloy pa ring naninikip ang kanyang dibdib.
Sobrang nagalit siya noong nakita niya ang pangala ni Lu Jinnian sa abortion form. Bigla siyang nanghina pero wala siyang sapat na lakas ng loob na magtanong kung bakit kailangan nitong patayin ang anak niya dahil natatakot siyang baka dumiretso siya sa impyerno kapag narinig niya ang sagot nito.
Pero inaasahan na ang kaduwagan niya ang magdudulot sakanya ng sovra sobrang pasakit at pagdurusa.
Gusto niya ng palayain ang kanyang sarili, gusto niya ng lumayo, at hayaan nalang na tuluyang manlamig ang kanyang puso…
Iniangat niya ang kanyang ulo at tinignan niya si Lu Jinnian ng diretso sa mga mata.
Tuloy-tuloy pa rin ang pagbuhos ng malakas na ula. Bago siya makapagsalita, muli nanamang tumulo ang kanyang mga luha. Huminga siya ng malalim at nang maramadaman niya na mas kalmado na siya, tuluyan niya ng tinanong ang katanungan na matagal niya ng gustong masagot, "Bakit ayaw mo sa anak ko?"
Magsasalita palang sana si Lu Jinnian pero bigla niyang narinig ang tanong ni Qiao Anhao kaya gulat na gulat siyang tinignan ito.
Namamaga na ang mga mata nito kakaiyak at para itong bata na nakaluhod sa sahig. Ang mga mata nito ay nanlilisik sa sobrang galit habang nakatitig sakanya.
Nang hindi sumagot si Lu Jinnian, muling inulit ni Qiao Anhao ang kanyang tanong. "Lu Jinnian, Lu Jinnian, bakit mo kailangang ipalaglag ang anak ko?"
Pautal-utal magsalita si Qiao Anhao sa sobrang bigat ng puso niya. "Lu Jinnian, alam kong hindi totoo ang kasal natin, at hindi natin plinano na magkaanak, pero dahil nandiyan na siya, bakit kailangan mong maging sobrang sama sakanya? Bakit mo siya pinatay?
Dahil marami na rin siyang naiiyak at nasabi, medyo kumalma na rin ang emosyon niya kaya mas kaya niya ng magsalita. "Hindi mo ba alam na buhay yun? Gaano ka na ba talaga kasama para magawa mong pumatay ng buhay? Murder yun, MAMATAY TAO!
"Sinong nagbigay sayo ng karapatan na patayin ang anak ko?" Hindi mapigilan ni Qiao Anhao ang pagagos ng kanyang mga luha habang pautal-utal na nagsasalita. "Ang anak ko, sinong nagbigay sayo ng karapatan? SINO?"
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES