App herunterladen
45.32% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 441: Bakit ayaw mo sa anak ko? (2)

Kapitel 441: Bakit ayaw mo sa anak ko? (2)

Redakteur: LiberReverieGroup

Nitong mga nakalipas na araw, hindi maitatanggi na mabuti talaga ang asta ni Lu Jinnian sakanya…Mula sa maliliit na bagay kagaya ng pagsama nito sakanya na bumili ng napkin hanggang sa malalaking bagay kagaya ng pagpalit nito ng filming location… Mula sa mga bagay na alam niya hanggang sa bagay na wala siyang ideya…

Tuwing kinakausap siya nito tungkol sa trabaho, sa totoo lang pwede naman talaga nitong iutos nalang sa assistant ang pagsasabi kay Zhao Meng, o di naman kaya, pwede rin siyang tawagan nalang nito sa phone, pero may ilang pagkakataon na pinuntahan pa talaga siya nito ng personal at may isang beses pa nga na ilok siya nito ng isang bag ng dessert na galing sa Man Ji.

Bago ang araw na 'yun, natatandaan niya na nagcomment siya sa isang picture ni Song Xiangsi matapos nitong magpost ng litrato na kumakain ito ng dessert galing sa Man Ji. [Sister Xiangsi, gusto ko rin niyan!]

Noong nakita niya si Lu Jinnian na may dalang dessert, kinutuban siya na baka nakita nito ang comment niya. 

Naantig siya sa ginawa nito pero pinilit niya ang kanyang sarili na huwag pansinin ang nararamdaman niya.

Hindi nama talaga madaling makalimutan ang pagmamahal, pero may mga bagay talaga na sadyang hindi basta-bastang napapatawad.

Ayaw niya ng hayaan ang kanyang sarili na muling masaktan ni Lu Jinnian sa kahit anong posibleng paraan kaya gusto niya ng wakasan ang lahat matapos mamatay ng kanyang anak.

Sa sobrang pagmamahal niya kay Lu Jinnian, halos nakalimutan niya na ang sarili niya at ayaw niya ng isakripisyo pa ang kanyang dignidad.

Ilang sandali pa bago siya lumabas sa cubicle pero bago siya tuluyang umalis ng CR, ilang beses siyang huminga ng malalim para kalmahin ang kanyang sarili.

-

Pagkabukas ni Song Xiangsi ng pintuan, nakita niya si Xu Jiamu na nakatayo sa labas ng kwarto niya pero hindi niya ito binati.

Samantalang ang kanyang manager na kasalukuyang nasa kwarto niya ay sumilip at nagtanong, "Xiangsi, sino yan?" Pero noong sandaling makita nito si Xu Jiamu, agad na nagbago ang itsura nito at magalang na bumati, "Mr. Xu."

Hindi pinansin ni Xu Jiamu ang manager, at nakatitig lang ito kay Song Xiangsi.

Hindi pinansin ni Song Xiangsi ang pagtitig ni Xu Jiamu, at sa halip ay tumingin siya sakanyang manager. "Bumalik ka na sa kwarto mo."

Dali-daling tumungo at lumabas ang manager.

Wala pa ring balak si Song Xiangsi na tignan si Xu Jiamu at nagdire-diretso lang siya sa paglalakad papasok sakanyang kwarto, samantalang si Xu Jiamu naman ay isinara ang pintuan at sinudan siya.

Bago pa man makapagsalita si Xu Jiamu, bigla nalang naghubad si Song Xiangsi at humiga sa kama habang nakatingin sakanya. "Halika."

Nakatulala lang si Xu Jiamy dahil hindi niya maintindihan ang nangyayari.

Itinaas ni Song Xiangsi ang kanyang kilay at pangasar na ngumiti. "Mr. Xu, hindi ba nagpunta ka para rito? Kailangan kong gumising ng maaga bukas kaya tapusin na natin ito!"

Biglang nahimasmasan si Xu Jiamu at base sa itsura niya, parang puputok na ang ugat niya sa noo sa sobrang pagpipigil ng galit kaya hindi niya na napigilan ang kanyang sarili na sumigaw, "Song Xiangsi, ano bang mayroon sayo?"

Tumingin si Song Xiangsi ng diretso sa mga mata ni Xu Jiamu at kalmado siyang nagpatuloy sa kanyang paghuhubad. Hindi nagtagal, muli niya itong tinignan para madiliin. "Ayaw mo pa ba ngayon?"

Nanggigil si Xu Jiamu at dali-dali siyang naglakad papunta sa sofa. Pinulot niya ang damit ni Song Xiangsi at ibinato ito sa nakahubad nitong katawan. Nanlilisik ang kanyang mga mata at sa sobrang galit ay halos hindi na siya makahinga ng maayos.

Hinintay ni Song Xiangsi na maibalibag ni Xu Jiamu ang pintuan bago niya pulutin ang kanyang damit para magbihis. Noong sandali ring iyon, naglakad siya papunta sa bintana para hintayin itong makababa at hindi nagtagal, nakita niya itong galit na galit na lumabas ng hotel.


Kapitel 442: Bakit ayaw mo sa anak ko? (3)

Redakteur: LiberReverieGroup

Umalis si Xu Jiamu sakay ng isang taxi, samantalang si Song Xiangsi ay malayo ang tingin at hindi makagalaw.

Ito na ang pangalawang beses na umalis ito ng sobrang galit sakanya. Noong unang beses, naaksidente ito.

Pero ang hindi niya maintindihan ay bakit sobra itong galit sakanya, kung siya naman talaga ang tunay na may karapatang magalit?

Para sa limampung libo, binenta niya ang sarili niya sa loob ng pitong taon… Sobrang mura, at kung hindi niya talaga mahal si Xu Jiamu, paano niya magagawang magtiis na samahan ito sa loob ng napakahabang panahon nang wala man lang silang malinaw na titulo.

Tama, wala silang kahit anong titulo.

Sa nagdaan na pitong taon, isa lang siyang babae ni Xu Jiamu. Kahit kailan ay hindi siya pinakilala nito sa mga kaibigan nito. Hindi rin nila pwedeng gawin ang mga pangkaraniwang ginagawa ng mga magkasintahan, kahit pa ang simpleng paghawak kamay sa labas.

Noong una, wala naman talaga siyang problema at iniisip niya lang palagi na sa loob ng pitong taon nilang pagsasama, dadating din ang araw na mamahalin siya ni Xu Jiamu, pero kahit kailan ay hindi yun nangyari, at sa halip, sinabihan pa siya nito na ikakasal na ito.

Pero hindi sakanya.

Dati babae lang siya ni Xu Jiamu, pero gayon magiging babae at kabit na siya?

Hinding hindi niya makakalimutan ang araw na tuluyan na siyang nagising sa katotohanan nang may narinig siyang isang paguusap sa telepono.

"Halos magkaedad lang kami, at panahon na rin para magpakasal ako… Ngayong taon na ako ikakasal…Wag mong kakalimutan ang regalo ko ha…Tungkol ba ito sa babaeng biniliko ng limampung libo? Naguusap pa rin kami hanggang ngayon…Bahala na, pagiisipan ko nalang pagkatapos kong magpakasal…Hindi mo naman siguro iniisip na papakasalan ko siya diba? Alam mo naman na kailangan ko ng taong kapantay ko ng pamumuhay…"

Kapantay ng pamumuhay, sobrang tumagos sa puso ni Song Xiangsi ang mga salitang iyon at kahit kaila ay hindi niya makakalimutan ang sakit na idinulot nito sakanya.

Noong mga sandaling iyon, naintindihan niya na ang isang normal na babaeng kagaya niya ay kailanma'y hindi maairing maging isang Cinderella na pwedeng magpakasal sa isang prinsipe.

Natiis niya man ang pitong taon, pero hindi pa rin siya kayang iharap nito sa publiko.

Pitong taon ng pagtatago sa kadiliman, pagod na siya.

Kung hindi rin naman sila ang magkakatuluyan sa huli, mabuti pang tapusin niya na ito ngayon palang.

-

Pagkabalik nina Qiao Anhao at Zhao Meng sa hotel, agad na itinuro ni Zhao Meng ang lamesa para sabihin sakanyang kaibigan, "Pinadala yan ng assistant ni Mr. Lu. Ang sabi niya, hindi ka raw masyadong nakakain ng dinner kaya pinagtake out ka niya."

Nakatitig lang si Qiao Anhao sa nakabalot na pagkain bago siya pumasok sa CR.

Pagkalabas niya, tinanong siya ni Zhao Meng na kasalukuyang nakaupo sa kama, "Hindi ka ba kakain?"

Parang walang narinig si Qiao Anhao at nagdire-diretso siya sa salamin para maglagay ng kanyang mga skin care product.

Nakapaang tumakbo si Zhao Meng papunta sa lamesa at sinilip ang laman ng karton ng pagkain. "Mukhang masarap, Qiao Qiao. Ang bait niya talaga sayo, napansin niya paa hindi ka masyadong nakakain…"

Biglang napisil ni Qiao Anhao ang eye cream na nasa kamay niya kaya medyo naparami ang lumabas mula rito. Naiinis siyang kumuha ng tissue para linisin ang nagawa niyang kalat at pagkatapos ay bigla niya nalang inihagis sa lamesa ang bote ng cream. Hindi nagtagal, humiga siya sa kama at nagtalukbong ng kumot para magpanggap na tulog.

Noong sandaling iyon, bigla nalang tumahimik si Zhao Meng.

Walang ibang makita si Qiao Anhao sa ilalim ng kundi kadiliman at hindi maalis sa kanyang isipan ang usapan na narinig niya sa CR. Gulong-gulo siya dahil pinipilit niyang pigilan ang tunay niyang nararamdaman. Paulit-ulit man niyang alalahanin ang abortion papers na pinirmahan ni Lu Jinnian, hindi pa rin ito sapat para mapigilan ang aumang mararamdaman niya.

-

Ginawa ni Qiao Anhao ang lahat para hindi pansinin ang mga ikinikilos ni Lu Jinnian para sakanya pero bandang huli may biglang nangyari sa set na naging dahilan ng muli nilang paglalapit.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C441
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES