Ipinikit ni Qiao Anhao ang kanyang mga mata para makatulog na, pero hindi nagtagal, bigla siyang hindi naging kompartable. Ilang sandali pa siyang nanatili sakanyang kinahihigaan pero bandang huli, hindi niya na talaga kinaya kaya agad niyang hinawi ang kanyang kumot at dali-daling nagpunta sa CR. Tianggal niya ang kanyang pambaba at doon niya lang napansin na may patak ng dugo sakanyang panty.
May regla pala siya… Naglakad siya para kumuha sana ng napkin pero bigla niyang naalala na kalilipat niya nga lang pala sa mansyon ni Xu Jiamu at hindi niya pa naihahanda ang mga gamit niya.
Pero hindi niya naman kayang matulog ng ganito... Naiirita siyang umupo sa inidoro at kumuha ng maraming tissue na inilagay niya sakanyang panty bago siya tumayo at maghugas ng kanyang mga kamay. Pagkalabas niya ng CR, dali-dali niyang kinuha ang kanyang wallet at bumaba.
-
Bakit siya lalabas ng ganito na kalalim ang gabi?
Biglang nagbago ang itsura ni Lu Jinnian at kahit hindi niya pa napapatay ang makina ng kanyang sasakyan ay dali-dali niyang itinulak ang pintuan para tawagin si Qao Anhao habang tumatakbo papalapit sa mansyon ni Xu Jiamu, "Qiao Qiao."
Kahit hindi masyadong malakas ang naging pagtawag ni Lu Jinnian, sapat na ang katahimikan ng gabi para marinig ito kaya biglang natigilan si Qiao Anhao at lumingon.
Nakasuot ito ng isang suit na bagay sa balingkinitan nitong katawan. Hindi masyadong maaninag ni Qiao Anhao ang napaka gwapong mukha ni Lu Jinnian dahil natatamaan ito ng ilaw mula sa poste.
Noong sandali ring iyon, naglakad si Lu Jinnian papalapit kay Qiao Anhao at muli nanamang huminto noong halos isang metro nalang ang layo niya mula rito. Pagyuko niya, napansin niya na nakasuot pa ito ng tsinelas. "Bakit nasa labas ka pa ng ganito na kalalalim ang gabi?"
Biglang nahimasmasan si Qiao Anhao. Iniangat niya ang kanyang ulo at tinignan si Lu Jinnian. "May kailangan kasi akong bilhin."
Ala una na ng madaling araw at sa kasalukuyan, ang nagiisang bukas na tindahan ay halos limang daang metro pa ang layo mula sa Mian Xiu Garden na aabot rin siguro ng dalawampung minuto kung maglalakad lang papunta at pabalik.
Sobrang nagmamadaling lumabas si Qiao Anhao kaya hindi na siya nakapagpalit at nagpatong nalang siya ng jacket sakanyang pajamas.
Kahit na mahigpit ang security ng Jing Cheng, hindi pa rin ito sapat para isiping ligtas ang lumabas ng ganito na kalalim ang gabi…Isa pa, ano naman kaya ang kailangan niyang bilhin na sobrang importante?
Biglang nagbago ang itsura ni Lu Jinnian at malumanay na nagsalita, "Malalim na ang gabi, bukas ka nalang bumili."
"Kailangan ko na talaga ngayon." Medyo nagalanga pa si Qiao Anhao noong una bago siya magpatuloy, "Hindi naman malayo at babalik din ako kaagad."
Sa pagkakataong ito, wala ng balak si Lu Jinnian na pigilan si Qiao Anhao at sinabihan niya itong hintayin siya ng sandali.
Bumalik siya sakanyang sasakyan para pataying ang makina nito. Kinuha niya ang kanyag wallet sa passenger seat at dali-daling bumalik sa kinatatayuan ni Qiao Anhao. "Tara na."
Biglang nahimasmasan si Qiao Anhao at nang mapagtanto niya na sasamahan siya ni Lu Jinnian, agad-agad siyang nagsalita, "Ayos lang…"
Pero hindi na siya hinintay ni Lu Jinnian na matapos sakanyang sinasabi at nauna na itong maglakad.
Sa sobrang gulat, hindi kaagad nakapaglakad si Qiao Anhao bago sumunod kay Lu Jinnian.
Kahit nasa unahan si Lu Jinnian, sinisigurado niya pa rin na hindi masyadong malayo ang pagitan nila ni Qiao Anhao.
Pareho silang tahimik habang naglalakad at wala rin ni isa sakanila ang may balak
Pagkarating nila sa tindahan, hindi na pumasok si Lu Jinnian at hinintay niya nalang si Qiao Anhao sa labas. Mula sa bintana, nasilip niya na kumuha ito ng ilang pakete ng napkin.
So dinatnan pala siya ngayon, kaya naman pala ganun nalang siya magmadali…
Noong nasa cashier na si Qiao Anhao, biglang pumasok si Lu Jinnian at kinuha ang kanyang wallet. Pagkatapos ma'scan ng kahera ang mga binili nito, dali-daling nag'abot si Lu Jinnian ng isang daang dolyar.
"Wala akong barya…"
Dumukot si Qiao Anhao ng ilang sampung dolyar mula wallet nito pero bago pa man din nito maiabot sa kahera, nailatag na ni Lu Jinnian ang kanyang kamay para kunin ang kanyang sukli. Walang alinlangan niyang kinuha ang plastic na puno ng napkin at lumabas ng tindahan nang hindi na hinihintay si Qiao Anhao.
Kagaya ng nangyari kanina, nasa unahan nanaman si Lu Jinnian pero sinisigurado niya pa rin na magkalapit pa rin sila. Iniangat ni Qiao Anhao ang kanyang ulo at bigla nalang siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kalungkutan nang makita niya ang malapad na balikat ni Lu Jinnian at dahil hindi niya kayang pigilan ang emosyon niya, agad niya ring ibinaling sa iba ang kanyang tingin.
Masyadong tahimik ang gabi at ang kanilang mga anino ay pinapahaba ng ilaw na nanggagaling sa buwan.
Pagkarating nila sa may entrance ng mansyon ni Xu Jiamu, huminto si Lu Jinnian at iniabot kay Qiao Anhao ang plastic na hawak niya.
Kinuha naman ito ni Qiao Anhao at nagpasalamat.
Hindi sumagot si Lu Jinnian at nagtitigan lang silang dalawa.
Gusto sanang sabihin ni Lu Jinnian na pumasok na si Qiao Anhao para makapagpahinga na ito, pero parang may bumara sakanyang lalamunan at hindi niya masabi ang mga salitang ito. Lumipas pa ang ilang sandali at nanatili pa rin silang tahimik na sakanilang kinatatayuan.
Hindi nagtagal, unti-unti ng naging nakakailang ang katahimikan kaya nang mapansin ni Qiao Anhao na wala ng balak magsalita si Lu Jinnian, muli niyang inangat ang kanyang ulo at sinabi, "Mauuna na ako."
Yumuko si Lu Jinnian at makalipas ang ilang sandali, tumungo siya bilang kanyang pagtugon. Maya-maya, muli niyang inangat ang kanyang ulo at mahinahong sinabi, "Rest well"
"Sige," sagot ni Qiao Anhao habang pahigpit ng pahigpit ang kanyang pagkakahawak sa plastic na nasa kamay niya. Noong sandali ring iyon, nilagpasan niya si Lu Jinnian at naglakad papasok sa mansyon.
Samantalang si Lu Jinnian ay hindi kaagad umalis sa kanyang kinatatayuan. Noong masigurado niya na nakapasok na si Qiao Anhao sa kwarto nito, unti-unti siyang tumingala para pagmasdan ang kalangitan pero parang may biglang pumasok sakanyang isip at dali-dali siyang lumabas ng mansyon para bumalik sa tindahan.
Pagkabalik ni Qiao Anhao sakanyang kwarto, wala na siyang sinayang na oras at muli siyang naglinis ng kanyang sarili at nilabhan ang natagusan niyang panty.
Dati, tuwing darating ang kanyang regla, hindi niya ito napapansin dahil wala naman siyang nararamdamang mali sakanyang katawan, pero ngayon, hindi niya maintindihan pero parang may kabag at medyo masakit rin ang kanyang tiyan. Hindi niya sigurado kung dahil lang ba ito sa malamig na tubig na pinangbanlaw niya sakanyang panty.
Naglakad siya papunta sa balcony para isampay ang kanyang panty pero noong pabalik na sana siya sakanyang kwarto, bigla namang may nagdoorbell.
Bumaba siya para tignan kung sino ang nagdoorbell pero noong sumilip siya sa butas ng pintuan, wala siyang nakitang tao sa labas kaya bigla siyang kinabahan. Medyo natatakot at nagaalangan man siya, pinili niya pa ring buksan ng bahagya ang pintuan ngunit wala talaga siyang makita.
Biglang nagbago ang itsura ni Qiao Anhao at habang iniisip niya kung sino ang maaring magdoorbell, napasin niya na plastic sa harapan niya.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES