Kabisado na ng assistant ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ni Lu Jinnian kaya hindi niya na hinintay na makapili ito. Huminto lang siya ng sandali at muling nagpatuloy, "Mr. Lu, diba nagkaroon kayo dati ng pagtatalo ng makakadinner mo ngayon na si Chief Lin sa Capital Club, kaya gusto mo sa Royal Palace nalang?"
Kahit sinabi na ng assistant ang iniisip ni Lu Jinnian, nanatili lang siyang kalmado at hindi nagpahalata na nasiyahan siya sa ideya nito. Hindi siya sumagot at makalipas ang ilang sandali, tumungo lang siya na para bang wala siyang pakielam.
Hindi nagpahalata ang assistant na alam niyang nagpapanggap lang si Lu Jinnian at nagpatuloy siya sakanyang trabaho. Kinuha niya kanyang phone at nagpareserve ng isang kwarto sa Royal Palace.
Muli naamang nabalot ng katahimikan ang buong sasakyan, pero kung ikukumpara sa kanina, di hamak na mas magaan na sa pakiramdam ang awra ngayon.
Muling sinilip ng assistant si Lu Jinnan sa rear view mirror at nakita niya na nakadungaw nanaman ito sa bintana pero mapapansin sa mga mata nito na ang matinding lumbay na kinikimkim nito sa mga nakalipas na araw ay bahagya ng humupa.
Masyadong magaling si Lu Jinnian sa pagtatago ng tunay nitong nararamdaman, kaya hindi napigilan ng assistant na makaramdam ng matinding kalungkutan para rito.
Hindi mahilig pumunta si Lu Jinnian sa mga lugar na gaya ng Royal Palace, hindi rin ito mahilig maglaro ng mga baraha, at higit sa lahat, ang pinaka ayaw nito ay ang mga babaeng lumalapit para maglatag ng mga sarili nito. Pero ngayong gabi, pinili nitong pumunta sa Royal Palace dahil pupunta rin doon ang babaeng mahal nito.
Nasa iisang lugar man sila, malaki pa rin ang posibilidad na hindi sila magkasalubong. Pero para lang mapalapit kay Qiao Anhao, handa niyang gawin ang lahat at kuntento na siya kahit pa sa ganitong paraan lang.
Nagaral ang assistant ng science and technology, isang mahirap na degree na nangangailangan ng matinding technical language,pero sa oras na ito, bigla nalang siyang nabagabag ng napakaganda ngunit nakakalungkot na kasabihan mula kay Eileen Chang. "Loving somebody is being humbled to the dust, and then from there blooming into a flower."
Pero ilang taon ng nagpapakababa si Mr. Lu, at hanggang ngayon ay parang hindi pa rin namumukadkad ang bulaklak?
Ano ba talagang tumatakbo sa isip ni Mr. Lu? Matapos ang ilang taon na nagdaan…Malinaw naman na wala itong kahit kaunting pagasa, pero paano nito nagagawang kumapit pa rin ng ganito?
Ilang beses itong paulit-ulit na inisip ng assistant hanggang sa nakaramdam a rin siya ng matinging kalungkutan at hindi nagtagal ay sinisigaw niya na sakanyang sarili – diyos ko naman! Para sa lalaking may asawa at mga anak, may magandang sahod at namumuhay ng magara, bakit ba ako nalulungkot ng ganito.
-
Nagpareserve si Qiao Anxia ng isang combo room na may card room at isang dagdag na maliit na KTV booth.
Makikita sa loob ng kwarto ang ilang mga tao na nagaagawan sa mikropono para makakanta, mayroon ding mga nagsisigawan at naglalaro ng baraha. Hindi interasado si Qiao Anhao sa anumang ginagawa ng kaya umupo nalang siya sa isang gilid at nanuod ng TV.
Mukhang sinuswerte talaga si Qiao Anxia dahil maya't-maya itong sumisigaw.
Nakaupo si Xu Jiamu sa tapat ni Qiao Anxia. Siguro dahil matagal na rin siyang hindi nakakpaglaro, lagi lang siyang natatalo kaya nainip na rin siya bandang huli at nagtawag nalang ng ibang papalit sakanya para maglaro.
Kumuha si Xu Jiamu ng isang lata ng beer at ininom ang halos kalahati ng laman nito. Noong sandali ring iyon, nakita niya si Qiao Anhao na magisang nakaupo sa sofa at may yakap na unan habang tutok na tutok sa TV kaya naglakad siya papalapit dito para samahan ito.
Kasalukuyang nanunuod si Qiao Anhao ng isang lumang pelikula na pinagbibidahan ni Song Xiangsi. Halatang bata pa si Song Xiangsi noong mga panahong iyon at kung ikukupara ngayon, hindi pa ito masyadong magaling umarte pero hindi maitatanggi na may taglay na itong pambihirang talento na siyang hinagaan ng marami.
Nakataas ang mga kilay ni Xu Jiamu habang nakatitig sa screen at bigla nalang nagbaga ang kanyang damdamin.
Sa kabila ng mga ingay na nanggagaling sa ibang taong kasama nila sa kwarto, biglang nagsalita ang mahinahong boses ni Song Xiangsi mula sa TV, "Maghiwalay na tayo…"
Biglang humigpit ang pagkakahawak ni Xu Jiamu sa lata na nasa kanyang kamay at sa sobrang higpit ay hindi niya na namalayan na unti-unti niya na itong nayupi at tumagas na sa kanyang kamay ang laman nito. Habang tumatagal ang kanyang pagtitig sa TV, lalo lang tumitindi ang galit na nararamdaman niya hanggang sa dumating ang punto na hindi niya na talaga natiis kaya bigla niyang inilapag ang lata sa coffee table at tumayo siya para maglakad palabas ng kwarto.
Pagkalabas ni Xu Jiamu ng CR, saktong nagbukas din ang pintuan ng room 1005 at lumabas si Song Xiangsi na nakasuot ng isang mini-dress na hapit na hapit sa katawan. Nagtagpo ang kanilang mga mata at matapos ang mahigit isang segundo, sabay nilang ibinaling sa iba ang kanilang mga tingin na para bang hindi nila nakita ang isa't-isa. Pareho silang tumingin ng diretso sa kanya-kanya nilang mga daanan at kalmado mgunit may halong yabang na nilagpasan ang bawat isa.
Narinig ni Xu Jiamu ang pahina ng pahina na "ta ta ta" na tunog na nanggaling sa mga takong ni Song Xiangsi. Bigla siyang napahinto sakanyang paglalakad at kinuha niya ang kanyang phone para gumawa ng tawag. Ilang sandali pa ang lumipas ngunit hindi pa rin siya umaalis sakanyang kinatatayuan hanggang sa muling magbukas ang pintuan ng room 1005 kasabay ang pagsulpot ng isang lalaking nakasuot ang kulay gray na suit. "Young master Xu, dito po."
Walang emosyong sinundan ni Xu Jiamu ang lalaking nakasuot ng kulay gray na suit papasok sa loob ng room 1005.
Ang kwarto ay punong puno ng mga korupsyon at kahalayan. May mga nakita siyang ilang mga babae at lalaking nakaupo sa paligid. Umagaw din sakanyang atensyon ang dalawang babaeng nakasuot ng pangkatulong na damit na nakaupo sa tabi ng isang kumakantang lalaki na may malaking tiyan at base sakanyang tantsa ay nasa middle-age palang. Wala sa tono ang lalaki pero bigay na bigay pa rin itong kumanta.
"You are my little apple, I can't love you enough..."
Simula pagkabata ni Xu Jiamu, madalas na siyang nakakapunta sa mga business circle sa Beijing dahil gusto siyang sanayin ni Han Ruchu na dumalo sa ibat'-ibang klase ng okasyon kaya marami siyang nakilalang mga tao. Habang tumatanda siya, natutunan niya na kung paano magpakitang tao kaya kabisadong kabisado niya na rin kung paano siya kikilos sa mga ganitong klase ng pagtitipon.
Kung hindi man isang daan, siguro nasa siyamnapung porsyento pa rin ang mga kakilala niyang mayayama na tao sa Beijing. Mayroong limang lalaki sa loob ng kwarto at kilala niya ang lahat ng mga ito. Dalawa sa mga ito ay mga self-proclaimed na artista pero dahil walong buwan din siyang nawalan ng malay, hindi niya masyadong nakilala kaagad ang mga ito.
Nang sandaling pumasok siya, biglang napahinto ang lalaking kumakanta at ibinaba ang mikroponong hawak nito para batiin ang manager ng Royal Palace.
Kahit na matagal ng hindi napadpad si Xu Jiamu sa Royal Palace, hindi pa rin siya kayang tanggihan ng manager at masigasig nitong pinapila ang mga magagandang babae na pwede niyang pagpilian.
Walang emosyon na umupo si Xu Jiamu sa sofa, at pabalik balik na tinitigan ang mga babae. Hindi siya umiimik na para bang mayroon siyang hinihintay.
Masayang nakatayo ang manager sa isang gilid at wala itong balak na madaliin siya.
Hindi nagtagal, ang lalaking nakayakap sa isang cute na babae ay lumapit kay Xu Jiamu para tulungan siyang mamili. Dalawang beses itong tumuro at nagbigay pa ng opinyon, "Ang isang 'to, at ang isang yan, ay hindi na masama…"
"Oh talaga?" walang emosyon na pagtatanong ni Xu Jiamu.
Ngunit bago pa man matapos si Xu Jiamu sa pagsasalita, biglang nagbukas ang pintuan at pumasok si Song Xiangsi na nagpunta sa CR para makaiwas sa paginom ng alak. Pagkabukas niya ng pintuan, gigil na gigil siya at nagrereklamo sakanyang loob looban na hindi na siya babalik muli rito para mang'entertain kung hindi siya babayaran ng tama.
Noong sandali ring iyon, bigla niyang nakita si Xu Jiamu na nakaupo sa gitna ng sofa. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at nanlisik ang kanyang mga mata pero bago pa man din siya makapagsalita, biglang itinaas at iginalaw ni Xu Jiamu ang kamay nito para mamili hanggang sa tuluyan itong huminto sakanya, "Ito."
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES