Pagkababa ni Xu Jiamu ng kanyang phone, nakita niya si Lu Jinnian kasama ang assistant nito na palabas sa pintuan ng opisina kaya bigla siyang natigilan at dali-daling binuksan ang pintuan ng kanyang sasakyan para kawayan ito.
Napakunot si Lu Jinnian ng kanyang mga kilay at naglakad papalapit kay Xu Jiamu. "Bakit ka napadaan dito?"
Masayang bumati si Xu Jiamu ng "Bro", at sinagot ang taong ni Lu Jinnian, "Nandito ako para sunduin si Qiao Qiao."
Nagulat ang assistant na nakatayo sa tabi ni Lu Jinnian at dali-daling binati si Xu Jiamu para mabago ang pinaguusapan, "Mr. Xu, long time no see."
Ngumiti lang si Xu Jiamu sa assistant at muling tumingin kay Lu Jinnian para imbitahan ito, "Bro, manlilibre si Qiao Anxia ng karaoke sa Royal Palace, libre ka ba ngayon? Kung wala ka namang gagawin, sabay na tayong pumunta."
Walang bakas ng kahit anong kakaiba sa itsura ni Lu Jinnian at kalmadong siyang sumagot, "May kailangan akong puntahang dinner ngayong gabi."
Simula pagkabata ni Xu Jiamu, lagi na siyang pinagsasabihan ni Han Ruchu na lumayo kay Lu Jinnian pero para sakanya, mahal niya talaga ang kanyang kapatid at gustong gusto niya itong makasama sa tuwing may lakad siya.
Kaya nang marinig niya ang pagtanggi nito, hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot. "Oh, ganun ba. Sige bro, unahin mo na ang business mo, mas importante 'yun."
Lumapit si Xu Jiamu sa nakahintong sasakyan ni Lu Jinnian para pagbuksan ng pintuan ang kanyang kapatid. Pagkapasok ni Lu Jinnian, tinignan ni Xu Jiamu ang assistant nito para magbilin, "Wag mong hahayaang makarami ng inom ang kapatid ko."
"Wag kang mag-alala, Mr. Xu."
Tumungo si Xu Jiamy at muling sumilip kay Lu Jinnian para magpaalam. "Bye, bro."
Nang makita niyang tumungo si Lu Jinnian, isinara niya ang pintuan at umatras.
"Paalam, Mr. Xu," binuksan ng assistant ang bintana para tuluyan ng magpaalam kay Xu Jiamu bago niya apakan ang accelerator at dahan-dahang magmaneho papalayo.
Hinintay ni Xu Jiamu na tuluyan ng mawala paningin niya ang sasakyan ni Lu Jinnian bago siya gumalaw sakanyang kinatatayuan. Muli siyang tumalikod para tignan kung nakababa na si Qiao Anhao pero imbis na ito ang makita, isang pamilyar na mukha ang natanaw niyang papalabas sa pintuan ng opisina ng Huan Ying Entertainment.
Bigla nalang nakaramdam ang buong katawan ni Xu Jiamu ng matinding panggigil.
Naglalakad papalabas ng gusali si Song Xiangsi na may suot na mataas na takong at base sakanyang itsura, halatang naiinis siya. Parehong nakasunod sa likod niya ang kanyang assistant at manager. Noong sandali ding iyon, medyo naiirita siyang nagsalita na halatang para sakanyang manager, "Ilang beses ko ng sinabi sayo na wag mo akong sinasama sa mga dinner parties at wag na wag kang tatanggap ng nakapangalan sa akin. Gusto ko na sanang umuwi at matulog, pero ngayon, great…"
Bigla siyang natiglan sakanyang paglalakad nang makita niya si Xu Jiamu na nakatayo sa ibaba ng hagdanan.
Parehong napahinto at naguguluhang napatingin kay Song Xiangsi ang kanyang manager at assistant na nakasunod sa likod niya. Nang sundan ng mga ito ang direksyon ng kanyang mga mata, nakita rin nila si Xu Jiamu.
Nagtinginan ang manager at assistant pero wala silang sinabing kahit ano.
Dahil malapit lang sila sa kalsada, walang humpay ang mga maiingay na tunog na nanggaling sa mga sasakyang dumadaan.
Sa loob ng dalawang minuto, may iilang taong pumasok at lumabas ng Huan Ying Entertainment.
Halos limang metro lang ang pagitan ng layo nina Song Xiangsi at Xu Jiamu at pareho lang silang nakatitig sa isa't-isa.
Matapos ang halos isang minuto, biglang naglakad si Xu Jiamu at inisip ni Song Xiangsi na lalapit ito sakanya, pero bigla nalang nitong binuksan ang pintuan ng sasakyang nasa tabi nito at pumasok sa loob.
Base sa ikinilos ni Xu Jiamu, parang hindi sila magkakilala ni Song Xiangsi.
Biglang ikinuyom ni Song Xiangsi ang kanyang mga kamay at sa sumunod na isa pang segundo, tinignan niya lang si Xu Jiamu na nakaupo sa loob ng sasakyang nasa harapan niya. Hindi nagtagal, nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa direksyon ng kanyang sasakyan na nakaparada sa kabilang gilid na para bang walang nangyari.
Habang naglalakad, ipinagpatuloy niya ang pagsesermon sakanyang manager, "Ngayong gabi, kakailanganin kong pumunta sa Royal Palace para magentertain. Parang hindi mo naman alam na ang mga kapitalistang nandoon ay parang mga aso at lahat sila ay sagad sa buto ang kasamaan!.
Habang nagsasalita, binuksan niya ang pintuan ng driver's seat g kanyang sasakyan at umupo sa loob.
Nagmamadaling nagsalita ang manager, "Ss Xiangsi, ako na ang magmamaneho…"
Hindi na hinintay ni Song Xiangsi na matapos ng kanyang manager ang sinasabi nito nang pasinghal siyang magsalita, "Ano pang tinatanga niyong dalawa jan. Bakit nakatayo pa rin kayo? Sasama ba kayo o hindi?"
Pagkatapos magsalita ni Song Xiangsi, bigla niyang inapakan ang accelerator. Sa takot ng kanyang manager at assistant na maiwanan, dali-daling binuksan ng mga ito ang pintuan at nagmamadaling pumasok pero bago pa man tuluyang maisara ng assistant ang pinto, biglang inapakan ng madiin ni Song Xiangsi ang accelerator at kahit nakabukas pa ang isang pintuan ng kanyang sasakyan, mabilis siyang kumaripas ng takbo at nilagpasan ang sasakyan ni Xu Jiamu.
Habang nakaupo sa driver's seat, mukhang diretso lang ang tingin ni Xu Jiamu sa kalsada pero walang ibang nakakaalam na sa gilid pala ng kanyang mga mata ay piagmamasdan sa kanyang rear view mirror si Song Xiangsi mula ulo hanggang paa. Pagkalampas ng sasakyan nito, bigla nalang nanlisik ang kanyang mga mata at napahawak ng mahigpit sa manibela na nasa harapan niya.
-
Kasalukuyang nasa CR si Qiao Anhao nang matanggap niya ang tawag ni Xu Jiamu. Nagligpit muna siya ng kanyang gamit ng halos sampung minuto bago siya lumabas at tuluyang bumaba.
Pagkalabas ni Qiao Anhao sa opisina ng Huan Yung Entertainment, nakita niya ang sasakyan ni Xu Jiamu na nakaparada sa gilid ng kalsada, kaya hindi siya nagalinlangang lapitan ito. Binuksan niya ang passenger door, umupo sa loob, at bumati, "Brother Jiamu?"
Walang anumang reaksyon ang mukha ni Xu Jiamu at nakatitig lang siya sa direksyon ng dinaan ni Song Xiangsi na kanina pa kumaripas ng takbo.
Itinaas ni Qiao Anhao ang kanyang kamay para ikinaway ito malapit sa mukha ni Xu Jiamu at pabirong sinabi, "Brother Jiamu, hindi ka naman galit sakin kasi pinaghintay kita ng sampung minuto diba?"
Bahagyang kumalma ag mga mata ni Xu Jiamu at bago pa man din siya mahimasmasan, bigla siyang tumawa na para bang may narinig siyang isang nakakatawang biro. "Ano bang sinasabi mo? Bakit naman ako magagalit?"
"Hindi ka talaga galit?" Hindi naniniwala si Qiao Anhao sa sagot ni Xu Jiamu kaya tinignan niya ito at nakangiting sinabi, "Pero bakit hindi ka mukhang masaya? May nangyari ba?"
Hindi sumagot si Xu Jiamu, bagkus, binuksan niya nalang ang makina ng kanyang sasakyan at dahan-dahang nagmaneho paalis.
-
Mabigat sa pakiramdam ang awra sa loob ng sasakyan. Habang nagmamanneho, dalawang beses na sinilip ng assistant si Lu Jinnian sa rear view mirror.
Wala itong kibo at nakadungaw lang sa bintana na tila pinagmamasdan ang mga sasakyan sa labas. Walang anumang bakas ng galit o lungkot sa mukha nito, pero dahil matagal ng nagtatrabaho ang assistant kay Lu Jinnian, alam niya na may lumbay itong kinikimkim.
Noong malapit na ang sasakyan sa Beijing Hotel, sa wakas gumalaw na rin si Lu Jinnian sa kauna-unahang pagkakataon mula noong pumasok siya sa sasakyan. Inalis niya ang kanyang pagkakatingin sa labas at ibinaling ito sakanyang assistant na kasalukuyang nagmamaneho. "Pagkatapos ng dinner, diba gusto nilang maglaro ng baraha?"
Isang tanong palang ni Lu Jinnian pero alam na ng assistant ang gusto niyang mangyari kaya agad itong sumagot, "Yes, Mr. Lu. Saan niyo ba gustong maglaro ng baraha mamayang gabi? Sa Capital Club o sa Royal Palace?"
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES