Magisa lang si Lu Jinnian na nakatayo sa living room at rinig na rinig niya ang masasayang tawanan na nagmumula sa dining room. Hindi maikakaila na tunay ngang napakasaya ng kapaligiran pero wala siyang ibang maramdaman kundi ang matinding kalungkutan na bumabalot sakanyang buong katawan na mukhang walang balak kumakalma.
Hindi niya na namalayan kung gaano na siya katagal na nakatayo kaya nang magbukas ang pintuan ng dining room, pinilit niyang itago ang kanyang kalungkutan at dali-daling kinuha ang kanyang phone mula sakanyang bulsa at itinapat sa tenga niya para magpanggap na may kausap.
Agad na tinawag ni Xu Jiamu si Lu Jinnian pagkalabas niya ng dining room, "Bro". Pero nang makita niyang may kausap ito sa phone, bigla niyang itinikom ang kanyang bibig at pumunta nalang sa CR.
Ibinalik ni Lu Jinnian ang phone niya sa loob ng kanyang bulsa noong narining niya na ang tunog ng flush mula sa CR. Lumabas si Xu Jiamu na nagtutuyo ng kamay nito gamit ang tissue at nang makita siyanito na wala ng kausap, walang alinlangan itong nagsalita, "Tapos ka na bro?"
Bahagyang tumungo si Lu Jinnian.
May tumawag kay Xu Jiamu mula sa dining room na sinagot niya ng may matining na boses. Itinapon niya ang tissue sa basurahan at tumingin kay Lu Jinnian. "Tara, kain tayo."
Hindi gumalaw si Lu Jinnian sa kanyang kinatatayuan at walang kabuhay-buhay na sinabi, "Kailangan ko ng umalis, may importante pa akong gagawin."
Bakas sa mga mata ni Xu Jiamu na nalungkot siya sa naging pagtanggi ni Lu Jinnian pero hindi na siya nagpumilit. "Sige. Kung may oras ka mamaya, kumain nalang tayo."
Isang maikling "mm" lang ang naging sagot ni Lu Jinnian. Sinilip niya ang pintuan ng dining room at matapos ang dalawang segundo, walang imik siyang naglakad papalabas.
Kumpara kaninang umaga, di hamak na mas malamig at presko na ang hangin ngayong gabi sa labas.
Kumuha si Lu Jinnian ng isang tasa ng tsaa at tumayo sakanyang balcony habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan.
Ang tanging rason kaya siya pumayag sa imbitasyon ni Xu Jiamu ay dahil nakita niyang pumasok si Qiao Anhao sa mansyon nito kainang umaga.
Alam niya na kapag pumunta siya, sasaktan niya lang ang kanyang sarili sa mga posible niyang makita at marinig.
Pero wala na siyang magawa dahil dalawang daan at limamput isang araw lang ang ipinagkaloob sakanya ng Diyos para makasama si Qiao Anhao. Tapos na ang kanyang pagpapanggap bilang si Xu Jiamu kaya wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang saktan ang kanyang sarili para lang mapalapit dito.
Ang gabihang iyon ay di hamak na mas masakit kumpara sa inaakala niya, pero ayos lang iyon dahil ang mahalaga ay nakita niya ito at dalawag beses niya pa itong nakausap, hindi ba?
Ang dalawang paguusap na itinutukoy niya ay: noong nagsabi siya ng "Salamat" pagkabigay nito sakanya ng tsaa, at ang pangalawa ay noong sinabi niya na "Ibigay mo sa akin" pagkababa nito ng telepono matapos nitong kausapin si Han Ruchu. Pero sulit naman ang lahat, hindi ba?
Nakatayo lang siya hanggang sumapit ang alas diyes ng gabi, hanggang sa Hinintay ni Lu Jinnian na matapos ang kasiyahan sa kabilang mansyon kaya nakatayo lang siya sa kanyang balcony hanggang sumapit ang alas diyes ng gabi. May dalawang taong lasing na sigaw ng sigaw pagkapasok ng mga ito sa sasakyan kaya nagalit ang aso sa kapitbahay at walang humpay itong kumahol.
Napuno ang bakuran ng mga ilaw na nanggaling sa mga sasakyang isa-isang lumalabas.
Habang nakatayo si Lu Jinnian sa pangalawang palapag ng kanyang mansyon, natanaw niya sina Xu Jiamu at Qiao Anhao na nakatayo sa gate ng bakuran at hindi nagtagal, sabay na naglakad ang dalawa papasok ng mansyon. Nang sandaling magsara ang pituan ng kapitbahay, tuluyan ng tumahimik ang kapaligiran.
Tanging sina Xu Jiamu at Qiao Anhao nalang ang naiwan sa katabing mansyon…
Lumikot ang isipan ni Lu Jinnian at naalala niya ang nakita niyang mga karton ng condom na kasama sa mga pinamili ni Xu Jiamu noong pumunta siya sa dinner nito at hindi niya na kayang isipin ang mga maaring mangyari.
Matapos ang kalahating oras, tuluyan ng namatay ang mga ilaw sa katabing mansyon. Biglang nanginig ang mga kamay ni Lu Jinnian kaya nabitawan niya ang tasa na hawak niya at nagkabasag basag ito sa sahig.
Nagtalsikan ang mainit na tsaa sa katawan ni Lu Jinnian at nagiwan ito sakanyang damit ng kulay dilaw na mantsa.
Hindi mapakaling bumalik si Lu Jinnian sa kanyang kwarto at pinilit niya ang kanyang sarili na maglakad papunta sa lababo para maghilamos.
Hindi siya masyadong nakainom noong gabing iyon pero sa hindi malaman na kadahilanan, bigla nalang nagloko ang kanyang tyan at sobrang sakit nito. Nang hindi niya na talaga matiis, dali-dali siyang tumakbo papunta sa inidoro para sumuka.
Matagal na nagsuka si Lu Jinnian at nang mailabas niya na ang lahat ng mga nakain niya, di hamak na mas bumuti na ang pakiramdam g kanyang tyan pero ang sakit na nararamdaman niya sakanyang puso ay hindi pa rin nababawasan.
Kalahating buwan na silang magkahiwalay, pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ito matanggap. Palagi pa rin siyang umaasa na uuwi ito sakanyang mansyon para samahan siyang matulog. Pero hindi na iyon pwedeng mangyari ngayon dahil nakatira na ito sa mansyon ni Xu Jiamu. Hindi niya maiwasang isipin ang na baka may mangyari sa dalawa, kagaya ng nangyari sakanila noon, at hindi niya kayang tanggapin ang posibilidad na ito…
Habang mas iniisip ni Lu Jinnian ang mga bagay-bagay, mas lalo lang tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Nang dumating sa punto na hindi niya na talaga ito kayang tiisin, bigla tumayo siya sakanyang pagkakasalampak. Hindi niya na inalintana ang mga mantsa ng tsaa sakanyang damit at nagmamadaling pumunta sa pintuan ng mansyon ni Xu Jiamu at nagdoorbell.
Masyadong naging mapusok ang kanyang naging pagkilos at paulit ulit niyang pinindot ang doorbell.
Nang magbukas na ang mga ilaw sa loob g mansyon, narinig niya ang boses ni Xu Jiamu. "Sino yan?"
Hindi nagtagal, nagbukas ang mga pintuan.
Nakasuot na si Xu Jiamu ng kanyang pajamas at base sakanyang itsura, mukhang mahimbing na siyang natutulog na may biglang gumising. Medyo iritable ang nang kanyang mukha nang buksan niya ang pintuan pero noong nakita niya na si Lu Jinnian ang taong nasa labas, biglang huminahon ang kanyang itsura at masaya niya itong binati, "Bro?"
Agad na napansin ni Xu Jiamu ang maduming damit ni Lu Jinnian kaya biglang siyang napakunot ng kanyang mga kilay. "Bro, anong nangyari sa damit mo?"
Umiling si Lu Jinnian. "Wala lang ito, aksidente ko kasing natapunan ng tsaa ang sarili ko."
"Oh." Humikab si Xu Jiamu bago siya muling magtanong, "Bro, bakit ka napadaan?"
Dahil sa naging pagtatanong ni Xu Jiamu, napagtanto ni Lu Jinnian na medyo naging pabigla-bigla ang kanyang mga naging pagkilos kaya hindi siya kaagad nakasagot at nagisip ng magandang palusot. "Noong nakaraang araw, may mga kinunan akong litrato sa isang charity event, gusto mo ba akong samahang kunin?"
Tinakpan ni Xu Jiamu ang kanyang bibig at muling humikab bago siya sumagot, "Sa ibang araw nalang. Malalim na ang gabi at medyo inaantok na rin ako. Isa pa, Bro, kailangan mong alagaan ang sarili mo kaya wag mong sanayin na matulog ng masyado ng gabi."
Napakibit nalang si Lu Jinnian ng kanyang mga labi. "Kung ganon…mabuti pa ngang magpahinga ka na."
"Mm," sagot ni Xu Jiamu kay Lu Jinnian na dinugtungan niya pa ng, "Goodnight."
"Goodnight," sagot ni Lu Jinnian bago siya tumalikod para maglakad pabalik ng kanyang mansyon. Nang nasa kalagitnaan na siya ng kanyang paglalakad, naramdaman niya na muli nanamang namatay ang mga ilaw sa loob ng bahay ni Xu Jiamu. Napahinto siya sakanyang paglalakad at biglang pumasok sakanyang isip na gusto niyang pwersadong buksan ang pintuan ng bahay para kunin si Qiao Anhao.
Kung mayroon lang siyang kahit kaunting karapatan, hindi siya magaalangang itakas ito…Pero wala siyang kahit anong karapatan dahil sina Xu Jiamu at Qiao Anhao ay magfiance na, samantalang siya? Para kay Qiao Anhao, wala siyang halaga.
Kiniyom ni Lu Jinnian ang kanyang mga kamay at ipinikit ang kanyang mga mata. Hindi niya maigalaw ang kanyang katawan at medyo matagal siyang nanatili sakanyang kinatatayuan habang nakatingin sa mansyon ni Xu Jiamu bago siya tuluyang maglakad papalayo.
Wala siyang balak na umuwi sa kanyang mansyon at dumiretso muna sa isang malapit na convenience store na magdamag na nakabukas para bumili ng isang kaha ng sigarilyo. Hindi nagtagal, muli siyang bumalik sa tapat ng mansyon ni Xu Jiamu at tumayo lang sa ilalim ng poste na nasa labas nito kung saan siya walang tigil na nanigarilyo buong gabi.
Para sakanya, ang gabing iyon ang pinaka mahaba at pinaka nakakapagod na gabi sa buong buhay niya.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES