Lahat ng taong dumalo ay itinaas ang kanya-kanya nilang mga baso pero nang iinumin na sana nila ang laman ng mga ito, mabilis na kinuha ni Qiao Anhao, na nasa tabi lang ni Xu Jiamu, ang hawak nitong alak para palitan ng isang basong tubig. Nang sandali ring iyon, matiyaga siyang nagpaliwanag sa lahat ng taong kasama nila sa hapag kainan, "Hindi pa pwedeng uminom ng alak si Brother Jiamu."
Dahil ang buong akala ng lahat ay katatapos lang talaga ni Xu Jiamu sa kanyang cosmetic surgery, walang sinuman ang nagpumilit na uminom siya.
Masayang nanukso si Qiao Anxia kay Qiao Anhao, "Qiao Qiao, sobrang maalaga mo naman kay Jiamu."
Ngumiti lang si Xu Jiamu at ininom ang isang baso ng tubig kasabay ng lahat.
Ininom ni Lu Jinnian ang matapang na alak at naiwan sakanyang lalamunan ang mapait nitong lasa.
Tunay na napakasarap ng mga iniluto ni Xu Jiamu. Ang buong akala ng lahat ng tao na nasa lamesa ay magasawa talaga sina Qiao Anhao at Xu Jiamu kaya hindi mapigilan ng mga ito na tuksuhin ang dalawa. "Xiao Qiao, sobrang swerte mo naman at nakakain mo araw-araw ang mga kakaibang niluluto ni young master Xu.
Dahil naumpisahan na ng isa ang panunukso, nagsisunuran na rin ang iba. "Dahil nabanggit na rin naman…Jiamu, parang masyado atang naging biglaan ang naging kasal ninyo ni Xiao Qiao. Sa totoo lang, marami sa amin na nandito ngayon ang hindi mo naimbitahan. Ngayon na maayos na ulit ang mukha mo, hindi ba oras na ito para sa isang mas malaking kasalan?"
"Oo nga Jiamu. Hindi nga kayo nagkaroon ng seremonya noong ikinasal kayo eh. Tama ba ang ginawa mo kay Xiao Qiao, tama ba ang ginawa mo sa amin?"
Kahit alam na nina Xu Jiamu at Qiao Anhao na hindi maaring manyari ang seremonya na gustong maganap ng kanilang mga kaibigan, napagkasunduan nila pareho na huwag magpahalata hanggat hindi pa nila naayos ang kanilang divorce kaya para mangyari ito, sinakyan ni Xu Jiamu ang mga panunukso at nakangiting sinabi, "Oo naman, babawi talaga ako sa kasal namin ni Qiao Qiao."
Mula umpisa hanggang dulo, ngumingiti lang si Qiao Anhao at wala siyang sinasabing kahit ano. Pagkatapos magsalita ni Xu Jiamu, hindi napigilan ni Qiao Anhao ang kanyang sarili na silipin si Lu Jinnian. Kagaya ng nakasanayan, wala itong emosyon at patuloy lang ito sa paginom ng wine na hawak nito na para bang hindi ito apektado sa kung ano mang pinaguusapan ng iba.
Biglang napakapit ng mahigpit si Qiao Anhao sa hawak niyang chopsticks. Kahit na sinabi niya na sakanyang sarili na ayaw niya na itong mahalin, hindi niya pa rin maiwasan na masaktan nang makita niya itong walang pakielam habang inaasar siya sa ibang lalaki.
"Hindi lang sa kasal ka dapat bumawi, dapat sa proposal din! Xiao Qiao, makinig ka…kapag hindi nagpropose sayo si young master Xu, kahit anong mangyari, huwag na huwag kang papayag!"
"Kasal na sila, saan pa ba siya hindi papayag?!"
"Wag siyang papayag na magkaroon sila ng mga anak!"
"Tama tama tama, wag kang papayag na magkaroon kayo ng mga anak!"
"Xiao Qiao, kapag nagpropose na siya, tandaan mo na tatawagan mo kami dahil tutulungan ka naming kilitasin kung taos-puso ba talaga sya. Hanggang hindi nangyayari yun, tandaan mo na wag mong bibigyan ng anak si young master."
Bigyan siya ng anak… anak nina Qiao Anhao at Xu Jiamu…biglang naalala ni Lu Jinnian ang kanyang anak na hindi na nagkaroon ng pagkakataon na maipanganak dahil pinatay na ito kahit nasa sinapupunan palang….Habang tumatagal, pahigpit ng pahigpit ang kanyang pagkakahawak sa basong na nasa kamay niya.
Hindi niya na narinig kung ano ang nakakatawang pinagusapan ng iba, dahil nahimasmasan siya na masaya ng nagtatawanan ang lahat. Kalmado siyang naghihintay na magpalit ang mga ito ng pinaguusapan at habang abala ang lahat, sikreto niyang sinilip si Qiao Anhao na kasalukuyang nakayuko at kumakain ng manok na ibinigay ni Xu Jiamu.
Limang segundo lang na tinignan ni Lu Jinnian si Qiao Anhao at muli niyang ibinaling sa iba ang kanyang paningin. Iniangat niya ang kanyang ulo at muling uminom ng isang basong wine bago siya tumayo para maglakad pabalik ng living room.
Magisa lang si Lu Jinnian na nakatayo sa living room at rinig na rinig niya ang masasayang tawanan na nagmumula sa dining room. Hindi maikakaila na tunay ngang napakasaya ng kapaligiran pero wala siyang ibang maramdaman kundi ang matinding kalungkutan na bumabalot sakanyang buong katawan na mukhang walang balak kumakalma.
Hindi niya na namalayan kung gaano na siya katagal na nakatayo kaya nang magbukas ang pintuan ng dining room, pinilit niyang itago ang kanyang kalungkutan at dali-daling kinuha ang kanyang phone mula sakanyang bulsa at itinapat sa tenga niya para magpanggap na may kausap.
Agad na tinawag ni Xu Jiamu si Lu Jinnian pagkalabas niya ng dining room, "Bro". Pero nang makita niyang may kausap ito sa phone, bigla niyang itinikom ang kanyang bibig at pumunta nalang sa CR.
Ibinalik ni Lu Jinnian ang phone niya sa loob ng kanyang bulsa noong narining niya na ang tunog ng flush mula sa CR. Lumabas si Xu Jiamu na nagtutuyo ng kamay nito gamit ang tissue at nang makita siyanito na wala ng kausap, walang alinlangan itong nagsalita, "Tapos ka na bro?"
Bahagyang tumungo si Lu Jinnian.
May tumawag kay Xu Jiamu mula sa dining room na sinagot niya ng may matining na boses. Itinapon niya ang tissue sa basurahan at tumingin kay Lu Jinnian. "Tara, kain tayo."
Hindi gumalaw si Lu Jinnian sa kanyang kinatatayuan at walang kabuhay-buhay na sinabi, "Kailangan ko ng umalis, may importante pa akong gagawin."
Bakas sa mga mata ni Xu Jiamu na nalungkot siya sa naging pagtanggi ni Lu Jinnian pero hindi na siya nagpumilit. "Sige. Kung may oras ka mamaya, kumain nalang tayo."
Isang maikling "mm" lang ang naging sagot ni Lu Jinnian. Sinilip niya ang pintuan ng dining room at matapos ang dalawang segundo, walang imik siyang naglakad papalabas.
Kumpara kaninang umaga, di hamak na mas malamig at presko na ang hangin ngayong gabi sa labas.
Kumuha si Lu Jinnian ng isang tasa ng tsaa at tumayo sakanyang balcony habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan.
Ang tanging rason kaya siya pumayag sa imbitasyon ni Xu Jiamu ay dahil nakita niyang pumasok si Qiao Anhao sa mansyon nito kainang umaga.
Alam niya na kapag pumunta siya, sasaktan niya lang ang kanyang sarili sa mga posible niyang makita at marinig.
Pero wala na siyang magawa dahil dalawang daan at limamput isang araw lang ang ipinagkaloob sakanya ng Diyos para makasama si Qiao Anhao. Tapos na ang kanyang pagpapanggap bilang si Xu Jiamu kaya wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang saktan ang kanyang sarili para lang mapalapit dito.
Ang gabihang iyon ay di hamak na mas masakit kumpara sa inaakala niya, pero ayos lang iyon dahil ang mahalaga ay nakita niya ito at dalawag beses niya pa itong nakausap, hindi ba?
Ang dalawang paguusap na itinutukoy niya ay: noong nagsabi siya ng "Salamat" pagkabigay nito sakanya ng tsaa, at ang pangalawa ay noong sinabi niya na "Ibigay mo sa akin" pagkababa nito ng telepono matapos nitong kausapin si Han Ruchu. Pero sulit naman ang lahat, hindi ba?
Nakatayo lang siya hanggang sumapit ang alas diyes ng gabi, hanggang sa Hinintay ni Lu Jinnian na matapos ang kasiyahan sa kabilang mansyon kaya nakatayo lang siya sa kanyang balcony hanggang sumapit ang alas diyes ng gabi. May dalawang taong lasing na sigaw ng sigaw pagkapasok ng mga ito sa sasakyan kaya nagalit ang aso sa kapitbahay at walang humpay itong kumahol.
Napuno ang bakuran ng mga ilaw na nanggaling sa mga sasakyang isa-isang lumalabas.
Habang nakatayo si Lu Jinnian sa pangalawang palapag ng kanyang mansyon, natanaw niya sina Xu Jiamu at Qiao Anhao na nakatayo sa gate ng bakuran at hindi nagtagal, sabay na naglakad ang dalawa papasok ng mansyon. Nang sandaling magsara ang pituan ng kapitbahay, tuluyan ng tumahimik ang kapaligiran.
Tanging sina Xu Jiamu at Qiao Anhao nalang ang naiwan sa katabing mansyon…
Lumikot ang isipan ni Lu Jinnian at naalala niya ang nakita niyang mga karton ng condom na kasama sa mga pinamili ni Xu Jiamu noong pumunta siya sa dinner nito at hindi niya na kayang isipin ang mga maaring mangyari.
Matapos ang kalahating oras, tuluyan ng namatay ang mga ilaw sa katabing mansyon. Biglang nanginig ang mga kamay ni Lu Jinnian kaya nabitawan niya ang tasa na hawak niya at nagkabasag basag ito sa sahig.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES