App herunterladen
42.65% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 415: Lihim na karamay (3)

Kapitel 415: Lihim na karamay (3)

Redakteur: LiberReverieGroup

Ilang beses na tinawag ni Zhao Meng ang pangalan ni Qiao Anhao pero ni isang beses ay hindi ito sumagot sakanya. Nakaangat lang ang ulo ng kanyang kaibigan habang nakatitig sa phone nito kaya naisipan niya na gulatin ito. Dahan-dahan na naglakad si Zhao Meng papalapit sa harapan ni Qiao Anhao, na nakatulala lang sa screen ng hawak nitong screen.

Unti-unti siyang lumapit sa tenga nito at bumulong, "Qiao Qiao, anong tinitignan mo at bakit ka nakatulala?"

Nanginig si Qiao Anhao sa sobrang gulat kaya dali-dali niyang binaliktad at itinaob ang kanyang phone sa lamesa.

Isa itong kahihiyan dahil kahit anong naging bilis ng pagkilos ni Qiao Anhao, nakita pa rin ni Zhao Meng ang lahat ng nasa kanyang phone screen. Tinignan siya nito na para bang nagaasar. "Tut tut tut" at nagdududa itong nagtanong, "Ano? Qiao Qiao, nahulog ka nab a kay Mr. Lu? Gusto mo na bang umuwi ngayon para makita na siya?"

Yumuko lang si Qiao Anhao at hindi sumagot.

Walang nakitang kahit anong kakaiba si Zhao Meng sa ikinikilos ni Qiao Anhao kaya nagpatuloy siya, "Bukas, pwede na tayong bumalik sa Beijing. Lalapag tayo sa Beijing International Airport ng alas siyete ng umaga sa isang araw. Kung talagang mababaliw ka na sa sobrang pagkamiss mo sakanya, pwede muna tayong dumaan sa Huan Ying Entertainment…

"Zhao Meng," biglang pinutol ni Qiao Anhao ang pagsasalita ng kanyang kaibigan.

Biglang natigilan si Zhao Meng pero masaya pa rin siyang nakangiti habang nakatingin kay Qiao Anhao. Itinikom ni Qiao Anhao ang kanyang mga labi at napahawak ng mahigpit sa kanyang phone. Iniangat niya ang kanyang ulo para tignan si Zhao Meng at kausapin ito ng seryoso, "Zhao Meng, nakipaghiwalay na ako kay Lu Jinnian."

Nanlaki ang mga mata ni Zhao Meng sa sobrang gulat. Tinitigan niya si Qiao Anhao na halatang hindi makapaniwala.

Dahan-dahang ngumiti si Qiao Anhao. "Pasensya na kung hindi ko kaagad nasabi sayo…"

Kalahating buwan na mula noong naghiwalay sila bilang magasawa. Habang inaalala niya ito, muli nanamang naging mangiyak ngiyak ang kanyang mga mata. Tumingin siya sa bintana para pagmasdan ang pangkaraniwang tanawin ng ibang bansa, at dahan-dahang idinagdag, "…Si Lu Jinnian at ako ay hindi na magasawa."

Halos limang minutong hindi makapagsalita si Zhao Meng bago siya magsalita ng mahina, "Hindi ba maaayos naman ang lahat nitong mga nakaraang araw? Bakit sobrang bilis?

Hindi umimik si Qiao Anhao pero hindi niya na napigilan ang kanyang sarili at tuluyan ng tumulo ang kanyang mga luha.

Tama, maayos naman ang lahat nitong mga nakaraang araw. Dumating pa nga sa punto na naisip niya na kahit nagising na si Xu Jiamu, pwede pa rin silang maging magkaibigan at baka balang araw, magkaroon din sila ng pagasa. Pero sa isang iglap lang, nagbago ang lahat. Hindi niya na ito pwedeng makasama, hindi niya na rin ito pwedeng isipin, at higit sa lahat, hindi niya na ito pwedeng makita.

Ituturing niya nalang ito bilang isa sa pinakamatataas na tao ng filming company na pinirmahan niya. Ang supladong lalaking minahal niya sa loob ng labintatlong taon, na nakasuot ng isang puting shirt habang nakatayo sa ilalim ng bubong noong nagpapatila sila ng ulan. Mula ngayon, mananatili ito sa kanyang puso, sa isang panaginip na kahit kailan ay hindi magkakaroon ng katuparan.

-

Nakaupo si Lu Jinnian malapit sa may bintana ng café na nasa ikalimang palapag ng Four Seasons hotel. Katabi niya ang kanyang assistant na makailang beses ng sipa ng sipa sa kanyang binti na nasa ilalim ng lamesa at sa ikawalong beses, hindi niya na ito natiis kaya ngumiti siya sa dalawang taong nasa harapan nila at humingi ng tawad, "sorry, just a moment."

Mukhang wala ng interes ang dalawang nasa harapan niya na magtagal pero pinilit pa rin ng mga ito na ngumiti sakanya.

Matagal na nabalot ng katahimikan ang buong lamesa, at sa bawat oras na lumilipas, hindi mapakali at medyo nababalisa na ang assistant ni Lu Jinnian sa kinauupuan nito.

Nakalapag lang ang proposal sa harapan ni Lu Jinnian at malinaw na sinayang lang nila ang buong dalawang oras ng mga partner na kinatagpo nila ngaunit sa kabila ng lahat ng paalala, nanatiling pa ring walang anumang reaksyon si Lu Jinnian habang nakatitig sa kontrata.


Kapitel 416: Lihim na karamay (4)

Redakteur: LiberReverieGroup

Makalipas ang kalahating oras, muling sinipa ng assistant si Lu Jinnian pero hindi pa rin siya nagpatinag at nanatili pa ring nakatitig sa hawak niyang kontrata na para bang hangin lang ang lahat ng mga nakapaligid sakanya.

Halatang naiinip na ang dalawang partners na nasa harapan nila.

Dahil hindi nagsasalita si Lu Jinnian, naisipan ng assistant na gumawa ng paraan para basagin ang katahimikan. Umubo siya ng malakas at ngumiti sa dalawang partners. "Pasensya na. Paano kung ganito… Kukunin muna namin ang proposal para mapagaralan namin ng mabuti at kapag nagkaroon na kami ng desisyon, tatawagan namin kayo kaagad. Ano sa tingin ninyo?"

Nagtinginan ang dalawa at ang isa sakanila ay tumungo habang sinasabi, "All right."

Dali-daling tumayo ang assistant para maihatid ang mga partners sa labas. Pagkabalik niya, hindi na nakatingin si Lu Jinnian sa proposal at ang mga mata nito ay nasa direksyon na ng bintana na halatang may malalim na iniisip.

Sa nakalipas na kalahating buwan, ito na ang ikalimang beses na nakipagkita sila sa mga nasabing partners para pagusapan ang isang posibleng kooperasyon pero sa tuwing nagkikita sila, walang ibang ginagawa si Mr. Lu kundi tumahimik lang. Kahit ano pa mang sabihin ng kausap nito, o kahit ano pa mang pagpapahiwatig ang gawin ng mga ito, hindi talaga kumikibo si Mr. Lu.

Sa madaling salita, simula noong maghiwalay sina Qiao Anhao at Mr. Lu, naging sobrang tahimik na ni Mr. Lu. Dati, bihira rin naman itong magsalita pero hindi tulad ng nangyayari ngayon na labis ng nakakapangamba. Sa tuwing may mga business meeting ito, hindi ito umiimik sa kabuuhan ng usapan at kung magsalita man ito, dalawang salita lang maririnig mula rito, ang "Let's begin" o di naman kaya "Meeting adjourned."

Hindi talaga mahilig makisalamuha si Mr. Lu, pero ngayon, mas naging ilag pa ito lalo sa mga tao kumpara noon. Minsan, dumadalo ito sa mga importanteng events, pero sa tuwing pumupunta naman ito, lagi lang itong nasa isang gilid.

Mukha namang hindi ito masyadong apektado sa pakikipaghiwalay ni Qiao Anhao. Hindi naman naging mainitin ang ulo nito at maging ang emosyon nito ay normal lang din, pero malinaw na mas naging ilag ito sa ibang tao at naging mahirap din itong lapitan ngayon. 

May ilang tao sa kumpanya na napansin na rin ang naging pagkakaiba sa kilos ni Mr. Lu. May iba pa ngang nagsasabi na naging mas suplado ito o di naman kaya ay lalo pa itong yumabang, at bukod tanging siya lang ang nakakaalam na kaya ayaw na nitong magsalita ngayon ay dahil nawala ang nagiisang taong gusto nitong makausap.

Umiling ang assistant at naglakad papalapit kay Lu Jinnian. Sinilip niya ang proposal na naging dahilan ng muli nitong pagkatulala at napansin niya ang salitang "Hao" na masyadong tipikal na salita at madalas na ginagamit sa pagkaraniwang usapan, pero dahil mayroong ganitong salita sa pangalan ng babaeng iniiisip ni Mr. Lu, lagi nalang itong nawawala sa sarili sa tuwing nababasa nito ang salitang ito….

Nagbuntong hininga ang assistant bago niya kunin ang proposal at sinabi ng mahina, "Mr. Lu, lumalalim na ang gabi, tara na?"

Hindi kaagad sumagot si Lu Jinnian pero bandang huli ay tumungo siya nang walang sinasabing kahit ano. Tumayo siya at naglakad papalabas, samantalang ang assistant ay naiwan pa at nagmamadaling tinawag ang service staff para kunin ang bill bago ito sumunod sa labas. 

Pagkasakay ni Lu Jinnian ng sasakyan, nanatili pa rin siyang tahimik at hindi nagsasalita. Umupo siya sa likod at kinuha ang kanyang phone. Walang ibang nakakaalam kung anong nakita niya pero bigla nalang siyang napatulala sa kanyang screen ng ilang sandali bago niya muling iangat ang kanyang ulo at walang emosyon na sinabi, "Sa Mian Xiu Garden."

Simula noong umalis si Qiao Anhao sa Mian Xiu Garden, hindi na muling umuwi roon si Lu Jinnian. Maging si Madam Chen na kinuha niya lang para kay Qiao Anhao ay binayaran niya na rin ng malaki para umalis.

Nagulat ang assistantant pero hindi nagtagal, walang imik nitong sinunod ang utos ni Lu Jinnian at pinalitan ang ruta sa navigation.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C415
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES