Bumaba si Qiao Anhao ng hagdanan para puntahan si Lu Jinnian. Tinignan niya muna ito bago siya pumasok sa loob sasakyan at nang ikakabit niya na ang seatbelt, bigla siyang inunahan ni Lu Jinnian na gawin ito para sakanya.
Pagkapasok ni Lu Jinnian ng kanyang sasakyan, agad rin siyang nagkabit ng seatbelt at tinanong si Qiao Anhao ng address ni Zhao Meng. Habang tinatype niya ito sa GPS, sobrang nanginginig ang kanyang mga daliri pero ginawa niya pa rin ang lahat para magpatuloy. Nang matapos na siya, agad niyang binuksan ang makina ng kanyang sasakyan at sa hindi malaman na kadahilanan, bigla niya nalang naapakan ang preno kaya napahinto siya ng ilang sandali bago siya unti-unting mahimasmasan at tuluyan ng nagmaniobra palabas ng Mian Xiu Garden.
Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan, at isang beses lang nagsalita si Qiao Anhao noong nagpadala siya ng voice message kay Zhao Meng para paalalahanan ito na parating na siya sa loob ng kalahating oras.
Malapit na sila sa bahay ni Zhao Meng pero hindi nagmenor si Lu Jinnian at nahimasmasan lang siya noong pinaalalahan siya ni Qiao Anhao kaya bigla niyang inapakan ang preno. Tumingin siya sa bintana at napansin niya na lumampas na sila ng halos dalawang daang metro mula sa bahay ni Zhao Meng. "Magmamaniobra ako."
"Ayos lang, hindi naman masyadong malayo. Maglalakad nalang ako." Nakangiting sabi ni Qiao Anhao.
Hindi makagalaw ang panga ni Lu Jinnian at diretso lang sa harap ang kanyang tingin. Matapos ang ilang sandaling pananahimik, sumagot siya, "Okay."
May dinukot na susi si Qiao Anhao sa loob ng kanyang bag na agad din niyang inabot kay Lu Jinnian. "Ito ang susi sa Mian Xiu Garden."
Hindi kinuha ni Lu Jinnian ang susi na inaabot niya kaya ipinatong niya nalang ito sa compartment at dali-dali niyang kinuha ang kanyang bag. "Mauuna na ako."
"Okay," sagot ni Lu Jinnian na para siyang isang robot. Matapos ang ilang sandali, bigla siyang nahimasmasan at naintindihan ang gustong mangyari ni Qiao Anhao kaya dali-dali siyang lumabas ng sasakyan para tulungan itong ibaba ang maleta nito.
"Salamat." Inabot ni Qiao Anhao ang kanyang maleta pero nang mahawakan niya na ito, naramdaman niya na biglang humigpit ang kapit ni Lu Jinnian.
"Qiao Qiao.."
Iniangat ni Qiao Anhao ang kanyang ulo para tignan si Lu Jinnian.
Ibinuka ni Lu Jinnian ang kanyang bibig at bigla siyang napatitig kay Qiao Anhao. Matapos ang ilang sandali, muli siyang nagsalita, "Paalam."
Pinilit ni Qiao Anhao na ngumiti at sumagot, "Paalam."
Lalo pang humigpit ang hawak ni Lu Jinnian sa maleta bago unti-unting lumuwag ang kanyang pagkakakapit, ngunit hindi nagtagal, muli niya nanaman itong hinawakan ng mahigpit pero bandang huli, pinakawalan niya rin ito.
Hinila ni Qiao Anhao ang maleta papunta sa tabi niya at sa pinaka huling pagkakataon, muli niyang nginitian si Lu Jinnian. Pagkatalikod niya, hindi niya na mapigilan ang kanyang mga luha at tuluyan na itong tumulo.
Paalam, Lu Jinnian.
Wala akong ideya kung hanggang kailan kita mamahalin, pero mula ngayon, hindi na ako magpapakamanhid na maghintay na mahalin mo ako pabalik.
Kahit na sinisisi kita sa pagkamatay ng anak natin, gusto ko pa ring magpasalamat sa walong buwan na ibinigay mo sa akin. Salamat dahil pinaintindi mo sa akin na hindi mo talaga ako kayang mahalin.
Paalam, aking kabataan, paalam, aking mahal.
Paalam, sa labintatlong taon ng masasaya ngunit masasakit na alaala.
Hindi makagalaw si Lu Jinnian. Pinagmasdan niya lang si Qiao Anhao na naglalakad papalayo habang hila-hila ang maleta nito. Wala siyang kahit anong balak na umalis sa kinatatayuan niya kahit na tuluyan na itong nawala sa kanyang pangin hanggang sap unto na may biglang lumapit sakanya na isang traffic police para sitahin siya. Humingi siya ng tawad at agad na umalis.
Habang nagmamaneho, gulong-gulo ang isipan niya at hindi niya alam kung saan siya pupunta.
Pagkarating ni Lu Jinnian sa isang intersection, hindi niya maintindihan ang sarili niya at wala siyang ideya kung saan siya pupunta.
Muli nanaman siyang magisa ngayon.
Ayaw sakanya ng sarili niyang ama, samantalang ang kanyang ina naman ay maagang namatay, at ngayon, pati ang babaeng mahal niya ay iniwan na rin siya. Bumalik nanaman siya sa dati na magisang mamumuhay.
Matagal na noong huling beses siyang nakaramdam ng kalungkutan at sa isang iglap lang muli nanaman itong nanumbalik at ngayon ay parang binabaon na siya nito.
Hindi na namalayan ni Lu Jinnian kung ilang oras na siyang paikot ikot na nagmaneho, pero bandang huli, umuwi rin siya sa Mian Xiu Garden.
Nasisinagan ng palubog na araw ang kulay puting mansyon na may pulang bubong kaya napakaganda nito sa paningin. Ininhinto niya ang kanyang sasakyan at naglakad papasok sa mansyon. Pinagmasdan niya itong mabuti at wala siyang nakitang kahit anong kakaiba bukod sa pakiramdam na parang wala itong laman.
Nakabukas ang pintuan ng dining room at nasa lamesa pa rin ang umagahan na niluto ni Qiao Anhao dahil pa ito naililigpit. Pinagmasdan niya ito at wala siyang ibang nakikita kundi silang dalawa na kumakain ng umagahan.
Naging mangiyak-ngiyak ang mga mata ni Lu Jinnian, at dali-dali siyang umakyat sa taas. Pagkabukas niya ng pintuan ng kwarto nila, agad niyang nakita ang dressing table ni Qiao Anhao. Nakasanayan niya itong makita na punog-puno ng make-up products pero ngayon, wala na itong laman kaya lalo pang tumindi ang sakit na nararamdaman niya.
Nagmamadali niya ring sinilip ang CR at nakita niya na wala na rin ang face cleanser, shower gel, shampoo at conditioner na ginagamit ni Qiao Anhao. Maging ang toothbrush, ang baso at ang toothpaste nito ay hindi niya na rin makita. Isa pa, pati ang aparador sa changing room ay wala na ring laman ang kalahati at tanging mga damit panlalaki nalang ang naiwan.
Umalis na nga si Qiao Anhao, ng ganun ganun nalang…na para bang hindi talaga ito totoong dumating sa buhay niya…na para bang ang walong buwan na nakalipas ay panaginip lamang… Ang realidad na sumalubong sakanya ngayon ay tunay na napakalupit.
Hindi makahinga ng maayos si Lu Jinnian. Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto nila at kumaripas siya ng takbo pababa ng hagdanan, at dumiretso sa labas ng mansyon. Sumakay siya sa kanyang sasakyan at desidido siya sa kanyang nararamdaman.
Eksaktong tatlumpu't pitong minuto at apatnapu't walong segundo palang silang magkahiwalay pero sobrang nanabik na siyang makita si Qiao Anhao muli.
Hindi niya kayang manatili lang ng mag-isa sa mansyon dahil pag ginawa niya 'yun, lalo lang siyang malulungkot habang iniisip niya ito.
Nanghihina si Lu Jinnian habang binubuksan ang makina ng kanyang sasakyan pero hindi niya ito naging hadlang hanggang sa tuluyan siyang makaalis. Ilang oras siyang nagpaikot-ikot at nang duminilim na, naisipan niyang huminto sa isang bilihan ng bulaklak para bumili ng isang piling ng chrysanthemums. Bumalik siya kaagad sa kanyang sasakyan at magmaneho palabas ng siyudad.
Makalipas ang halos dalawang oras, nakarating siya sa isang sementeryo pero kinailangan niya pang dumaan sa isang liko-likong kalsada bago siya makarating sa kalagitnaan ng bundok kung saan siya tuluyang huminto. Lumabas siya ng kanyang sasakyan at naglakad papunta sa isang malungkot na puntod. Inilapag niya rito ang chrysanthemums na binili niya lumuhod sa harap nito. Medyo matagal din siyang nakatingin sa isang black and white na litrato na nasa ibabaw ng lapida bago siya magsalita, "Ma….nandito ako para bisitahin ka."
Tila may sumagot sakanya sa papagitan ng pagsipol ng hangin na nanggaling sa kabundukan. Iniangat niya ang kanyang kamay para abutin at dahan-dahang himasin ang black and white na litrato na nasa harapan niya, at muli siyang nagsalita ng mahina, "Ma…alam mo ba…mahal ko talaga ag babaeng 'yun…naikwento ko na siya sayo dati. Qiao Anhao ang pangalan niya. Ang ibig sabihin ng 'Qiao' ay arbor tree, at ang 'Anhao' naman ay kapayapaan. Ang gandang pangalan diba?
"Mayroon siyang magandang ngiti. Siguro hindi mo alam…bukod sayo, siya lang ang nagiisang babae sa mundo na binati ako noong kaarawan ko…Pero, Ma…siya ang fiancé ni Jiamu…Sigurado sasabihin mo sa akin na huwag kong hayaang masaktan si Jiamu, tama?
"Kaya, Ma…ngayon, magisa nanaman ako."
Matapos magsalita ni Lu Jinnian, bigla niyang itinaas ang kanyang kamay para takpan ang mukha niya at nanatili lang siyang tahimik na nakaluhod sa harap ng puntod kanyang ina. Hindi nagtagal, hindi niya na napigilan ang kanyang sarili at unti-unti na siyang humikbi.
Matapos ang dalawang daan at limapu't isang araw na pagsasama nila ni Qiao Anhao, kinailagan nanaman nilang maghiwalay at ang pangungulila na kanyang nararamdaman ay di hamak na higit sa inaasahan niya.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES