Hindi na muling nagsalita si Qiao Anhao at nagtitigan nalang silang dalawa. Matapos ang ilang sandali, muling kumurap si Lu Jinnian at unti-unti siyang nahimasmasan. Tinignan niya si Qiao Anhao ng diretso sa mga mata nito habang inaalala na magtatanong palang sana siya kung may plano ba itong bumalik kay Xu Jiamu ngayon na nakalabas na ito ng ospital.
Bandang huli, bago pa man din siya makapagtanong, sinabi na nito na aalis na ito…
Alam niya na panandaliang kaligayahan lamang ang anumang namamagitan sakanila. Alam niya rin na darating ang araw na kakailanganin talaga nilang maghiwalay, pero hindi niya inakala na magiging ganito kabilis ang lahat… Kanina lang, ipinagluto pa siya nito ng umagahan, at hinayaan din siya nitong maging masaya sa nangyari sakanila kagabi, pero sino bang magaakala na sa sunod nitong gagawin ay parang nalaglag siya ng diretso sa impyerno. Kung gaano nga naman kataas ang naakyat mo, ganun din ang katumbas na sakit kapag bumagsak ka. Walang ibang magawa si Lu Jinnian kundi mapatulala nalang sa sobrang sakit.
Pero kahit anong gawin niya, hindi pwedeng mapasakanya si Qiao Anhao. Kahit gaano pa kaganda ang kanyang mga guni-guni, walang katotohanan ang mga ito, at ngayong araw, tuluyan siyang nagising sa katotohanan, ang araw na muli nanaman siyang magiisa.
Kumurap si Lu Jinnian, pakiramdam niya ay parang may sumasakal sakanyang lalamunan. Matapos ang ilang sandali, naramdaman niyang tumuyo na ang mga luha sakanyang mga mata at nagsalita, "Ikaw…"
Nabubulunan siya sa bawat salitang binibigkas niya kaya huminto muna siya at naghintay ng sampung segundo para muling kalmahin ang kanyang sarili bago magpatuloy, "….kailan mo balak umalis?"
Tinignan ni Qiao Anhao si Lu Jinian at hindi siya kaagad sumagot.
"Ngayon."
"Ngayon?" biglang nanginig ang mga kamay ni Lu Jinnian, may binulong siya sakanyang sarili na siya ang nakaintindi. Itinikom niya ang kanyang mga labi at ang kanyang paghinga ay bigla nalang bumilis. "Kailangan mo ba…"
Bago niya pa matapos ang sasabihin niya, bigla nalang siyang napasandal sa kanyang kinauupuan at napatingala sa kisame. Mukha siyang kalmado at walang makakapagsabi na sobra na pala siyang nasasaktan.
Mula noong magsama silang muli ni Qiao Anhao, alam niyang darating ang araw na ito, pero kahit kailan ay hindi niya naisip na aalis ito sa mismong araw kung kailan ito nagpaalam.
Gusto niya sana talagang tanungin ito ng "Kailan mo ba talagang umalis?"
"Pwede bang huwag ka nalang umalis at samahan mo nalang ako?"
"Qiao Qiao, alam mo ba? Minahal kita sa buong kabataan ko, at ngayon na patapos na ang aking kabataan, hindi mo ba ako pwedeng bigyan ng happy ending?"
Pero babaeng pinakaminamahal niya ay mahal rin ng kanyang kapitid, kaya wala na talaga siyang magagawa. Sino bang pwede niyang lapitan para tulungan siya sa dapat niyang gawin?
Naiwan sa dulo ng kanyang dila ang mga gusto niya sanang sabihin kaya pinipilit niyang hulihin ang mga ito.
Natatakot siya na baka kapag umamin siya kay Qiao Anhao, bigla nalang silang magkailanagan na siguradong tatapos sa anumang relasyon na meron sila ngayon.
Ayaw niyang mamuhay ng puno ng pagsisisi.
Medyo matagal bago sumagot si Lu Jinnian. Bandang huli, huminga siya ng malalim at inayos ang kanyang pagkakaupo. Kalmado niyang tinignan si Qiao Anhao at sinabi, "Ihahatid na kita."
Umiling si Qiao Anhao. "Ayos lang, tatawagan ko nalang si Zhao Meng para magpahatid."
"Ihahatid nalang kita sa bahay ni Zhao Meng," sagot ni Lu Jinnian pagkatapos na pagkatapos magsalita ni Qiao Anhao.
Pinagisipan muna ni Qiao Anhao ang gusto niya mangyari pero bandang huli, hindi naman siya tinaggihan nito at bahagyang tumungo. "Okay."
Hindi na sumagot si Lu Jinnian at tumingin nalang sa bintana.
Ilang sandali ring walang imik na nakaupo si Qiao Anhao bago niya basagin ang katahimikan. "Aakyat lang ako para magempake."
Hindi sumagot si Lu Jinnian na para bang wala siyang narinig.
Tumayo si Qiao Anhao pero halos sampung segudo pa siyang naghintay bago siya tuluyang lumabas ng dining area.
Nang tuluyan ng makalabas si Qiao Anhao sa dining area, dahan-dahang lumingon si Lu Jinnian sa tinayuan nito, sobrang namumutla ang kanyang mukha.
Pagkarating ni Qiao Anhao sa kwarto nila, agad niyang isinara ang pintuan at hindi niya na napigilan ang kanyang mga luha na bumuhos. Pinupunasan niya ang mga ito gamit ang kanyang mga daliri at habang nakasandal sa pintuan, dahan-dahan siyang napaupo sa sahig at tuluyan niya ng inilabas ang lahat ng gusto niyang iiyak.
Kahit na nakaiyak na siya noong araw na nakumpirma niyang nakunan talaga siya, kahit na akala niya naiiyak niya na ang lahat ng sakit na nararamdaman niya sakanyang puso, at kahit na nakapagdesisyon na siyang iwanan si Lu Jinnian, noong dumating siya puntong nagawa niya na, hindi niya inaasahan na madudurog pa rin pala ng sobra-sobra ang kanyang puso.
Minahal niya si Lu Jinnian sa loob ng labintatlong taon at inilaan niya rito ang pinakamagagandang araw ng kanyang kabataan, pero ngayon, kailangan niya na itong tanggaling sa buhay niya, at ito ay…masakit… Pero wala na siyang pagpipilian dahil hindi niya magawang patawarin ang naging pagpatay nito sakanyang anak at ayaw niya ng hayaan ang kanyang sarili na mahalin pa ang ganung klaseng lalaki.
Hindi niya alam na ito na pala ang magiging katapusan niya, at hindi niya rin alam kung kakayanin niya pa bang magmahal ng iba, pero mula sa araw na ito, hindi na siya kailanman magmamahal na ibibigay niya ang sarili niya ng buong buo kagaya ng pagmamahal niya kay Lu Jinnian. Ayaw niya ng maramdaman muli ang sakit at pagpapahirap na siya mismo ang pumayag na gawin sakanya ni Lu Jinnian.
Wala masyadong mga gamit si Qiao Anhao. Noong dumating siya, isang maleta lang ang dinala niya kaya ngayon na paalis na siya, isang maleta lang din ang dala niya na nadagdagan lang ng konting damit, sapatos at ang porcelain doll na ibinigay ni Lu Jinnian.
-
Hapon na noong natapos magempake si Qiao Anhao at nasa labas na rin ng mansyon si Lu Jinnian. Medyo mabigat ang kanyang maleta kaya dumiretso siya sa elevator.
Pagkarating niya sa first floor, hinila niya palabas ang kanyang maleta at tumayo muna siya ng ilang sadlit sa living room. Tinignan niya ang pamilyar na kapaligiran at naalala niya na walong buwan na rin pala ang lumipas. Habang pinagmamasdan niya ang iba't-ibang bahagi ng mansyon, napakaraming imahe ng mga alala ang pumasok sa isip niya.
Muli niyang tinignan ang mga nakapaligid sakanya sa huling pagkakataon bago niya hilain ang kanyang maleta papalabas ng pinto.
Pagkatulak niya ng pintuan, nakita niya si Lu Jinnian na nakatayo sa labas. Nasa ilalim ito ng arawan pero hindi ito nagpapakita ng kahit anong bakas na naiinitan ito.
Nang marinig ni Lu Jinnian na nagbukas ang pintuan, agad niyang tinignan si Qiao Anhao pero hindi nagtagal, bigla niyang ibinaling ang kanyang tingin sa maletang nasa tabi nito. Parang may bumara sa lalamunan niya habang nagtatanong, "Tapos ka ng magempake?"
Tumungo si Qiao Anhao. "Tapos na akong magempake."
Huminto siya ng ilang sadlit at nagpatuloy, "May ilang mga damit at sapatos na hindi ko na gagamitin kaya hindi ko na rin sila dinala. Nilagay ko nalang sila sa isang kahon na nasa changing room at pwede mong iutos kay Madam Chen na itapon nalang 'yun."
Bahagyang tumungo si Lu Jinnian, at walang imik na tumingin sakanyang sasakyan. Kinuha niya ang kanyang susi at binuhat ang maleta ni Qiao Anhao. Pagkababa niya ng hagdanan, dumiretso siya sa likod ng kanyang sasakyan para mailagay ang maleta bago siya maglakad pabalik sa passenger seat para naman pagbuksan ng pintuan si Qiao Anhao.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES