App herunterladen
41.31% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 402: Paalam aking kabataan, paalam aking mahal (12)

Kapitel 402: Paalam aking kabataan, paalam aking mahal (12)

Redakteur: LiberReverieGroup

Nakikita ni Han Ruchu sina Xu Jiamu at Qiao Anhao na parang dalawang lovebirds na gusto munang mapagisa kaya masaya siyang ngumiti at tinignan ang mayordoma. Agad naman nitong nakuha ang gusto niyang mangyari kaya dali-dali itong lumabas ng kwarto kasama ang iba pang mga katulong.

Si Han Ruchu ang pinaka huling umalis pero bago pa man din siya tuluyang makalabas ng kwarto, muli niyang sinilip sina Qiao Anhao at Xu Jiamu. Medyo nagalangan siya noong una pero bandang huli, kinuha niya ang kanyang phone at sikretong kinunan ng ilang litrato ang dalawa.

Maagang dumating si Lu Jinnian sa Huan Ying Entertainment para sa isang meeting na umabot hanggang kinahapunan. Habang nagaganap ang paguusap, hindi niya kayang magpokus at may mga pagkakataon pa nga na bigla nalang siyang natutulala kaya nang matapos ang meeting, alam ng lahat na board of directors na may kakaiba sakanya.

Matapos ang matagal na pagtitiis sa meeting, muling bumalik si Lu Jinnian sa kanyang opisina para naman harapin ang napakaraming natambak na dokumento. Pagkaupo niya sa kanyang lamesa, wala siyang maprosesong kahit ano dahil ang isip niya ay punong puno ng mga imahe nina Qiao Anhao at Xu Jiamu.

Pagsapit ng alas onse ng umaga, nagmamadaling lumapit sakanya ang assistant para sa isang importanteng dokumento. Sinilip niya ito at muli itong ibinaba. Noong mga sandaling iyon, bigla ring tumunog ang kanyang phone pero wala siyang balak na pinansin ito noong una habang patuloy niyang iniintindi ang dokumento. Lumipas ang ilang sandali at patuloy pa rin sa pagba-vibrate ng kanyang phone kaya naiinis niya itong kinuha para tignan. Hindi niya alam kung kanino ang numero pero nagpadala ito sakanya ng ilang litrato.

Matagal siyang napatitig sakanyang screen bago niya napilit ang kanyang sarili na muling ibaling sa iba ang kanyang tingin. Wala ekspresyon niyang kinuha ang pen para pumirma.

Ibabalik niya na sana ang dokumento sakanyang assistant nang muli nanamang nagvibrate ang kanyang phone. Ito rin ang numerong tumawag sakanya kanina at may kutob na siya kung sino ang taong nasa likod nito pero ilang sandali pa siyang nagalangan bago niya muling ilapag ang dokumento at sagutin ang tawag.

Tama nga ang kutob niya. Agad niyang narinig ang mapagmataas at mayabang na boses ni Han Ruchu. "Nakita mo ba ang mga litratong pinadala ko sayo? Ngayon na nakalabas na si Xu Jiamu sa ospital, katapusan niyo na rin ni Qiao Qiao."

Biglang humigpit ang pagkakakapit ni Lu Jinnian sa kanyang phone at nanginginig ang kanyang mga labi.

Hindi maintindihan ni Han Ruchu kung bakit hindi siya nagsasalita kaya muli itong pasighal na nagsalita, "Bakit? Hindi mo kaya? O baka naman nakalimutan mo na singit ka lang relasyon nila. Kung hindi naaksidente si Jiamu, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na maging malapit kay Qiao Qiao. Isa lang itong business deal, at masyado ka ng maraming nakuha, oras na para matutunan mong huminto."

Biglang nandilim ang paningin ni Lu Jinnian at pagalit niyang sinabi, "Pwede mong sabihin ang lahat ng gusto mong sabihin tungkol sa akin, pero binabalaan kita, huwag mong susubukang insultuhin si Qiao Qiao. Kahit kailan, hindi siya naging isang business deal!"

"Hindi isang business deal? Bakit ka nagpanggap bilang asawa niya? Kahit na gusto mo pa siya, hindi mo siya maaring makuha hanggang pagsawaan siya ng anak ko dahil ang mga bagay na pwede lang mapasayo ay ang mga bagay na ayaw niya na!"

"Binabalaan kita sa huling pagkakataon, pwede mo akong insultuhin pero hindi siya!" Tumayo si Lu Jinnian sa sobrang galit. "Huwag mong isipin na wala akong gagawin para makuha siya kay Xu Jiamu. Ang nagiisang dahilan kung bakit hinahayaan ko silang magsama ay dahil hindi pa ako sapat para sakanya sa ngayon at ayokong maghirap siya dahil sa akin."

Walang pagdadalawang isip na ibinaba ni Lu Jinnian ang tawag at ibinato ng malakas ang kanyang phone sa sahig.


Kapitel 403: Paalam aking kabataan, paalam aking mahal (13)

Redakteur: LiberReverieGroup

"THUD!"

Isang malakas na tunog ang biglang umalingawngaw sa buong opisina ni Lu Jinnian at ang assistant na nakatayo sa isang gilid ay ayaw magbakasakaling gumawa ng kahit anong ingay.

Tila kinakapos ng hininga si Lu Jinnian sa sobrang galit. Tumayo siya mula sakanyang lamesa at bunksan ang aparador para maghanap ng sigarilyo. Kumuha lang siya ng isang stick at marahas na inihagis ang isang buong kaha sa basurahan bago siya maglakad papunta sa bintana kung saan tahimik siyang tumayo habang nakadungaw sa labas.

Matagal siyang walang imik bago niya bahagyang napakalma ang kanyang sarili. Tumingin siya sakanyang assistant para magtanong, "Alam mo na ba ang sitwasyon g Xu Enterprise board ngayon? Kamusta?"

"Malapit na akong matapos sa bagay na yan."

Tumungo si Lu Jinnian.

Muling nagsalita ang kanyang assistant, "Mr. Lu, sigurado ka na ba sa gagawin mong desisyon?"

Hindi agad sumagot si Lu Jinnian at nanatili lang siyang nakadungaw sa bintana.

Matapos ang isang minuto, pabulong siyang nagsalita, "Yea", parehong mahina at walang emosyon ang kanyang boses. "Kagaya ng plano ko."

Hindi na pinilit ng assistant na magbago ng isip si Lu Jinnian. "Sige, ihahanda ko na."

Hindi sumagot si Lu Jinnian kaya agad na kinuha ng assistant ang dokumento dahil alam niya na mas makakabuti kung aalis muna siya pero matapos ang dalawang hakbang, bigla siyang nagalangan at hindi siya mapalagay na nagtaong, "Mr. Lu, handa ka na ba na iwanan si Miss Qiao ng ganito?"

Nanatiling tahimik si Lu Jinnian habang unti-unting binabalot ng lungkot ang kanyang puso.

Iniangat ng assistant ang isa niyang kamay para kuskusin ang kanyang ilong. "Mas naging mabuti na ang relasyon ninyo ni Miss Qiao. Kahit na nagustuhan niya noon si Mr. Xu, hindi naman ibig sabihin na hindi siya pwedeng mahulog sayo. Paano kapag biglang nagbago ang kanyang isip at napagdesisyunan niyang ayaw niya na pala kay Mr. Xu, hindi ba parang pinakawalan mo nalang siya ng ganun kadali?"

Sa kabila ng mga nakakakumbinsing salita ng assistant, nanatili pa ring walang imik si Lu Jinnian. Itinaas ng assistant ang isa niyang kamay para kuskusin ang kanyang ilong sa pangalawang beses bago siya magsalita na halatang naiilang, "Er… Mr. Lu, kalimutan mo nalang ang mga sinabi ko. Wala na kong ibang kailangan, aalis na muna ako."

Hindi makagalaw si Lu Jinnian sakanyang kinatatayuan. Noong narinig ng malayo na ang mga yabag ng kanyang assistant, muli siyang humarap sa bintana para tignan ang maulap na kalangitan habang paulit ulit niyang naririnig sa kanyang isipan ang mga sinabi ng assistant.

-

Inilapag ni Qiao Anhao ang walang laman na mangkok sa lamesang nasa gilid ng kama at pinunasan ang bibig ni Xu Jiamu gamit ang isang basang tuwalya. Iniangat niya ang kanyang ulo para tinignan ito ng diretso sa mga mata at nagtanong, "Ano ba talagang nangyari sayo noong araw ng aksidente mo? Hindi ka naman nakainom pero bakit sobrang lala ng pagkakabangga mo?"

Biglang bumakas ang galit sa mga mata ni Xu Jiamu pero pinilit niyang tumawa ng bahagya bago sagutin ang katanungan ni Qiao Anhao. "Hindi ako nakapagpreno kaagad kaya ako naaksidente. Pero ayos naman na ako ngayon, mukha bang hindi pa?"

"Buti nalang talaga at maayos ka na," naiinis na sagot ni Qiao Anhao. Pero noong sandali ring iyon, biglang naging seryoso ang kanyang mukha at mahinahong nagtanong, "Brother Xu, matagal mo na bang alam ang tungkol sa kasunduan nating magpakasal?"

Hindi sumagot si Xu Jiamu.

Matapos ang ilang sandaling pananahimik, muling nagsalita si Qiao Anhao, "Patawarin mo ako, pero hindi kita kayang pakasalan."


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C402
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES