Si Lu Jinnian, na kanina'y nakayuko lang at walang ibang inintindi kundi ang paginom ng alak, ay biglang napaangat ng kanyang ulo nang sandaling marinig niya ang sinabi ng lalaki, at agad siyang napatingin kay Qiao Anhao.
Umarte si Qiao Anhao na parang gulat na gulat sa nangyari, nakatulala lang siya at hindi agad nagsalita.
Buong pusong binigkas ng lalaki ang lahat ng nakasulat sakanyang script.
Base sa kanyang linya, kailangang palabasin ni Qiao Anhao na labis siyang naguguluhan habang ang mga bisita niya sa kanyang kaarawan ay walang tigil sa pagkantyaw na sumagot na siya ng 'oo'!
Habang tumatagal, pahigpit ng pahigpit ang hawak ni Lu Jinnian sa baso ng alak na nasa kanyang kamay. Nang sandaling tumungo si Qiao Anhao, hindi niya na kayang makita ang mga sunod na mangyayari kaya bigla siyang tumayo at walang imik na umalis.
Si Qiao Anhao na kanina pa hindi kinikibo si Lu Jinnian ay biglang napatingin sa likod nito habang naglalakad papalayo. Umarte siya na mukhang nagaalangan pero bandang huli ay tinanggap niya na rin ang singsing mula sa lalaking nakaluhod sakanyang harap.
Rinig na rinig sa buong kwarto ang labis na kaligayahn ng lahat, samantalang si Lu Jinnian ay mukhang walang kabuhay buhay habang magisang nakatayo sa labas.
Ang lahat ng taong nasa loob ng kwarto ay halos wala ng mapaglagyan ng kanilang mga kaligayahan, samantalang si Lu Jinnian na magisang nasa labas ay lunod na lunod na sa kalungkutan.
Alinsunod sa senyas ng direktor, nagpaaalam si Qiao Anhao na may kailangan lang siyang gawin. Pagkalabas niya ng pintuan, hindi niya inaasahang magkakasalubong sila ni Lu Jinnian. Wala ni isa sakanila ang nagsalita ngunit ang nagtagpo ang direksyon ng kanilang mga mata pero dali-daling umiwas si Qiao Anhao at naglakad papunta sa CR.
Pagkalabas ni Qiao Anhao ng CR, laking gulat niya dahil si Lu Jinnian, na kaninang nasa may pintuan, ay muli niya nanamang nakasalubong. Kagaya ng nangyari noong una, nagkatinginan nanaman sila pero sa pagkakataong ito, sinabi na ni Qiao Anhao ang kanyang unang linya, "Mauna ka na."
Ngumiti siya kay Lu Jinnian habang naglalakad papalapit rito. Pagkalagpas ni Qiao Anhao, biglag ikinuyom ni Lu Jinnian ang kanyang mga kamay at sa sobrang gigil ay halos namuti na ang buko ng kanyang mga daliri.
Nang hindi na makita ni Lu Jinnian sa gilid ng kanyang mga mata si Qiao Anhao, bigla niyang iniangat ang kanyang kamay at hinablot ang braso nito na kalalampas lang sakanya. Hindi na siya nagdalawang isip at bigla niya itong hinila at isinandal sa pader kung saan hindi na talaga siya nakapagpigil at tuluyan niya ng hinalikan ang mga labi nito.
Sinubukang magpumiglas ni Qiao Anhao para maitulak niya si Lu Jinnian papalayo sakanya pero inipit nito ang kanyang mga braso. Isa pa, hindi madali para sakanya na labanan ang padiin ng padiin nitong halik.
Hindi tumigil si Qiao Anhao sakanyang pagpupumilit na kumawala. Bandang huli, hindi niya alam kung saan siya nakakuha ng sapat na lakas pero tuluyan niyang naitulak si Lu Jinnian. Bilang pagsunod sa script, itinaas niya ang kanyang kamay at sinampal ng malakas ang mukha nito.
Malamang drama ang finifilm nila kaya kailangang palabasin na malakas ang pagkakasampal pero sa totoo lang, hindi nama talaga ito dumampi sa mukha ni Lu Jinnian. Nanginginig ang buong katawan ni Qiao Anhao habang binibigkas ang kanyang linya, "Ano bang gusto mo?"
Si Lu Jinnian na katatapos lang sampalin ay agad na tumingin ng diretso sa mga mata ni Qiao Anhao at sinabi habang nanginginig ang kanyang mga labi. "May gusto lang akong itanong sayo..." Matapos bigkasin ni Lu Jinnian ang kanyang linya, medyo matagal siyang natigilan bago magpatuloy, "Kung sasabihin ko ba sayong minahal talaga kita, mamahalin mo ba ako ulit?"
"Hindi!" Walang alinlangang pagsagot ni Qiao Anhao. Kitang kita sa mukha ni Lu Jinnian na parang bigla siyang nawalan ng pagaasa. Dahan-dahan niyang binitawan ang braso ni Qiao Anhao, pero bago niya ito tuluyang pakawalan bigla itong nagsalita, "Dahil hindi naman ako tumigil na mahalin ka."
Sobrang nagulat si Lu Jinnian sa narinig niya kaya hindi niya napigilan ang kanyang sarili at muli niyang hinalikan ang mga labi ni Qiao Anhao.
Sa pagkakataong ito, pareho nilang kailangang umarte na dalang dala sila sa kanilang halikan at ito rin ang huling beses na makikita silang magkasama sa pelikula.
Nang muling magtagpo ang mga labi nina Lu Jinnian at Qiao Anhao, pareho nilang hindi maintindihan kung ang ginagawa ba nila ay akting pa rin o totoo na.
Walong buwan na mula noong magpapanggap sila bilang magasawa pero nagkaroon lang sila ng pagkakataon na maging malapit sa isa't-isa mula noong pareho silang pumasok sa 'Alluring Times'.
Halos tatlong buwan ang itinagal ng kanilang pagfifilm at sa maikling panahon na ito, nagkaroon sila ng higit na mas maraming pagkakataon na magsama kumpara sa nakalipas na labintatlong taon. Sa napakaikling tatlong buwan na nagdaan, andoon ang mga iyakan, tawanan, lambingan, at napakaraming nakakakilig na pagkakataon…Pero sa puntong ito, patapos na sila sa kanilang pagfifilm, at maging sa tunay na buhay, nalalapit na rin ang pagwawakas ng kanilang pagpapanggap bilang magasawa.
Palalim ng palalim ang kanilang mga halik at habang tumatagal ay lalo pa itong naging mapusok habang binubuhos nila ang lahat ng pagmamahal na kanilang nararamdaman.
Nasa isnag gilid lang ang diirektor at tutok na tutok siyang nanunuod sa screen na nasa kanyang harapan. Labis siyang natuwa sa pagarte ng dalawa kaya agad niyang inangat ang speaker para sumigaw na ng 'CUT' pero bigla siyang natigilan nang makita niyang tumutulo ang luha mula sa nakapikit na mga mata ni Qiao Anhao.
Marami talagang pagkakataon na sobrang nadadala ang mga artista sa mga ginagampanan nilang karakter kaya dumarating sa punto na maging ang mga emosyon nito ay damang-dama na rin nila. Muling ibinaba ng direktor ang speaker sa pagaakalang sinasadya ni Qiao Anhao na magdadagdag ng eksena. Tinignan niya ang ibang crew para senyasan ang mga ito na ipagpatuloy lang ang pagfifilm sa dalawa habang siya naman ay muling tumingin sa screen para pagmasdan ang mga nangyayari.
Tuloy tuloy lang ang pagtulo ng mga luha sa mukha ni Qiao Anhao habang nakikipaghalikan.
Nang maramdaman ni Lu Jinnian ang patak ng mga luha ni Qiao Anhao, bigla siyang natigilan pero hindi natagal ay muli niya itong hinalikan at sa pagkakataong ito ay mas madiin pa.
Dahil medyo matagal silang naghalikan, pareho silang hinihingal noong maghiwalay sila.
Pagkabukas ni Qiao Anho ng kanyang mga mata, hindi na siya nakapagpigil at tuluyan ng tumulo ang kanyang mga luha. Maging ang mga mata ni Lu Jinnian ay parang biglang napuwing dahil unti-unti ring naging mangiyak ngiyak ang mga ito. Iniangat nila ang kanilang mga ulo para titigan ang isa't-isa at bigla silang nagsalita ng sabay na para bang nagensayo na sila bago magfilm.
"Mahal kita."
Hindi na ito parte ng script pero imbis na mainis ang direktor ay lalo pa siyang nakaramdam ng pananabik. Matapos ang dalawang minutong malagkit na pagtititigan nina Qiao Anhao at Lu Jinnian, muli niyang itinaas ang speaker para masayang sumigaw ng 'CUT!"
Perpekto ang naging pagtatapos ng eksena. Dali-daling pumunta ang mga crew members sa harap para imisin ang mga gamit samantalang ang direktor ay masayang tumakbo papalapit kina Lu Jinnian at Qiao Anhao. "Mr. lu, Xiao Qiao, sobrang galing ng ginawa niyo! Sa totoo lang ang ganda talaga ng mga idinagdag niyong eksena. Sobrang perkpekto, kahanga-hanga at talagang nakakaantig!"
Marami pang minutawing papuri ang direktor para kina Lu Jinnian at Qiao Anhao hanggang sa pareho silang magising sa katotohanan. Matagal silang nagkatitigan bago nila ibaling sa iba ang kanya-kanya nilang mga tingin.
Nagawang maitago kaagad ni Lu Jinnian ang tunay niyang nararamdaman at muling bumalik ang kanyang pangkaraniwang supladong itsura.
Masayang ngumiti si Qiao Anhao at nagpasalamat sa direktor habang pinupunasan ang kanyang luhaang mukha ng tissue na nanggaling kay Zhao Meng. Hindi nagtagal, nagpaalam siya kina Lu Jinnian at sa direktor dahil kailangan niya ng magtanggal ng kanyang makeup.
Lu Jinnian, alam mo ba? Mula sa araw na ito, araw-araw kong aalalahanin ang ating kwento, ang panunuod natin ng sine kanina ay iisipin kong isang napaka espesyal na date at ang pagamin na ginawa ko sa huli nating eksena ngayong gabi ay ang aking pagamin sayo.
Lu Jinnian, alam mo ba? Bago pa maging isang ala ala ang ating kwento, umiyak ako para sayo.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES