App herunterladen
40.8% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 397: Paalam aking kabataan, paalam aking mahal (7)

Kapitel 397: Paalam aking kabataan, paalam aking mahal (7)

Redakteur: LiberReverieGroup

Hindi makagalaw si Qiao Anhao nang sandaling magtagpo ang direksyon ng mga mata nila ni Lu Jinnian. Wala pa ring humpay ang mga malalaswang tunog na nanggaling sa pelikula. Ang mga mata ni Lu Jinnian ay nag aalab sa init habang nakatitig siya kay Qiao Anhao. Malinaw na mataas ang aircon at malamig sa loob ng sinehan, pero ang pakiramdam ni Qiao Anhao ay prang nagbabaga ang kanyang buong katawan.

Sa wakas at natapos na ang mga mahahalay na eksena sa big screen, at ang mga naghahalikang magkasintahan ay tumigil na rin. Samantalang sina Qiao Ahao at Lu Jinnian ay nanatili pa ring magkatitigan hanggang sa may isang malakas na tunog na bumagabag sakanila. Biglaan ang pagpasok ng nagaaway na eksena kaya bigla rin silang nahimasmasan. Agad na tinanggal ni Qiao Anhao ang kanyang kamay sa popcorn, pero masyadong mabilis ang kilos ni Lu Jinnian at nahuli niya ito.

Medyo nanigas ang katawan ni Qiao Anhao pero hindi niya tinanggal ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Lu Jinnian. Agad siyang humarap sa screen samantalang si Lu Jinnian ay nanatili pang nakatingin sa gilid ng kanyang mukha ng ilang sandali bago ito tuluyang humarap sa screen.

May katagalan na rin mula noong ibinaling nila sa iba ang kanilang mga tingin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila magawang kausapin ang isa't-isa dahil pareho silang tutok na tutok sa pelikula. Kung titignan, mukha talaga silang seryoso sa panunuod pero ang hindi nila alam ay pareho silang hindi mapagalay at ang tibok ng kanilang mga puso ay napakabilis.

Habang nirorolyo ang credits, nagumpisa ng magsilabasan ang mga tao, pero sina Lu Jinnian at Qiao Anhao ay nanatili pa rin sa kanilang kinauupuan. Magkahawak lang ang mga kamay nila hanggang sa tuluyan ng mablangko ang screen. Silang dalawa nalang ang naiwan sa loob ng sinehan pero ayaw pa rin nilang umalis hanggang sa napilitan nalang silang tumayo ng sabay nang dumating na ang maglilinis ng mga naiwang basura. Kinuha nila ang mga kalat na nasa kanilang mga upuan at magkasunod na naglakad palabas ng sinehan.

Alas singko na ng hapon noong natapos ang pelikula. Ang huling eksena na kailangan nilang ishoot ay nakaschedule ng alas otso ng gabi. Malinaw na wala na silang oras na kumain pa sa city kaya bumili nalang sila sa supermarket ng makakain habang nasa byahe pabalik sa set.

Habang nasa loob ng sasakyan, wala ni isa sakanila ang gustong maunang magsalita. Mukha silang kalmado, kagaya ng laging nangyayari, pero ang mga puso nila ay nasa sinehan pa rin, kung saan magkahawak ang kanilang mga kamay ng halos apatnapung minuto.

Alas siyete na ng gabi nang makabalik sina Lu Jinnian at Qiao Anhao sa set kaya agad silang dumiretso sa makeup room. Ang ibang mga artista ay tapos ng magpaayos at nasa set na para maghanda ng mga karakter na kanilang ginagampanan.

Magkatalikuran ang mga upuan nina Qiao Anhao at Lu Jinnian kapag nakaharap sila sa kanilang mga dressing table at sa tuwing itinatapat ng kanyan-kanya nilang mga makeup artist ang kanilang mga mukha sa salamin, hindi nila maiwasang magtagpo ang kanilang mga tingin kaya paulit-ulit nilang naalala ang init na kanilang naramdaman noong naghawak kamay sila kanina.

-

Sa pelikulang 'Alluring Times; gumaganap sina Qiao Anhao at Lu Jinnian na magasawang matagal ng hindi tumitira sa iisang bubong. Dahil sa mga problemang kinakaharap nila sakailang pamilya, napagdesisyunan nilang kumuha nalang ng divorce certificate kinabukasan. Noong mga panahong 'yun, napagtanto ng karakter na ginagampanan ni Lu Jinnian na mahal niya pa pala ang babaeng minsa'y nakasama niya.

Sa totoo lang, mahal niya naman talaga ang karakter na ginagampanan ni Qiao Anhao, pero pinagtulakan niya ito dahil hindi sila magkasundo sa kanilang buhay mag-asawa. Marami siyang nagawa na labis itong nasaktan kaya nahihiya siyang humingi ng tawad dito. Isa pa, mula noong naghiwalay sila ng tirahan, mas naging malapit ito sa isang lalaki na di hamak na mas matino sakanya.

Ang eksenang gagawin nila ngayon ay ang proposal ng lalaki sa mismong kaarawan ng karakter ni Qiao Anhao. Ang nasabing babae, na tuluyan ng sumuko sa karakter ni Lu Jinnian, ay walang alinlangang tumungo bilang kanyang 'oo'.

Pagkasuot kay Qiao Anhao ng singsing, ang karakter naman ni Lu Jinnian ay labis na malulungkot. Pupunta si Qiao Anhao sa CR at susundan siya ni Lu Jinnian. Dahil hindi na talaga nito kayang magpigil ng emosyon, bigla nalang siyang hihilain nito at aamin ng tunay na nararamdaman.


Kapitel 398: Paalam aking kabataan, paalam aking mahal (8)

Redakteur: LiberReverieGroup

Mas simple ang makeup ni Lu Jinnian kung ikukumpara kay Qiao Anhao kaya halos nangangalahati palang ito noong matapos siya. Tumayo muna siya para masuri ng kanyang makeup artist ang gawa nito nang biglang tumunog ang phone ni Qiao Anhao.

Ang phone ni Qiao Anhao ay nakalapag sa lamesa kaya nang sandaling tumunog ito, biglang napalingon si Lu Jinnian kung saan nakita niya sa screen ang dalawang salita, 'Aunt Xu'.

Humingi ng pasensya si Qiao Anhao sa kanyang makeup artist at dali-daling kinuha ang kanyang phone na nasa lamesa para sagutin ang tawag. "Aunt Xu?"

Dahil wala na masyadong tao sa makeup room, sobrang tahimik na talaga ng kapaligiran kaya si naman Lu Jinnian na nakatayo sa tabi Qiao Anhao ay malinaw na naririnig ang boses ni Han Ruchu na nasa kabilang linya.

"Qiao Qiao, ngayong gabi mo ishushoot ang huling eksena mo, diba? Ibig sabihin, wala kang gagawin bukas, tama?"

Sumagot lang si Qiao Anhao ng isang mahinang "mm" at muling nagpatuloy si Han Ruchu, "Qiao Qiao, bukas na lalabas si Jiamu. Wag mong kalimutan na sunduin siya."

Dahan-dahang ikinuyom ni Lu Jinnian ang kanyang kamay at itinikom ang kanyang mga labi. Hindi siya gumawa ng kahit anong ingay at nanatili lang na kalmado sa kinatatayuan niya hanggang sa sa magsalita ang kanyang makeup artist, "Ayos ka na"

Agad siyang tumalikod at naglakad papunta sa pintuan ng makeup room. Nang sandaling itutulak niya na sana ang pintuan, muli niyang narinig ang malumanay na boses ni Qiao Anhao, "Alam ko po Aunt Xu. Pupunta po ako bukas. Maguumpisa na po kaming magfilm ngayon kaya hindi na rin po ako pwedeng magtagal…Mhmmm…Bye."

Nagpatuloy si Lu Jinnian na bumaba ng hagdanan pero sa hindi malaman na kadahilanan, nakaligtaan niya ang isang hakbang kaya bigla siyang nadulas. Buti nalang, nahila siya kaagad ng kanyang assistant at nagaalala itong nagtanong, "Mr. Lu, ayos ka lang ba?"

Hindi sumagot si Lu Jinnian, pinilit niyang mag mukhang kalmado at muling nagpatuloy sakanyang paglalakad papunta sa set.

Bukas, lalabas na si Xu Jiamu…hindi ba ang sabi nila isang buwan ang pinakamabilis o pwede pang umabot ng dalawang buwan? Kalahating buwan palang ang nakakalipas, paano nangyari na pwede na itong lumabas? At dahil pwede ng lumabas si Xu Jiamu, ibig sabihin, siya na gumaganap bilang kapalit nito, ay kailangan ng magpaalam sa kanyang misyon?

Kailangan ng magpaalam sakanyang misyon…Ibig sabihin, hindi na sila pwedeng magpanggap bilang magasawa?

Kanina, nanuod pa sila ng pelikula at sobrang ayos pa ng lahat. Pero bakit parang bigla nalang nagbago ang ihip ng hangin at kailangan na naman nilang maghiwalay?

-

Pagkatapos ni Qiao Anhao sakanyang makeup, agad siyang sumunod sa set pero wala pa roon si Lu Jinnian. Kinausap muna siya ng direktor para bigyang diin ang mga dapat niyang tandaan at nang sandaling masabi na nito ang lahat ng mga bilin para sakanya, doon palang sumulpot si Lu Jinnian na naglalakad sa tulay na gawa sa kahoy na nasa likod ng kagubatan.

Nang makita ng direktor na papalapit na si Lu Jinnian, agad itong sumensyas sa lahat ng staff na pumunta na sa mga pwesto nito. Wala na silang pinalipas na oras, dali-dali nilang inayos ang ilaw at mga kamera para makapagumpisa na silang magfilm kaagad.

Maraming taong nakaupo, umiinom, at kumakanta sa loob ng kwarto nang magumpisa ang eksena. Samantalang sina Qiao Anhao at Lu Jinnian ay hindi nagkikibuan at maski silipin ang bawat isa ay hindi rin nila ginawa.

Pagkatapos makunan ang parte na iyon, agad itong napalitan ng sandaling kumanta si Qiao Anhao kasabay ang isang matipunong artistang lalaki. Samantalang si Lu Jinnian naman ay sunod-sunod ang paglagok ng tubig na papalabasing alak sa pelkikula. Nakayuko lang siya at ayaw niyang tignan ang masayang magkasintahan na kumakanta ng sabay.

Nang matapos na ang kanta, sabay-sabay na pumalakpak ang lahat. Ang akala ng karamihan ay ipapasa lang ng dalawa ang mikropono sa susunod na kakanta pero laking gulat ng lahat nang biglang lumuhod ang lalaking kasabay kumanta ni Qiao Anhao para yayain siyang magpakasal, "Will you marry me?"


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C397
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES