Noong bata pa si Qiao Anhao, marami siyang mga kaklase na nagkakaraoon ng karelasyon sa murang edad pero dahil natatakot ang mga ito na mahuli ng kanilang mga teachers, nagpapanggap nalang ang mga ito na hindi magkakilala sa loob ng eskwelahan at kapag uwian na, nakikita niyang magkakahawak ng kamay ang mga ito habang naglalakad.
Tuwing Sabado at Linggo, hindi kailangang maguniporme ng mga kababaihan kaya pwede silang magsuot ng mga magagandang bistida. Marami sa mga ito ang nagsisinungaling sa kanilang mga magulang na magpapaalam para lumabas kasama ang mga kaibigan nilang babae, pero ang totoo ay makikipagkita talaga sila sa mga lalaking nagugustuhan nila para manuod ng pelikula, bumili ng malaking kahon ng popcorn at tig'isang coke. Tunay ngang maituturing itong napaka simpleng date pero hindi maihahambing ang kagandahan nito.
Noong mga panahong iyon, lagi siyang nangangarap: Kailan kaya ako makakanuod ng pelikula na kasama si Lu Jinnian..?
'Yun ang itinuturing niyang pinaka magandang pangarap noong kabataan niya. Pangarap ng isang trese anyos na kahit kailan ay hindi nagkaroon ng katuparan.
Kung hindi talaga sila ang nakatadhana para sa isa't-isa, bakit hindi nila sulitin ang mga natitirang araw na sabay silang umiyak, tumawa, kinilig, at nasaktan. Gusto niyang sa huling pagkakataon ay gumawa sila ng mga magagandang alaalang panghabang-buhay na mananatili sakanila.
Nagulat si Lu Jinnian sa gustong mangyari ni Qiao Anhao kaya hindi siya nakasagot kaagad. Hindi niya maipaliwag ang sobrang saya na bigla niyang nararamdaman, kaya kahit noong sandaling nagsalita na siya, halatang halata sa boses niya ang naguumapaw na kaligayahan. "Sige, magbu'book ako ng mga ticket."
Natuyo na ang mga luha ni Qiao Anhao kanina pero ngayon na kausap niya si Lu Jinnian, muli nanamang tumulo ang mga ito. Ngumiti siya at kalmadong sinabi, "Mm, pero kailangan ko pang ifilm ang pinaka huli nating eksena sa gabing 'yun, kaya mas maganda siguro kung sa hapon mo i'book.
"Sige," Walang pagtutol na sagot ni Lu Jinnian. Hindi nagtagal, muli siyang nagsalita, "May iba ka pa bang gusto?"
"Wala…" Kinagat ni Qiao Anhao ang kanyang labi bago magsabi ng "Bye", at dali-daling ibinaba ang tawag. Iniangat niya ang kanyang ulo para tignan ang kulay asul na kalangitan at huminga ng malalim para pigilan ang kanyang mga luha na ayaw tumigil sa pag'agos.
Si Lu Jinnian ang tanging lalaking minahal niya sa loob ng labintatlong taon. Pinangako niya sa sarili niya noon na ito lang ang taong mamahalin niya habang buhay.
"In my whole life, I will only love you" ito ang pinaka maganda at romantikong mga salitang naisulat niya para rito.
Pero ang lalaking minahal niya ng buong puso ay siyang nanakit rin sakanya ng sobra.
Nang isa-isang mailatag sa harapan niya ang lahat ng ebidensya, wala na siyang dahilan na magtanong pa, kaya ngayon, hindi niya na sinubukang tanungin ito ng, "Lu Jinnian, pinabort mo ba ang anak ko o hindi? Dahil sigurado naman siya sa sagot nitong "Oo". Kung magyayari 'yun, hindi ba parang sobrang nakakailang naman?
Ilang sandali ring nakatingala habang nakapikit si Qiao Anhao bago niya kunin ng sabay ang ipinadala sakanyang abortion paper kahapon at ang resulta ng kanyang check-up ngayon. Pinunit niya ang mga ito ng napaka liliit at walang pagdadalawang isip na itinapon sa basurahan na nasa tabi niya.
-
Dahil sabado ngayon, anim na araw pa ang kailangan nilang hintayin bago mag Biyernes. Pagkababang pagkababa ni Lu Jinnian ng tawag ni Qiao Anhao, agad niyang tinawagan ang kanyang assistant para magpatulong na magbook ng dalawang VIP tickets.
Sinabi niya lang ang sa assistant kung ano ang sinabi sakanya ni Qiao Anhao, "Sa Biyernes ng gabi, pareho kami ni Qiao Qiao na kailangang magfilm ng huli naming eksena, kaya mamili ka ng panghapon…Siguro gusto niya pang magpahinga ng konti, kaya pang alas tres nalang ang kunin mo… Oh, wag mo rin palang kalimutan na sa non-smoking area ka magbook ng mga upuan. Ayaw kasi ni Qiao Qiao ang amoy ng mga sigarilyo…
"Isa pa, kailangan sa gitna ang makuha mong mga upuan. Hindi kasi komportableng manuod sa gilid. Maglagay ka na rin ng kumot sa sasakyan para hindi na makalimutan dahil dalawang oras ang haba ng pelikula kaya baka sipunin siya kung magiging masyadong malamig ang aircon.
"Oh, tama, maghanda ka rin ng dalawang unan, para kung sakali na hindi kami maging komportable sa mga posisyon namin, may magagamit kaming pangsuporta sa likod."
"Sobra sobra naman ata yan para sa manunuod ng pelikula, Mr. Lu!" pareklamong sabi ng assistant sa kaloob looban niya. Pero kailangan niya pa ring respetuhin si Lu Jinnian kaya pumayag lang siya sa lahat ng sinabi nito at nagtanong, "Mr. Lu, may iba ka pa bang gusto?"
Isa-isang binalikan ni Lu Jinnian ang mga sinabi niya hanggang sa masigurado niyang wala ng kulang pero noong ibababa niya na sana ang tawag, muli niya naamang inulit sakanyang assistant ang mga sinabi niya sa takot na baka may makaligtaan.
Pagkaulit ni Lu Jinnian na mag'book ng mga ticket na pang alas tres ng hapon, sumagot ang assistant, "Mr. Lu, nakuha ko. Mga ticket na pang alas tres. No smoking. Maghanda ng kumot at unan dahil natatakot ka para kay Miss Qiao na…"
Hindi na hinintay ni Lu Jinnian na matapos ng assistant ang sinasabi nito at walang alinlangan niyang binabaan ito.
-
Nalalapit na talaga ang pagtatapos ng pagfifilm ng 'Alluring Times' kaya araw-araw, may mga artistang pumupunta sa set para ifilm ang kanilang mga huling eksena at nagpapaalam dahil yun na rin ang huling nila.
Sa bawat lumilipas na araw, pakonti na ng pakonti ang mga pumupunta sa villa na dating magulo dahil sa napakaraming tao hanggang sa tuluyan na nga itong nabakante. Maging ang hotel restaurant na dating puno ay naging kalahati nalang ngayon.
Pinanindigan ni Qiao Anhao ang pagpapanggap na hindi niya alam na nabuntis at nakunan siya ng anak. Walang makikitang kahit anong kakaiba sakanya dahil nagagampanan niya pa rin ng maayos ang kanyang trabaho at sa tuwing naghihintay siya ng eksena, umuupo lang siya sa gilid para manuod sa nagshushoot. Marami ring pagkakataon na nakikipagusap at nakikipagtawanan siya sa ibang mga artista at staff members.
Maya't-maya niya ring tinitignan si Lu Jinnian at sa tuwing nagtatagpo sila ng direksyon ng kanilang mga mata, masaya niyang ngumingiti ito pero kapag naibaling na nila ang kanilang mga tingin sa iba, yumuyuko siya para itago ang sakit at lungkot na bumabalot sakanyang puso.
Walang makikitang kahit anong kakaiba sakanya tuwing umaga pero kapag sumapit a ang gabi, madalas siyang nahihirapang makatulog at sa oras na palarin siya, napakarami niyang napapanaginipan. Madalas niyang makita sakayang panaginip ang isang cute, maputi at matabang bata na nakatingin sakanya at tinatawag siyang mama. Pero, sa tuwing susubukan niyang hawakan ang bata, nawawala nalang ito bigla kaya agad siyang nagigising at hinihimas ang kanyang tiyan nang hindi namamalayan na tuloy-tuloy nananaman ang pag'agos ng kanyang luha.
-
Pagsapit ng Biyernes, napakalinis ng simoy ng hangin sa Beijing dahil maaliwas ang kalangitan at walang smog.
Bago mananghalian, umuwi muna si Qiao Anhao sa Mian Xiu Garden mula sa set. Kumain lang siya ng sandali, naligo at hinalughog ang kanyang aparador para maghanap ng damit na maisusuot hanggang sa mapili niya ang isang kulay puti na bistida na may lace sa ilalim. Mukha itong malinis at pandalaga.
Tuwing tagsibol, pinapakulot talaga ni Qiao Anhao ang kanyang buhok at kahit medyo mas humaba pa ang buhok ngayon, maganda pa rin naman ang pagkakakulot niya. Pero ito ang gusto niyang ayos para sa araw na 'to kaya nagpatulog siya kay Madam Chen na iunat ang kanyang buhok. At ang pinaka huli niyang ginawa ay humarap siya sa salamin para maglagay ng natural at hindi masyadong halatang makeup sa kanyang mukha.
Kakauwi lang ni Lu Jinnian mula sa Huan Ying Entertainment at naghintay nalang siya para kay Qiao Anhao sa living room. Uminom muna siya ng tubig pero noong sandaling lulunukin niya na ito, bigla siyang napahinto dahil nakita niya si Qiao Anhao na pababa ng hagdanan.
Para siyang biglang bumalik sa nakaraan, parehong-pareho ito sa nakita niyang Qiao Anhao noong kabataan nila na diretso ang buhok at nakasuot ng kulay puting bistida.
Lumapit ito sakanya at ngumiti, "Alis na ba tayo?"
Hindi maalis ni Lu Jinnian ang kayang tingin sa ngiti ni Qiao Anhao. Hindi niya maintindihan kung anong nararamdaman niya pero hindi niya mapigilang titigan ito dahil pare-pareho ang nakikita niya ngayon sa itsura nito noong high school.
Matapos ang ilang sandali, dahan-dahan niyang ikinurap ang kanyang mga mata na may mahahabang pilikmata. Iniangat niya ang kanyang ulo at nilunok ang tubig na nasa kanyang bibig. Hindi nagtagal, inilapag na rin ng mahahaba niyang mga daliri ang basong hawak niya at mahinahong sinabi, "Tara."
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES