Pagkatapos kumain ni Lu Jinnian, agad din siyang bumalik sa kwarto nila kung saan naabutan niyang nanunuod si Qiao Anhao ng TV. Wala siyang balak na istorbohin ito at umupo pa siya sa tabi nito para samahan itong manuod. Pasado alas nuebe na nang matapos ang pinapanuod na drama ni Qiao Anhao kaya naisipan niyang tanuning ito, "May gusto ka bang kainin?"
Tumungo si Qiao Anhao kaya agad siyang tumayo at lumabas. Pagkabalik niya, may dala na siyang mainit na congge na gawa sa swallow's nest.
Gaya ng sinabi ni Lu Jinnian, paborito talaga ni Qiao Anhao ang congee na gawa sa swallow's nest. Sa tuwing nagluluto ng ganito si Madam Chen, gusto niyang dinadagdagan ito ng asukal pero sa pagkakataong ito, sakto lang ang tamis ng pagkakatimpla ni Madam Chen kung ikukumpara sa mga nakaraan. Gayupaman, wala pa ring gana si Qiao Anhao kaya para itong Chinese Medicine na halos isuka niya sa tuwing susubo siya.
Ginawa niya ang lahat para pinilitin ang kanyang sarili na ubusin ang isang mangkok ng congee ng hindi ito nilalasahan. Inilapag niya ang walang laman na mangkok sa ibabaw ng coffee table at pumunta sa CR para magsipilyo pero pagkabalik niya, wala na si Lu Jinnian at ang iniwan niyang mangkok.
Naglagay lang siya ng manipis na cream sa kanyang mukha at agad na ding umakyat sa kama. Nagkukumot at patulog na siya noong bumalik si Lu Jinnian.
Tinanong siya nito, "Inaantok ka na?"
Tumungo lang si Qiao Anhao at may mga sinabi na hindi maintindihan bago niya ipikit ang kanyang mga mata.
Hindi na nagsalita si Lu Jinnian at naglakad nalang papunta sa CR.
Sa totoo lang, hindi pa talaga dinadalaw ng antok si Qiao Anhao kaya naramdaman niya noong lumabas si Lu Jinnian mula sa CR at pinatay nito ang mga ilaw hanggang sa dahan-dahan itong tumabi sakanya.
Sobrang tahimik ng buong kwarto at nanatili lang siyang nakapikit hanggang sa marinig niya na medyo lumalim na ang paghinga ni Lu Jinnian na sa tingin niya ay nakatulog na ng mahimbing. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata para tignan ang itsura nito.
Pinagmasdan ni Qiao Anhao ang gwapo at makinis na mukha ni Lu Jinnian na natatamaan ng liwanag mula sa nakasindi nilang kulay dilaw at naka-dim na night light. Siguro dahil nasa ugali na rin talaga nito, kaya kahit hanggang pagtulog ay bakas pa rin sa mga kilay nito ang pagiging suplado.
Gusto niya sanang panindigan ang pagsisinungaling sakanyang sarili gaya ng nagawa niya kanina. Pinipilit niyang hanapan ng magandang dahilan si Lu Jinnian at gusto niya sanang maglakas loob na tanungin nalang ito ng diretso kung talaga nga bang ipinalaglag nito ang anak nila. Pero kahit anong gawin niya, hindi talaga mawala sa kanyang isip ang nakita niyang resulta ng pelvic examination sa wallet nito: No blood clot, normal thickness, recovered well from the operation.
Operation? Blood clot? Thickness? Kung talaga ngang nagpalaglag siya…
Sinira ng papel na 'yun ang lahat ng kanyang pagpapantasya.
Ayaw niya sanang tanggapin kung ano mang nakita niya, pero hindi niya na pwedeng lokohin pa ang kanyang sarili..
Anak niya yun, at anak din yun ni Lu Jinnian! Gaano na ba talaga ito kasama para magawa nitong ipalaglag ang sarili nitong laman at dugo?
Nanginginig si Qiao Anhao sa sobrang galit at dahil hindi niya na talaga kayang pigilan, gusto niya sanang gisingin si Lu Jinnian pero hindi siya makapagsalita at nangngigil lang ang kanyang mga ngipin habang tinanong ang kanyang sarili kung bakit nagawa ni Lu Jinnian ang bagay na 'yun? Bakit nito nagawang patayin ang sarili nitong anak? Hindi ba ito nasaktan o nakonsensya manlang? Paano nito nagagawang matulog ng mahimbing tuwing gabi?
Bigla nalang tumulo ang mga luha sa mga mata niya. Sa sobrang tindi ng kanyang galit, labis na namutla ang kanyang buong mukha at hindi niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman niya para sa kanyang anak niyang hindi niya manlang nalaman na dumating pala buhay niya.
Naalala niya na bigla nalang bumait sakanya si Lu Jinnian pagkatpos niyang maoperahan.
Siguardong dahil yun sa pagpapalaglag nito sa anak niya. Hindi kaya naawa ito sakanya at nagbabayad lang ito ng utang, kaya bigla nalang siyang pinakitaan ng sobrang kabaitan nito?
Pero ang pinaka nakakatawa sa lahat, sobrang sumaya at naramdaman niya talagang mahal siya ni Lu Jinnian dahil sa mga ipinakita nito sakanya nitong mga nakaraang araw…
Siguardong dahil yun sa pagpapalaglag nito sa anak niya. Hindi kaya naawa ito sakanya at nagbabayad lang ito ng utang, kaya bigla nalang siyang pinakitaan ng sobrang kabaitan nito?
Pero ang pinaka nakakatawa sa lahat, sobrang sumaya at naramdaman niya talagang mahal siya ni Lu Jinnian dahil sa mga ipinakita nito sakanya nitong mga nakaraang araw…
Dumating pa nga sa punto na naisip niya na baka nagkakagusto na ito sakanya kaya nagkaroon siya ng pagasa na baka maging sila rin balang araw…Pero ngayon na nalaman niyang sa likod ng mga magagandang ipinapakita nito sakanya, may isa palang buhay na nagsakripisyo!
Nanlalabo na ang paningin ni Qiao Anhao dahil sa mga luhang naipon sakanyang mga mata. Pinunasan niya ang mga ito at dali-daling tumalikod kay Lu Jinnian kung saan tuluyan ng bumuhos ang kanyang mga luha.
Kahit gaano niya pa kagusto na tanungin nalang si Lu Jinnian kung ano ba talaga ang tunay na nangyari, hindi niya ito magawa magawa dahil wala siyang sapat na lakas ng loob na gisingin at tanungin ito.
Kahit nailantad na ang katotohanan sa harapan niya mismo, hindi niya pa rin kayang harapin ito o baka naman ayaw niya lang talagang tanggapin ito.
-
Hindi nakatulog si Qiao Anhao buong magdamag. Kinabukasan, maaga siyang bumangon sa kama samantalang si Lu Jinnian naman ay mahimbing pang natutulog. Wala siyang balak na gisingin ito, pero hindi niya maiwasang pagmasdan muna ng sandali ang natutulog nitong mukha bago siya pumunta sa CR. Mabilis siyang nag'ayos ng kanyang sarili at nagbihis ng isang simple pero classy na light yellow dress. Hindi nagtagal, kinuha niya ang kanyang bag at naglakad papalabas ng kwarto.
Maging si Madam Chen ay natutulog pa rin pagkababa niya kaya napakatahimik ng kanilang malaking living room. Hindi pa napapatay ang mga wall lamp na may kulay dilaw na ilaw. Medyo mas madilim ang mga ito kung ikukumpara sa liwanag na nanggaling sa sumisikat na araw.
Kinuha ni Qiao Anhao ang kanyang phone para tumawag ng taxi na masasakyan bago siya magsuot siya sapatos at naglakad palabas ng bahay.
Sobrang lamig at tuyo na hangin ang sumalubong sakanya sa labas kaya marami sa mga bulaklak na nasa bakuran nila ay namulaklak kagabi. Habang naglalakad, may nakita si Qiao Anhao na isang rosas na medyo nakatabingi dahil nalaglagan ito ng isang tangkay kaya nilapitan niya muna ito para kunin ang tangkay at ayusin ang bulaklak bago siya tuluyang lumabas ng bakuran. Hininitay na siya ng taxi sa labas kaya agad siyang pumasok at sinabihan ang driver na pumunta sa People's Hospital.
Dahil umalis siya bago magrush hour, wala pa masyadong sasakyan na bumabyahe sa mga kalsada ng Beijing pero ang mga neon lights sa mga tindahan sa magkabilang gilid ng mga kalsada ay nakapatay na at sa hindi kalayuan, may nakita siyang mga taong naglilinis na nakasuot ng kulay orange na damit.
Pagkahinto ng sasakyan sa mismong tapat ng entrance ng People's Hospital, agad na nagbayad si Qiao Anhao at bumaba. Dumiretso siya sa Department of gynecology and obstretics kung saan kinailangan niyang kumuha ng numero at pumila ng halos kalahating oras bago niya makita ang doktor. Walang alinlangan siyang nagrequest ng B-scan, at muling naghintay ng isa pang kalahating oras bago siya papasukin sa operating room.
Pagkatapos ng check up, inayos lang sadlit ni Qiao Anhao ang kanyang damit bago siya umupo sa hall para hintayin ang resulta. Hindi nagtagal, biglang tumunog ang kanyang phone.
Ang buong akala ni Qiao Anhao ay si Madam Chen ang tumatawag para tanungin kung nasaan siya pero dahil ayaw niyang ipaalam kahit kanino na nasa ospital siya, hindi niya muna ito sinagot at naglakad papunta sa isang tahimik na CR na nasa dulo ng ospital. Pagkakuha niya ng kanyang phone, laking gulat niya na hindi pala si Madam Chen ang tumatawag kundi si Aunt Xu.
Huminga muna siya ng malalim bago sagutin ang tawag. Dahan-dahan niyang itininapat ang phone sa kanyang tenga at magalang na nagsalita, "Aunt Xu."
"Qiao Qiao, gising ka na ba?" Halata sa boses ni Han Ruchu na masaya ito habang bumabati. Napahinto ito ng sadlit bago muling magtanong, "Naging busy ka ba nitong mga nakaraang araw?"
"Ayos lang naman po ako…" Natigilan si Qiao Anhao bago magtanong, "Kamusta na po pala si Brother Jiamu?"
"Mabuti naman ang lagay ni Jiamu. Nakakabangon na siya sa kama at kaya niya na ring maglakad. Isa pa, mas tuloy-tuloy na rin siyang magsalita ngayon. Siguradong hindi magtatagal, pwede na siyang makauwi sa bahay para doon na siya makapagpahinga." Ramdam sa boses ni Han Ruchu na sobrang saya nito habang ikinukwento ang mga nagiging progreso sa paggaling ng anak nito.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES