"Sinabi ko naman kasi sayo na ayos lang ako. Nagsayang ka pa tuloy ng maraming pera at oras para dito sa ospital," nagrereklamong sinabi ni Qiao Anhao. Sinilip niya lang sandali ang resulta ng mga naging pagsusuri sakanya at agad niya din itong isiniksik sa kanyang bag. Pagkaangat ng kanyang ulo, tinignan niya ang wallet na nasa bulsa ni Lu Jinnian at nagtanong, "Bakit ka natagalan?"
Walang kahit anong pagbabago sa itsura ni Lu Jinnian at nanatili lang itong kalmado, "Masyado kasing marami ang ginagawa ng doktor kanina kaya hinintay ko pang tawagin niya ako."
"Oh." Sagot ni Qiao Anhao, na mukhang nakumbinsi naman sa sinabi ni Lu Jinnian,habang palabas sila ng elevator
Pagkaalis nila ng ospital, agad silang pumara ng taxi na masasakyan at noong sandaling magtanong ang driver kung saan sila pupunta, nagmamadaling sumagot si Qiao Anhao para maunahan niya si Lu Jinnian, "Mian Xiu Garden."
Pumayag naman ang taxi driver at walang alinlangan nitong pinaandar ang sasakyan. Tumingin si Qiao Anhao kay Lu Jinnian at sinabi, "Wala tayong sasakyan at medyo mahihirapan na rin tayong bumalik sa set ngayon. Umuwi nalang muna tayo tapos bukas ng umaga nalang tayo bumalik sa set."
Isang mahinang "mmm" lang ang sinagot ni Lu Jinnian at wala na siyang ibang sinabi.
Sobrang saya ni Madam Chen nang makita nito na nakauwi na sila kaya masigasig itong nagtanong ng mga gusto nilang kainin at nagmadali tumakbo papunta sa kusina para maghanda.
Malalim na ang gabi noong sumakay sila ng taxi pero mainit pa rin sa labas kaya pawis na pawis ang buong katawan ni Qiao Anhao pagkauwi nila. Habang naghahanda si Madam Chen, napagdesisyunan muna nilang umakyat at pumasok sakanilang kwarto. Walang paligoy-ligoy na dumiretso si Qiao Anhao sa changing room para kumuha ng pajamas at naligo. Hindi nagtagal, lumabas na rin siya kaagad sa CR habang tinutuyo ang kanyang buhok ng twalya. Noong sandali ring 'yun, nakita niyang nakapagtanggal na si Lu Jinnian ng jacket at nakaupo lang ito sa sofa habang nagphophone kaya tinanong niya ito, "Gusto mo bang magshower?"
Tumungo si Lu Jinnian at ibinaba ang kanyang phone. Pagkatapos ay naglakad siya papunta sa changing room para maghubad ng pantalon at kumuha ng twalya bago dumiretso sa CR.
Nang sandaling marinig ni Qiao Anhao na nagbukas na ang shower, agad niyang inihagis ang twalyang ginamit niya bilang pantuyo ng kanyang buhok at dahan-dahang naglakad papunta sa changing room para kunin ang pantalon ni Lu Jinnian mula sa labahan. Kinapa-kapa niya ang mga bulsa nito at nang sandaling maramdaman niya ang kinalalagyan ng wallet, agad niya itong binunot at binuksan. Bumungad sakanya ang mga nakahilerang bank cards at gold cards na ginagamit ni Lu Jinnian sa mga club at hotel, at mayroon rin itong lamang mga pera. Hindi siya nakuntento at bulatlatin niya pa ang kalooblooban ng wallet hanggang sa may nakita siyang isang manipis na papel. Kinuha niya ito at laking gulat niya nang makita niya ang kanyang pangalan na nakasulat.
Ang papel na nakita niya ay ang resulta ng kanyang pelvic examination. May isang linyang nakasulat sa ilalim nito. Bagama't maliliit ang bawat letra, nagawa pa rin naman niyang basahin ang nais ipahiwatig ng sulat: No blood clot, normal thickness, recovered well from the operation.
Habang patuloy niyang naririnig ang pag'agos ng tubig mula sa shower, bigla nalang nanginig ang kanyang mga daliri na nakahawak sa papel, naramdaman niya na parang may humiwa sa kanyang puso at ang kanyang dugo ay parang ilog na walang humpay sa pag'agos.
Hindi niya na namalayan ang oras kaya nang sandaling marinig niyang pinatay na ni Lu Jinian ang shower, dali-dali niyang itinupi ang papel at inilagay ito sa loob ng wallet, hindi niya rin nakalimutang isara ang zipper at isiksik pabalik ang wallet sa kanang bulsa ng pantalon bago niya ito ibinalik sa labahan.
Mabilis siyang naglakad palabas ng changing room at umupo sa harap ng dressing table. Hindi siya mapakali habang kinukuha at isinasaksak niya ang hairdryer para patuyuin ang kanyang buhok…
Pagkalabas ni Lu Jinnian ng CR, saktong kakaumpisa lang din ni Qiao Anhao sa pgboblower. Nakasuot ito ng isang simpleng pajamas na gawa sa cotton at ang buhok nito ay medyo napatuyuan na ng tuwalya. Noong sandaling nakita nitong nagpapatuyo siya ng buhok, walang alinlangan itong lumapit sakanya para kunin ang hairdryer at tulungan siya.
Hindi magawang tignan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian, nakayuko lang siya at nagtatago sakanyang buhok.
Hindi magawang tignan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian, nakayuko lang siya at nagtatago sakanyang buhok.
Maraming beses ng muntik tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata pero pinilit niya itong pigilan at nang matapos na si Lu Jinnian sa pagpapatuyo ng kanyang buhok, huminga siya ng malalim upang medyo mabawasan ang bigat na nararamdaman. Inipitan niya ng mabilisan ang kanyang buhok at nagsalita na parang normal lang ang lahat, "Titignan ko lang kung tapos ng magluto si Madam Chen."
Agad siyang naglakad palabas ng kwarto.
Malapit ng matapos sa paghahanda ng pagkain si Madam Chen nang bumaba si Qiao Anhao sa kusina. Bumungad sakanya ang bumubulang tunog na nanggaling sa kumukulong sabaw at ang nakayukong si Madam Chen sa tapat ng basurahan na nagbabalat ng bawang. Nang maramdaman nitong papalapit siya, masigasig itong tumingin sakanya at sinabi, "Missus, malapit ng matapos ang dinner. Mabuti pa, pababain mo na si Mr. Lu para makapaghugas na siya ng kamay."
Tumungo si Qiao Anhao at naglakad papalapit sa kalan para silipin ang sabaw na niluluto ni Madam Chen. Kahit nakita niya na gawa ang sabaw sa kumbinasyon ng mais at buto-buto ng baboy, nagtanong pa rin siya, "Anong klaseng sabaw ang niluto mo?"
Sumagot si Madam Chen, "Corn and pork ribs soup."
"Ang bango," papuri ni Qiao Anhao. Hindi niya alam kung dahil lang ba sa usok na sumalubong sakanya noong siilip niya ang mainit na sabaw, pero bigla nalang tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata.
Dali-dali itong pinunasan ni Qiao Anhao. Hindi napansin ni Madam Chen ang nangyari dahil masyado itong abala sa paghahanda, at nang sandaling matapos na ang lahat ng dapat ayusin, muli itong nagsalita, "Ako ng tatawag sakanya," at lumabas sa kusina.
Hindi na umakyat si Madam Chen, dumungaw nalang ito sa direksyon ng hagdanan at sumigaw, "Dinner Time". Samantalang si Qiao Anhao naman ay pumunta muna sa CR, naglock siya ng pintuan at nang sandaling mapaharap siya sa salamin, nakita niya na sobrang namumula ang kanyang mga mata.
Ayaw niya sanang umiyak, pero kusang tumutulo mga ang luha mula sa kanyang mga mata hanggang sa makarinig siya ng dalawang katok sa pintuan na sinundan pa ng boses ni Lu Jinnian, "Qiao Qiao?"
Dali daling pinunasan ni Qiao Anhao ang kanyang mga luha at huminga ng malalim. Sumigaw siya ng "Palabas na!" at binuksan ang gripo para makapaghilamos ngunit halos isang minuto pa siyang natulala at pinatay niya lang ang gripo nang sandaling maramdaman niyang mas kalmado na siya. Kinuha niya ang face towel na nasa tabi niya para makapagpunas siya ng mukha bago niya tuluyang buksan ang pintuan at lumabas.
Nauna ng umupo si Lu Jinnian sa lagi nitong pinupwestuhan sa dining room samantalang si Madam Chen naman ay kalalapag lang ng sabaw na iniluto nito kaya noong sandaling makita siya nitong papalapit, dali dali nitong hinila ang kanyang upuan.
Umupo si Qiao Anhao sa tapat ni Lu Jinnian. Pagkakuha niya ng sabaw na ibinibigay ni Madam Chen, magalang siyang nagpasalamat dito at agad na yumuko para humigop ng sabaw.
Maraming beses na silang kumain ng sabay ni Lu Jinnian at sadyang hindi talaga sila mahilig magusap sa tuwing nasa hapag kainan. Noong mga oras na 'yun, hindi masyadong maganda ang panlasa ni Qiao Anhao pero sinubukan niya pa ring kumain kahit kaunti ngunit hindi rin nagtagal at hindi niya na talaga kinaya kaya agad niyang ibinaba ang kanyang chopsticks.
Si Lu Jinnian na nakaupo sa harap niya ay sumilip sa mangkok na halos hindi niya nagalaw at bigla nalang kumunot ang mga kilay nito. "Wala kang gana? O hindi mo lang gusto ang pagkain?"
Si Madam Chen naman na nakatayo lang sa gilid ay bigla ring nagtanong, "Missus, anong gusto mong kainin? Ipagluluto nalang kita ng iba."
Mangiyak ngiyak ang mga mata ni Qiao Anhao pero bago pa man tuluyang tumulo ang kanyang mga luha, inunahan niya na ito kaya bigla siyang yumuko. Matapos ang sampung segundo, muli niyang iniangat ang kanyang ulo para tignan si Lu Jinnian. Nginitian niya ito, ngunit halata sakanyang itsura na malungkot siya, at kalmadong sinabi, "Medyo marami akong nakain noong hapon. Hindi pa ako masyadong gutom ngayon, kakain nalang siguro ako ulit mamaya."
Tumungo lang si Lu Jinnian at hindi na siya pinilit nitong kumain. Agad siyang tumayo para lumabas ng dining room pero hindi pa siya nakakalayo nang marinig niyang nagbibilin si Lu Jinnian kay Madam Chen, "Gustong kumain ng missus ng congee na gawa sa swallow's nest. Ipagluto mo siya ng congee at sa oras na magutom siya, siguraduhin mong hindi tira-tira ang kakainin niya."
Muli nanamang nanginig ang mga daliri ni Qiao Anhao nang sandaling marinig niya ang mga sinabi ni Lu Jinnian kaya nagmadali siyang naglakad palayo.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES