Huminto ang taxi sa harap mismo ng entrance ng City Hospital. Matapos magbayad ni Lu Jinnian, agad niyang binuhat si Qiao Anhao papasok sa loob ng ospital.
Pinagmasadan ni Qiao Anhao ang City Hospital kung saan siya nanggaling halos limang oras lang nakakalipas. Paulit ulit niyang naririnig sakanyang isipan ang sinabi ng nurse na kakailanganin niyang bumalik ngayong araw sa ospital para sa kanyang follow up kaya bigla siyang nakaramdamam ng hindi maipaliwanag na kaba.
Kahit noon pa, kapag naaksidente si Qiao Anhao sa set, lagi na talaga siyang dinadala ni Lu Jinnian sa ospital para matignan ang lagay ng buong katawan niya. Mukhang ganun lang din ang nangyari ngayon at isa pa, wala naman siyang nakikitang kakaiba sa itsura ni Lu Jinnian.
Mas kaunti ang tao ngayon kumpara noong pumunta siya kaninang umaga. Ibinaba siya ni Lu Jinnian sa isang upuan at umalis ito sadali para kumuha ng ticket number. Noong magreregister na sa si Lu Jinnian, nakita niya na may tinawagan ito sa phone. Medyo maingay ang ospital at hindi niya rin mabasa kung anong sinasabi nito, ngunit higit sa lahat, wala siyang ideya kung sino ang kausap nito. Siguro naging mas maselan lang siya, pero medyo nakaramdam siya ng hindi pagkapalagay dahil sa phone call na 'yun.
Hindi naman talaga nasaktan si Qiao Anhao kaya hindi nagtagal, napagdesisyunan niyang tumayo nalang mula sa kanyang kinauupuan para maglakad papunta kay Lu Jinnian. Noong malapit na siya sa tabi nito, bigla itong napatingin sakanya at bukod sa pag'galaw ng mga labi nito, wala na siyang ibang nakitang reaksyon sa itsura nito. Agad namang ibinaba ni Lu Jinnian ang tawag at tumingin kay Qiao Anhao na nakakunot ang mga kilay. "Bakit pumunta ka pa dito? Wala bang masakit sayo?"
Umiling si Qiao Anhao at ngumiti kay Lu Jinnian. "Ayos lang ako. Medyo nagulat lang ako kanina. Ikaw? Nasaktan ka ba?"
Matapos marinig ang sagot ni Qiao Anhao, medyo kumalma si Lu Jinnian at sinabi, "Ayos lang ako."
Kumurap si Qiao Anhao at mahinahong sinabi, "Dahil pareho naman pala tayong okay, huwag nalang ako magpacheck up. Wala nga ako kahit gasgas eh."
Diretso ang tingin ni Qiao Anhao kay Lu Jinnian habang sinasabi ito. Pero walang nagbago sa itsura ni Lu Jinnian kaya hindi niya mabasa kung ano ba talaga ang motibo nito. Hindi nagtagal, kalmado nitong sinabi sakanya, "Kahit na, mabilisang check up lang para makasigurado tayo."
Ngumiti lang si Qiao Anhao at hindi na nakipagtalo pa kay Lu Jinnian. "Sige."
Matapos nilang magregister, sinamahan siya ni Lu Jinnian na umakyat sa taas, ganun din ang ginawa nito noong naaksidente siya dati sa set. Dahil nakapag full body check up na siya noon, alam niyang wala namang kakaibang gagawin sakanya kaya unti-unti na rin siyang kumalma pero hindi talaga maalis sa isip niya ang mga sinabi ng nurse.
Maraming ginawang check up kay Qiao Anhao pero natapos niya naman ang lahat noong gabing iyon.
Walang nakapansin na lumabas pala si Lu Jinnian para bilhan si Qiao Anhao ng isang bote ng yogurt. Nang makita niyang palabas na si Qiao Anhao ng examination room, agad niyang inilagay ang straw sa inumin at iniabot dito. Nang tawagin na ng nurse ang mga pangalan nila, pinaghintay nalang ni Lu Jinnian si Qiao Anhao sa kinauupuan nito at siya na ang kumuha ng mga resulta.
Matagal ding nawala si Lu Jinnian. Naubos na ni Qiao Anhao ang kanyang yogurt pero hindi pa rin ito bumabalik kaya naisipan niyang puntahan na ito pero bago yun, itinapon niya muna ang hawak niyang bote na walang laman sa pinaka malapit na basurahan.
Natanaw ni Qiao Anhao mula sa glass door na tumango si Lu Jinnian sa doktor na tumingin sakanya. May papel itong tiniklop na agad din nitong isiniksik sa wallet at naglabas ng ilang papel mula sa bulsa nito. Hindi nagtagal, binuksan na ni Lu Jinnian ang glass door at lumabas.
Nang makita ni Lu Jinnian si Qiao Anhao, agad niyang iniabot dito ang mga papel na hawak habang sinasabi, "Normal naman ang lahat ng resulta ng check up mo."
"Sinabi ko naman kasi sayo na ayos lang ako. Nagsayang ka pa tuloy ng maraming pera at oras para dito sa ospital," nagrereklamong sinabi ni Qiao Anhao. Sinilip niya lang sandali ang resulta ng mga naging pagsusuri sakanya at agad niya din itong isiniksik sa kanyang bag. Pagkaangat ng kanyang ulo, tinignan niya ang wallet na nasa bulsa ni Lu Jinnian at nagtanong, "Bakit ka natagalan?"
Walang kahit anong pagbabago sa itsura ni Lu Jinnian at nanatili lang itong kalmado, "Masyado kasing marami ang ginagawa ng doktor kanina kaya hinintay ko pang tawagin niya ako."
"Oh." Sagot ni Qiao Anhao, na mukhang nakumbinsi naman sa sinabi ni Lu Jinnian,habang palabas sila ng elevator
Pagkaalis nila ng ospital, agad silang pumara ng taxi na masasakyan at noong sandaling magtanong ang driver kung saan sila pupunta, nagmamadaling sumagot si Qiao Anhao para maunahan niya si Lu Jinnian, "Mian Xiu Garden."
Pumayag naman ang taxi driver at walang alinlangan nitong pinaandar ang sasakyan. Tumingin si Qiao Anhao kay Lu Jinnian at sinabi, "Wala tayong sasakyan at medyo mahihirapan na rin tayong bumalik sa set ngayon. Umuwi nalang muna tayo tapos bukas ng umaga nalang tayo bumalik sa set."
Isang mahinang "mmm" lang ang sinagot ni Lu Jinnian at wala na siyang ibang sinabi.
Sobrang saya ni Madam Chen nang makita nito na nakauwi na sila kaya masigasig itong nagtanong ng mga gusto nilang kainin at nagmadali tumakbo papunta sa kusina para maghanda.
Malalim na ang gabi noong sumakay sila ng taxi pero mainit pa rin sa labas kaya pawis na pawis ang buong katawan ni Qiao Anhao pagkauwi nila. Habang naghahanda si Madam Chen, napagdesisyunan muna nilang umakyat at pumasok sakanilang kwarto. Walang paligoy-ligoy na dumiretso si Qiao Anhao sa changing room para kumuha ng pajamas at naligo. Hindi nagtagal, lumabas na rin siya kaagad sa CR habang tinutuyo ang kanyang buhok ng twalya. Noong sandali ring 'yun, nakita niyang nakapagtanggal na si Lu Jinnian ng jacket at nakaupo lang ito sa sofa habang nagphophone kaya tinanong niya ito, "Gusto mo bang magshower?"
Tumungo si Lu Jinnian at ibinaba ang kanyang phone. Pagkatapos ay naglakad siya papunta sa changing room para maghubad ng pantalon at kumuha ng twalya bago dumiretso sa CR.
Nang sandaling marinig ni Qiao Anhao na nagbukas na ang shower, agad niyang inihagis ang twalyang ginamit niya bilang pantuyo ng kanyang buhok at dahan-dahang naglakad papunta sa changing room para kunin ang pantalon ni Lu Jinnian mula sa labahan. Kinapa-kapa niya ang mga bulsa nito at nang sandaling maramdaman niya ang kinalalagyan ng wallet, agad niya itong binunot at binuksan. Bumungad sakanya ang mga nakahilerang bank cards at gold cards na ginagamit ni Lu Jinnian sa mga club at hotel, at mayroon rin itong lamang mga pera. Hindi siya nakuntento at bulatlatin niya pa ang kalooblooban ng wallet hanggang sa may nakita siyang isang manipis na papel. Kinuha niya ito at laking gulat niya nang makita niya ang kanyang pangalan na nakasulat.
Ang papel na nakita niya ay ang resulta ng kanyang pelvic examination. May isang linyang nakasulat sa ilalim nito. Bagama't maliliit ang bawat letra, nagawa pa rin naman niyang basahin ang nais ipahiwatig ng sulat: No blood clot, normal thickness, recovered well from the operation.
Habang patuloy niyang naririnig ang pag'agos ng tubig mula sa shower, bigla nalang nanginig ang kanyang mga daliri na nakahawak sa papel, naramdaman niya na parang may humiwa sa kanyang puso at ang kanyang dugo ay parang ilog na walang humpay sa pag'agos.
Hindi niya na namalayan ang oras kaya nang sandaling marinig niyang pinatay na ni Lu Jinian ang shower, dali-dali niyang itinupi ang papel at inilagay ito sa loob ng wallet, hindi niya rin nakalimutang isara ang zipper at isiksik pabalik ang wallet sa kanang bulsa ng pantalon bago niya ito ibinalik sa labahan.
Mabilis siyang naglakad palabas ng changing room at umupo sa harap ng dressing table. Hindi siya mapakali habang kinukuha at isinasaksak niya ang hairdryer para patuyuin ang kanyang buhok…
Pagkalabas ni Lu Jinnian ng CR, saktong kakaumpisa lang din ni Qiao Anhao sa pgboblower. Nakasuot ito ng isang simpleng pajamas na gawa sa cotton at ang buhok nito ay medyo napatuyuan na ng tuwalya. Noong sandaling nakita nitong nagpapatuyo siya ng buhok, walang alinlangan itong lumapit sakanya para kunin ang hairdryer at tulungan siya.
Hindi magawang tignan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian, nakayuko lang siya at nagtatago sakanyang buhok.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES