App herunterladen
39.46% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 384: Saan ba ako nagkulang? (14)

Kapitel 384: Saan ba ako nagkulang? (14)

Redakteur: LiberReverieGroup

Nakabukas ang aircon sa loob ng sasakyan at natatakot si Lu Jinnian na baka sipunin si Qiao Anhao habang natutulog kaya kumuha siya ng pangkumot dito.

Nang maramdaman ni Qiao Anhao na lumapit sakanya si Lu Jinnian, biglang nanigas ang buong katawan niya at napakuyom siya ng kanyang kamao at medyo kumalma lang siya noong naramdaman niyang nakalayo na ito. Hindi nagtagal, narinig niya ang sinabi ni Lu Jinnian sa assistant nito na nagmamaneho sa harap, "Pahinaan mo ng konti ang aircon."

May suspetya na si Qiao Anhao pero dahil sobrang bait sakanya ni Lu Jinnian, pinilit niyang magsinungaling nalang sa kanyang sarili.

Kung ganito magalala sakanya si Lu Jinnian, paano naman magagawa nito na ipalaglag ang kanyang anak? Isa pa, anak din nito ang bata. Ang sabi nga ng iba, kahit ang mababangis na hayop ay iniingatan ang mga anak nito. Kahit gaano pa kacold sakanya si Lu Jinnian noon, hindi naman siya ang babaeng mahal nito kaya wala itong dahilan para maging ganon kasama sakanya…

Pero noong ipinakita ng nurse ang phone nito sakanya, nasa wire transfers log talaga ang pangalan ng assistant ni Lu Jinnian. Galing na yun mismo sa bangko at walang sinuman ang pwedeng pumeke 'nun.

Dahil mahal ni Qiao Anhao si Lu Jinnian, ayaw tanggapin ng puso niya ang masklap na katotohanan kaya pinilit niyang lokohin ang kanyang sarili at ipagtanggol ito sa kanyang isipan.

Nilinaw ng ospital na wala talaga siyang abortion records at hindi niya rin naman kilala ang nurse na yun. Bakit nga ba masyado niyang sineseryoso ang mga sinabi nito at nagawa niya pang paniwalaan na ipinalaglag talaga ni Lu Jinnian ang kanyang anak? At higit sa lahat, sino bang makakapagsabi na nabuntis talaga siya!

So kailangan niya siguro talagang taungin si Lu Jinnian…

-

Ang tunay na rason ni Lu Jinnian kaya niya niyaya si Qiao Anhao ay hindi talaga para kumain sila, kundi para dalhin ito sa ospital para sa follow up nito.

Ayaw niya sanang malaman ni Qiao Anhao na nagkaroon ito ng anak. Bukod pa dun, natatakot siyang sabihin na noong araw na nalaman niyang buntis ito ay ang kaparehong araw na nalaman niyang pinatay na pala ang batang nasa loob ng tiyan nito. At ang pinaka masaklap sa lahat, ang may kagagawan pa ito ay itinuturing ni Qiao Anhao na pamilya – amng Aunt Xu nito, si Han Ruchu.

Ipinagkaila sa kanya ang pagiging isang mabuting ama, kaya ngayon ay punong-puno ang puso niya ng galit at nauuhaw siyang makapaghiganti, pero pinili niyang akuin nalang ang lahat ng sakit na pwedeng maramdaman ni Qiao Anhao. 

Kaya kagabi, gumawa sya ng paraan para hindi ito malaman ni Qiao Anhao at siya mismo ang nagpunta sa ospital.

Nasabi na ni Lu Jinnian ang plano niya sa kaya noong malapit na sila sa city hospital, tumingin ito sa rear view mirror at nagkasalubong sila ng tingin. Nang makita ng assistant na bahagyang tumungo si Lu Jinnian, agad nitong naintindihan kung anong ibig sabihin niya. Tumingin muna ito sa kaliwa't kanan para silipin ang kundisyon ng kalsada ngunit noong palabas na sila sa main road, kinabig nito ang manibela sa kaliwa at bigla nalang silang sumalpok sa isang bakod na nasa gilid ng kalsada.

-

Sobrang tagal na pinagisipan ni Qiao Anhao kung tatanungin niya ba talaga si Lu Jinnian bago niya muling imulat ang kanyang mga mata. Huminga siya ng malalim at nang maramdamang handa na siya ay ibinuka niya ang bibig, pero noong sasabihin niya na sana ang salitang 'Lu' ay bigla namang sumalpok ang sasakyan kaya tumilapon siya sa may pintuan.

Masyadong mabilis ang mga naging pangyayari kaya sobrang nagulat si Qiao Anhao at nalilito pa siya ngunit bago niya pa maproseso kung anong nangyari, hinila na siya ni Lu Jinnian at nagaalala itong tumingin sakanya mula ulo hanggang paa. Hindi nagtagal, halatang kinakabahan itong nagtanong sakanya, "Ayos ka lang ba?"

Sinubukang kumalma ni Qiao Anhao pero magsasalita palang sana siya nang biglang pagalit na sumigaw si Lu Jinnian sa assistant nito na nagmamaneho sa harap, "Hindi ka ba marunong magdrive!"

Pagkasigaw ni Lu Jinnian, takot na takot na humingi ng tawad ang assistant. Walang reaksyon niyang binuksan ang pintuan at maingat na binuhat si Qiao Anhao palabas ng sasakyan. Pumara siya ng isang taxi at lumipat sila doon.


Kapitel 385: Saan ba ko nagkulang? (15)

Redakteur: LiberReverieGroup

Huminto ang taxi sa harap mismo ng entrance ng City Hospital. Matapos magbayad ni Lu Jinnian, agad niyang binuhat si Qiao Anhao papasok sa loob ng ospital.

Pinagmasadan ni Qiao Anhao ang City Hospital kung saan siya nanggaling halos limang oras lang nakakalipas. Paulit ulit niyang naririnig sakanyang isipan ang sinabi ng nurse na kakailanganin niyang bumalik ngayong araw sa ospital para sa kanyang follow up kaya bigla siyang nakaramdamam ng hindi maipaliwanag na kaba.

Kahit noon pa, kapag naaksidente si Qiao Anhao sa set, lagi na talaga siyang dinadala ni Lu Jinnian sa ospital para matignan ang lagay ng buong katawan niya. Mukhang ganun lang din ang nangyari ngayon at isa pa, wala naman siyang nakikitang kakaiba sa itsura ni Lu Jinnian.

Mas kaunti ang tao ngayon kumpara noong pumunta siya kaninang umaga. Ibinaba siya ni Lu Jinnian sa isang upuan at umalis ito sadali para kumuha ng ticket number. Noong magreregister na sa si Lu Jinnian, nakita niya na may tinawagan ito sa phone. Medyo maingay ang ospital at hindi niya rin mabasa kung anong sinasabi nito, ngunit higit sa lahat, wala siyang ideya kung sino ang kausap nito. Siguro naging mas maselan lang siya, pero medyo nakaramdam siya ng hindi pagkapalagay dahil sa phone call na 'yun.

Hindi naman talaga nasaktan si Qiao Anhao kaya hindi nagtagal, napagdesisyunan niyang tumayo nalang mula sa kanyang kinauupuan para maglakad papunta kay Lu Jinnian. Noong malapit na siya sa tabi nito, bigla itong napatingin sakanya at bukod sa pag'galaw ng mga labi nito, wala na siyang ibang nakitang reaksyon sa itsura nito. Agad namang ibinaba ni Lu Jinnian ang tawag at tumingin kay Qiao Anhao na nakakunot ang mga kilay. "Bakit pumunta ka pa dito? Wala bang masakit sayo?"

Umiling si Qiao Anhao at ngumiti kay Lu Jinnian. "Ayos lang ako. Medyo nagulat lang ako kanina. Ikaw? Nasaktan ka ba?"

Matapos marinig ang sagot ni Qiao Anhao, medyo kumalma si Lu Jinnian at sinabi, "Ayos lang ako."

Kumurap si Qiao Anhao at mahinahong sinabi, "Dahil pareho naman pala tayong okay, huwag nalang ako magpacheck up. Wala nga ako kahit gasgas eh."

Diretso ang tingin ni Qiao Anhao kay Lu Jinnian habang sinasabi ito. Pero walang nagbago sa itsura ni Lu Jinnian kaya hindi niya mabasa kung ano ba talaga ang motibo nito. Hindi nagtagal, kalmado nitong sinabi sakanya, "Kahit na, mabilisang check up lang para makasigurado tayo."

Ngumiti lang si Qiao Anhao at hindi na nakipagtalo pa kay Lu Jinnian. "Sige."

Matapos nilang magregister, sinamahan siya ni Lu Jinnian na umakyat sa taas, ganun din ang ginawa nito noong naaksidente siya dati sa set. Dahil nakapag full body check up na siya noon, alam niyang wala namang kakaibang gagawin sakanya kaya unti-unti na rin siyang kumalma pero hindi talaga maalis sa isip niya ang mga sinabi ng nurse.

Maraming ginawang check up kay Qiao Anhao pero natapos niya naman ang lahat noong gabing iyon.

Walang nakapansin na lumabas pala si Lu Jinnian para bilhan si Qiao Anhao ng isang bote ng yogurt. Nang makita niyang palabas na si Qiao Anhao ng examination room, agad niyang inilagay ang straw sa inumin at iniabot dito. Nang tawagin na ng nurse ang mga pangalan nila, pinaghintay nalang ni Lu Jinnian si Qiao Anhao sa kinauupuan nito at siya na ang kumuha ng mga resulta.

Matagal ding nawala si Lu Jinnian. Naubos na ni Qiao Anhao ang kanyang yogurt pero hindi pa rin ito bumabalik kaya naisipan niyang puntahan na ito pero bago yun, itinapon niya muna ang hawak niyang bote na walang laman sa pinaka malapit na basurahan.

Natanaw ni Qiao Anhao mula sa glass door na tumango si Lu Jinnian sa doktor na tumingin sakanya. May papel itong tiniklop na agad din nitong isiniksik sa wallet at naglabas ng ilang papel mula sa bulsa nito. Hindi nagtagal, binuksan na ni Lu Jinnian ang glass door at lumabas.

Nang makita ni Lu Jinnian si Qiao Anhao, agad niyang iniabot dito ang mga papel na hawak habang sinasabi, "Normal naman ang lahat ng resulta ng check up mo."


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C384
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES