Nang makita ni Lu Jinnian ang ngiti ni Qiao Anhao, sobra ang saya at kilig na naramdaman niya. Para sakanya, ito ang pinaka magandang parte ng buhay: Kahit gaano ka pa ka'busy, sa oras naman na matapos ka ay makikita mo ang taong pinakamamahal mo na nakangiting naghihintay para sayo.
Matagal siyang nakatingin sa malambing nitong ngiti bago siya muling kumurap at kalmadong nagtanong, "Gutom ka na?"
"Ayos lang ako." Kanina, gutom na talaga siya, pero dahil medyo natagalan, lumipas na ang gutom na naramdaman niya.
Kinuha ni Lu Jinnian sa coffee table ang susi ng sasakyan niya at ang kanyang wallet habang sinasabi, "Tara, kakain tayo."
Dinala ni Lu Jinnian si Qiao Anhao sa White House Restaurant na nasa siyudad ng Beijing. Tumataginting na limang digits ang halaga ng bawat pagkain dito at hindi pa kasama dun ang twenty percent na service charge. Ang restaurant na iyon ay isang lugar na hindi kayang bilhin ng pera. Sinasabi na mas mataas pa raw ang mga requirements ng mga babaeng waitress dito kumpara sa 'Paradise', ang pinaka tanyang na nightclub sa Beijing.
Ito ang unang pagkakataon na nakapasok si Qiao Anhao sa restaurant na ito, at tama nga ang mga narinig niyang chismis tungkol dito. Sa entrance palang, kinakailangan ng magbayad ng tumataginting na pitong digits at wala pang pagkain 'yun. Lahat ng wine na sineserve dito ay kilala sa buong mundo at ang mga servers ay nakasuot ng light colored qiapaos na hapit na hapit sa katawan ng mga ito. Tunay ngang nakakabusog sa mata ang lugar na ito.
Sa totoo lang, pang mayaman talaga ang restaurant. Masarap naman ang pagkain dito pero hindi ito sulit para sa presyo nito.
Kahit na pakiramdam niya ay hindi sulit, masaya pa rin naman si Qiao Anhao sa kanyang kinain.
Malalim na ang gabi noong matapos silang kumain kaya puno na ng ilaw ang buong siyudad.
Mabilis na nagmaneho si Lu Jinnian sa kalagitnaan ng mapayang gabi pabalik sa film set.
Ayaw pa sanang mawalay ni Qiao Anhao sa piling ni Lu Jinnian kaya nang sadaling huminto na ang sasakyan, mabigat sa loob niyang kinalag ang seatbelt at dahan-dahang bumaba ng sasakyan.
Sabay silang naglakad papasok sa hotel entrance. At nang makapasok na sila sa elevator, agad itong isinara ng bellboy. Pareho nilang pinindot ang kanya-kanya nilang palapag.
Nakatingin lang si Qiao Anhao sa mga pulang numero ng paakyat na elevator. Sunod-sunod ang pag'ilaw ng mga numero hanggang sa ilang iglap lang ay nakarating na siya sa kanyang palapag. Pagkabukas ng pintuan ng, tumingin siya kay Lu Jinnian at labag sa kanyang loob na nagpaalam.
Tumungo si Lu Jinnian sakanya at sinabi, "Goodight."
Ilang sandali pa ang lumipas pero nakatingin pa rin si Qiao Anhao kay Lu Jinnian at kung hindi pa tumunog ang mga pintuan ng elevator ay hindi siya magmamadaling lumabas. Lilingon pa sana siya para muling magpaalam pero huli na ang lahat dahil nagsara na ang mga pintuan.
Pagkarating ni Lu Jinnian sa kanyang kwarto, nagtanggal muna siya ng necktie at naghubad ng kanyang pang itaas na damit bago siya maglakad papuntang CR. Noong sandali ding iyon, nakatanggap siya ng isang text mula kay Qiao Anhao, [Salamat sa napakasarap na dinner.]
Biglang bumagal ang paglalakad ni Lu Jinnian at gamit ang isang kamay, nagtype siya ng ilang salita bilang sagot sa text ni Qiao Anhao [You're welcome]
Nang mabasa ang sagot ni Lu Jinnian, masayang ngumiti si Qiao Anhao at muling sumagot, [Maliligo na ako, goodnight.]
Muling sumagot si Lu Jinnian, [Goodnight], at nang maramdaman niyang hindi na sasagot si Qiao Anhao, tuluyan na siyang pumasok sa CR.
Pagkalabas niya ng CR, gusto niya sanang manigarilyo dahil nakasanayan niya na 'tong gawin pero noong kapain niya ang kanyang bulsa, naramdaman niya na wala 'tong laman. Doon niya lang naalala na itinapon niya na nga pala sigarilyo at lighter niya kaya kumuha nalang siya ng isang baso ng mainit na tubig at umupo sa sofa sa living room para manuod muna ng TV.
Matapos niyang magpalipat-lipat ng ilang channel, napagdesisyunan niyang patayin nalang ang TV. Inihagis niya ang remote control sa coffee table at bigla niyang napansin ang iPad. Pagkakuha niya nito, nakita niya na nanunuod pala kanina si Qiao Anhao ng pelikulang 'Nian Nian's Notebook'.
Nag'exit siya sa pelikula at nakita niya na may isa pang QQ chat software sa kanyang iPad na siguradong si Qiao Anhao ang nagdownload. Sinubukan niya itong pindutin at napagalaman niyang hindi pala ito nakapag' logged out. Pagkabukas niya ng main page, binasa ang lahat ng makita niya rito.
Karamihan sa mga entry ni Qiao Anhao ay pumapatungkol lang sa nararamdaman at gusto nitong gawin para sa buong araw, kung kailan ito nagsulat, gaya ng, "Bigla akong nag'crave sa Häagen-Dazs", "Gusto ko talagang manuod ng concert", "Having a meal with sis tonight". Halata namang walang ibang ibig sabihin ang mga sinasabi nito at minsan pa nga ay may kasama pang photo sa mga entry.
Inisa-isa ni Lu Jinnian ang lahat ng entry ni Qiao Anhao sa nakalipas na limang taon. Umabot ang mga ito ng halos one thousand two hundred entries. Hindi bababa sa four hundred sa mga entry na ito ang selfies ni Qiao Anhao na may halos dalawampung iba't-ibang hairstyles, thirty-eight ang mga shinare nitong kanta, twenty-four naman ang tungkol sa mga naging overseas trip nito-kung saan pitong beses na lumabas ang Hangzhou- at mayroon din itong tatlong nobela, na ang isa pa nga ay gagawing drama.
Limang taon siyang walang balita kay Qiao Anhao kaya matagal niya ng gustong malaman kung ano ang mga naging kaganapan nito sa buhay noong mga panahong 'yun at ngayong gabi, nabigyan siya ng pagkakataong masilip ang mga nangyari sa buhay nito sa nakalipas na limang taon.
Ibinaba ni Lu Jinnian ang kanyang iPad at sinilip ang oras. Alas dose na ng madaling araw kaya naisipan niyang matulog na pero habang naglalakad papunta sa kwarto, naramdaman niya na biglang nagvibrate ang kanyang phone. Kinuha niya ito at naalala niya na isang buwan na pala ang nakakalipas mula noong nakunan si Qiao Anhao at kinakailangan na nitong bumalik sa ospital para makapag pacheckup.
Walang kaalam alam si Qiao Anhao na namatayan ito ng anak, kaya paano naman niya makukumbinsi itong pumunta sa ospital?
Pero hindi rin nito pwedeng ipagpaliban ang pagpapa'check up…Paano nalang kung nagkaroon pala ng mga kumplikasyon?
Matagal na nakatitig si Lu Jinnian sa screen ng kanyang phone at ang kanyang mga mata ay nagnining habang nagiisip kung ano nga ba ang dapat niyang gawin. Maya-maya pa'y iniangat niya na ang kanyang phone at tinawagan ang kanyang assistant.
-
Pagkarating ni Qiao Anhao sa kanyang kwarto, naligo muna siya bago matulog. Kinabukasan, maaga siyang nagising para mag-ayos at nang sandaling matapos na siya ay doon palang nagising si Zhao Meng para maligo.
Habang naghihintay kay Zhao Meng, naalala ni Qiao Anhao na may ipinadala nga pala sakanya si Qiao Anxia. Naglakad lakad muna siya sa kwarto para hanapin ito at nang makarating na siya sa study table, nakita niyang may nakapatong na kahon dito. Masaya siyang naglakad para malaman kung ano ang nasa loob ito kung saan nakita niya ang isang regalong may channel packaging. Binuksan niya ito at bumungad sakanya ang latest earing design ng brand na may kasama pang card na may sulat kamay ni Qiao Anxia. "Happy Birthday, Qiao Qiao. Anxia."
Sobrang sayang ngiti ang bumalot sakanyang mukha habang kinukuha ang card at ang pares ng hikaw. Habang tinutupi niya ang wrapper at packaging, napansin niya na may sulat sa ilalim ng box. Walang nakauslat kung kanino ito nanggaling at tanging impormasyon niya lang ang makikita rito. Medyo nagbago ang kanyang itsura habang binubuksan ang envelope. Kinuha niya ang papel na nasa loob nito para basahin kung ano ang nakasulat at bigla nalang siyang namutla.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES