App herunterladen
38.23% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 372: Saan ba ako nagkulang? (2)

Kapitel 372: Saan ba ako nagkulang? (2)

Redakteur: LiberReverieGroup

Hinintay muna ni Lu Jinnian na maisara ni Qiao Anhao ang pintuan bago niya ibaba ang cake. Ibinigay niya ito kay Madam Chen at lumabas ng bahay.

Naramdaman niya ang malamig na simoy ng hangin. Kunuha niya mula sakanyang bulsa ang isang kaha ng sigarilyo at naglabas siya ng isang stick, pero noong akmang ilalagay niya na ito sa kanyang bibig, bigla niyang naalala ang sinabi sakanya ni Qiao Anhao noong nasa ospital sila: Masama ang sigarilyo para sa kalusugan mo, itigil mo na 'yan.

Natigilan siya ng ilang sadlit bago niya ibaba ang isang stick ng sigarilyong nasa kanyang bibig. Nagdadalawang isip siya noong una pero bandang huli ay ibinalik niya nalang ito sa kahang nasa kanyang kamay. Hindi pa siya nakuntento, naglakad din siya papunta sa basurahang malapit sakanya para itapon ang kaha ng sigarilyo at ang kasama nitong lighter.

Halos sampung minuto na siyang nasa labas ng bahay at nang maramdaman niyang medyo kumalma na siya, naisipan niya ng pumasok ulit sa loob.

Pagkabukas niya ng pintuan ng kwarto nila, narinig niya ang rumaragasang tubig na nanggagaling sa shower. Muli nanamang nanumbalik ang init na naramdaman niya kanina at kinailangan niya nanaman itong pigilan. Pumunta muna siya sa changing room para kumuha ng malilinis na mga damig bago siya naglakad papunta sa kabilang kwarto para doon maligo.

Pagkabalik niya sa kwarto, nakita niyang nakatayo na si Qiao Anhao sa salamin at nagpapatuyo ng buhok.

Humahaba na ang buhok ni Qiao Anhao at kahit madalas naman siyang nagpapaayos ng buhok, hindi pa rin maiwasang nabubuhol ito kaya kinakailangan niyang gamitin ang kanyang mga daliri para tanggalin ang mga nagkabuhol.

Inihagis ni Lu Jinnian sa kanyang gilid ang twalyang hawak niya at naglakad papasok. Lumapit siya kay Qiao Anhao at kumuha ng suklay para daha-dahan itong suklayan.

Natigilan si Qiao Anhao at napatingin siya kay Lu Jinnian sa salamin. Matagal niya itong pinagmasdan bago siya yumuko.

Tinanggal ni Lu Jinnian ang mga nagkabuhol at kinuha nito ang hairdryer para patuyin ang buhok niya.

Rinig na rinig ng mga tenga ni Qiao Anhao ang tunog na nanggaling sa hairdyer.

Matapos siguraduhing tuyo na ang buhok ni Qiao Anhao, hindi nakalimutan ni Lu Jinnian na muling suklayin ito. Nang makuntento na siya, ibinaba niya ang suklay at sinabi, "Tapos na."

Muling tinignan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian sa salamin at hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na mapangiti habang naglalagay ng kanyang facial lotion.

Tahimik lang si Lu Jinnian habang pinapatuyo niya ang kanyang buhok bago siya humiga sa kama.

Pagkatapos maipahid ang lahat ng kanyang mga facial products, umakyat na rin si Qiao Anhao sa kama at nang makahiga at maakapagkumot na siya, biglang tumayo si Lu Jinnian para patayin ang mga ilaw.

Nakasindi pa rin ang mga kandilang nasa sahig na nagbibigay ng magaan sa pakiramdam na uri ng liwanag sa buong kwarto.

Bandang huli, pareho na silang tahimik na nakahiga. Malalim na ang gabi pero gising na gising pa rin si Qiao Anhao habang inaalala ang mga nangyari. Bakit kaya hindi itinuloy ni Lu Jinnian na may magyari sakanila?

Paulit ulit niyang inisip ang mga nanyari at hindi niya mapigilang mainis, samantalang si Lu Jinnian na katatapos lang maligo ay naguguluhan na sakanya dahil napaka likot niya. Nang muli siyang umikot, hindi na talaga natiis ni Lu Jinnian at hinawakan na nito ang kanyang kamay para kumalma siya.

Ang buong akala ni Qiao Anhao ay itutuloy na nila ni Lu Jinnian ang hindi nila natapos, pero nanatili lang ito sa paghawak ng kanyang kamay at mukhang wala namang balak na gumawa ng ibang bagay. Naiinis at nalulungkot siya kaya muli siyang umikot. 

"Hindi ka makatulog?" Tumingin si Lu Jinnian sa mukha niyang natatamaan ng mga ilaw na nanggaling sa mga kandila.


Kapitel 373: Saan ba ako nagkulang? (3)

Redakteur: LiberReverieGroup

Tumingin si Qiao Anhao kay Lu Jinnian pero wala siyang sinabi. Nagbuntong hininga si Lu Jinnian at niyakap si Qiao Anhao para hindi na ito gumalaw pa. "Malalim na ang gabi, matulog na tayo."

Parang may kapanyarihan ang yakap ni Lu Jinnian dahil bigla nitong nakalma ang naguguluhang puso ni Qiao Anhao. Kahit na may namamagitan sakanilang mga damit, ramdam pa rin niya ang init ng katawan nito. Ang magaan sa pakiramdam na liwanag na nanggaling sa mga kandila, at ang tibok ng puso ni Lu Jinnian, na naririnig niya habang nakahiga siya sa braso nito, ang mga tuluyang nagbigay sakanya ng kapanatagan.

Hindi mapigilang isipin ni Qiao Anhao ang mga nangyari noong gabing iyon. Kahit na mukhang walang pakielam si Lu Jinnian sakanya, ramdam pa rin niya na sobrang nagaalala ito sakanya. Noong nagpunta sila sa Resplendent para magdinner, hinawakan nito ang kanyang kamay, binuhat rin siya nito pauwi, at higit sa lahat sinelebrate pa nito ang kanyang birthday….Ito ang mga bagay na hindi naman ginagawa sakanya ni Lu Jinnian noon.

Ano naman kaya ang dahilan kung bakit ito biglang nagbago?

Sa tagal niyang iniisip kung anong nangyari, hindi niya naiwasang isipin na… Hindi kaya nainlove na ito sakanya sa tagal nilang magkasama?

Bigla siyang naguluhan at hindi mapalagay kaya iminulat niya ang kanyang mga mata para tignan si Lu Jinnian.

Nakapikit na ang mga mata nito at kalmado rin ang itsura nito na mukhang nakatulog na ng mahimbing.

Makikita sa mukha ito na parang wala itong pakielam at masyadong mataas.

Habang tinitignan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian, muli siyang nakaramdam ng kakaiba. At ang pakiramdam na iyon ay palakas lang ng palakas, kaya noong hindi na talaga niya kayang pigilan ay ibinulong niya ang pangalan nito. "Lu Jinnian?"

Habang nakapikit si Lu Jinnian, gumawa muna siya ng bahagyang ingay bago niya iminulat ang kanyang mga mata.

Nang nakita ni Qiao Anhao na dumilat na si Lu Jinnian, bigla siyang hindi mapakali. Gusto niya sanang tanungin kung may gusto ito sakanya pero parang may bumara sa kanyang lalamunan. Noong medyo klumaro na ang kanyang isip, bigla niyang naalala ang sinabi nito na kahit sino pa man daw ang taong nagugustuhan nito, kahit kailan ay hindi magiging siya yun. Hindi kaya sinabi lang iyon sakanya ni Lu Jinnian para hindi niya ito mabuking?

Noong napansin ni Lu Jinnian na nakatingin lang sakanya si Qiao Anhao, biglang nagbago ang kanyang isip at nagtanong, "Anong meron?"

Matapos mahimasmasan ni Qiao Anhao, nanatili lang siyang nakatingin kay Lu Jinnian pero labis pa rin siyang naguguluhan kaya naisip niya na gumawa nalang ng palusot. "Pagod ka ba?"

Habang nakahiga sa kanyang braso ang taong pinakamamahal niya, sino ba namang matinong lalaki ang basta-bastang makakatulog nalang? Sumagot si Lu Jinnian, "Hindi naman" at hindi nagtagal ay muli siyang nagtanong, "Anong meron?"

"Hmm." Matapos ang ilang sandaling pananahimik ay muling nagsalita si Qiao Anhao, "Pwede ba akong magtanong?"

"Anong tanong," Mabilis na sagot nni Lu Jinnian.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Qiao Anhao. Napakapit siya ng mahigpit sa kumot bago niya bigkasin ang kanyang tanong, "Saan ba ako nagkulang?"

Nagulat si Lu Jinnian sa naging tanong ni Qiao Anhao kaya hindi sya nakapagsalita.

Para sakanya, si Qiao Anhao ang pinaka perpektong nilalang sa buong mundo.

Habang tumatagal ang pananahimik ni Lu Jinnian, lalo pang lumalala ang pagkanerbyos na naramdaman ni Qiao Anhao kaya naisip niyang ipaliwanag ang kanyang tanong, para mabawasan ang tension. "Parang ganito kasi…nasabi sakin ni Jiamu na may nagugustuhan ka raw."


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C372
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES