Nakapatay ang mga ilaw sa kwarto nila kaya pagkatulak ni Qiao Anhao ng pintuan, agad niyang kinapa ang light switch. Pero bago pa man din niya ito mapindot, laking gulat niya dahil may ilaw na siyang naaninag sa loob. Kumunot ang kanyang mga kilay at noong maglalakad na sana siya papasok ay bigla siyang napahinto sa gulat….
May dalawang hilera ng kandila sa may paanan niya na may halos isang metro ang layo sa isa't-isa. Nakapalibot ang mga ito sa kama at sa sofa hanggang sa makalabas ng balcony, kung saan mas matingkad pa ang mga ilaw.
Mula sa liwanag na nanggagaling sa mga kandila, nakita ni Qiao Anhao na nakabalot ng mga kulay light pink at purple na lobo ang mga pader ng kwarto at nang sandaling maibaling niya ang kanyang tinigin sa pader na nakaharap sa TV, nakita niya ang dalawang salitang 'Happy Birthday' na gawa rin sa lobo.
Pamilyar ang eksenang ito para kay Qiao Anhao at sa sobrang gulat niya ay matagal siyang nakatayo sa may pintuan bago niya sundan ang mga kandila. Naglakad siya papunta sa balcony at noong nasa may sofa na siya banda, nasilip niya na punong-puno ng kandila ang buong balcony. Walang tigil ang mga kulay kahel na ilaw na nanggagaling sa mga kandilang nakapalibot sa mga kulay pulang kandila na hindi pa nasisindihan. Labis nitong inagaw ang kanyang atensyon dahil nakita niya na gamit ang mga kandilang ito, may apat na salitang nakasulat – Qiao Qiao, Happy Birthday.
Ganitong ganito ang sorpresang inihanda niya para sa birthday ni Lu Jinnian.
Hindi pa rin makapaniwala si Qiao Anhao at bago pa man din niya lubusang maintindihan ang mga nangyayari, may narinig siyang pamilyar na yabag na papalapit sakanya.
Agad siyang lumingon at nakita niya si Lu Jinnian na nakasuot pa rin ng tuksedo na ginamit nito noong conference. Gamit ang dalawang kamay, hawak nito ang isang cake na may mga kandila sa ibabaw. Kalmado nitong sinundan ang mga kandila na nasa sahig at naglakad papalapit sakanya.
Mas naging romatiko ang kapaligiran dahil sa mga kandilang nagkalat sa sahig. Ang mga kulay dilaw na liwanag na nanggaling sa mga kandila ng cake ay lalo pang nagpatingkad sa kagwapuhan ni Lu Jinnian. Ang mga mata nito na lalo pang nagliwanag habang natatamaan ng mga ilaw.
Sobrang nabighani ang puso ni Qiao Anhao kay Lu Jinnian na papalapit ng papalapit sa kanya at hindi niya maiwasang isipin na baka panaginip lang ang lahat.
Biglang huminto sa paglalakad si Lu Jinnian noong halos kalahating metro nalang ang layo niya kay Qiao Anhao. Gamit ang dalawa niyang kamay, inilapit niya ang cake dito. Tumingin siya ng seryoso sa mga mata nito at sinabi, "Dahil wala akong sapat na oras, hindi na ako nakapag'bake ng cake na gaya ng ginawa mo, kaya inutusan ko nalang ang assistant ko na bumili ng cake sa Black Swan."
Unang tingin palang ni Qiao Anhao, kinutuban na siya na baka may alam si Lu Jinnian sa mga pinaghandaan niya noong birthday nito, pero ngayon sigurado na siya dahil sa bibig na nito mismo nanggaling. Nakatingin lang siya sa cake at medyo nanginginig ang kanyang boses nang sabihin, "Alam….mo?"
Alam ni Lu Jinnian ang gustong itanong ni Qiao Anhao. Kumurap siya at tinitigan ang mga mata nito. Kalmado siyang tumungo bago magsalita, "Yeah, alam ko."
Iginalaw ni Qiao Anhao ang kanyang mga labi dahil gusto niya sanang itanong kung paano nito nalaman pero bago pa man din siya makapagtanong ay muli nanaman itong nagsalita. Sinabi ni Lu Jinnian ang lahat ng gusto niya sanang sabihin noong umuwi siya sa Mian Xiu Garden noong sumunod na araw matapos ang kanyang birthday at doon niya lang nalaman na naghanda pala ito ng surprise para sakanya. "I'm so sorry. Noong gabing yun, dahil sa sarili kong rason, nagalit ako sayo at nasaktan kita. Pasensya na rin dahil hindi ko naabutan ang surprise mo para sakin.
"Gusto kong humingi ng tawad para sa gabing 'yun." Huminto ng sadlit si Lu Jinnian bago magpatuloy, "At gusto ko ring magpasalamat para sa gabing 'yun."
Tanging ang ilaw na nanggaling lamang sa mga kandila ang nagpapaliwanag sa buong kwarto at walang ibang magawa si Qiao Anhao kundi titigan ang napakagwapo at kagagalang galang na lalaking kinababaliwan ng lahat.
Unti-unting namuo ang luha sa ilalim ng mga mata ni Qiao Anhao.
Hindi nagtagal, lalo pang dumami ang mga luhang naipon sa ilalim ng mga mata ni Qiao Anhao kaya medyo lumabo na ang kanyang paningin at siguradong anumang oras ay tutulo na rin ang kanyang mga luha.
Hindi na masyadong makakita si Qiao Anhao pero naaninag pa rin naman niya ang mga kandila. Sinubukan niyang ngumiti at sabihin ang salitang "Thank you", pero noong sandaling iginalaw niya ang kanyang mga labi, hindi niya na napigilan pa ang kanyang mga luha at tuluyan na itong tumulo sa kanyang mukha.
Hinawakan ni Lu Jinnian ang cake gamit ang isang kamay at ang kabila naman ay ginamit niya para punasan ang luha ni Qiao Anhao at muli siyang nagsalita na para paalalahanan ito "Okay, make a wish."
Dali-daling tumungo si Qiao Anhao at ilang patak pa ng luha ang tumulo mula sakanyang mga mata. Lalo pang lumaki ang ngiti niya habang ipinipikit niya ang kanyang mga mata. Pagkatapos niyang magwish, muli niyang iminulat ang kanyang mga mata at isang patak nanaman ang luha ang tumulo. Huminga siya ng malalim bago niya hipan ang mga kandila.Tumingin siya kay Lu Jinnian at halatang sobrang saya niya kahit na punong puno na ng luha ang kanyang mukha. Ibinuka niya ang kanyang bibig dahil may gusto siyang sabihin pero medyo nabilaukan siya, "Thank you…"
Hindi na niya nasabi ang mga gusto sana niyang sabihin dahil ayaw nitong lumabas mula sa kanyang bibig at bigla nalang rumagasa ang kanyang mga luha.
Sa matagal na panahon niyang minamahal si Lu Jinnian, isang beses palang siyang nakaiyak sa harap nito. Isang patak ng luha lang ang tumulo sakanyang mata pero noong sandaling iyon, tinignan lang siya ni Lu Jinnian kaya agad siyang tumalikod at umalis. Matapos ang araw na 'yun, kahit ano pa man ang maging trato nito sakanya at kahit gaano pa man niya kagustong umiyak sa harap nito, mas pinipili niyang pigilan ang kanyang luha at sarilihin nalang ang pagiyak.
Matagal ng lumipas ang gabi ng birthday ni Lu Jinnian at hindi rin naman siya umiyak ng ganun katindi kahit na sobrang sumama ang loob niya, pero ngayong gabi, hindi niya alam kung anong nangyayari sakanya at hindi tumitigil ang kanyang luha sa pagpatak.
Hindi mapalagay si Lu Jinnian habang nakatingin kay Qiao Anhao na umiiyak na parang bata kaya inilapag niya muna ang cake sa coffee table. Kahit pa mukha siyang kalmado, nanginginig pa rin ang kanyang mga daliri habang pinupunasan ang mga luha nito kaya halata pa rin na nagpapanic siya. Bandang huli ay medyo kinakabahan siyang nagsalita, "Wag ka ng umiyak…"
Alam ni Qiao Anhao sa sarili niya na nagmukha siyang isip bata dahil sa pagiyak niya pero may mga pagkakataon talagang hindi maintindihan ang mga babae. Minsan kapag nasasaktan sila, at kung kailan sila dapat umiiyak, wala namang tumutulong ni isang patak ng luha sa mga mata nila. Pero kapag tumatawa sila, hindi naman nila mapigilang mapaiyak sa sobrang saya.
Sinubukang kontrolin ni Qiao Anhao ang kanyang luha at bandang huli ay natawa nalang siya. Bigla niyang niyakap ang bewang ni Lu Jinnian at ang kanyang ulo ay lumapat sa dibdib nito.
Nagulat si Lu Jinnian at hindi siya makagalaw hanggang sa maramdaman ang mga patak ng luha ni Qiao Anhao na tumatagos sa kanyang damit. Noong napansin niyang tuloy-tuloy pa rin si Qiao Anhao sa pagiyak, dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang naninigas na kamay para himasin ang likod nito.
Unti-unting kumalma si Qiao Anhao at habang nakayakap kay Lu Jinnian ay itinaas niya ang kanyang ulo. Sobrang namumula na ang kanyang mga mata kakaiyak pero masaya pa rin siyang ngumiti kay Lu Jinnian at sinabi, "Pasensya na, hindi ko lang makontrol ang emosyon ko…"
Lalo pang lumiwanag ang kanyang mga mata dahil kanina pa siya iyak ng iyak. Nagmukha siyang isang batang maliit na katatapos lang umiyak noong ngumiti siya kay Lu Jinnian.
Muli siyang ngumiti at sinabi, "Ayoko ng umiyak…"
Labis na namamangha si Lu Jinnian habang tinitignan niya si Qiao Anhao. Gusto niya sanang punasan ang luha nito pero noong sandaling hawakan niya ang mukha nito, biglang nanigas ang kanyang mga kamay at hindi niya na ito maigalaw. Samantalang si Qiao Anhao naman na hindi pa tapos magsalita si Qiao Anhao pero bigla siyang napahinto sakanyang ay bigla ring natigilan. Binuksan niya ang kanyang bilugan at makikinang na mga mata, at inosente ngunit nakakaakit na tumingin ng diretso sa mga mata ni Lu Jinnian.
Matagal silang nagkatitigan na para bang akit na akit sila sa isa't-isa at nabalot ang buong kwarto ng pagmamahalan.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES