App herunterladen
37.61% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 366: Gising na si Xu Jiamu (6)

Kapitel 366: Gising na si Xu Jiamu (6)

Redakteur: LiberReverieGroup

"Isang magandang notebook noong second year high school."

"Isang porcelain cup naman noong third year high school"

"Binigyan mo naman ako ng isang photo frame noong first year natin sa university."

"Noong ika second at third year naman natin sa university, binigyan mo ako ng necklace at anklet…At ang pinaka huli ay ang porcelain doll na binigay mo sa akin ngayong gabi!"

Nabanggit ni Qiao Anhao ang lahat ng regalong naibigay ni Lu Jinnian sakanya at parehong-pareho rin ang mga ito base sa naalala ni Lu Jinnian. Pero biglang kumunot ang kanyang mga kilay nang banggitin ni Qiao Anhao ang huling regalo. Bukod sa regalo niya ngayon, ang pangpitong regalo ay…hindi ba yun yung rosas at cake na ibinigay niya noong nasa fourth year na ito sa university? Yun ang pinaka mahal na naibigay niyang regalo noon. Bakit hindi nito binanggit ang mga yun?

Kinutuban si Lu Jinnian na parang may mali kaya mahinahon siyang nagtanong, "Noong nasa fourth year ka sa university, binigyan din kita ng regalo diba. Hindi mo na maalala?"

"Fourth year?" Nagtatakang sagot ni Qiao Anhao. "Mali ata ang naalala mo? Diba yung birthday ko noong fourth year tayo sa university, sakto din na nasa film festival ka sa Changsha noon. Hindi ka umattend ng birthday party ko kaya pano mo naman ako mabibigyan ng regalo?"

Kahit na hindi nakikita ni Lu Jinnian ang expression ng mukha ni Qiao Anhao, ramdam niya na mukhang wala nga itong maalala base sa pagkakakwento nito kaya muli siyang nagtanong ng may halong pagdududa, "Hindi ba ako nagbigay?"

Sobrang iniingatan ni Qiao Anhao ang mga regalong nanggagaling kay Lu Jinnian kaya hindi niya pwedeng makalimutan ang bawat detalye ng mga ito. Pero para hindi siya magkamali, pinagisipan niya munang mabuti kung nakapagbigay nga ba ito at noong masigurado niya ay muli niyang sinabi kay Lu Jinnian, "Hindi mo ako binigyan. Hindi mo nga ako binati kahit 'Happy Birthday' lang noong taong iyon eh!"

Hindi na nakapagsalita si Lu Jinnian. Pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay naiinitindihan niya na. Noong taong iyon, tumanggap siya ng award pero pinilit niya pa ring makarating sa Beijing. Kung nakita niya ang mga ibinigay niya sa basurahan, malamang hindi talaga natanggap ni Qiao Anhao ang mga ito, at ibig sabihin lang 'nun ay may sumabotahe sakanila.

Sino naman kaya ang taong yun?

Biglang pumasok ang pangalan ni Han Ruchu sa isip ni Lu Jinnian.

Siya nga, siguradong siya nga!

Sobrang bilis ng mga pangyayari noong gabing iyon at sobrang nasaktan siya ng mga ito kaya hindi niya na sinubukang pang pagdugtong-dugtungin ang mga nangyari pero habang iniisip niya ang mga ito ngayon, narealize niya na….paano nga naman malalaman ni Han Ruchu na may gusto siya kay Qiao Anhao. Siguradong nakita nito ang mga regalong inihanda niya.

Matagal ng galit sakanya si Han Ruchu at malamang kaya nito ginawa iyon ay dahil napagalaman nitong nagugustuhan niya ang fiancé ng kanyang anak

So, ang babaeng iyon ay hindi lang pinatay ang kanyang anak kundi ito rin ang dahilan kaya pinagisipan niya ng masama si Qiao Anhao ng mahabang panahon.

Parehong galit at saya ang naramdaman niya dahil sa kanyang mga napagalaman.

Masaya siya kasi ang babaeng mahal niya, kahit na alam niyang hindi siya mahal nito, ay hindi pala nalaman ang tunay niyang nararamdaman.

Nagagalit siya dahil may isang taong pinaikot siya sa palad nito pero ang kinagalitan at sinisi niya ay walang iba kundi ang inosenteng si Qiao Anhao.

Matagal na nakatingin si Qiao Anhao kay Lu Jinnian bago siya muling magtanong, "Binigyan mo ba talaga ako ng birthday gift noong nasa fourth year ako sa university?"

Biglang nahimasmasan si Lu Jinnian at kalmadong sumagot, "Sa tingin ko mali ata ang naalala ko."

Matapos marinig ang sagot ni Lu Jinnian, napatag na ang kalooban ni Qiao Anhao at niyakap ang leeg nito. Hindi niya na napigilang itanong ang isang bagay na bumagabag sa kanyang isip habang binabanggit niya ang mga regalong ibinigay nito sakanya. "Mahilig ka talaga sa Shmily merchandise?

"Hm?" Mahinahong sagot ni Lu Jinnian. "Bakit?"


Kapitel 367: Nagising na si Xu Jiamu (7)

Redakteur: LiberReverieGroup

"Narealize ko lang kasi na lahat ng ibinigay mong regalo sa akin ay may nakaengraved na 'Shmily'. Sobrang naging sikat ng brand na ito nitong mga nakalipas na taon."

Sa totoo lang, nakita na ni Qiao Anhao ang mga nakaengraved na letrang 'Shmily' sa unang regalo palang ni Lu Jinnian sakanya. Noong una, hindi niya talaga alam kung anong ibig sabihin nito at hindi niya rin alam na ang brand na ito pala ay nagbebenta ng kahit anong klase ng regalo. Nito niya nalang nalaman na pangalan pala ito ng isang brand, noong nakita niya ang Shmily gift store sa high street, apat na taon na ang nakakalipas.

Ang boses ni Lu Jinnian ay nanatiling kalmado habang sumasagot. "Ayos naman ang binebentang regalo ng brand na 'yun."

"Magaganda kaya." Pagsangayon ni Qiao Anhao. Hindi nagtagal ay muli siyang nagsalita, "Alam mo ba ang nakakaantig na kwento ng brand na 'yun?"

"Anong kwento?"

"Nakita ko sa Weibo na ang Shmily pala ay acronym ng See, How, Much, I, Love, You. Ang sabi nila, ang founder daw ng brand na ito ay sobrang inlove at ginawa niya lang ito para makapagconfess sa babaeng minamahal niya pero dahil masyadong naging competitive ang mga regalong itinitinda sa industriya, hindi kaagad ito naging sikat. Kinuwento ang istorya na ito sa Weibo."

"So may romantic story pala sa likod nito."

"Yeah, sobrang romantic!" Halata sa tono ni Qiao Anhao na naiinggit siya. "Sobrang swerte talaga ng babaeng yun!"

Ngumiti lang si Lu Jinnian at hindi na nagsalita. Sa wakas nakarating na sila sa Mian Xiu Garden at habang pasan niya si Qiao Anhao ay naglakad na siya papasok sa gate."

See, How, Much, I, Love, You.

Shmily.

Mumurahin lang ang mga regalong naibigay niya noon kay Qiao Anhao pero may malalim na ibig sabihin ang bawat isa sa mga ito.

Siya ang mismong nagengraved ng mga salitang iyon sa pinaka una niyang regalo.

Sa pagtagal, halos apat na taon na ang nakakalipas, noong hindi na sila nakakapagusap at yumaman na rin siya, opisyal niyang binuksan ang brand na ito.

Mumurahing regalo lang ang mga binebenta nila pero masyadong mahal ang renta sa Beijing kaya nalugi sila noong una. Sinabihan siya ng kanyang assistant na isarado nalang ang lahat ng branch nito dahil wala naman talaga siyang alam sa business. Tumanggi siya dahil sa isang rason at yun ay dahil para sa kanya, ito ang pinakamagandang confession na nagawa niya para kay Qiao Anhao

Shmily.

See, How, Much, I, Love, You.

-

Noong tumawag si Han Ruchu sa ospital, nakabalik na sa tulog si Xu Jiamu at nakaalis na rin si Qiao Anhao. Nang malaman niyang nagising na ang kanyang anak, kahit na malalim na ang gabi hindi siya nagalinlangang ipatawag sa katulong para ipagmaneho siya nito papuntang ospital.

Kung manggaling sa mansyon ng mga Xu papunta sa ospital, madadaanan nila ang Mian Xiu Garden.

Walang ibang iniisip si Han Ruchu noong mga oras na iyon kundi ang kanyang anak kaya wala na siyang pakielam sa ibang bagay at hindi niya na rin nagawang dumungaw sa bintana pero biglang bumagal ang pagmamaneho ng katulong…

Kumunot ang mga kilay ni Han Ruchu at iniangat niya ang kanyang ulo para tumingin sa katulong na may tinitignan sa labas ng bintana. Walang siyang ideya kung ano ang nangyayari kaya bigla siyang natanong, "Anong problema?"

Pagkarinig ng katulong ng boses ni Han Ruchu, may itinuro ito sa labas ng bintana at sinabi, "Missus, tignan niyo po, si Miss Anhao."

Sinundan ni Han Ruchu ang itinuturo ng katulong at nakita niya si Qiao Anhao na nakapasan sa isang lalaki. Ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Lu Jinnian.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C366
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES