App herunterladen
37.51% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 365: Nagising na si Xu Jiamu (5)

Kapitel 365: Nagising na si Xu Jiamu (5)

Redakteur: LiberReverieGroup

Magkaibigan…Noong mga bata palang sila, kailangan niyang manatili bilang kaibigan lang ni Qiao Anhao dahil mahirap siya at masyadong mahiyain pero kahit dati pa, ayaw niya sana na hanggang magkaibigan lang sila nito.

Simula nang malaman niya ang tungkol sa arranged marriage ni Qiao Anhao at ni Xu Jiamu, ang buong akala niya ay hindi niya na ito makikita kailanman, o kaya kakailanganin niyang kalimutan nalang ito. Pero, noong panahong sobrang layo nila sa isa't-isa, ramdam na ramdam niya kung gaano kadilim ang mga araw na ito para sakanya.

Noon, gusto niya sanang gawin ang lahat para mapalapit dito pero alam niya na hindi sila pwedeng magusap kaya masaya na siya sa tuwing nakikita niya ito kahit pa mula sa malayo. Ngunit, ang kanyang simpleng pangarap ay hindi nagkaroon ng katuparan at ang pinaka nakakalungkot pa ay naging estranghero sila sa isa't-isa.

Kung hindi lang naaksidente si Xu Jiamu, siguradong magpapatuloy silang dalawa na mamuhay ng magkahiwalay at malamang hindi na rin sila muling magkita.

Pero ngayon na nagising na si Xu Jiamu, ito na rin ang magiging wakas nila…

Kung talagang magkakatuluyan si Qiao Anhao at Xu Jiamu sa dulo, handa siyang mahalin ito ng patago at wala na siyang balak na umamin. Mananatili lang siyang nasa tabi nito bilang isang kaibigan na hindi magbibigay ng sama ng loob. Sa tuwing malulungkot ito, handa siyang dumamay. Kapag may problema ito, walang alinlangan niyang tutulungan ito. At kapag masaya ito, pipilitin niya ang kanyang sarili na maging masaya rin para rito.

Matapos mag-isip ni Lu Jinnian ng mga bagay-bagay, kumurap siya at malinaw na sinabi kay Qiao Anhao na nakapasan sa likod niya, "Hindi ba magkaibigan naman talaga tayo?"

Hindi ba magkaibigan naman talaga tayo?

Napakaraming pumasok sa isip ni Qiao Anhao nang marinig niya ang sagot ni Lu Jinnian bago niya tuluyang maitindihan kung anong gusto nitong iparating. Bigla nalang kumalma ang kanyang hindi mapakaling puso na para bang uminom siya ng isang chill pill. Hindi nagtagal, muli siyang nagsalita, "Oo, magkaibigan talaga tayo."

Pareho nilang ginawa ang lahat ng kanilang makakaya para lang makasama ang isa't-isa…Dalawang taong malinaw na nagmamahalan…Pero masyado ng maraming nangyari sa paglipas ng mga taon…Dahil minsan na silang nagkahiwalay, pareho nilang ayaw na gumawa ng anumang pagsisisihan nila balang araw. Isa pa, masyado nilang mahal ang bawat isa kaya sobrang natatakot sila. Kahit na maging magkaibigan nalang sila, regalo pa rin ito mula sa langit.

Hindi sumagot si Lu Jinnian at nagpatuloy lang sakanyang paglalakad habang nakapasan si Qiao Anhao sa likod niya sa ilalim ng hindi masakit sa mata na mga kulay berdeng ilaw na nanggagaling sa mga poste. Habang papalapit sila sa Mian Xiu Garden, nakita nila na namulaklak na ang puno ng osmanthus na nakatanim sa bakuran nila.

Naamoy ni Qiao Anhao, na nasa likuran ni Lu Jinnian, ang matamis na amoy ng bulaklak at hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na mapangiti.

Sinadya ni Lu Jinnian na biglang bagalan ang kanyang paglalakad na para bang gusto niyang sulitin ang napakagandang nangyayari sa kasalukuyan. 

Nang makalampas sila sa isang billboard, may dalawang salita n nakasulat sa poster na umagaw sa atensyon ni Qiao Anhao, "pitong taon", at bigla niyang naalala ang gustong niyang itanong kay Lu Jinnian bago siya tawagan ng ospital kaya sinilip niya ito at binasag ang katahimikan.

"Lu Jinnian, noong nasa sasakyan tayo kanina, sabi mo binigyan mo ako ng pitong regalo. Naalala mo pa ba ang kung anu-ano ang mga iyon?"

Bawat regalo na ibinibigay ni Lu Jinnian kay Qiao Anhao ay pinaghahandaan niya ng sobra kaya paano niya ito makakalimutan?

Pero nagpanggap siya na hindi niya na maalala ang mga ito at nagtanong, "Anu-ano ang mga iyon?"

Nagisip si Qiao Anhao ng ilang sandali at isa-isang binanggit ang bawat regalong natanggap niya mula kay Lu Jinnian. "Isang music box noong nasa first year high school tayo."

Hindi kamahalan ang music box na binanggit ni Qiao Anhao. Nasa higit isang daang yuan lamang ang presyo nito. Isa pa, 'yun din ang kauna-unahang pagkakataon na dumalo si Lu Jinnian ng birthday party ni Qiao Anhao kaya hindi niya naiwasang biglang mahiya nang makita niya na mamahalin ang mga regalo nina Xu Jiamy at Qiao Anxia.


Kapitel 366: Gising na si Xu Jiamu (6)

Redakteur: LiberReverieGroup

"Isang magandang notebook noong second year high school."

"Isang porcelain cup naman noong third year high school"

"Binigyan mo naman ako ng isang photo frame noong first year natin sa university."

"Noong ika second at third year naman natin sa university, binigyan mo ako ng necklace at anklet…At ang pinaka huli ay ang porcelain doll na binigay mo sa akin ngayong gabi!"

Nabanggit ni Qiao Anhao ang lahat ng regalong naibigay ni Lu Jinnian sakanya at parehong-pareho rin ang mga ito base sa naalala ni Lu Jinnian. Pero biglang kumunot ang kanyang mga kilay nang banggitin ni Qiao Anhao ang huling regalo. Bukod sa regalo niya ngayon, ang pangpitong regalo ay…hindi ba yun yung rosas at cake na ibinigay niya noong nasa fourth year na ito sa university? Yun ang pinaka mahal na naibigay niyang regalo noon. Bakit hindi nito binanggit ang mga yun?

Kinutuban si Lu Jinnian na parang may mali kaya mahinahon siyang nagtanong, "Noong nasa fourth year ka sa university, binigyan din kita ng regalo diba. Hindi mo na maalala?"

"Fourth year?" Nagtatakang sagot ni Qiao Anhao. "Mali ata ang naalala mo? Diba yung birthday ko noong fourth year tayo sa university, sakto din na nasa film festival ka sa Changsha noon. Hindi ka umattend ng birthday party ko kaya pano mo naman ako mabibigyan ng regalo?"

Kahit na hindi nakikita ni Lu Jinnian ang expression ng mukha ni Qiao Anhao, ramdam niya na mukhang wala nga itong maalala base sa pagkakakwento nito kaya muli siyang nagtanong ng may halong pagdududa, "Hindi ba ako nagbigay?"

Sobrang iniingatan ni Qiao Anhao ang mga regalong nanggagaling kay Lu Jinnian kaya hindi niya pwedeng makalimutan ang bawat detalye ng mga ito. Pero para hindi siya magkamali, pinagisipan niya munang mabuti kung nakapagbigay nga ba ito at noong masigurado niya ay muli niyang sinabi kay Lu Jinnian, "Hindi mo ako binigyan. Hindi mo nga ako binati kahit 'Happy Birthday' lang noong taong iyon eh!"

Hindi na nakapagsalita si Lu Jinnian. Pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay naiinitindihan niya na. Noong taong iyon, tumanggap siya ng award pero pinilit niya pa ring makarating sa Beijing. Kung nakita niya ang mga ibinigay niya sa basurahan, malamang hindi talaga natanggap ni Qiao Anhao ang mga ito, at ibig sabihin lang 'nun ay may sumabotahe sakanila.

Sino naman kaya ang taong yun?

Biglang pumasok ang pangalan ni Han Ruchu sa isip ni Lu Jinnian.

Siya nga, siguradong siya nga!

Sobrang bilis ng mga pangyayari noong gabing iyon at sobrang nasaktan siya ng mga ito kaya hindi niya na sinubukang pang pagdugtong-dugtungin ang mga nangyari pero habang iniisip niya ang mga ito ngayon, narealize niya na….paano nga naman malalaman ni Han Ruchu na may gusto siya kay Qiao Anhao. Siguradong nakita nito ang mga regalong inihanda niya.

Matagal ng galit sakanya si Han Ruchu at malamang kaya nito ginawa iyon ay dahil napagalaman nitong nagugustuhan niya ang fiancé ng kanyang anak

So, ang babaeng iyon ay hindi lang pinatay ang kanyang anak kundi ito rin ang dahilan kaya pinagisipan niya ng masama si Qiao Anhao ng mahabang panahon.

Parehong galit at saya ang naramdaman niya dahil sa kanyang mga napagalaman.

Masaya siya kasi ang babaeng mahal niya, kahit na alam niyang hindi siya mahal nito, ay hindi pala nalaman ang tunay niyang nararamdaman.

Nagagalit siya dahil may isang taong pinaikot siya sa palad nito pero ang kinagalitan at sinisi niya ay walang iba kundi ang inosenteng si Qiao Anhao.

Matagal na nakatingin si Qiao Anhao kay Lu Jinnian bago siya muling magtanong, "Binigyan mo ba talaga ako ng birthday gift noong nasa fourth year ako sa university?"

Biglang nahimasmasan si Lu Jinnian at kalmadong sumagot, "Sa tingin ko mali ata ang naalala ko."

Matapos marinig ang sagot ni Lu Jinnian, napatag na ang kalooban ni Qiao Anhao at niyakap ang leeg nito. Hindi niya na napigilang itanong ang isang bagay na bumagabag sa kanyang isip habang binabanggit niya ang mga regalong ibinigay nito sakanya. "Mahilig ka talaga sa Shmily merchandise?

"Hm?" Mahinahong sagot ni Lu Jinnian. "Bakit?"


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C365
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES