Sinundan ni Qiao Anhao ang tunog na naririnig niya para hanapin si Lu Jinnian hanggang sa makita niya itong nakasandal sa isang poste habang nagsisigarilyo.
Kumunot ang mga kilay ni Qiao Anhao at ibinaba ang kanyang tawag bago niya naiinis na sinabi, "Bakit hindi mo sinasagot ang phone mo?"
Nahimasmasan si Lu Jinnian nang marinig niya ang mga sinabi ni Qiao Anaho at medyo nagulat siya sa biglaang pagsasalita nito. Pinatay niya ang sigarilyong nasa kanyang kamay at nagtanong, "Kamusta na si Jiamu?"
"Nakatulog na siya," sagot ni Qiao Anhao. "Bakit mag-isa kang bumaba dito? Tinatawagan kita pero hindi ka naman sumasagot."
Kinuha ni Lu Jinnian ang kanyang phone at nakita na may tatlong siyang hindi nasagot na tawag. Nanginginig ang kanyang mga labi at sumagot sa tanong ni Qiao Anhao, "Nakasanayan ko na kasi, kaya bumaba ako para magsigarilyo."
Huminto siya ng sandali bago magpaliwanag, "Hindi ko narinig na nagring ang phone ko, sorry."
Medyo nagalit si Qiao Anhao noong una dahil hindi nito sinagot ang tawag niya at nahihirapan na din siyang hanapin ito, pero nang sandaling makita niya na si Lu Jiinain, bigla nalang nawala ang inis na nararamdaman niya. Ngayon naman na narinig niya itong humingi ng tawad, hindi niya na talaga napigilan ang kanyang sarili na mapangiti. Yumuko siya at nakita niya ang napakaraming upos ng sigarilyo sa basurahan na nasa may poste kaya muli nanamang kumunot ang kanyang mga kilay at sinabi, "Ganito karami ang naubos mong sigarilyo?"
Hindi nagsalita si Lu Jinnian.
Ramdam sa mga sumunod na sinabi ni Qiao Anhao ang parehong inis at pagaalala. "Masama ang sigarilyo para sa katawan mo. Mas maganda kung titigil ka na sa paninigarilyo. Quit it."
Tumungo lang si Lu Jinnian at naglakad papunta sa kanyang sasakyan. Binuksan niya ang pintuan ng passenger seat at hinintay na makapasok si Qiao Anhao bago niya ito muling isara at sumakay sa driver's seat.
Halatang wala sa focus si Lu Jinnian habang nagmamaneho at kung hindi pa dahil sa paalala ni Qiao Anhao ay hindi niya maapakan ang preno noong naging kulay pula ang traffic light.
Sobrang saya ni Qiao Anhao dahil sa natanggap niyang regalo mula kay Lu Jinnian at sa balitamg nagising na si Xu Jiamu.
Nakita ni Lu Jinnian sa rear view mirror na nakangiti si Qiao Anhao kaya lalo pa siyang naging malungkot. Kaya ba ito masaya kasi nagising na si Xu Jiamu?
Tuwing tag'init sa Beijing, laging may nakaschedule na artificial rain kapag sumasapit ang gabi kaya kinailangan pa nilang manatili ng halos sampung minuto sa ospital para hintaying tumila ang ulan.
Pinagmamasdan ni Lu Jinnian sa bintana ang mga pumapatak na ulan hanggang sa hindi na niya napigilang tanungin ang isang tanong na buong gabing tumatakbo sa kanyang isip. "Sinabi ba ng doktor kung kailan tuluyang makakarecover si Jiamu?"
"Isang buwan daw ang pinaka mabilis at tatlong buwan naman ang pinakamabagal," Matapat na pagbabalita ni Qiao Anhao.
"Mm," sagot ni Lu Jinnian na hindi na nagsalita pa. Hindi na maintindihan ni Lu Jinnian kung ano ang tumatakbo sa kanyang isip.
Isang buwan kung mabilis, at kung mabagal naman, dalawa hanggang tatlong buwan…
Ang ibig sabihin ba nito ay mayroon nalang silang dalawa hanggang tatlong buwan na magkasama, o kung sakali may posibilidad ding tatlumpung araw nalang?
Ang pagaayos ng kalsada sa Beijing ay laging isinasagawa tuwing gabi.
Ang daanan nila pauwi ng Mian Xiu Garden ay nagkataong sarado dahil inaayos ito ngayong gabi.
Gusto sanang umatras ni Lu Jinnian para maghanap ng ibang daan, pero nagaalala si Qiao Anhao na baka abutin nanaman sila ng kalahating oras bago makauwi kaya naisip niya na maglakad nalang sila dahil halos sampung minutong lakad nalang naman ay nasa Mian Xiu Garden na sila.
Hindi naman ito tinutulan ni Lu Jinnian kaya itinabi niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at sabay silang naglakad pauwi.
Basa pa ang kalsada dahil kakatapos lang umalan. Natatakot si Lu Jinnian na baka sipunin si Qiao Anhao kapag nabasa ang mga paa nito kaya humukot siya sa harap nito at sinabi, "Papasanin kita."
Nagulat si Qiao Anhao sa sinabi ni Lu Jinnian kaya napatingin lang siya ng matagal sa likod nito hanggang sa muli itong nagsalita. "Kakatapos lang umulan kaya mahirap maglakad."
Ang buong akala ni Qiao Anhao ay nagaalala si Lu Jinnian na baka mapagod siyang maglakad dahil masyadong mataas ang suot niyang takong. Bigla siyang nahimasmasan at sinabi, na tila medyo nagulat sa ipinakita nitong pagaalala, "Ayos lang, kaya kong namang maglakad. At isa pa, hindi naman ganun kalayo."
Nanataling nakahukot si Lu Jinnian. "Sumakay ka na."
Matapos itong sabihin ni Lu Jinnian, tumingin siya kay Qiao Anhao at hinatak ang kamay nito. Walang kahirap-hirap itong lumapag sa kanyang likuran. Hinawakan niya ang dalawang binti nito at tumayo.
Natatakot si Qiao Anhao na baka malaglag siya kaya humawak siya ng mahigpit sa mga braso ni Lu Jinnian. Hindi siya gumagalaw habang ang kanyang katawan ay nakalapat ng maigi sa likod ni Lu Jinnian.
Medyo malapad ang likod ni Lu Jinnian. Walang kahirap-hirap siyang naglakad kahit na may nakapasan sakanya at gamit ang kanyang makikintab na mga sapatos, maya't-maya siyang humakbang sa mga mababaw na naipong tubig na nadadaanan nila. Si Qiao Anhao naman na nasa kanyang likod ay nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pagkapanatag, at ang kanina'y nainigas nitong katawan ay unti-unting naging kalmado.
Medyo malamig dahil ala una na ng umaga noong natapos ang ulan. May mga pagkakataon ding hinahangin ang mga patak ng ulan na nasa mga dahon at nababasa ang mukha ni Qiao Anhao. Malamig man ang kanyang braso at ang kanyang buhok, pero hindi ang kanyang puso.
Noong halos isang daang metro na ang nalalakad ni Lu Jinnian, huminto muna siya para ayusin ang pagkakabuhat kay Qiao Anhao dahil nararamdaman niyang nalalaglag na ito. Habang nakayakap sa leeg ni Lu Jinnian, tinignan ni Qiao Anhao ang napaka gwapong gilid ng mukha nito.
Nakadikit ang dibdib ni Qiao Anhao sa likod ni Lu Jinnian kaya nararamdaman niya ang mainit nitong katawan kahit pa may mga damit na namamagitan sakanila. Isang pambihirang init ang dumaloy sa kanyang hindi mapalagay na puso, at ang kanyang mga kamay na nakayakap sa leeg ni Lu Jinnian ay hindi na makagalaw.
Dahil masyado silang malapit, naamoy ni Qiao Anhao ang amoy ng tobacco na dumikit sa katawan ni Lu Jinnian. Ang kanyang mga mata ay napuno ng lambing nang mahinahon niyang tawagin ang pangalan nito, "Lu Jinnian?"
"Hm?" sagot ni Lu Jinnian na kasing kalmado ng kanyang paglalakad.
Isang minutong nanahimik si Qiao Anhao bago siya muling nagsalita sa tenga ni Lu Jinnian, "Maraming taon din tayong naging magkaklase."
Hindi maintindihan ni Lu Jinnian kung bakit ito sinabi ni Qiao Anhao kaya kumunot ang kanyang mga kilay at sumagot ng isa pang "mm" bago niya sabihin, "Kung kasama ang middle school, anim na taon yun."
"So, maituturing namang magkaibigan tayo diba?" Nakaramdam si Qiao Anhao ng nerbyos at kaba habang tinatanong niya ito.
Kung magkaibigan kasi sila, kahit pa makalabas na si Xu Jiamu sa ospital at hindi na nila kailangan pang magpanggap bilang magasawa na gaya ng nangyayari ngayon, pwede pa rin silang makapag usap, tama ba?
Kahit na may ibang babae ng minamahal si Lu Jinnian …at kahit na patuloy pa rin nitong mahalin ang babaeng iyon, hindi magbabago na kasal na ito. Sa paglipas ng mga oras at araw, kakailanganin ni Lu Jinnian na magkaroon ng sarili nitong pamilya.
Kapag dumating ang oras na iyon, hindi na mahalaga kung magpapakasal ito sa taong mahal nito kaya kung sakaling makakapagusap pa din sila, baka balang araw ay magkaroon din siya ng pagasa kay Lu Jinnian, tama ba?
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES