Halos kalahating minuto silang nakatingin sa mga mata ng isa't-isa, paulit ulit nilang sinasabi sakanilang mga sarili ang isinigaw ng kanilang mga puso na hindi nila masabi.
Tatlong simpleng salita lang ang 'I love you'. Ito na marahil ang pinaka prangkang pag amin, pero walang duda na sobrang lalim at nakakaantig talaga ang mga salitang ito.
May kailangan pa silang ifilm kinabukasan ng hapon kaya noong bandang 11:40 na ng gabi, sabay-sabay na silang umalis.
Sumabay si Qiao Anhao kay Lu Jinnian noong papunta sila sa interview kaya ngayong pauwi na sila, muling sinabi ni Lu Jinnian sakanya "Hintayin mo ako, ihahatid na kita" at nagbayad ito ng bill.
May ilang nakarami ng inom kaya tumulong si Qiao Anhao na ikuha at ihatid ang mga ito sa cab. Sinigurado niya rin na nakaalis muna ang mga ito bago siya bumalik sa main hall ng Resplendent.
Nakatayo si Lu Jinnian sa ilalim ng isang ilaw na nasa harap ng counter, at may pinipirmahan.
Hindi na lumapit si Qiao Anhao para hindi niya maistorbo si Lu Jinnian. Tumayo lang siya sa malayo habang pinagmamasdan ito. Mabilis at halatang pinagiisipan talaga ni Lu Jinnian ang bawat ikinikilos niya. Iniabot niya ang kanyang card sa counter staff at nang ibabalik na ito sakanya, biglang may sinabi ang staff kaya tumungo siya. May ibinigay na libro ang babae kaya muli niyang kinuha ang kanyang pen para pumirma.
Matapos magpapirma, sikretong kinuhaan ng counter staff si Lu Jinnian gamit ang phone nito. Naramdaman niya ito pero hindi nalang siya nagpahalata, ibinaba niya ang pen at kinuha ang kanyang card. Pagtalikod niya, nakita niya kaagad si Qiao Anhao na nakatayo sa may pintuan at agad siyang naglakad papalapit dito.
Nakaparada ang sasakyan ni Lu Jinnian sa entrance ng Resplendent. Kinuha niya ang susi niya para iunlock ang kanyang sasakyan. Pinagbuksan niya ng pintuan si Qiao Anhao at siniguro niya munang nakaupo na ito ng maayos bago niya muling isara ang pinto. Pagkasakay niya sa driver's seat, agad niyang sinilip ang oras at nakita niyang 11:55 pm na.
Binuksan niya ang makina ng kanyang sasakyan at dahan-dahang inikot ang manibela nito. Pagkalabas nila ng Resplendent, imbis na humarurot siya ay inihinto niya muna ang sasakyan sa isang gilid ng kalsada.
Nagbago ang itsura ni Qiao Anhao at naguguluhang tumingin kay Lu Jinnian. "Anong meron?"
Hindi sumagot si Lu Jinnian, nakatingin lang siya sa screen ng kanyang phone at nabalot ng katahimikan ang buong sasakyan. Nakatitig lang siya dito mula 11:59 pm hanggang 00:00 am. Bigla siyang naglabas ng isang paper bag mula sa ilalim ng kanyang upuan. Ibinigay niya ito kay Qiao Anhao at mahinahong sinasabi, "Happy Birthday."
Nakatingin lang si Qiao Anhao sa paper bag na nasa harapan niya at hindi maproseso ng kanyang utak ang nangyayari. Sobrang ganda niyang tignan habang gulat na gulat siyang nakaupo.
Ang mukha ni Lu Jinnian ay napuno ng lambing habang nakatingin kay Qiao Anhao at muli siyang nagsalita ng mas mahinahon pa, "Ito ang pinaka unang pagkakataon na binati kita ng Happy Birthday."
Kumurap si Qiao Anhao at bigla niyang naalala na birthday niya na nga pala.
Taon-taon lagi siyang nagpaparty tuwing sumasapit ang kanyang birthday pero ngayong taon, hindi siya makahanap ng oras dahil masyado siyang abala sa pagfifilm. Isa pa, ang alam ng lahat ay kasal sila ni Xu Jiamu kaya muli nanamang kakailanganin ni Lu Jinnian na magpanggap para lang makapagparty siya. Inaalala niya na baka magkaroon nanaman ng problema kaya noong tinawagan siya ng mga Xu at ng mga Qiao tungkol dito, agad niya itong tinanggihan at sinabing sobrang abala siya ngayon sa pagfifilm.
Paggising niya kaninang umaga, naalala niya naman na birthday niya na kinabukasan pero nawala agad yun sa isip niya dahil sobrang naging abala sila sa buong araw.
Noong narealize ni Lu Jinnian na mukhang walang balak magreact si Qiao Anhao, muli siyang nagsalita sa pangatlong beses. "Hindi mo ba titignan ang regalo mo?"
Biglang nahimasmasan si Qiao Anhao matapos niyang marinig ang tanong ni Lu Jinnian. Kinuha niya ang paper bag at agad niya itong pinunit para makita ang laman. Isang magandang box ang nakita niya sa loob. Tumingin siya kay Lu Jinnian at nahihiyang nagtanong, "Ano 'to?"
"May naalala akong nagsabi sa akin na ang mga regalo raw ay dapat binubuksan nang hindi alam ang laman."
Noong birthday ni Lu Jinnian, ganito rin ang sinabi ni Qiao Anhao matapos niyang ibigay ang kanyang regalo para rito.
Ginaya lang ni Lu Jinnian ang sinabi ni Qiao Anhao…Ngumuso si Qiao Anhao habang ang kanyang maninipis na mga daliri naman ay binuksan ang pambalot ng magandang box.
Nakita ni Lu Jinnian ang pagkasabik sa itsura ni Qiao Anhao. Napuno siya ng lambing at sa pagkakataong iyon, hindi na niya napigilan pang abutin at himasin ang buhok nito.
Maingat na binuksan ni Qiao Anhao ang regalo, at bandang huli, isang pulang box ang lumabas.
Biglang kinabahan si Lu Jinnian dahil naalala niya ang regalong pinaghandaan niya na itinapon lang sa basurahan matagal na panahon na ang nakakalipas.
Unti-unti iyang ikinuyom ang kanyang mga kamay.
Pagkabukas ni Qiao Anhao ng box, isang magandang porcelain doll ang nakita niyang nakahiga sa loob.
Nito lang, sinadya ng designer ng Huan Ying Entertainment na gawing cartoon ang portrait ni Qiao Anaho at ang porcelain doll ay ang cartoon version niya.
Hindi inexpect ni Qiao Anhao na gagawin ni Lu Jinnian na isang magandang porcelain doll ang kanyang cartoon version; sobrang ganda talaga nito. Napuno ang kanyang mga mata ng labis na kaligayahan. Tumingin siya kay Lu Jinnian at masayang sinabi, "Thank you."
Unti-unting kumalma si Lu Jinnian matapos niyang makita ang kaligayahan sa itsura ni Qiao Anhao pero gusto niya pa ring makasiguro kaya tinanong niya ito, "Do you like it?"
"I like it!" Walang pagdadalawang isip na sagot ni Qiao Anhao. Kahit ano namang galing kay Lu Jinnian, siguradong magugustuhan niya.
Tuluyan ng kumalma si Lu Jinnian noong nakita niya sa mga mata ni Qiao Anhao na totoo ang sinasabi nito.
Sa limang taon na magkahiwalay sila, lagi siyang nagseset ng alam para paalalahanan ang kanyang sarili tuwing birthday nito.
Sa tuwing sumasapit ang birthday ni Qiao Anhao, laging naghahanda si Lu Jinnian ng regalo para rito. Habang mas yumayaman siya, mas nagiging maganda rin ang kanyang mga regalo, pero kahit kailan hindi niya naibigay ang mga ito. Kung sakali man kasing ibigay niya ang mga ito, kakailanganin niya pa rin ng ibang tao para lang ma'ideliver kay Qiao Anhao. Isa pa, natatakot din talaga siya na baka bandang huli itapon nanaman nito ang kanyang mga regalo sa basurahan, kagaya noong nangyari limang taon na ang nakakalipas matapos niyang padalhan ito.
Ngayong gabi, muli siyang pinaalalahanan ng kanyang phone kaya napagdesisyunan niyang bigyan ito ng regalo bilang kapalit sa ibinigay nitong regalo sakanya.
Kahit na hindi niya alam kung nagaalala ba talaga ito sakanya.
Sarado na ang mga malls dahil malalim na ang gabi kaya mahirap ng magisip ng magandang regalo. Dahil dito, sobrang namroblema siya hanggang sa naalala niya ang narinig niyang gumagawa ng mga porcelain dolls sa Nan Luo Gu Gang. Ang mga manika na ginagawa dito ay kakaiba at sobrang ganda, kaya agad niyang sinabihan ang kanyang assistant na dumiretso sila doon.
Hindi pinasunod ni Lu Jinnian ang kanyang assistant dahil ang manika na gusto niyang ibigay kay Qiao Anhao ay kakaiba kumpara sa mga pangkaraniwang dolls.
Ang porcelain doll ay may lalagyanan sa loob. May inihulog siyang isang sulat na naglalaman ng lahat ng gusto niyang sabihin kay Qiao Anhao; lahat ng pagkukulang niya at kung bakit hindi niya nasabi ang mga ito.
Si Qiao Anhao ang pinakamamahal niya ngunit hindi niya maaring ibigin, at ito lang ang natataninging paraan para masabi niya ang kanyang tunay na nararamdaman.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES