Parang biglang nagsarado ang mga tenga ni Qiao Anhao at wala na siyang marinig na kahit ano sa buong kwarto. Gulong gulo ang kanyang isip, bakit hinahawakan ni Lu Jinnian ang kanyang kamay?
Ano bang iniisip nito? Hindi naman siguro siya gusto nito, tama ba?... Kasi ang pagkakasabi nito sakanya dati, kahit sino man daw ang nagugustuhan nito, siguradong hindi siya yun….
Sa loob loob niya, parehong saya at pagkalito ang kanyang nararamdaman.
Hindi niya na alam kung gaano katagal na silang magkahawak kamay, pero naramdaman niya na unti-unti ng namamawis ang kanyang kamay. Malagkit at basa ito pero ayos lang ito para sakanya at hindi rin nito nabawasan ang saya na nararamdaman niya.
"Kanino 'tong sunod na kanta?" tanong ni Song Xiangsi na katatapos lang kumanta ng tatlong sunod-sunod na kantang pinili nito.
Nakatingin lang si Qiao Anhao sa screen at hindi sumagot.
"Sinong namili ng 'There was you in my youth'?" may isa pang nagtanong.
Nanatiling tahimik si Qiao Anhao.
Si Qiao Anhao ang pumili ng kanta ni Song Xiangsi kaya noong walang sumagot matapos niyang magtanong sa iba-iba't tao kung kanino ang kanta, pasigaw niyang tinawag si Qiao Anhao, "Xiao Qiao!"
Saka palang nahimasmasan si Qiao Anhao noong narinig niya ang kanyang pangalan at naguguluhan siyang tumingin kay Song Xiangsi. "Huh? Anong meron, Xiangsi Jie?"
Ikinaway ni Song Xiangsi ang mikroponong hawak nito. "Ikaw ba ang namili ng kantang 'There was You in My Youth?"
Agad na tumungo si Qiao Anhao at dahan-dahan niyang tinanggal ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Lu Jinnian bago siya tumayo.
Si Lu Jinnian na nasa tabi ni Qiao Anhao ay bigla ring nahimasmasan. Kalmado niyang ikinuyom ang kamao at masaya niyang inaalala ang mga nangyari, gusto niya itong ingatan habang buhay.
Naglakad si Qiao Anhao papunta kay Song Xiangsi para kunin ang mikropono.
Ang third male lead na nakatayo sa tabi ng karaoke ay papatugtugin na sana ang background music nang bigla itong magreklamo. "Eh bakit may dalawang 'There was You in My Youth'? Dalawang beses mo ba yang pinindot Xiao Qiao?"
Hindi pa tuluyang nahihimasmasan si Qiao Anhao sa nangyaring paghahawak kamay nila ni Lu Jinnian kaya hindi niya masyadong naintindihan ang tanong ng third male lead pero bago pa man din siya makasagot, bigla nalang nagsalita si Lu Jinnian, "Ako pumili niyan."
Gulat na gulat na napatingin si Qiao Anhao kay Lu Jinnian. Parehong kanta talaga ang napili nila? Hindi maipaliwanag na saya ang bigla niya nanamang naramdaman, pareho pa pala sila ng paboritong kanta.
"Dahil pareho naman ang napiling kanta nina Mr. Lu at Xiao Qiao, bakit hindi nalang kayo magduet," mukahi ng isa.
Nakakabagot naman talagang makinig ng isa lang ang kumakanta, kaya nagkasundo ang lahat sa ideya.
Ayaw sanang tawagin ni Qiao Anhao si Lu Jinnian na nakaupo sa sofa, kaya tinignan niya nalang ito. Naghintay pa ito ng halos dalawang segundo bago ito tumayo ng walang imik para kumuha ng isa pang mikropono habang naglalakad papalapit sakanya.
Biglang tumahimik ang buong kwarto noong pinatugtog na ng third male lead ang background music. Itinaas ni Lu Jinnian ang kanyang kamay bilang senyas kay Qiao Anhao na magumpisa na sila. Ipinikit ni Qiao Anhao ang kanyang mga mata, huminga ng malalim habang pinapakiramdaman ang tibok ng kanyang puso bago niya muling iangat ang kanyang ulo.
"I would often think about that year, the old study table,
"I would often look at your profile, dreaming,
"You would have never known that the young me kept you deep in my heart."
Matapos itong sabihin ni Qiao Anhao, bigla niyang naalala ang kanyang kabataan. Para lang makita dati si Lu Jinnian, pumupunta siya sa CR at dadaan classroom nito. Noong mga oras na yun, alam niyang may nararamdaman na siya para rito pero mas pinili niyang itago at walang ibang makaalam.
Mahinhin at maganda ang boses ni Qiao Anhao. Sa totoo lang, lalaki ang tunay na kumanta ng napili nilang kanta pero noong sandaling kinanta niya ang unang linya, kakaibang vibe ang nabigay ng kanyang boses sa kanta.
Noong mga oras na yun, naramdaman din ni Lu Jinnian ang naramdaman ni Qiao Anhao, na para bang bumalik din siya sa kanyang kabataan. Araw-araw pagkatapos ng pasok nila noon sa school, sikreto niya itong sinusundan, pinapauod niyang makauwi ito kasama nina Qiao Anxia at Xu Jiamu. May mga pagkakataon ding naglalakad ito ng magisa sa napakahabang kalsada sa ilalim ng pulang kalangitan na dulot ng paglubog ng araw. Nasa harap niya ito parati at lagi lang siyang nasa likod para sumunod pero kahit lumipas na ang mahabang panahon, hindi pa rin siya nagsawa at ang kanyang pagibig para kay Qiao Anhao ay wala pa ring pinagbago, puro at maganda pa rin.
Itinapat ni Lu Jinnian ang mikropono sa kanyang bibig para magpatuloy sa kanta.
"I waited for you by the road with my bike.
"In the cold night, you stood beside me, and all I saw was the beauty of your eyes.
"We didn't ever say goodbye, our separation usually silent."
Ipinagpatuloy ni Qiao Anhao ang sunod na linya.
"Will you think of me occasionally, like how I would often speak of the past?"
Si Lu Jinnian ang kumanta ng sunod na dalawang linya.
"Conversations are endless under the summer wind and autumn rain,
"But one autumn, we just lost contact."
Kay Qiao Anhao muli ang mikropono.
"Will you think of me occasionally, or am I no longer part of your life?"
Tumingin sila sa isa't-isa, punong-puno ang kanilang mga mata ng pagmamahal habang kumakanta sila.
Pero walang nakakaalam na pareho pa sila ng inaalalang kabataan.
Pareho nilang binigyan ng torch ang bawat isa noon pero hindi sila nagusap. Madalas din silang magkasalubong at kahit na para sa karamihan ay tadhana lang ang nangyayari, malinaw sakanilang mga sarili na sinadya nilang makita ang bawat-isa. Gaano karaming effort na nga ba ang nagawa nila para sa isa't-isa?
Maganda ang mga ala ala nila noon at naging mabuting magkaibigan sila, pero bandang huli, nagwakas din ito at nagkalayo sila ng limang taon.
Sa nakalipas na limang taon, hindi tumigil si Qiao Anhao sa kakaisip kay Lu Jinnian pero wala siyang magawa kundi dumepende nalang sa mga tsismis para lang magkaroon ng balita tungkol dito.
Sa nakalipas din na limang taong na iyon, hindi rin nakalimutan ni Lu Jinnian si Qiao Anhao. Para lang makibalita, sinasamantala niya na may gusto sakanya si Qiao Anxia para makapagkwento ito.
Kinanta ni Qiao Anhao, "You were there in my youth."
Sinundan naman ni Lu Jinnian, "I was there in your youth."
Pareho nilang inakala na nawala na nila ang bawat isa, pero pareho din nilang hindi alam na sila ang tunay na minamahal ng isa't-isa. Si Qiao Anhao ang pinakamagdang ala ala ng kabataan ni Lu Jinnian, ito ang pinaka puro at pinaka iniingatan niyang aalala ng kanyang kabataan.
Napuno ang buong kwarto ng kanilang magagandang boses. Bago lang ang kantang ito at hindi nila alam na pareho pala nilang gusto ito, marahil dahil noong kabataan nila, mayroon silang ala ala sa bawat isa na pinakainingatan nila, at hanggang ngayon ay nakakapit pa rin sila sa pag-ibig na yun.
Kinanta naman ni Lu Jinnian sa pagkakataong ito, "I had you in my youth."
Nagsecond voice si Qiao Anhao, "I had you in my youth."
Pagkatapos ng dalawang huling linya, unti-unting humina ang background music hanggang sa tuluyan na itong mawala.
Ang makukulay na ilaw mula sa spot light ay patuloy pa rin ang pag-ikot at natatamaan ng sinag nito ang kanilang mga mukha.
Tumingin si Qiao Anhao kay Lu Jinnian, masaya at malambing ang kanyang itsura.
Tumingin din si Lu Jinnian kay Qiao Anhao, seryoso ang itsura niya at hindi mabasa kung ano ba talaga ang tunay niyang nararamdaman.
Sa kaloob looban ng puso ni Qiao Anhao ay tahimik niyang sinabi: Lu Jinnian, mahal kita.
Samantalang si Lu Jinnian naman na may halo halong nararamdaman ay sinabi rin sakanyang sarili: Qiao Anhao, mahal kita.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES