App herunterladen
36.27% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 353: Mahal kita, Mahal kita (9)

Kapitel 353: Mahal kita, Mahal kita (9)

Redakteur: LiberReverieGroup

Habang nagdidinner ang buong cast sa Beijing hotel, biglang nagsuggest ang direktor na mag'karaoke sila dahil malapit na silang matapos sa pagfifilm, ibig sabihin malapit na rin silang magkahiwa-hiwalay.. Wala namang tumutol kaya pagkatapos na pagkatapos nilang mag'dinner ng bandang alas diyes imedya ng gabi, lumipat na sila sa 'Resplendent' na di naman kalayuan sa Beijing hotel.

Nakisabay si Qiao Anhao sa sasakyan nina Song Xiangsi at Cheng Yang. Habang nasa kalagitnaan sila ng byahe, kinailangan muna nilang dumaan sa isang petrol station kaya sila ang pinaka huling nakarating sa meeting place. Maging si Lu Jinnian na umalis kanina ay nandoon na rin, tahimik lang itong nakatayo habang may hawak na iPad menu dahil nagoorder ito ng alak at iba pang inumin. Noong naramdamdaman ni Lu Jinnian na papasok na ang tatlo, iniangat niya ang kanyang ulo para tignan si Qiao Anhao.

Nakita rin sila ng direktor at itinuro ang machine na nasa gilid bilang pagsensyas nito. "Pumunta kayo doon at mamili kayo ng gusto niyong kantahin, dalawa ang minimum para sa bawat tao!"

"Xiao Qiao, tulungan mo akong mamili" Nagbanggit si Song Xiangsi ng dalawang kanta kay Qiao Anhao.

Nagiba ang itsura ni Lu Jinnian nang marinig niyang inuutusan ni Song Xiangsi si Qiao Anhao. Habang nagoorder siya ng isang bote ng Royal Salute, iniangat niya ang kanyang ulo para tignan ito ng masama.

Nagpanggap si Song Xiangsi na hindi nito nakita si Lu Jinnian, at naghanap pa ito ng isa pang kanta bago magpasalamat kay Qiao Anhao. Naglakad ito pabalik ng sofa at nang makaupo na, tinignan din nito ng masama si Lu Jinnian.

Pagkatapos tulungan ni Qiao Anhao si Song Xiangsi, namili muna siya ng isang kanta para naman sakanya bago siya tuluyang umupo. Noong nakita ng third female lead na umupo siya, masaya itong lumapit para bumati. 

Hindi pa umaabot sa tatlong pangungusap ang kanilang pinaguuspan nang maramdaman ni Qiao Anhao na medyo lumubog ang katabi niyang upuan. Bago pa man siya makalingon, nauna ng ngumiti at magalang na bumati ang third female lead na kausap niya. "Mr. Lu."

Tumungo lang si Lu Jinnian, at ipinasa niya ang iPad kay Qiao Anhao. "May gusto ka bang kainin?"

Umiling si Qiao Anhao, kakatapos niya lang din kasing magdinner at wala rin siya masyadong gana.

Hindi na namilit si Lu Jinnian at muli siyang tumingin sa iPad. Nagorder siya ng dalawang large plates ng prutas at mani bago ibinalik sa waiter ang iPad.

Hindi nagtagal, dumating na ang mga inorder na pagkain. Maraming iba't-ibang klase ng inumin, beer, red wine, at white wine.

Humingi ang direktor ng dagdag na yelo habang isa-isang nilalagyan ng wine ang mga baso para makapag'toast silang lahat.

Bago pa man mahawakan ni Qiao Anhao ang wine, may isang porselanang tasa ang biglang inilapag sa kanyang harapan. May laman itong mainit na gatas, umuusok pa at amoy na amoy rin ang pagkagatas nito. "Hindi ba sabi mo hindi maganda ang pakiramdam mo at kailangan mo ng mainit?"

Matapos itong marinig ng third female lead, sinubukan din nitong magpapansin kay Lu Jinnian. "Mr. Lu, hindi rin maganda ang pakiramdam ko, pwede rin ba akong makahingin ng mainit na gatas?

Hindti pinansin ni Lu Jinnian ang sinabi nito habang walang emosyong itinatabi ang wine na nasa harapan ni Qiao Anhao. Kinuha niya ang sarili niyang wine glass para makipag toast kagaya ng gustong mangyari ng direktor.


Kapitel 354: Mahal kita, Mahal kita (10)

Redakteur: LiberReverieGroup

Sa sobrang awkard, tumawa nalang ang third female lead para hindi mahalata na napahiya ito at saka nito ibinaba ang wine glass sa lamesa.

Nanatiling tahimik si Qiao Anhao habang paunti-unting humihigop ng mainit na gatas na kanyang hawak. Mainit ang gatas pero mas mainit pa rin ang kanyang puso, binalot ng sobrag kilig ang kanyang buong katawan habang patuloy lang siya sa paginom. 

Mayroon ng may hawak ng mikropono at kumakanta na ito ng napili nitong kanta samantalang ang mga nakaupo naman ay masayang nakikipag-usap sa mga katabi nito habang umiinom.

Masarap na ang pakikipagkwentuhan ng third female artist, na nasa tabi ni Qiao Anhao, kina Cheng Yang at sa direktor, kaya hindi na siya napansin nito. Samantalang si Lu Jinnian naman na nasa kabilang gilid niya ay sobrang tahimik at bihirang magsalita, kaya wala siyang magawa kundi umupo nalang din ng tahimik at manuod sa kumakanta habang umiinom ng gatas.

Pagkaubos niya ng laman ng tasa, agad niya itong inilapag sa lamesa at sumandal sa sofa. Ang mga kamay niya ay nasa gilid ng kanyang mga hita at sa sobrang bagot ay sinabayan niya nalang ang kumakanta sa kanyang isip.

Ang third male lead na kasalukuyang kumakanta ay kilala bilang bakaw pag dating sa mikropono. Nakakanta na ito ng tatlong sunod-sunod na kanta pero mukhang wala pa itong intensyong bitawan ang mikropono dahil muli nanaman itong namili ng isa pa – ang 'Dong Feng Po' ni Jay Chou.

Noong nagaaral pa si Qiao Anhao, sobrang gusto niya ang kantang ito pero dahil matagal na rin ang panahong lumipas kaya medyo nakalimutan niya na rin ang lyrics nito. Matapos niyang kumanta ng limang sunod-sunod na linya, napahinto siya at tumingin sa para tignan ang mga sunod na linya:

"As the water flowed to the east,

"No matter how much I tried to get more time,

"The flowers can only bloom once

"And I had missed it..."

Noong mga sandaling iyon, nagulat si Qiao Anhao dahil naramdaman niyang nagkadikit ang mga daliri nila ni Lu Jinnian.

Biglang bumulusok ang kanyang emosyon at hindi niya na maigalaw ang kanyang mga daliri. Napatitig nalang siya sa lyrics na nasa screen at hindi niya na magawang kumanta pa sa kanyang isip.

Medyo matagal na natigilan si Qiao Anhao bago niya mapagtanto na magkadikit pa rin ang mga kamay nila ni Lu Jinnian habang may hawak itong phone.

Napalunok siya at inurong ang kanyang kamay para iiwas sana sa kamay ni Lu Jinnian. Pero noong oras na yun, nabitawan na ni Lu Jinnian ang phone nito at tuluyan na ngang ipinatong sakanyang kamay.

Nang sandaling iyon, pakiramdam ni Qiao Anhao na para bang hindi na sakanya ang kamay niya. Mayroon din siyang naramdamang hindi maipaliwanag na init na dumaloy mula sa palad niya hanggang sa daluyan ng kanyang dugo. Sinubukan niya pang pumiglas noong una pero niyang naramdaman na mas humigpit pa ang hawak nito.

Hindi na napigilan ni Qiao Anhao na lumingon kay Lu Jinnian pero diretso lang ang tingin nito sa screen, kalmado lang ang itsura nito. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ni Qiao Anhao kaya pati ang tenga niya ay nagiinit na rin.

Noong binigyan niya si Lu Jinnian ng torch noong bata pa sila, inimagine niya kung anong pakiramdam na mahawakan ang malambot at manipis nitong kamay. Sa loob ng mahabang panahon, ito ang unang pagkakataon na naghawak kamay sila ng ganun kaseryoso, di hamak na mas nakakakilig at mas nakakasabik ito kaysa sa naimagine niya.

Ginaya ni Qiao Anhao si Lu Jinnian, kalmado rin siyang tumingin sa screen na at naglakas loob siya na mas higpitan pa ang hawak sa kamay nito.

Naramdaman ni Lu Jinnian na mas humigpit pa ang hawak ni Qiao Anhao, nagniningning sa saya ang kanyang mga mata pero wala pa ring nagbabago sakanyang reaksyon at nanatili lang siyang kalmado.

Para sa mata ng iba, mukhang hindi sila naguusap, pero ang isang hindi alam ng mga ito, ang mga kamay pala nila'y mahigpit na magkahawak.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C353
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES