App herunterladen
35.66% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 347: Mahal kita, mahal kita (3)

Kapitel 347: Mahal kita, mahal kita (3)

Redakteur: LiberReverieGroup

Pero ang pinaka umagaw sa atensyon ni Qiao Anhao ay ang tie clip na iniregalo niya kay Lu Jinnian na nakita niyang nakakabit sa necktie nito. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili na titigan ito at nang sandaling iangat niya ang kanyang ulo, nagkasalubong ang mga tingin nila ni Lu Jinnian. 

Ang kanyang itim na itim na mga mata ay biglang nagningning at kinindatan niya si Lu Jinnian. Sa sobrang saya, hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na mapangiti na labas ang lahat ng kanyang mga ngipin bago niya ito lampasan noong naglakad siya palabas ng makeup room.

Pitong sasakyan ang gagamitin papunta sa conference. Si Song Xiangsi at Cheng Yang ang magkasama sa isa, si Qiao Anhao at Lu Jinnian naman sa isa pa, gagamit ng dalawa ang iba pang mga cast, samantalang ang direktor at producer naman ay tig-isa at sa pinaka huli ay para sa iba pang staff members na pupunta.

Kahit na ang conference ay eksklusibo lang para sa media, hindi pa rin napigilan ang pagdating ng mga tagahanga nina Lu Jinnian, Song Xiangsi at Cheng Yang. Maagang dumating ang mga ito para palibutan ang entrance ng Shangri-La China World Hotel.

Sina Cheng Yang at Song Xiangsi ang mga naunang bumaba, at ginawa ng mga security guards ang lahat para pigilan ang mga tagahanga na kuyugin sila habang isinisigaw ang pangalan ng mga paborito nitong artista.

Kumapit si Song Xiangsi sa braso ni Cheng Yang habang tumutungo at ngumingiti sa kanilang mga tagahanga. Habang pababa sila sa red carpet ng hotel, kumaway si Song Xiangsi sa mga mga tagahanga niyang sumisigaw kaya lalo pang nilakasan ng mga ito ang pagsigaw.

Sina Lu Jinnian at Qiao Anhao ang sunod na dumating sa entrance ng hotel. Matagal ng nagtatrabaho ang assistant kay Lu Jinnian kaya kilala na ito ng kanyang mga tagahanga. Pagkarating palang ng sasakyan ng assistant, nagsihiyawan na kaagad ang mga ito ng mga salitang "Lu Jinnian", "Lu Jinnian I love you".

Binuksan ng assistant ang pintuan sa passenger side pero bago pa man din makababa si Lu Jinnian ay lalo pang tumindi at tumining ang tili ng kanyang mga tagahanga na talaga ngang masakit sa tenga.

Nakita na ni Qiao Anhao kung paano magwala ang mga tagahanga ni Lu Jinnian sa TV noon, pero ngayon na nasa kalagitnaan na siya ng mga ito, hindi niya maiwasang biglang makaramdam ng kaba.

Sinubukan niyang manatiling kalmado habang kumakapit sa braso ni Lu Jinnian. Noong naglakad na sila papunta sa first floor ng hotel, unti-unti na ring nabawasan ang mga tagahangang sumusunod sakanila kaya doon palang siya medyo nakahinga ng maluwag. Tinignan niya si Lu Jinnian at nakita niyang niyang kalmado lang ito.

Gaganapin ang conference sa third floor ng hotel kaya sinamahan ng mga service staff sina Qiao Anhao at Lu Jinnian sa elevator na magdadala sakanila sa hall, kung saan sila sinalubong ng mga kumikislap na ilaw mula sa media.

Tumayo muna sina Qiao Anhao at Lu Jinnian sa tapat ng promo poster ng 'Alluring Times' na kasing laki ng buong pader. Nagpose sila ng iba't-ibang anggulo para makunan sila ng litrato ng media bago sila tuluyang umakyat sa stage para umupo sa mga nakalaang upuan para sakanila.

Hindi nagtagal, dumating na rin ang direktor at iba mga pang artista. Matapos kunan ng litrato ang lahat, pumunta na na rin ang mga ito sa kanya-kanya nitong mga posisyon at ang host na nakatayo sa gilid ng stage ay nagsalita sa mikropono, "Please be quiet."

Tatlong beses itong inulit ng host bago tuluyang tumahimik pero ang makikinang na ilaw ay patuloy pa rin sa pagkislap.

Ipinagpatuloy ng host ang pagsasalita, "We're delighted to welcome the media and friends who are present today for the promo conference for 'Alluring Times'. First off, I must give a warm welcome and introduce to everyone, the director and each and every actor attending our conference today."

Tinawag ng host sina Lu Jinnian, Song Xiangsi, Cheng Yang, Qiao Anhao at iba pang mga pangalan.

Matapos ang introduksyon ng host, isa-isang tumayo ang lahat para batiin at magbigay ng respeto sa media na nasa ibaba ng stage.


Kapitel 348: Mahal kita, mahal kita (4)

Redakteur: LiberReverieGroup

Ang sunod na agenda ay ang interaksyon ng host at ng direktor. Nagtanong ang host ng ilang mga katanungan patungkol sa 'Alluring Times'. Dahil sanay na ang direktor sa mga ganung klaseng conference, walang kahirap hirap niyang nasagot ang mga tanong. Binigyang diin niya ang mga pinakaimportanteng punto ng tv series at nagpasaring din ito ng ilang nakaka sabik na eksena para magkaroon ng suspense.

Kinausap din ng host ang mga cast para tanungin rin ang mga ito ng tungkol sa 'Alluring Times', gaya ng mga tanong kung sino ang gagampanan nila sa tv series, ano ang mga magiging personalidad nila rito, sino ang mga magiging katambal nila at ano ang masasabi nila tungkol sa kanya-kanya nilang mga karakter.

Ang lahat ng artistang dumalo ngayong araw, bukod kay Qiao Anhao, ay nakapagfilm na rin ng iba pang mga pelikula noon kaya natural at kalmado lang ang mga itong sumasagot sa host na para bang nakikipagkwentuhan lang sa isang kaibigan.

Medyo kinakabahan si Qiao Anhao pero nasabihan naman na siya bago magumpisa ang conference kung paano niya sasagutin ang mga magiging tanong sakanya para hindi siya magkamali.

-

Natapos ang conference ng alas sais impunto. Matapos pumirma ng mga artista sa sa poster ng 'Alluring Times' at magpose para sa ilang litrato ng media, ang dalawang bidang magkapareha na sina Song Xiangsi at Cheng Yang, Lu Jinnian at Qiao Anhao ay dinala muna sa magkaibang kwarto para sa hiwalay na interview. Samantalang ang direktor at ibang mga artista ay naiwan sa conference para sagutin ang mga tanong ng ibang media outlets na hindi nagkaroon ng oportunidad na ma'interview ang mga bida.

Sa penthouse suite ng hotel ang interview nina Qiao Anhao at Lu Jinnian pero noong sadaling makarating sila doon, wala pa ang interviewer na makikipagpanayam sakanila.

Makikita sa kwarto ang tatlong upuan na may European design, isang bilog na lamesa na gawa sa salamin at ang poster ng 'Alluring Times' na may litrato nina Lu Jinnian ay Qiao Anhao. Mayroon ding mga prutas, bote ng red wine, at tatlong bote ng mineral water na nakapatong sa lamesa.

Hinatid sina Lu Jinnian at Qiao Anhao ng service staff hanggang sa loob ng suite at hindi rin nakalimutan nito na biniyan muna sila nito ng tatlong matataas na baso ng red wine bago ito umalis. 

Silang dalawa nalang ang naiwan sa loob ng suite. Si Qiao Anhao na halos hindi makagalaw kanina habang pinipilit na magmukhang natural ay kumalma na rin sa wakas. Parang nanlambot ang kanyang mga buto kaya bigla siyang napaupo siya sa sofa at dahil medyo nakatabingi ang posisyon ng kanyang ulo habang nakasandal, muli niyang nakita ang iniregalo niyang tie clip na nasa dibdib ni Lu Jinnian.

Nakatayo si Lu Jinnian sa isang malapit na floor-to-ceiling window. Sakto sa dibdib nito ang mala-kulay kahel na sinag na mula sa lumulubog na araw kaya kumikinang ang maliliit na dyamante na nasa tie clip nito.

Matagal ng nakatitig si Qiao Anhao sa tie clip nang sa mapansin niyang nakatingin din sakanya si Lu Jinnian kaya agad niyang ibinaling sa iba ang direksyon ng kanyang mga mata. Dahil sa sinag na nanggaling sa lumulubog na araw, parang nabalutan ng ginto ang buong katawan ni Lu Jinnian kaya nagmukha itong dakila. Sadlit lang na nagkabunguan ang kanilang mga tingin, pero naramdaman na kaagad ni Qiao Anhao na biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso kaya dali-dali siyang yumuko para iwasan ang titig nito. 

Nabalot ng katahimikan ang buong suite. Nakayuko lang si Qiao Anhao ng ilang sandali habang pinagmamasdan ang kanyang bagong linis na mga kuko pero may biglang may pumasok sa isip niya kaya muli niyang iniangat ang kayang ulo para tignan si Lu Jinnian at magtanong, "Magaling na ba ang mga sugat mo?"

Masyado silang naging abala sa set nitong mga nakalipas na araw kaya wala rin sila masyadong pagkakataon na makapagusap o kahit man lang makamusta niya ito.

"Yeah." Nakatingin pa rin si Lu Jinnian kay Qiao Anhao. Kahit kalmado at wala masyadong emosyon ang naging pagsagot ni Lu Jinnian, kitang kita naman sa mga mata nito na di hamak na mas naging malambing na ito ngayon.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C347
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES