Kinabukasan, kinakailangan ng bumalik ng set nina Qiao Anhao at Lu Jinnian para magfilm. Ito ang kanilang last stretch kaya maraming dinalang gamit si Qiao Anhao. Nang makita siya ni Madam Chen na marami siyang inempakeng bag, hindi ito nagalinlangang tulungan siya na ilagay ang lahat sa isang malaking maleta.
Noong dumating si Zhao Meng sa Mian Xiu Garden para sunduin si Qiao Anhao, saktong ibinababa na ni Lu Jinnian ang mga maleta na ipapasok niya sa loob ng sasakyan.
Binuksan na ni Qiao Anhao ang pintuan ng sasakyan pero hindi siya kaagad pumasok. Nagpaalam muna siya kay Madam Chen at ipinaalala kay Lu Jinnian ang mga gamot na dapat nitong inumin. Katatapos niya lang sabihin ang kanyang mga paalala nang biglang dumating ang assistant ni Lu Jinnian kaya muli niyang inulit dito ang kanyang mga sinabi.
Nakinig ng mabuti ang assistant at pasigurado nitong sinabi sakanya, "Wag kayong mag-alala Miss Qiao, naiintindihan ko."
Marami pang sinabing paalala si Qiao Anhao bago siya tuluyang sumakay ng sasakyan at bago sila umalis, inilabas niya ang kanyang kamay sa bintana para muling magpaalam.
Ipapalabas na ang "Alluring Times' sa winter holiday kaya para hindi sila mabibitin sa oras, kailangan nilang kumpletuhin ang mga natitirang series sa loob ng dalawampung araw. Punong-puno ang schedule ng filming at halos lahat ng mga artista ay kinakailangang mag'standby tuwing gabi. Bihira lang din ang oras nila para magpahinga.
Kahit si Lu Jinnian, na bumabalik sa Huan Ying Entertainment tuwing break time, ay araw-araw ding nanatili sa set. Kadalasan, tinatrabaho niya ang mga dokumento sa lounge kahit naka'makeup kanyang buong mukha. Minsan nakikita rin siya ni Qiao Anhao na nakikipagconference meeting sa mga board sa pamamagitan ng kanyang laptop.
Kung hindi natutulog, madalas nasa cafeteria o nasa set lang si Lu Jinnian. Para maiwasan ang mga suspetya at mga hindi kanais nais na tsimis, iniiwasan nila ni Qiao Anhao na magsama pero dahil nasa parehong filming set lang sila at sila rin ang magkapareha sa drama, may mga pagkakataon na nakakapagusap pa rin naman sila minsan pero hindi kasing intimate na gaya pag nasa bahay sila.
Pero kahit na ganoon, nararamdaman pa rin ni Qiao Anhao ang pagaalala at pagaalaga ni Lu Jinnian. Kapag nagfifilm sila ng eksena sa labas, nagdadala ang assistant nito ng balabal o di naman kaya ay binibigyan siya ng mainit na tsaa o gatas nito para hindi siya ginawin. Simpleng bagay lang ang mga ito pero sapat na ang mga ito para mapukaw ang kanyang damdamin at magkaroon siya ng mga paruparo sakanyang tiyan. May mga pagkakataon din na mapapatingin siya dito ng hindi niya namamalayan at minsa ay nagkakabanggaan pa sila ng tingin at habang abala at masaya ang lahat, sila naman ay nakatitig lang sa bawat isa.
Sa tuwing nangyayari ito, bumibilis ang tibok ng puso ni Qiao Anhao at dahil hindi niya kayang maging kasing kalmado ni Lu Jinnian, madalas niyang ibinabaling ang kanyang tingin kay Zhao Meng at kunwaring kakausapin niya ito para magpanggap na walang nangyari. Minsan naman kapag hindi niya na talaga maitago ang kanyang nerbyos, bigla niya lang tinatawanan si Lu Jinnian na parang isang maliit na bata. Kahit na hindi masyadong nagpapakita ng emosyon si Lu Jinnian, nakikita niya pa rin na ngumingiti ito sakanya at sa tuwing nangyayari 'yun, bigla nalang umiinit ang kanyang mukha.
Mabilis na lumipas ang mga araw nilang abala at parang isang-kisap lamang, nakarating na sila sa mga huling eksena ng drama.
Pero bago nila i'shoot ang mga natitirang eksena, may inihandang isang promo conference ang 'Alluring Times'.
Idadaos ang promo conference sa Shangri-La China world hotel na nasa siyudad ng Beijing. Alas kwarto imedya ng hapon ito gaganapin at lahat ng mga sikat na media outlets ay imbitado.
Lahat ng mga bida ay kinakailangang pumunta sa sinabing event at dahil lahat naman sila ay nasa set bago magumpisa ang conference, hindi na sila umalis para makapagpaayos na ng diretso sa makeup studio na nasa set.
May kailangang ayusin sa trabaho si Lu Jinnian kaya tutok na tutok siya sa kanyang phone habang minemake-upan. Samantalang ang ibang mga artista na dadalo sa conference ay tapos ng maghanda kaya noong nakita siya ng mga ito, magalang siyang binati ng lahat. "Mr. Lu."
Wala siyang anumang emosyon na ipinakita noong tumungo siya sa mga ito. Maya't-maya ay may tumatawag sakanyang phone na kinailangan niyang sagutin muna bago siya tuluyang makaupo sakanyang makeup chair.
Magkatalikuran lang makeup chair nila ni Qiao Anhao kaya noong sandaling umupo siya, nakita niya ito sa salamin na nasa tapat niya. Kahit na tutok siya sa mga ginagawa niya sakanyang phone, hindi pa rin mawala ang atensyon niya kay Qiao Ahao kaya napansin niya na parang medyo giniginaw ito dahil sa aircon. Habang naghahanap ang makeup artist nito ng powder puff, nakita niyang itinaas ni Qiao Anhao ang mga kamay nito para ikinikiskis sa mga naka'expose nitong balat habang nanginginig sa ginaw.
Biglang napakunot ang kanyang mga kilay at naalala ang kabilinbilinan ng doktor na kahit anong manyari ay hindi maaring sipunin si Qiao Anhao lalo na sa loob ng isang buwan matapos ng operasyon nito kaya bigla siyang nagsabi ng mahinang 'Sorry' sa kausap niya sa phone bago niya ito ibinaba. Tinignan niya ang kanyang assistant na nasa tabi niya at medyo naiinis na sinabi, ""Anong meron? Kailangan ba talaga na ganyang kalamig ang aircon?"
Gulat na gulat na tumingin ang assistant kay Lu Jinnian na kasalukuyang naka suot ng tuksedo. Dahil kagagaling lang nila sa labas, medyo namamawis pa ang ilong nito kaya medyo nagsuspetya siya pero hindi ayaw niyang magpalahata kaya sinabi niya, "Hahanapin ko nalang ang remote pata pahinaan."
Hindi umimik noong una si Lu Jinnian pero nang maglakad na papalayo ang kanyang assistant ay muli nanaman siyang nagsalita, "Patayin mo nalang."
Si Qiao Anhao na nakaupo sa likod ni Lu Jinnian ay narinig ang lahat ng sinabi nito sa assistant. Base sa nakita niya sa salamin, sabay pumasok ang dalawa at parehong pinagpapawisan ang mga ito. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.
Kakaupo niya lang para magpamakeup noong naramdaman niya na medyo malamig ang aircon pero dahil nakakasunog ang tag'init, karamihan sa mga ibang artista ay init na init kaya siguradong maraming maiinis kapag kinuha niya ang remote at pinahinan ang aircon. Ayaw niya namang gumawa ng kahit anong eksena kaya ang tanging paraan nalang na naisip niya ay ang matapos kaagad ang kanyang pagpapamakeup para makalabas na siya pero si Lu Jinnian na wala pang isang minutong nakaupo ay biglang nagpaalam sa kausap nito sa phone para ipapatay sa assistant ang aircon.
Dati, may mga ginagawa itong hindi niya nalang pinapansin at ayaw rin namang bigyan ang mga ito ng malisya pero sa oras na ito, sigurado siya na pinapatay ni Lu Jinnian ang aircon para sakanya.
Dahil sa nangyari, may hindi maipaliwanag na saya siyang naramdaman kaya hindi niya na napigilan ang kanyang sarili na mapangiti.
Pagkatapos niyang magmakeup, tinignan niya si Lu Jinnian na saktong kakatapos lang din at kasalukuyang nakatayo habang inaayusan ng necktie ng stylist nito.
Hindi naman maliit na tao ang stylist pero dahil nakatayo ito sa tabi ni Lu Jinnian, di hamak na mas mababa ito kaya kinailangan nitong tumingkayad para maayos ang necktie.
Pero ang pinaka umagaw sa atensyon ni Qiao Anhao ay ang tie clip na iniregalo niya kay Lu Jinnian na nakita niyang nakakabit sa necktie nito.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES