Ibinaba ng doktor ang hawak niyang bag pero noong gagamutin na sana niya si Lu Jinnian ay bigla itong nagsalita, "Siya unahin mong gamutin."
"Ayos lang ako." Wala namang nararamdamag kahit ano si Qiao Anhao kaya umiling siya bilang pagtanggi.
Pareho nilang pinagtutulakan ang doktor na unahing gamutin ang kabilang kampo kaya nakatayo lang ito habang nagaabang kung ano ba talaga ang dapat gawin. Tumingin ang doktor kay Qiao Anhao na sinundan naman ng pagtingin nito kay Lu Jinian bago tanungin ang dalawa kung sino ba talagang mauuna.
Muling nagsalita si Qiao Anhao. "Sumuka siya ng dugo kanina, kaya dapat malaman kaagad kung bakit."
"Gamutin mo muna siya." Kalmadong sinabi ni Lu Jinnian pagkatapos na pagkatapos magsalita ni Qiao Anhao. Halatang pautos at namimilit ang paraan ng kanyang pagkakasabi na para bang ayaw na niyang makipagtalo pa kay Qiao Anhao. Tinignan niya ito at mahinahong sinabi, "Mauna ka na."
Wala ng pagdadalawang isip na naglakad ang doktor papunta kay Qiao Anhao. "Bakit nakatingin ka lang? Bilisan mo at tumawag ka ng doktor."
Sa totoo lang, gusto pa talaga sanang makipagtalo ni Qiao Anhao pero noong sandaling narinig niya ang sinabi ni Lu Jinnian na 'siya na ang mauna', wala na siyang nagawa at ipinakita nalang ang kanyang braso sa doktor.
Hindi naman malala ang sugat ni Qiao Anhao at kaya itong gamutin ng kahit sino. Nilinisan lang ito ng doktor bago balutan. Matapos ang limang minuto, tapos na ang lahat kaya muling tinignan ng doktor si Lu Jinnian. "Mr. Lu, ikaw naman."
Hindi pinansin ni Lu Jinnian ang sinabi ng doktor at nagtanong, "Magkano?"
Nagulat ang doktor pagkatanong niya kung magkano. Ibig sabihin nagpapunta siya ng doktor para lang magpagamot ng napakaliit na sugat?
Biglang nagbago ang itsura ni Qiao Anhao pero bago niya pa masabi ang gusto niya sanang sabihin naunahan na siyang magsalita ng hindi mapakaling si Madam Chen, "Mr. Lu, hindi ka pa nagagamot."
"Hindi na kailangan," naiinis na sagot ni Lu Jinnian habang nakatingin ng masama kay Madam Chen at inutusan niya itong ihatid ang doktor palabas. "Madam Chen, bayaran mo na ang bill at ihatid mo na siya palabas."
"Mr. Lu…"
"Sinabi ko namang ayos lang ako diba," pagputol ni Lu Jinnian kay Madam Chen.
"Mrs. Lu.." Pagmamakaawa ni Madam Chen kay Qiao Anhao habang nakatingin sa duguang damit pang'taas ni Lu Jinnian.
Tinignan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian. Alam niyang ayaw nito sa mga doktor at siguradong hindi ito papayag na magpagamot gaano man kaseryoso ang mga sugat nito kaya tumayo nalang siya para humingi ng tawad sa doktor. "Pasensya na kung naabala pa naming kayong pumunta rito, ako na ang maghahatid sayo."
Nagaalala si Madam Chen kay Lu Jinnian pero wala siyang karapatang magpumilit kaya sinamahan niya nalang si Qiao Anhao na ihatid ang doktor sa labas.
Bago tuluyang makalabas ang doktor, muling nagtanong si Qiao Anhao sa huling pagkakataon, " Doktor, pwede mo ba akong bigyan ng mga gamot para sa sugat? Si Madam Chen nalang ang magbabayad sayo."
Masayang tumungo ang doktor at agad nitong binuksan ang bag na hawak para kumuha ng isang bote ng panglinis, mga gamot, mga bandage, at mga plaster. Ilang sandali rin itong napahinto para magisip kung may iba pang kakailanganin bago magabot ng isang kahon ng anti-inflammatory medicine. Hindi nito nakalimutang ibilin ang dosage at kung kung gaano kadalas kailangang inumin ang mga gamot. Isinulat muna ni Qiao Anhao ang lahat ng dapat niyang tandaan bago muling inutusan si Madam Chen na tuluyan ng ihatid ag doktor palabas.
Umakyat siya kaagad sa taas dala ang mga gamot na ibinigay sakanya ng doktor. Pagkapasok niya sa kwarto, nakita niya na nakadungaw si Lu Jinnian sa bintana habang nagsisigarilyo kaya inilapag niya ang kanyang mga hawak at dahan-dahang naglakad palapit kay Lu Jinnian para walang pasabing agawin ang sigarilyong hawak nito.
"Paano mo nagagawang magsigarilyo sa dami ng sugat mo? pasermon na sabi ni Qiao Anhao habang tinatapon ang sigarilyo sa ash tray. Hindi pa siya nakuntento, inagaw niya rin ang isang kaha ng sigarilyo at lighter na nasa kabilang kamay nito at walang alinlangan niya itinapon ng diretso sa basurahan.
Masyadong mabilis at swabe ang naging pagkilos ni Qiao Anhao kaya wala ng nagawa si Lu Jinnian kundi tignan siya ng wala manlang bakas ng kahit anong galit o paninisi.
Nang matagumpay niyang mapigilan ito sa paninigarilyo, hinila niya naman ito papunta sa sofa.
Napatingin nalang si Lu Jinnian sa maliliit na kamay na humila sakanya at unti-unting naging kalmado ang kanyang mga mata. Hindi siya nagpumiglas at sumunod lang siya kay Qiao Anhao na parang isang masunuring tupa.
Itinuro ni Qiao Anhao ang sofa at pautos na sinabi kay Lu Jinnian, "Upo."
Kumuha siya ng isang antiseptic towel at naglinis ng kanyang mga kamay.
Samantalang si Lu Jinnian naman ay hindi gumagalaw at nanatili lang na nakaupo ng tahimik sa sofa.
Lumuhod si Qiao Anhao sa tapat ng coffee table at isa-isang inilabas ang mga gamot na ibinigay sakanya ng doktor. Kumuha rin siya ng isang pakete ng bulak na agad niyang binuksan bago tignan si Lu Jinnian para muli itong utusan, "Tanggalin mo ang pang itaas mo."
Pinatakan niya ng konting antiseptic ang bulak at dahan-dahang ipinahid sa mga sugat ni Lu Jinnian para malinisan. Sa tuwing ipinapahid niya ito, parang nararamdaman niya rin ang sakit samantalang si Lu Jinnian na kasalukuyang nakatalikod sakanya ay hindi maalis ang ngiti mukha.
Maliliit lang naman ang mga bubog kaya kahit marami itong sugat, hindi naman ganun kadiin ang pagkakabaon ng mga ito at isa pa, tumigil na rin ito sa pagdurugo. Isa-isa niyang nilinasan ang bawat sugat bago lagyan ng gamot.
Habang nararamdaman ni Lu Jinnian ang maingat na pagdampi ng kamay ni Qiao Anhao sa kanyang mga sugat, unti-unting humupa ang galit na niya sa kanyang puso at tanging sakit at pagmamahal nalang ang naiwan.
Matapos ihatid ni Madam Chen ang doktor, muli siyang umakyat para tignan ang dalawa. Pagkarating niya sa may pintuan ng kwarto, nasilip niya kaagad si Lu Jinnian na nakaupo sa sofa habang si Qiao Anhao naman ginagamot ang mga sugat nito.
Kahit na hindi naguusap ang mga ito, kita niya naman na mapayapa ang lahat kaya wala na siyang dapat alalahanin.
Hindi niya na inistorbo ang mga ito at tahimik nalang siyang bumaba.
Nang matapos ng gamutin ni Qiao Anhao ang mga sugat, kumuha naman siya ng isang baso ng tubig at iniabot kay Lu Jinnian. Naglabas siya ng apat na pills at kalmadong sinabi, "Uminom ka muna ng anti-inflammatory pills para hindi maimpeksyon ang mga sugat mo. Hindi ka rin pwedeng maligo muna sa ngayon. Bukas siguro maguumpisa na maglalangib na ang mga yan kaya mas gaganda na ang pakiramdam mo."
Kahit na wala masyadong ipinapakitang emosyon si Lu Jinnian, sobra ang saya at kilig na naramdaman niya kaya hindi na siya nanalban o naglinlangan na kunin ang mga pills para inumin.
Nakatingin lang si Qiao Anhao kay Lu Jinnian habang umiinom ng tubig at hindi nagtagal, bigla nalang siyang naiinis na nagtanong, "Ano ba talagang nangyari na nagpagalit sayo ng sobra?"
Parang may biglang bumara sa lalamunan ni Lu Jinnian kaya hindi siya kaagad nakapagsalita. Dalawang beses siyang lumunok ng laway para subukang itulak ang kung ano mang nakaharang. "Company matters."
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES