Habang nakatitig si Lu Jinnian sa text na kanyang natanggap, bigla nalang siyang nakaramdam ng kaba. Tinignan niya muna si Qiao Anhao na mahimbing na natutulog bago siya lumabas ng kwarto at pumunta ng study room para tawagan ang kanyang assistant.
Agad na sinagot ng assistant ang tawag. Hindi nagsasalita si Lu Jinnian pero sanay na ang assistant dahil ganito talaga ang lagi nitong ginagawa tuwing naguusap sila. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy at sinabi niya na kaagad ang balita, "Mr. Lu, may nahanap akong mapagkakatiwaalang kaibigan ko sa college na gumawa ng pagsisiyasat at lumabas rin kaagad ang resulta noong sumunod na araw pero nagpunta kasi ang kaibigan ko sa ibang bansa at kakabalik niya lang kaya kanina ko lang siya napuntahan."
"Yea," sagot ni Lu Jinnian bilang pahiwatig na nakikinig siya.
Ngunit hindi agad sinabi ng assistant ang gustong marinig ni Lu Jinnian. "Mr. Lu, saan mo nakuha ang swallow's nest?"
Nagbago ang itsura ni Lu Jinnian at bigla siyang hindi mapakali.
Naalala ng assistant noong gabing inutusan siya ni Lu Jinnian na paimbestigahan ang contents ng swallow's nest na ibinilin nito sakanya na siguraduhing walang makaalam mula sa Xu family, kaya bigla siyang nagtanong, "Mr. Lu, galing ba ito sa Xu family?"
Hindi pa rin sumagot si Lu Jinnian.
Naintindihan ng assistant ang kanyang pagsang-ayon kaya muli itong nagtanong, "Ininom ba ni Miss Qiao Ang swallow's nest?"
Mukhang nakumpirma na ni Lu Jinnian ang mga suspetya niya. Napuno ng lungkot at pagluluksa ang kanyang boses nang siya'y magsalita upang magtanong, "May sleeping pills ba ang swallow's nest?"
Hindi agad nakapagsalita ang assistant ngunit hindi naman ito minadali ni Lu Jinnian at matiyagang naghintay. Matapos ang ilang sandaling pananahimik, muli itong nagsalita. "Mr. Lu, may sleeping pills nga ang swallow's nest. Hindi naman karamihan pero meron itong pampakalmang component na kapag naparami nito ay mawawalan ng malay ang nakagamit."
Walang ideya si Lu Jinnian noong una pero mula noong nabanggit ni Madam Chen na naguwi si Qiao Anhao ng swallow's nest mula sa set, nagumpisa na siyang magsuspetya at sinusubukan niyang makakuha ng impormasyon mula kay Qiao Anhao. Pero mukhang mas tama ang salitang intuwisyon kaysa sa salitang suspetya. Ito rin ang parehong intuwisyon na naramdaman niya noong namatay ang anak nila ni Qiao Anhao. Noong araw na yun, hindi siya mapalagay at hindi niya rin alam kung anong nangyayari sakanya kaya nagdesisyon siyang bumalik sa Mian Xiu Garden.
Dahil sa parehong intuwisyong kanyang naramdaman, hindi na siya nagdalawang isip pa at ipinatawag niya kaagad ang kanyang assistant para siyasatin ang swallow's nest.
Ang buong akala niya ay lalabas na kaagad ang resulta noong sumunod na araw, pero medyo natagalan ito. Hindi niya minadali ang kanyang assistant dahil alam niya sa sarili niya na alam niya ang kasagutan at sadyang hindi niya lang talaga kayang tanggapin ito.
Bandang huli, tama nga ang hula niya, may sleeping pills nga ang swallow's nest.
Sleeping pills…
Patindi ng patindi ang panginginig ng mga daliri ni Lu Jinnian at hindi niya na magawang makapagsalita.
Sobrang namula ang kanyang mga mata, at makikita sa kanyang mukha ang matinding pagluluksa. Nahihirapan siyang huminga at galit na galit na sinabi, "Pinatay niya ang anak ko…"
May gusto pa sanang sabihin ang assistant pero noong oras na narinig nito ang sinabi niya, bigla nalang itong nabalot ng takot at napatanong, "Mr. Lu?"
Hindi na narinig ni Lu Jinnian ang assistant at pauulit ulit lang ang kanyang sinasabi na halatang punong-punong ng pagluluksa, "Pinatay ang anak ko…"
Sa pagkakataong ito, narinig na ng assistant ang sinasabi ni Lu Jinnian pero hindi niya maintindihan kung ano ang nais nitong ipahiwatig kaya tinanong niya ito, "Mr. Lu, ang ibig mo bang sabihin ay ang swallow's nest na inuwi ni Miss Qiao na galing sa Xu family ang naging dahilan kung bakit siya nakunan?"
"Nakunan", biglang nagising sa katotohanan si Lu Jinnian nang sandaling marinig niya ang salitang ito. Kung kanina ay nagawa niya pang maging kalmado, pwes sa mga oras na ito, hindi niya na talaga kayang pigilan ang galit na nararamdaman kaya walang anu-ano niyang ibinaba ang tawag at ibinato ang kanyang phone sa pader.
Tumama ang phone sa painting na nakasabit sa pader kaya nagkabasag-basag ito.
Sobrang nandidilim ang kanyang paningin at tinignan niya lang ng walang kaemo-emosyon ang nabasag na painting. Tunay ngang nagaapoy sa galit ang kanyang dibdib.
Gusto niyang sugurin ang Xu family at patayin ang bawat miyembro nito para tuluyan ng masira ang pamilyang ito.
Matagal niya ng alam na ayaw sakanya ng mga Xu dahil sa mga pagkakamaling nagawa ng kanyang ina, pero bakit kailangan nilang idamay pati ang anak niya?
Mula pagkabata niya, sinisisi niya na ang kanyang ama at galit na rin talaga siya sa mga Xu, pero hindi ito kasing tindi ng galit na nararamdaman niya ngayon.
Habang mas iniisip niya ang Xu, lalo lang tumitindi ang galit na nararamdaman niya. Ang kanyang pagkamuhi ay parang isang matalim na balaraw na sinasaksak ang kanyang puso at pakiramdam niya ay mamatay na siya sa sobrang sakit. Bandang huli, tuluyan na siyang nawalan ng kontrol at sinipa ng malakas ang coffee table. Nagkalat ang mga bubog sa kapaligiran ngunit hindi pa siya nakuntento dahil binasag at ibinato niya pa ang lahat ng matamaan ng kanyang mga mata para mailabas ng tuluyan ang lahat ng galit na nararamdaman niya.
Ang standing lamp, ang computer, ang mga dokumento, ang table lamp…Lahat ng pwede niyang makita ay nabasag, kahit ang study table, ang cupboard, at maging ang mga libro ay nagkalat din sa sahig.
Hindi tumigil si Lu Jinnian sa paninira hanggangang sa wala ng natirang nakatayong bagay sa kwarto. Pagkahinto niya, sobrang nanginginig at namumula ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang mga nakapalibot na wall paper hanggang sa bigla niya nalang naramdaman na parang naubos na ang lahat ng kanyang lakas kaya hindi niya napigilan ang kanyang katawan at tuluyan na itong bumagsak sa sahig.
Napakaraming bubog sa kanyang pinagbagsakan kaya nagkasugat sugat ang kanyang balat at nagkalat ang mga dugo sa sahig ngunit wala siyang nararamdamang kahit ano at nanatili lang siya sa kanyang pagkakahiga.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES