"It's fine," pagtanggi ni Qiao Anhao pero ang makita niyang itinikom lang ni Lu Jinnian ang bibig nito, parang biglang bumigat ang pakiramdam niya. Humigpit ang kanyang hawak sa tasa ng gatas at yumuko. Matapos ang ilang sandaling walang kumikibo, muli siyang nagsalita. "Hindi ko naman talaga gusto ang swallow's nest. Binigay lang sakin ni Mrs Xu ang mga yun noong nagpunta ako sa bahay nila. Bigigyan ko rin si Zhao Meng at inuwi ko nalang yung mga natira."
Galing nga kay Han Ruchu ang mga swallow's nest…naisip na rin ito ni Lu Jinnian noong nasa baba palang siya pero kailangan niya pa rin itong kumpirmahin kay Qiao Anhao, isa pa, sinabi rin nito na hindi naman daw ito nahihirapang matulog.
Maraming bagay ang biglang pumasok sa kanyang utak. Hindi siya sigurado sa mga kutob niya pero mula palang pagkabata niya, hindi na talaga maganda ang relasyon nila ni Han Ruchu kaya siguro ang dami niyang naiisip na mga posibilidad.
Hindi kaagad nakapagsalita si Lu Jinnian, tumungo lang siya kay Qiao Anhao at sumagot, "Oh…"
"Yea, mahinang sagot ni Qiao Anhao na hindi na alam kung anong sunod na sasabihin.
Biglang nabalot ng katahimikan ang buong kwarto. Ipinagpatuloy ni Qiao Anhao ang paginom ng gatas at nang maubos na nito, itinaas ni Lu Jinnian ang kanyang kamay para kunin ang tasa mula kay Qiao Anhao pagkatapos ay inayos niya ang unan na ginamit nitong sandalan at sinabi ng mahina, "Matulog ka na."
Hindi sumagot si Qiao Anhao, dahan-dahan lang siyang humiga at ipinikit ang kanyang mga mata. Naramadaman niya na matagal na nakatayo si Lu Jinnian sa may bandang pintuan na nakatingin sakanya bago ito tuluyang lumabas ng kwarto.
Pumunta si Lu Jinnian sa kusina at inilagay ang tasa sa lababo. Kumuha siya ng paper towel para tuyuin ang mga basa niyang kamay ngunit imbes na bumalik sa kanilang kwarto, naglakad muna siya papunta sa isang gilid ng kusina para magtext sakanyang assistant, [Pumunta ka rito sa Mian Xiu Garden.]
Wala pang isang minuto at nagreply na kaagad ang kanyang assistant. Muli niyang inilagay ang sakanyang phone at tuluyang bumalik sa kanilang kwarto na parang walang nangyari.
Mukhang mahimbing ang tulog ni Qiao Anhao habang nakahiga sa kama kaya pinatay na ni Lu Jinnian ang mga ilaw ngunit nagiwan siya ng isang maliit na night light na nakabukas. Naglakad siya papunta sa kama para ayusin ang kumot ni Qiao Anhao bago niya padilimin ng kaunti ang night light at matapos nito ay dumiretso siya sa balcony.
Gising pa si Qiao Anhao at dahil masyadong tahimik ang buong kwarto, kahit anong gawing pagiingat ni Lu Jinnian na huwag gumawa ng kahit anong ingay, rinig at naramdaman niya pa rin noong lumapit at naglakad ito papalayo sakanya. Sobrang kinabahan ang buong katawan iya habang kinukumutan siya nito. Pero matapos ang ilang sandaling pagkakahiga, hindi niya na rin naiwasang makatulog ng tuluyan.
Nagvibrate ang phone ni Lu Jinnian at nang sandaling kunin niya ito, nakita niya ang text mula sa kanyang assistant kaya sumilip siya sa bintana at nakita niya nga na may paparating na sasakyan pero bago lumabas, sinilip niya muna ulit si Qiao Anhao.
Pagkababa niya, pumunta muna siya sa kusina para kumuha ng isang bote ng swallow's nest bago siya tuluyang dumiretso sa labas.
Naghihintay na kanyang assistant.
Malalim na ang gabi kaya tahimik na rin ang buong kapaligiran. Itinapat niya ang kanyang daliri sa kanyang mga labi para senyasan ang kanyang assistant na huwag itong gumawa ng kahit anong klase ng ingay habang naglalakad sila papalayo ng bahay.
Huminto lang si Lu Jinnian sa paglalakad nang makalabas na sila sa bakuran. Ibinigay niya ang bote ng swallow's nest sakanyang assistant at sinabi, "Tignan mo kung anong contents niyan. Siguraduhin mong mapagkakatiwalaan ang doktor na mahahanap mo at huwag mong hahayaang may makaalam na sinuman mula sa Xu family. Sabihan mo ako kaagad kapag lumabas na ang resulta."
-
Kahit noon pa man, madalas na talagang nararamdaman ni Qiao Anhao na parang nanghihina at pagod ang katawan niya sa tuwing nagkakaroon siya pero hindi naman kasing tindi ng nararamdaman niya ngayon na para bang mayroon siyang malalang sakit.
Walang kabuhay-buhay at sobrang hina ng buong katawan niya at parang gusto niya lang laging matulog. Sa tuwing nagigising siya, lagi niyang nakikita sa kwarto si Lu Jinnian na kung hindi siya pinapainom ay tinutulungan siyang kumain.
Noong una, sobrang naguguluhan siya sa pagaalaga at pagaasikaso nito sakanya kahit hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya pero unti-unti, nasanay na siya sa mga ginagawa nito.
Makalipas ang halos limang araw, naisipan niyang bumalik na sa pagfifilm pero may natanggap na tawag ang direktor kaya muli nitong iniatras ng dalawa pang araw ang kanyang schedule.
Sobra ang naging pagdurugo niya noong unang tatlong araw pero unti-unti rin itong humina hanggang sa tuluyan na itong huminto noong ika-anim na araw. Hindi na rin ganun kahina ang kanyang katawan kaya nagagawa niya ng gumalaw at bumaba para kumain sa dining area.
Parang nasa isang mahabang holiday si Lu Jinnian. Hindi siya umalis ng bahay at sinamahan niya lang si Qiao Anhao sa mansyon. Kahit na medyo nasaktan niya ito dahil sa mga nagawa niya noong kanyang birthday, naitawid pa rin naman nilang maging mapayapa ang kanilang relasyon pero hindi ito naging kasing intimate kagaya noon.
Pagkasapit ng ika-pitong araw, tuluyan ng hindi dinugo si Qiao Anhao at hindi na rin siya ganon kapagod, kahit ang kanyang siyesta ay unti-unti na ring umikli. Pag natutulog siya ng ala-una imedya ng hapon, nagigising din siya kaagad ng mga bandang alas dos at sa tuwing gumigising siya, pinagmamasdan niya muna ang buong kwarto at kapag hindi niya nakikita si Lu Jinnian ay bigla siyang nalulungkot.
Noon, lagi niya itong nakikita sa kwarto sa tuwing gumigising siya…
Biglang naging sumpungin si Qiao Anhao. Nagsuot siya ng kanyang slippers at bumaba pero matapos niyang halughugin ang buong living room ay hindi niya pa rin talaga makita si Lu Jinnian.
Nanunuod si Madam Chen ng TV sa living room noong nakita nito si Qiao Anhao kaya agad itong tumayo at nagtanong, "Mrs. Lu, gising ka na pala?"
"Yea," mahinang sagot ni Qiao Anhao habang naglalakad papunta sa water cooler para kumuha ng isang basong tubig. Uminom muna siya pero bago niya ilapag ang baso, hindi niya na talaga kinayang pigilan kaya nagtanong na siya, "Nasaan si Lu Jinnian?"
"Si Mr.Lu? wala ba siya sa taas?" Nagtatakang tanong ni Madam Chen bago ito muling magsalita, "Umakyat na siya kaagad pagkatapos niyang kumain at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumababa."
"Oh," sagot ni Qiao Anhao at muli siyang umakyat. Nagpunta siya sa CR, sa kwarto, at sa changing room, pero hindi niya talaga makita si Lu Jinnian kaya naisip niyang silipin ang study room.
Hindi ito nakalock kaya unti-unti niyang inikot ang hawakan ng pinto at dahan-dahang itong binuksan …
Habang natutulog si Qiao Anhao, nakatanggap si Lu Jinnian ng text mula sa kanyang assistant, [Mr. Lu, lumabas na ang resulta.]
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES