Nagmamadali ring pumasok si Madam Chen pero tumigil ito sa sa ibaba ng hagdanan at gulat na gulat na pinagmasdan si Lu Jinnian habang tumatakbo paakyat.
Samantalang si Lu Jinnian naman ay nagmamadaling naglakad papasok ng kwarto, malapit na siya sa may CR noong nakita ni si Qiao Anhao sa sofa. Bigla siyang natigilan at pinagmasdan ang buong kwarto.
Isang advertisement ang kasalukuyang ipinapalabas sa TV na nakasabit sa pader.
Hindi pa nakasara ang mga bintana kaya nililipad ang mga kurtina ng malamig na hanging pumapasok mula sa labas.
Mahimbing na ang tulog ni Qiao Anhao sa sofa habang nakataklob ng isang puting kumot.
Wala naman siyang nakikitang kakaiba at mukhang tahimik at mapayapa naman ang buong kwarto.
Sa wakas, kumalma na ang pagkabagabag na nararamdaman ni Lu Jinnian. Huminga siya ng malalim at dahan-dahang naglakad papunta sa sofa. Pagkarating niya rito, maingat siyang lumuhod para kunin ag remote control na nasa kamay ni Qiao Anhao at pinatay ang TV. Muli niyang tinignan si Qiao Anhao at pinagmasdan niya ito habang natutulog ng mahimbing. Iniangat niya ang kanyang kamay para tanggalin ang mahabang buhok na na dumampi mukha nito. Nang maramadaman ng kanyang maninipis na mga daliri ang malambot at makinis nitong balat, napatunayan niya na hindi 'yun isang panaginip kaya tuluyan na siyag napanatag.
Hindi niya alam kung ang dahilan ba ng kanyang pagkabagabag ay ang dahil hindi siya masyadong pinapansin ni Qiao Anhao nitong mga nakaraang araw o baka di naman kaya konektado kay Xu Jiamu. Sobrang naguguluhan siya, hindi niya maintindihan ang kanyang puso kaya siguro siya numabot sa ganun.
Nang sandali ding iyon, kahit na basang basa na ng pawis ang kanyang likod, ramdam niya na sobrang panatag ng kanyang pakiramdam dahil nakita niya na si Qiao Anhao. Hindi maalis ang ngiti sa kanyang mukha habang pinagmamasdan niya ito, makikita rin sa kanyang mga mata ang labis na pananabik.
Si Qiao Anhao lang ang nagiisang tao sa mundo kayang guluhin ng sabay ang kanyang puso at isipan.
Maingat na hinaplos ni Lu Jinnian ang pisngi ni Qiao Anhao. Yumuko siya para halikan ang noo nito at saka niya ito binuhat papunta sa kama nang makahiga ito ng maayos.
Dahil sa sobrang pawis, nanalalagkit at hindi na komportable si Lu Jinnian. Inihagis niya ang kanyang jacket sa sofa na gaya ng lagi niyang ginagawa at pinaluwagan niya ang kanyang necktie. Nakakailang hakbang palang siya papunta sa CR nang bigla siyang mapahinto at medyo nagbago ang kanyang itsura. Muli niyang tinigan ang sofa na pinaghigaan ni Qiao Anhao at napansin niya na may kulay pula sa puting kumot na ginamit nitong pantalukbong.
Naglakad siya papunta sa sofa para kunin ang kumot. Malinaw na patak ito ng dugo at naramdaman niya rin na medyo mainit ang kumot. Sariwa ang dugo! At ang kumot na ito ay ginamit ni Qiao Anhao…
Naglakad siya papunta sa sofa para kunin ang kumot. Malinaw na patak ito ng dugo at ang kumot ay medyo mainit. Sariwa ang dugo! At ang kumot na ito ay ginamit ni Qiao Anhao….
Ang kanina'y kumalma ng pakiramdam ni Lu Jinnian ay muli nanamang nabagabag. Tuluyan niyang hinila ang kanyang necktie at inihagis ito sa sahig. Nagmamadali siyang tumakbo papapunta sa kama para tignan si Qiao Anhao. Pinagmasdan niya itong maigi at muli siyang nakakita ng bakas ng dugo sa bed sheet at sa panty nito.
Maagang namatay ang nanay ni Lu Jinnian, at bilang lalaki, hindi naman siya madalas makisalamuha sa mga babae kaya nakalimutan niya na nireregla nga pala ang mga babae buwan buwan kaya noong sandaling makakita siya ng dugo, sobrang kinabahan at hindi talaga siya mapakali. Tinapik niya ang mukha ni Qiao Anhao para subukang gisingin ito, "Qiao Qiao? Qiao Qiao?"
Ngunit nanatili pa ring nakapikit ang mga mata ni Qiao Anhao at hindi rin ito gumagalaw.
"Qiao Qiao? Muling sumigaw si Lu Jinnian sa sobrang pagaalala habang niyuyugyog niya ang mga balikat nito. Nang mapansin niyang hindi pa rin ito nagigising, nagmadali siyang bumaba habang sumisigaw, "Madam Chen! Madam Chen!"
Nanatili lang na nakatayo si Madam Chen sa ibaba ng hagdanan, naguguluhan pa rin siya habang sinisilip si Lu Jinnian. Ngunit naisip niya na baka kaya lang ito nagmamadali ay dahil matagal nitong hindi nakita si Qiao Anhao, kaya naisipan niya na bumalik nalang sakanyang kwarto. Pero hindi pa siya nakakalayo nang may marinig siyang biglang nagbukas na pintuan na sinundan pa ng pagsigaw ni Lu Jinnian na tinatawag ang kanyang pangalan.
Walang pagdadalawang isip si Madam Chen na tumakbo paakyat. Pagkarating niya sa taas, nakita niya si Lu Jinnian na buhat buhat palabas ng kwarto si Qiao Anhao na binalutan ng kumot. "Ihanda mo ang sasakyan!" Muling sigaw ni Lu Jinnian.
Gusto sanang tanungin ni Madam Chen kung anong nangyari pero hindi na siya nakapagsalita at napatakbo na palabas matapos siyang sigawan ni Lu Jinnian.
Nakabukas na ang pintuan ng sasakyan nang sandaling makababa si Lu Jinnian. Ipinasok niya si Qiao Anhao sa loob at kinabitan ng seatbelt, habang si Madam Chen naman na nagtanong kung anong nangyari ay binalewala niya lang. Pagkapasok niya sa driver's seat, walang pagaalinlangan niyang inapakan accelerator at kumaripas ng takbo.
Habang nagmamadaling pumunta ng ospital, kinuha niya ang kanyang phone para tawagan ang assistant at doon niya lang napansin na nanlalambot ang kanyang mga kamay. "Sabihan mo ang mga doktor… hindi ako, si Qiao Qiao, parating na kamo ako sa loob ng ilang minuto."
Pagkababa niya ng tawag, tinignan niya si Qiao Anhao at sobrang nagaalala siya habang iniisip kung ano kaya ang nangyari rito.
Nang makarating sila sa ospital, nasa etrance na ng emergency room ang kanyang assistant na naghihintay sa pagdating nila.
Naihanda na ng kanyang assistant ang lahat kaya agad niyang ibinaba si Qiao Anhao at binuhat ito papuntang third floor para masuri ng mga doktor.
Napaka tahimik ng buong palapag. Sampung minuto palang na wala si Qiao Anhao pero ang pakiramdam ni Lu Jinnian ay parang isang siglo na silang magkahiwalay. Para sakanya, sobrang tagal lumipas ng bawat minuto na mas lalo lang nagpapakaba sa kanya, maging ang kanyang pangkaraniwang kalmadong asta ay bigla nalang nawala. Dahil hindi talaga siya mapakali, paulit-ulit siyang nagtatanong sa kanyang assistant, "Bakit hindi pa siya lumalabas?"
Hindi na napigilan ng assistant ang kanyang sarili at sinabi, "Mr. Lu, baka nama may period lang si Miss Qiao, wala naman sigurong seryosong nangayri."
Period.
Biglang nagbago ang itsura ni Lu Jinnian at naalala niya na napagaralan niya nga pala ito sa Biology class niya dati. Medyo kumalma ang kanyang pakiramdam at muling tumayo. Noong sandali ding iyon, saktong bumukas ang pintuan ng operating room at may lumabas na babaeng nurse. Lumapit ito sakanya at nagtanggal ng mask bago magsalita. "Sino ang kamag-anak ng pasyente?"
"Ako." Noong mga oras na 'yun, nakalimutan ni Lu Jinnian na nagpapanggap lang siyang asawa ni Qiao Anhao at bigla nalang siyang sumagot.
"Ikaw ba ang asawa ng pasyente?" tanong ng nurse bago ibigay sakanya ang isang dokumento. "Dalawang buwan na ang ipinagbubuntis ng pasyente, pero ayon sa report halos isang linggo ng patay ang bata sa loob. Kailangan namin siyang mairaspa kaagad, kung hindi pati siya ay mapapahamak."
Biglang natigilan si Lu Jinnian, sobrang daming tumatakbo sa kanyang isip noong mga oras na 'yun kaya hindi niya maproseso ang sinabi sakanya ng nurse.
Napahawak ang assistant sa kanyang tiyan at nagtanong, "Namatay sa tiyan niya?"
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES