App herunterladen
32.68% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 318: Gumalaw na si Xu Jiamu (18)

Kapitel 318: Gumalaw na si Xu Jiamu (18)

Redakteur: LiberReverieGroup

"Yes, Missus," magalang na sagot ng mayordoma kay Han Ruchu.

Biglang nabalot ang kapaligiran ng matinding katahimikan dahil si Han Ruchu nalang ang naiwan sa loob ng masyon at tanging ang sinag lang na nanggaling sa araw ang siyang nagpapaliwanag sa buong bahay, tunay ngang kalmado ang lahat.

-

Hindi nagbilin si Qiao Anhao na bibisita siya sa manor ng mga Qiao, buti nalang nandoon sina Qiao Qinghai at Shen Yi.

Hindi mapaliwag ang saya na naramdaman ng dalawa noong sandaling makita siya ng mga ito. Simula kasi noong mamatay ang kanyang mga magulang noong sampung taong gulang palang siya, ang mga ito na ang nagalaga at nagsilbing mga magulang sakanya sa loob ng mahigit sampung taon. Ang pagmamahal nila sa isa't-isa ay higit pa sa pagiging magtiyahin at magtiyuhin. Itinuring na talaga siyang tunay na anak ng mga ito.

Maging ang mga katulong ng Qiao family ay sobrang saya rin na makita siya kaya hindi nagalinlangan ang mga ito na dalhan siya ng masasarap na merienda sa lamesa habang tinatawag siyang "Little Miss".

Noong una, plano na natalaga nina Qiao Qinghai at Shen Yi na si Qiao Anxia ang ipapakasal nila kay Xu Jiamu dahil bilang biological parents natural lang naman siguro na mas pabor sila sa totoo nilang anak. Pero noong si Qiao Anhao ang mas nagustuhan ng Xu family, hindi na sila tumutol pa.

Pagkatapos "magpakasal" ni Qiao Anhao kay Xu Jiamu, umalis na siya sa manor ng Qiao family. At isang rason din ay ang kanyang filming kaya bihira lang din talaga siyang makauwi. Hindi na napigilan ng mga ito na ulanin siya ng mga katanungan, labis na nagaalala ang mga ito na baka nahihirapan siyang mabuhay ng mag-isa.

Ganito rin naman magalala si Han Ruchu kay Qiao Anhao, pero walang dating para sakanya ang mga concerns nito at sumasagot lang siya bilang respeto. Pero ngayon na nasa harap niya ang kanyang auntie at uncle na halatang sobrang nagaalala sa kanya, labis talaga siyang naantig at kinilig.

Kahit maaga siyang nawalan ng pamilya sa edad na sampu, hindi pa rin naging malupit ang langit sakanya dahil binigyan siya nito ng bagong pamilya.

Sandali lang sana si Qiao Anhao sa manor ng mga Qiao dahil gusto niya sanang makabalik kaagad sa set, pero masyado kasing mabait ang kanyang uncle at auntie. Sa buti ba naman ng pakikitungo ng mga ito, paano niya nga ba niya magagawang magpaalam na umalis kaagad? Bandang huli, napagdesisyunan niyang manatili nalang sa mansyon ng mga Qiao ng buong hapon. Sinamahan niyang mag gantsilyo si Shen Yi at nakipaglaro rin siya ng chess kay Qiao Qinghai hanggang sumapit ang gabi kung saan tuluyan na siyang nagpaalam.

Bandang alas tres ng hapon noong tumawag si Han Ruchu kay Shen Yi para tanungin kung anong oras aalis si Qiao Anhao kaya nang magpaalam na si Qiao Anhao, agad na tinawagan ni Shen Yi si Ha Ruchu.

Limang minuto lang ang lumpas at dumating na kaagad ang chauffer ng Xu family sa labas ng bahay ng mga Qiao. Bumaba si Han Ruchu mula sa passenger seat at magalang na bumati kina Qiao Qinghai at Shen Yi bago niya tignan si Qiao Anhao, "Sinabihan ko na ang chauffer a ihatid ka."

Nakangiting sumagot si Qiao Anhao, "Thank you."

Binuksan ni Han Ruchu ang trunk ng kanyang sasakyan at itinuro ang dalawang box ng swallow's nest. "Ready to eat na ang mga 'yan. Sinabihan ko si Aunt Yin kanina na maghanda at ihanap ka ng top quality ng swallow's nest. Siguro masyado kang abala sa set kaya pumayat ka at hindi maganda ang panlasa mo nitong mga nakaraang araw. Huwag mong pabayaan ang sarili mo. Kainin mo ang mga ito para bumalik na ang lakas mo."

Sobrang namangha si Qiao Qinghai at Shen Yi sa ipinakita ni Han Ruchu kay Qiao Anhao.

Muling nagpasalamat si Qiao Anhao kay Han Ruchu at bilang paggalang ay nakipagusap pa siya ng kaunti rito bago pumasok ng sasakyan.

-

Hindi sumakay sa sasakyan si Han Ruchu dahil nagdesisyunan nitong manatili mua sa mansyon ng mga Qiao.

Magaalas siyete na ng gabi noong umalis ang chauffer sa mansyon ng mga Qiao. Nakakagulat na ang rutang papunta sa south ng city ay punong-puno kaya naman ang kadalasang isang oras lang ay naging dalawang oras na byahe.

Alas diyes na noong nakarating sila sa hotel ng set.

Noong gabing iyon, may kalayuan ang lokasyon ng filming at dahil hindi pa ito tapos kaya nabalot ng katahimikan ang buong lower floor ng hotel.


Kapitel 319: Gumalaw na si Xu Jiamu (19)

Redakteur: LiberReverieGroup

Pagkahinto ng sasakyan, naunang bumaba ang chauffer para pagbuksan si Qiao Anhao ng pintuan. Pagkalabas na pagkalabas ni niya, nagmamadali naman itong naglakad papunta sa trunk ng sasakyan para kunin ang dalawang karton ng swallow's nest na ipinadala sakanya ni Han Ruchu. Magalang na nagsalita ang chauffer, "Miss Qiao, tutal dito ka naman na nakatira, ako na ang magdadala nito para sayo."

Pagkakita ni Qiao Anhao na binuhat ng chauffer ang dalawang karton gamit ang dalawa nitong kamay, bigla siyang nagsalita ng mahina, "Thank You." Naglakad siya papasok sa hotel lobby kasama ang chauffer, na may dalawang hakbang ang layo mula sakanya at may hawak na mga karton.

The two of them didn't notice that there was a person sitting in a car not too far away...

Wala ni isa sa kanilang dalawa ang nakapansin na sa hindi kalayuan, ay may isang tao palang nakaupo sa sasakyan nito…

-

Mula noong inihatid ni Lu Jinnian si Qiao Anhao sa ospital, hindi na siya umalis. Bandang alas onse na ng umaga noong sunod niyang makita si Qiao Anhao at 'yun ay noong sumakay ito sa sasakyan ni Han Ruchu. Sa sobrang dami ng pumasok sa isip niya, hindi niya na namalayan kung ilang oras ba siya eksaktong nakaupo lang sa kanyang sasakyan. Hindi rin niya rin alam kung gaano katagal siyang natigilan bago niya unti-unting ikutin ang kanyang manibela para umalis. Magtatakip silim na noong naisipan niyang bumalik sa hotel pero hindi siya kaagad umakyat. Nanatili lang siyang nakaupo sa loob ng kanyang sasakyan na para bang may hinihintay siyang dumating. Matapos ang apat na oras na paghihintay, sa wakas nakita niya na sa kayang rear view mirror ang isang pamilyar na sasakyan.

Sasakyan yun ng Xu family.

Pumarada ang sasakyan sa tapat ng hotel entrance. Pagkabukas ng pintuan, unang bumaba ang chauffer ng mga Xu at agad itong naglakad papunta sa passenger seat para pagbuksan naman si Qiao Anhao. Hindi nagtagal, naglabas ito ng dalawang karton mula sa trunk at sinundan si Qiao Anhao papasok sa loob ng hotel.

Malamang binigyan si Qiao Anhao ng iba't-ibang klase ng supplements ng Xu family. Lagi talagang tinatrato ng mga ito na para bang tunay nilang kapamilya si Qiao Anhao at kapag dumating ang oras na nagising na si Xu Jiamu, siguradong mas magmumukha silang isang perpektong pamilya.

Ibinaba ni Lu Jinnian ang bintana ng kanyang sasakyan para makapagsigarilyo. Habang humihithit, may naramdaman siyang hindi maipaliwanag na sakit na tumatagos hanggang sa mga buto niya.

-

Wala pa si Zhao Meng sa hotel room at matapos ibaba ng chauffer ang mga karton na dala nito sa isang bakanteng espasyo, hindi na rin ito nagtagal at agad na nagpaalam para umalis.

Wala naman masyadong ginawa si Qiao Anhao noong araw na yun, pero hindi niya maipaliwanag kung bakit sobrang napagod siya kaya pagkatapos niyang mag'hot shower, agad siyang dumiretso sa kama. Dahil sa sobrang pagod na nararamdaman niya, muntik n asana siyang makatulog pero biglang bumukas ang pintuan at narinig niya ang boses ni Zhao Meng. "Swallow's nest. Qiao Qiao, pwede ba akong makahingi?"

Hindi kumurap si Qiao Anhao at sinagot lang si Zhao Meng ng isang "mm" na para bang nagpapahiwatig na 'oo' ang kanyang sagot. Dali-dali siyang nagkumot at aksidenteng napaharap sa ilaw na nasa tabi ng cabinet. Hindi siya komportable sa liwanag na naibibigay nito kaya napilitan siyang imulat ang kanyang mga mata para patayin sana ito ngunit hindi niya inaasahan na muli niyang nakita ang gamot para sa sakit ng tiyan na itinabi niya noong nakaraang gabi.

Nagbukas si Zhao Meng ng isang bote ng swallow's nest at habang kumakain ay hindi niya napigilang purihin kung gaano ito kasarap. Nagpunta siya sa harap ni Qiao Anhao para magtanong, "Qiao Qiao, ayaw mo bang kumain? Masarap ito."

Kahit hindi pa kumakain si Qiao Anhao ng gabihan, hindi talaga siya nakaramdam ng kahit anong gutom noong una pero dahil sa mga sinabi ni Zhao Meng ay bigla siyang gutom. Muntik na siyang matulog pero bigla nalang itong nawala dahil sa kadaldalan ni Zhao Meng ngunit hindi pa rin naalis ang kanyang tingin sa gamot na para sa tiyan. Tumungo siya kay Zhao Meng na biglang ipinahawak sakanya ang kinakain nitong swallow's nest. Masaya itong tumakbo ito para ikuha rin siya ng isang bote at binuksan na rin agad nito na para sakanya.

Kagaya nga ng sinabi ni Zhao Meng, masarap talaga ang lasa ng swallow's nest na iyon. Tumikim muna si Qiao Anhao at nang maramdamang hindi sumakit ang kanyang tiyan ay nagpatuloy siya pagkain nito.

Hindi talaga sanay matulog ng maaga si Zhao Meng tuwing gabi kaya matapos nitong kumain ng swallow's meat ay umupo pa ito sa lamesa magcomputer. Ngunit noong gabing 'yun, wala pang kalahating oras pero nakailang beses na siyang humikab.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C318
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES