App herunterladen
32.37% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 315: Gumalaw na si Xu Jiamu (15)

Kapitel 315: Gumalaw na si Xu Jiamu (15)

Redakteur: LiberReverieGroup

Nasa sasakyan na sila noong naalala ni Qiao Anhao ang tungkol sa masakit niyang tiyan at ang paalala ni Lu Jinnian bago siya bumaba sa sasakyan nito na magpatiggin siya sa doktor.

Sumilip siya sa emergency unit na maraming tao, at pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. Mas bumuti naman na ang kanyang pakiramdam kaya napagdesisyunan niyang ipagliban nalang ang pagpunta niya sa doktor.

Hindi naman yun ang unang beses na nagloko ang kanyang tiyan at kadalasan ay nakakarecover din siya kaagad kapag nakainom na siya ng gamot.

May tinawagan si Han Ruchu para ipalipat nalang ang schedule ng filming niya para buong araw siyang libre. Pagkasakay niya ng sasakyan nito, tinanong siya ni Han Ruchu, "Qiao Qiao, saan mo gustong pumunta?"

Nagisip muna si Qiao Anhao at narealize niya na wala naman siyang gustong puntahan, kaya sinabi niya, "sa Mian Xiu Garden nalang po."

Pagkabukas ni Han Ruchu ng makina ng kanyang sasakyan, napatingin siya sa oras at napansin na tanghali na pala kaya bigla niyang sinabi, "It's lunch time, bakit hindi mo nalang ako samahang kumain sa bahay, matagal na rin noong huling beses kang bumisita roon. Sakto, aalis din ang Uncle Xu mo samahan mo nalang ako at ipapahatid nalang kita sa driver mamaya."

Naalala rin ni Qiao Anhao ang nabigong surprise na plinano niya para kay Lu Jinnian kaya napagdesisyunan niya na mas mabuti nga siguro kung iiwas nalang muna siya sa lugar na 'yun kaya tumungo siya sa sinabi ni Han Ruchu. "Sige po."

At isa pa, naalala niya rin na malapit lang ang mansyon ng mga Qiao sa mansyon ng Xu kaya muli siyang nagsalita, "Bibisita na rin po ako sa bahay ng mga Qiao pagkatapos nating maglunch, matagal na rin po kasi noong huli akong bumisita sakanila."

Ngumiti sakanya si Han Ruchu at pinuri siya nito dahil sa pagiging mapagmahal niya bago ito tuluyang nagmaneho papunta sa mansyon ng Xu family. Habang nasa byahe, hindi sila masyadong nag-uusap.

Noong sandaling nakita ng mayordoma ng mga Xu na magkasama sila ni Han Ruchu, labis ang saya na naramdaman nito kaya masigasig siyang binati nito, pinaupo at biigyan ng tsaa. Inutusan rin nito ang mga cook na magdagdag ng ilan sa mga paboritong pagkain niya.

Kahit na dalawa lang silang kakain ni Han Ruchu, sobrang dami pa rin ng mga pagkaing nakalatag sa lamesa.

Noong nakatira pa si Qiao Anhao sa mansyon ng mga Qiao, madalas nilang binibisita ni Qiao Anxia ang Xu family, kaya naman kilalang kilala na sila ni Han Ruchu at ng mayordoma ng mga Xu. Noong nailatag na ang lahat ng pagkain, agad na naglagay si Han Ruchu ng manok sa bowl ni Qiao Anhao.

"Qiao Qiao, paborito mo ito diba. Niluto yan ng Auntie Yun mo para sayo."

Si Auntie Yun ang mayordomang isinama ni Han Ruchu noong ikinasal ito sa Xu family.

Paborito talaga ni Qiao Anhao ang ganung klaseng luto ng manok. Sa pagkakatanda niya, ilang buwan na rin ang nakakalipas noong huling beses siyang nakakain ng ganun kaya naman labis siyang ginahan. Masaya siyang ngumiti kay Han Ruchu at nagpasalamat dito bago siya nagumpisang kumain.

Sobrang napasaya talaga siya ng pamilyar nitong lasa at hindi niya na napigilang purihin si Auntie Yun sa culinary skills nito.

Masayang ngumiti si Auntie Yun habang inilalagay ang isdang iniluto nito sa kanyang bowl.

Nilaga ang pagkakaluto ng isda at sobrang sarap talaga ng amoy nito kaya naman sabik na sabik si Qiao Anhao na kumuha nito at agad itong isinubo. Pero noong sandaling kumalat na ang lasa ng isda sa kanyang bibig, muli nanamang nagloko ang kanyang tiyan. Tinakpan niya ang kanyang bibig at naduwal.

"Qiao Qiao, what's wrong?"

"Miss Anhao, anong nangyari?"

Nagaalalang tanong nina Han Ruchu at ng mayordoma nito.

Itinaas ni Qiao Anhao ang kanyang kamay para ipahiwatig sa mga ito na 'wala lang', at nagmamadali siyang tumakbo papunta sa CR para tuluyan ng sumuka sa inidoro.

Ibinaba ni Han Ruchu ang kinakain niya at sinundan si Qiao Anhao. Nakalock ang pintuan kaya noong sinubukan niya itong buksan ay hindi siya nakapasok pero naririnig niya ang pagsuka nito na nasa loob ng CR.


Kapitel 316: Gumalaw na si Xu Jiamu (16)

Redakteur: LiberReverieGroup

Dalawang beses na kumatok sa pintuan si Han Ruchu. "Qiao Qiao? Qhat's wrong? Qiao Qiao?"

"Ayos lang po ako…" sagot ni Qiao Anhao bago muling sumuka.

Napakunot ng kanyang mga kilay si Han Ruchu sa sobrang pag-aalala noong narinig niyang sumusuka ni Qiao Anhao kaya nagmamadali niyang tinawag ang katulong "Tawagan mo ang family doctor at papuntahin mo rito. Hindi susuka si Qiao Qiao ng ganyan kung wala siyang nararamdamang mali."

Nanatili lang ang katulong sa kinatatayuan nito.

Hindi na mapakali si Han Ruchu kaya muli niyang tinawag ang katulong para muli itong utusan. Lumapit ang mayordoma at binulangan siya nito sa tenga, "Baka naman po hindi sakit ang dahilan ng pagsusuka ni Misssus. Baka po buntis siya."

Nanganak na si Han Ruchu at kabisado niya kung buntis ang isang babae kaya matapos niyang marinig ang sinabi ng mayordoma ay bigla siyang kinutuban. Tinignan niya ang nakasaradong pintuan ng CR at nagmadaling pumunta sa living room. Halatang ninenerbyos siya dahil pabalik-balik siyang naglalakad. Muli niyang tinawag ang mayordoma at binulungan ito, "Tawagan mo si Sister Lin at sabihin mo sakanya na bumisita siya rito ngayon."

"Opo, Missus." Agad namang ginawa ng katulong kanyang iniutos.

Medyo mas bumuti na ang pakiramdam ni Qiao Anhao pagkatapos niyang sumuka gaya rin ng nangyari sakanya kaninang umaga. Pagkalabas niya ng CR, agad niyang nakita si Han Ruchu at nahihiyang sinabi, "Aunt Xu, pasensya nap o kung naabala ko kayo habang kumakain."

"Wag mo ng alalahanin 'yun. Pero ano bang nangyari sayo? Bakit nama bigla kang sumuka ng ganon?" Itinuro ni Han Ruchu ang dining room at sinabayang maglakad maglakad si Qiao Anhao.

"Masyado pong naparami ang inom ko noong gabi ng birthday ni Brother Jiamu kaya kinabukasan po nun ay bigla nalang sumakit ang tiyan ko at sa nakalipas na dalawang araw, lagi lang po akong nagsusuka."

"Kapag hinatid ka ng driver, bumili ka ng gamot. Wag mong papabayaan yan at ingatan mong wag na lumala."

Ngumiti si Qiao Anhao at magalang na sinabi, "Okay po, Aunt Xu."

Ngumiti lang rin si Han Ruchu at hindi na nagsalita. Sabay silang bumalik sa dining table para ipagpatuloy ang naudlot nilang pagkain. Matapos ang dalawang subo, napatingin siya sa atsra at duck soup na nasa lamesa kaya agad niyang nilagyan ang bowl ni Qiao Anhao ng mga ito.

Ngapasalamat si Qiao Anhao bago niya ito kainin. Nagustuhan niya ang lasa dahil maasim ang mga ito kaya naman sumubo pa siya ng mas marami. Si Han Ruchu naman na nasa tapat niya ay pinapanuod siyang kumakain habang kalmado rin itong nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos nilang managhalian, biglang may dumating na bisita ang mga Xu. Pinaupo ito ni Han Ruchu at sinabi kay Qiao Anhao, "Qiao Qiao, naalala mo pa ba siya? This is Aunt Lin. Noong ikinasal kayo ni Jiamu, binigyan ka niya ng white jade bracelet."

Naalala ito ni Qiao Anhao noong nabanggit ang tungkol sa white jade bracelet. Malapit na kaibigan ni Han Ruchu ang bisitang dumating. Nagtatrabaho ito sa gynecology department ng Chinese hospital.

Magalang na bumati si Qiao Anhao. "Hello po, Aunt Lin."

Pagkarinig ng babae na tinawag siya ni Qiao Anhao na Aunt Lin, ngumiti lang ito sakanya at tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. Nanatili itong nakatingin sakanya pero ang kinausap nito ay si Han Ruchu. "Ruchu…ang ganda talaga ng daughter-in-law mo."

Ngumiti si Han Ruchu at pinuri rin si Qiao Anhao.

"Tignan mo naman kung gaano ka kaswerte." Pangaasar ni Ms. Lin kay Han Ruchu. Noong sandali ring iyon ay nagtanong si Ms. Lin ng ilang katanungan kay Qiao Anhao."

Hindi nagtagal, bigla nitong napansin ang bracelet na nasa kamay ni Qiao Anhao. Lumapit ito sakanya at hinawakan ang kanyang kamay. Dahan-dahan nitong nakapa ang kanyang pulso at sinabi, "Ito ang latest bracelet design ng Chanel, tama? Limited edition yan, hindi nga ako nakakuha ng kahit isa manlang eh."


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C315
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES