App herunterladen
32.27% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 314: Gumalaw na si Xu Jiamu (14)

Kapitel 314: Gumalaw na si Xu Jiamu (14)

Redakteur: LiberReverieGroup

Pagkapasok niya ng ward, nakita niya ang grupo ng specialist na nakasuot ng white gown na nakapalibot kay Xu Jiamu na mukhang chinecheck ito.

Habang si Han Ruchu naman ay nakatayo sa gilid at halatang hindi mapakali habang nakatingin sa anak nito.

Dahan-dahang naglakad si Qiao Anhao at huminto sya sa tabi ni Han Ruchu na magalang niyang binate, "Auntie Xu."

Tumungo lang si Han Ruchu na mukhang katatapos lang umiyak dahil sa mga namumula at namamaga nitong mga mata. Tumingin ito sakanya at bigla nitong hinawakan ang kanyang kamay. "Qiao Qiao, nandito ka na."

Tumungo lang si Qiao Anhao habang nakatingin sa grupo ng mga specialists. "Gumalaw na po si Xu Jiamu?"

"Oo, ngayon-ngayon lang. Noong kinakausap ko siya, nakita ko na biglang gumalaw ang mga daliri niya." Makikita kay Han Ruchu na hindi ito mapakali. "Qiao Qiao, gumalaw na si Jiamu. Nakita ko, humawak siya rito…" itinaas nito ang kanang kamay para ipakita ang spot na nahawakan ni Xu Jiamu, itinuturo nito ang isang specific spot. "Dito, hinawakan ako ni Jiamu dito!"

Habang nagsasalita si Han Ruchu ay may biglang lumapit sakanila na isang specialist at nagtanggal ito ng mask. 

"Kamusta na ang anak ko?" Hindi na nahintay ni Han Ruchu na makapagsalita ang doktor na lumapit at hindi na siya mapakaling nagtanong.

Sumagot ang doktor, "Ang lahat ng vitals ni Mr. Xu ay maayos na. Kung gumalaw siya ngayon, ibig sabihin lang 'nun ay malapit na siyang gumising."

Isang masayang ngiti ang bumakas sa mukha ni Han Ruchu at ang kanyang mga mata ay napuno ng luha. "Talaha? Kailan gigising si Jiamu?"

"Depende, pwede siyang magising na siya sa mga susunod na araw o pwede rin namang medyo matagalan pa. Hindi kami makakapagbigay ng eksaktong sagot para 'jan. Pero rest assured, na kung gumalaw siya na ngayon, ang ibig sabihin lang ay effective ang mga treatment na ginagawa naming at kung magtutuloy ito ay magigising na siya."

"Thank you, thank you." Sa sobrang saya ni Han Ruchu, maraming beses siyang nagpasalamat sa doktor hanggang sa hindi na talaga niya napigilan ang mga luha na naipon sa kanyang mga mata at tuluyan na nga itong tumulo.

Sa wakas, magigising na si Xu Jiamu at ang pinakamasayang tao para rito ay walang iba kung hindi ang kanyang ina, si Han Ruchu.

Masaya rin si Qiao Anhao dahil si Xu Jiamu ang pinaka matalik niyang kaibigan sa buong mundo. Pero pagkatapos ng saya ay bigla rin siyang nabalot ng kalungkutan.

Kahit na hindi naging mabuti ang pagtrato sa kanya ni Lu Jinnian. Kahit na na'disappoint at napalungkot siya nito noong mismong araw ng birthday nito.

Kahit na hindi niya pa rin maintindihan kung bakit ito nagalit sa kanya at kung bakit siya nakakita ng pagkamuhi at pagkasuklam sa mga mata nito habang nakatingin ito sakanya. Tao lang siya kaya hindi niya kayang makitungo ng maayos dito matapos ang ginawa nito sakanya kahit wala naman siyang ginawang mali.

Masama ang loob niya at medyo galit din, normal lang naman siguro na maramdaman yun ng lahat, pero ayaw niya namang umabot sa punto na mapuputol na kung ano man ang namamagitan sakanila.

Pero kapag nagising na si Xu Jiamu, hindi na siya pwedeng magpanggap bilang asawa ni Lu Jinnian. Ibig bang sabihin noon ay babalik nanaman sila sa pagiging estranghero sa isa't-isa?

Nagstay si Han Ruchu sa ospital hanggang ala-una ng hapon at napagdesisyunan ni Qiao Anhao na samahan ito hanggang sa yayain nalang siya ni Han Ruchu na sumabay nalang sa sasakyan nito pabalik ng set.

Nasa sasakyan na sila noong naalala ni Qiao Anhao ang tungkol sa masakit niyang tiyan.


Kapitel 315: Gumalaw na si Xu Jiamu (15)

Redakteur: LiberReverieGroup

Nasa sasakyan na sila noong naalala ni Qiao Anhao ang tungkol sa masakit niyang tiyan at ang paalala ni Lu Jinnian bago siya bumaba sa sasakyan nito na magpatiggin siya sa doktor.

Sumilip siya sa emergency unit na maraming tao, at pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. Mas bumuti naman na ang kanyang pakiramdam kaya napagdesisyunan niyang ipagliban nalang ang pagpunta niya sa doktor.

Hindi naman yun ang unang beses na nagloko ang kanyang tiyan at kadalasan ay nakakarecover din siya kaagad kapag nakainom na siya ng gamot.

May tinawagan si Han Ruchu para ipalipat nalang ang schedule ng filming niya para buong araw siyang libre. Pagkasakay niya ng sasakyan nito, tinanong siya ni Han Ruchu, "Qiao Qiao, saan mo gustong pumunta?"

Nagisip muna si Qiao Anhao at narealize niya na wala naman siyang gustong puntahan, kaya sinabi niya, "sa Mian Xiu Garden nalang po."

Pagkabukas ni Han Ruchu ng makina ng kanyang sasakyan, napatingin siya sa oras at napansin na tanghali na pala kaya bigla niyang sinabi, "It's lunch time, bakit hindi mo nalang ako samahang kumain sa bahay, matagal na rin noong huling beses kang bumisita roon. Sakto, aalis din ang Uncle Xu mo samahan mo nalang ako at ipapahatid nalang kita sa driver mamaya."

Naalala rin ni Qiao Anhao ang nabigong surprise na plinano niya para kay Lu Jinnian kaya napagdesisyunan niya na mas mabuti nga siguro kung iiwas nalang muna siya sa lugar na 'yun kaya tumungo siya sa sinabi ni Han Ruchu. "Sige po."

At isa pa, naalala niya rin na malapit lang ang mansyon ng mga Qiao sa mansyon ng Xu kaya muli siyang nagsalita, "Bibisita na rin po ako sa bahay ng mga Qiao pagkatapos nating maglunch, matagal na rin po kasi noong huli akong bumisita sakanila."

Ngumiti sakanya si Han Ruchu at pinuri siya nito dahil sa pagiging mapagmahal niya bago ito tuluyang nagmaneho papunta sa mansyon ng Xu family. Habang nasa byahe, hindi sila masyadong nag-uusap.

Noong sandaling nakita ng mayordoma ng mga Xu na magkasama sila ni Han Ruchu, labis ang saya na naramdaman nito kaya masigasig siyang binati nito, pinaupo at biigyan ng tsaa. Inutusan rin nito ang mga cook na magdagdag ng ilan sa mga paboritong pagkain niya.

Kahit na dalawa lang silang kakain ni Han Ruchu, sobrang dami pa rin ng mga pagkaing nakalatag sa lamesa.

Noong nakatira pa si Qiao Anhao sa mansyon ng mga Qiao, madalas nilang binibisita ni Qiao Anxia ang Xu family, kaya naman kilalang kilala na sila ni Han Ruchu at ng mayordoma ng mga Xu. Noong nailatag na ang lahat ng pagkain, agad na naglagay si Han Ruchu ng manok sa bowl ni Qiao Anhao.

"Qiao Qiao, paborito mo ito diba. Niluto yan ng Auntie Yun mo para sayo."

Si Auntie Yun ang mayordomang isinama ni Han Ruchu noong ikinasal ito sa Xu family.

Paborito talaga ni Qiao Anhao ang ganung klaseng luto ng manok. Sa pagkakatanda niya, ilang buwan na rin ang nakakalipas noong huling beses siyang nakakain ng ganun kaya naman labis siyang ginahan. Masaya siyang ngumiti kay Han Ruchu at nagpasalamat dito bago siya nagumpisang kumain.

Sobrang napasaya talaga siya ng pamilyar nitong lasa at hindi niya na napigilang purihin si Auntie Yun sa culinary skills nito.

Masayang ngumiti si Auntie Yun habang inilalagay ang isdang iniluto nito sa kanyang bowl.

Nilaga ang pagkakaluto ng isda at sobrang sarap talaga ng amoy nito kaya naman sabik na sabik si Qiao Anhao na kumuha nito at agad itong isinubo. Pero noong sandaling kumalat na ang lasa ng isda sa kanyang bibig, muli nanamang nagloko ang kanyang tiyan. Tinakpan niya ang kanyang bibig at naduwal.

"Qiao Qiao, what's wrong?"

"Miss Anhao, anong nangyari?"

Nagaalalang tanong nina Han Ruchu at ng mayordoma nito.

Itinaas ni Qiao Anhao ang kanyang kamay para ipahiwatig sa mga ito na 'wala lang', at nagmamadali siyang tumakbo papunta sa CR para tuluyan ng sumuka sa inidoro.

Ibinaba ni Han Ruchu ang kinakain niya at sinundan si Qiao Anhao. Nakalock ang pintuan kaya noong sinubukan niya itong buksan ay hindi siya nakapasok pero naririnig niya ang pagsuka nito na nasa loob ng CR.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C314
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES