Nagrekomenda ang counter staff ng iba't-ibang klase ng gamot, may Chinese medicine at mayroon ding Western medicine. Binasa ni Lu Jinnian ang explanation manual ng bawat gamot pero mas nakumbinsi siya ng Chinese medicine dahil may kasangkapan itong pumuprotekta sa bituka.
Pagkabalik nila ng mountain villa, nasa kalagitnaan pa rin ng pagfifilm si Qiao Anhao kaya inutusan ni Lu Jinnian ang kanyang assistant na itigil ang sasakyan sa entrance ng hotel.
Matapos ang halos kalahating oras, may sasakyan na biglang dumating.
Nakadungaw lang si Lu Jinnian sa bintana ng kanyang sasakyan hanggang sa nakita niyang paparating ang sasakyan ni Qiao Anhao. Agad niyang binuksan ang pintuan at lumabas.
Sa tagal niyang kasama si Lu Jinnian, kabisado na ng assistant kung anong iniisip nito. Alam niyang naghihintay ito para kay Qiao Anhao kaya noong sandaling bumaba ito ng sasakyan ay hindi na siya nagalinlangan pa at nagmamadali siyang sumunod.
Sa kabilang gilid na pumarada si Zhao Meng dahil naunahan na sila sa mismong labas ng hotel entrance. Sabay silang bumaba ni Qiao Anhao at naglakad papasok ng hotel.
Pero bago pa man din sila makarating sa pimtuan ay bigla silang tinawag ng assistant ni Lu Jinnian, "Miss Qiao."
Huminto naman kaagad sina Qiao Anhao at Zhao Meng para lingunin ang tumawag sakanila. Nakita nila sina Lu Jinnian at ang assistant nito na nasa ilalim ng punong hindi naman ganun kalayo sa kinatatayuan nila. Hindi masyadong maaninang ang mga ito dahil medyo madilim ang ilaw.
Tumingin si Zhao Meng kay Qiao Anhao. "Hinahanap ka ni Mr. Lu."
Itinikom ni Qiao Anhao ang kanyang mga labi at nanatili sa lang siya sa kanyang kinatatayuan na para bang hindi niya narinig si Zhao Meng.
Tumingin muna ang assistant kay Lu Jinnian bago niya muling tinawag si Qiao Anhao. "Miss Qiao, dito!"
Nagtanong si Zhao Meng, "Qiao Qiao, bakit ka nakatulala?"
Yumuko lang si Qiao Anhao at wala siyang balak na puntahan ang mga ito.
Medyo nagumpisa ng magaalala ang assistant kaya naisip niyang muling tawagin si Qiao Anhao. Pero bago pan din siya makapagsalita, ay naunahan na siya ng katabi niyang si Lu Jinnian na maglakad papunta kay Qiao Anhao.
Dahil sa takot, nanlaki ang mga mata ng assistant at maging ang kanyang katawan ay bigla ring nanigas. Pero hindi nagtagal ay nahimasmasan din siya kaagad kaya dali-dali siyang sumunod kay Lu Jinnian.
Halos limampung metro nalang ang layo ni Lu Jinnian kay Qiao Anhao noong bigla siyang huminto. Sa ilalim ng hindi masyadong maliwanag na ilaw ng poste, yumuko si Lu Jinnian para tignan si Qiao Anhao.
Umihip ang malamig na simoy ng hangin kaya lumipad ang mahabang buhok ni Qiao Anhao.
Matagal na nakatingin si Lu Jinnian kay Qiao Anhao hanggang sa unti-unting nabalot ang kanyang mga mata ng disappointment nang mapansin niya na mukhang wala naman itong balak na na magsalita kaya ibinigay niya nalang dito ang isang plastic na may lamang gamot. "Para sayo."
Transparent ang plastic bag kaya kitang kita ni Qiao Anhao ang laman nito na isang kahon ng gamot para sa sakit ng tyan .
Medyo nanginig ang kanyag mga daliri at unti-unting nabalot ng kalungkutan ang puso niya.
Dati, sobra sobra ang pasasalamat niya kay Lu Jinnian kapag binibigyan siya nito ng gamot tuwing masama ang pakiramdam niya, pero matapos ang nangyari kagabi…Laging ganyan si Lu Jinnian, parang hindi talaga nito sineseryoso ang nararamdaman niya, kaya nahihirapan siyang intindihin kung ano ba talagang pakay nito sakanya.
Lagi niyang iniisip noon na baka mayroon pa silang pag-asa sa tuwing nagkakaroon ng magandang pagbabago sa kanilang relasyon. Pero pagkatapos ng nangyari kagabi, kung saan trinato siya nito ng sobrang bayolente habang nasa loob sila ng sasakyan, parang bigla nalang siyang nagising sa realidad.
Kung nanatili nalang sana itong cold sakanya, malamang malungkot pa rin siya hanggang ngayon, pero hindi disappointed.
Ang pag-asang nabuo ay kayang kayang sirain ng disappointment.
Natatakot siya na pagkatapos siyang tratuhin ni Lu Jinnian ng mabuti ay muli nanaman siyang sasaktan nito.
Dahan-dahang gumalaw ang mga daliri ni Qiao Anhao at napakapit siya ng mahigpit sa kanyang pala, wala pa rin siyang balak na kunin ang gamot.
Dahan-dahang gumalaw ang mga daliri ni Qiao Anhao at napakapit siya ng mahigpit sa kanyang pala, wala pa rin siyang balak na kunin ang gamot.
Nagbago ang itsura ni Lu Jinnian at biglang humigpit ang kanyang kapit sa plastic, wala rin siyang balak na ibaba ang kanyang kamay.
Unti-unti ng dumidilim ang kalangitan at ang mga crew members ay nakabalik na sa hotel. Sa kalagitnaan ng madilim na kapaligiran, wala ni isa sakanilang apat ang nagsasalita.
Matagal na silang nakatayo ngunit wala pa ring balak si Qiao Anhao na tanggapin ang gamot, halatang ilag siya kay Lu Jinnian at pabigat na rin ng pabigat sa pakiramdam ang mga nangyayari.
Nasa tabi ni Lu Jinnian ang kanyang assistant at si Zhao Meng na medyo naiilang at hindi na rin mapalagay.
Muling nanamang umihip ang malamig na hangin kaya nakaramdam na ng gininaw si Qiao Anhao. Kalmado niyang tinanggal ang kanyang tingin kay Lu Jinnian at tumalikod para maglakad papalayo.
Noong nakita ng assistant ang pagtalikod ni Qiao Anhao, agad niyang inagaw sa kamay ni Lu Jinnian ang hawak nitong gamot at ibinigay kay Zhao Meng. "Masakit ang tiyan ni Miss Qiao kaya binilhan siya ni Mr. Lu ng gamot."
Medyo nagalangan pa si Zhao Meng bago niya ito kunin at nagpasalamat nalang sa ngalan ni Qiao Anhao. "Thank you."
Tumingin si Zhao Meng kay Qiao Anhao at nagulat siya dahil nakatingin pala ito sa gamot na hawak niya kaya medyo nanigas ang kanyang mga daliri. Noong sandali ding'yun, biglang tumalikod si Qiao Anhao at naglakad papalayo.
Hindi pa ito nakakalayo nang magsalita si Lu Jinnian. "Kung hindi maganda ang pakirandam mo, pwede kitang tulungang ipaatras ang eksena mo."
Natigilan si Qiao Anhao pero pinilit niya pa ring humakbang pa ng kahit kaunti. Dahil nakatalikod na siya, muli siyang humarap kay Lu Jinnian at kalmado ngunit naiilang sinabi, "It's fine. Thank you, Mr. Lu."
Mr. Lu…. Gulat na gulat si Lu Jinnian. Matagal siyang nakatingin kay Qiao Anhao bago tumungo, halatang naguguluhan siya na para bang sinusubukan niyang itago ang takot at hindi pagkapalagay na kanyang nararamdaman.
Matapos ang ilang sandali, binuksan ni Lu Jinnian ang kanyang bibig dahil may gusto sana siyang sabihin, ngunit hindi niya na ito itinuloy at muling itinikom ang kanyang bibig. Pero makalipas lang ang ilang segundo ay muli siyang nagsalita, , "Lumalalim na ang gabi, magpahinga ka na."
Hindi na sumagot si Qiao Anhao at tumungo nalang bago muling tignan si Zhao Meng.
Napahawak si Zhao Meng sakanyang buhok dahil sa sobrang hiya at ngumiti nalang kay Lu Jinnian. "Goodbye Mr. Lu."
Nagmamadali itong humabol kay Qiao Anhao.
Noong nakapasok na ang dalawa sa hotel, medyo matagal pang nanatili si Lu Jinnian sa kanyang kinatatayuan bago niya ibaling ang kanyang tingin sa iba. "Let's go," ang sabi niya sa kanyang assistant habang naglakad papasok ng hotel.
Hindi na siya ginulo ng kanyang assistant. Naglagay lang ito ng isang basong tubig sa tabi ng kanyang lamesa at dahan-dahan ng naglakad papalayo pero bago ito tuluyang lumabas ay bigla itong huminto para magiwan ng isang paalala. "Mr. Lu, masama sa kalusugan ang sobra sobrang paninigarilyo."
Medyo nanginig ang mga daliri ni Lu Jinnian kaya may mga nalaglag na abo galing sa kanyang sigarilyo. Hindi siya tumingin sakanyang assistant pero tumungo siya.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES