Gutom na si Qiao Anhao pero wala siyang ganang kumain. Mabagal at matamlay din ang kanyang mga kilos.
Samantalang si Zhao Meng naman ay may dalang punong plato na halos matapon na ang mga laman. Pagkaupo nito ay agad nitong inilagay ang puting mangkok sa harap ni Qiao Anhao. "Qiao Qiao, mayroon silang Dong Po meat kaya kinuhaan kita ng isang bowl."
"Thank you," sagot ni Qiao Anhao. Binuksan niya ang takip ng mangkok at nagkalat ang nakakatakam na amoy nito ngunit pa rin nito naibalik ang kanyang ganang kumain at mas lalo pang nagloko ang kanyang tyan.
Ang Dong Po meat sa hotel ay gawa pa ng isang chef na mula sa Hang Zhou, ibang klase talaga ang lasa nito kaya itinuturing nila itong specialty. Paborito ito ni Qiao Anhao pero noong sandaling sumubo siya ng karne ay parang nanibago siya sa lasa kaya bigla niya itong idinura at kumuha nalang ng gulay.
"Bakit?" pagtatanong ni Zhao Meng na halos hindi na maintindihan dahil sa sobrang pagkapuno ng bibig.
"Hindi maganda yung pakiramdam ng tyan ko." Hindi pa masyadong nakakakain si Qiao Anhao pero pakiramdam niya ay busog na siya kaagad kaya ibinaba niya na ang kanyang chopsticks at tumingin kay Zhao Meng. "Siguro dahil sa alak kagabi."
Pagkatapos nilang kumain ay bumalik muna sa kanyang kwarto para makapagpahinga pero dahil sa sobrang pagod ay nakatulog siya kaagad ng mahimbing.
Sumapit na ang gabi pero mabimbing pa rin ang kanyang pagkakatulog kaya ginising na siya ni Zhao Meng.
Gulat na gulat na iminulat ni Qiao Anhao ang kanyang mga mata, at nagtatakang nagtanong, "Anong meron?"
"Anong meron? May panggabi kang eksena, bilisan mo at kumain ka muna bago ka pumunta sa set!" sagot ni Zhao Meng bago nito hawiin ang kanyang kumot.
Sumilip si Qiao Anhao sa bintana at narealize niya na magdidilim na pala. Tinignan niya ang oras sa kanyang relo at nang makita niyang halos alas sais na pala ng gabi ay bigla siyang nagising at kumaripas na nagaayos bago sila kumain ni Zhao Meng.
Wala pa rin siya masyadong ganang kumain kaya hindi niya nanaman naubos ang cold plate at plain porridge na kanyang napili.
Samantalang si Zhao Meng na nasa tabi niya ay sinisimot ang halos kalahating plato ng Chilli fish.
Masyadong matapang ang amoy ng isda kaya muling nagloko ang tyan ni Qiao Anhao. Bandang huli, hindi niya na talaga kinayang ubusin ang kanyang porridge dahil sobrang nagloloko na ang kanyang tyan na para bang nasusuka na siya.
Maraming crew members na kumakain kaya nahihiya si Qiao Anhao na gumawa ng eksena. Inilapag niya ang kanyang chopsticks at nagpaalam muna na pupunta siya sa CR. Nagmamadali siyang lumabas ng restaurant, pero noong nakarating na siya sa CR, biglang nawala ang kanyang pagsusuka.
Naghugas nalang siya ng kanyang mga kamay at bumalik sa restaurant. Pero muli nanamang nagloko ang kanyang tyan noong sandaling maamoy niya ang aroma na nanggaling sa loob. Dahil wala rin naman siyang ganang kumain, tinext niya nalang si Zhao Meng na magpapahinga muna siya sa malapit na lounge area.
Maraming artista ang kakailanganin sa eksenang ishushoot sa gabing iyon kaya nagmadali si Qiao Anhao na makapagpa'makeup habang sina Song Xiangsi at Cheng Yang naman ay patapos na sa pagme'makeup.
Binati muna ni Qiao Anhao ang mga ito bago siya umupo sa kanyang nakahandang upuan para sakanya.
Ang makeup artist ni Qiao Anhao ay isang babaeng marami ng karanasanan na nasa mid thirties. Nakasuot ito ng kulay peach na damit at may nakakaakit na pabango ngunit noong sandaling maamoy ito ni Qiao Anhao noong tinutulungan siya nitong mag'makeup, hindi ito nagustuhan ng kanyang pangamoy ni Qiao Anhao kaya muli nanamang nagloko ang kanyang tiyan.
Kailangan niyang magtiis hanggang sa matapos ang kanyang pagme'make up pero habang tumatagal ay palala lang ito ng palala hanggang sa dumating ang puntong na halos hindi niya na talaga kayang pigilan.
Nagawa niya namang pigilan ang kanyang pagsusuka hanggang sa natapos ang pagmemakeup sakanya. Naglakad siya papalayo sa makeup artist pero sa pagkakataong ito ay mas naging matagal bago niya napakalma ang kanyang naglolokong tiyan.
Pagkatapos magpalit, sabay na silang naglakad ni Zhao Meng papunta sa set. Noong mga oras na iyon ay kinakausap ng direktor ang mga artistang magfifilm para iemphasize ang mga main points kaya noong sandaling makita siya nito ay agad itong kumaway sakanya.
Si Song Xiangsi na kasalukuyang katabi ni Lu Jinnian ay biglang gumilid para mabigyan ng space si Qiao Anhao sa tabi ni Lu Jinnian.
Biglang natigilan si Qiao Anhao. Tumingin lang siya sa damit ni Lu Jinnian at naglakad papalapit dito. Diretso lang ang tingin niya sa direktor at ni minsan ay hindi lumingon kay Lu Jinnian.
Halos dalawampung minutong masigasig na nagsasalita ang direktor bago pumunta ang mga artista sa mga posisyon nito.
Sabay na papasok si Qiao Anhao at Lu Jinnian, kaya magkalapit lang ang mga posisyon nila. Matapos magbigay ng utos ng direktor, tumingin si Lu Jinnian kay Qiao Anhao pero kahit na ramdam nitong nakatingin siya rito, nanatili pa rin itong kalmado at nagpanggap na walang napansin, hindi siya tinignan nito at dire-diretsong naglakad nang hindi manlang siya hinihintay.
Nakatingin lang si Lu Jinnian sa likod ni Qiao Anhao habang sinusundan ito.
Noong sandaling marinig ni Qiao Anhao ang mga yabag ng mga paa ni Lu Jinnian, bigla niyang naramdaman na parang hindi siya makagalaw pero ginawa niya ang lahat para kalmahin ang kanyang sarili sa bawat hakbang na gagawin niya.
Pagkarating niya sa kanyang pwesto, hindi nagtagal ay tumayo na rin si Lu Jinnian sa kanyang tabi.
Magkalapit ang mga siko nila at kahit konting galaw lang nila ay malaki ang posibilidad na magkakabanggan ang mga ito.
Hindi sila naguusap, at hindi rin tumitingin sa isa't-isa na para bang hindi sila magkakilala, ramdam na ramdam ang ilangan nilang dalawa.
Hindi nagtagal ay sumigaw na ang direktor ng utos nito bilang hudyat na magumpisa na ang pagfifilm.
Apat ang eksenang ififilm ngayong araw pero sa unang dalawang lang kailangan si Lu Jinnian.
Matagal na rin silang nagfifilm ng "Aluring Times" kaya pamilyar na ang mga artista sa mga pagkataong ginagampanan nila. Nabawasan na ang mga NGs at isang take lang ang kinailangan para matapos ang unang eksena.
Masayang sumigaw ang direktor ng "Good!" at inutusan nito ang mga crew na maghanda na para sa pangalawang eksena. Mabilis na nagsidatingan ang mga makeup artist para itouch up ang mga makeup ng mga artistang kasali.
Pagkalapit ng makeup artist kay Qiao Anhao, muli nanamang nagloko ang kanyang tiyan. Kinailangan niya nanamang tiisin ang amoy nito at pinilit nalang ang kanyang sarili na magisip ng ibang bagay.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES