Hindi na rin alam ni Lu Jinnian kung ano ba talagang nasa isip niya. Noong mahimasmasan na siya, nakita niya ang maraming upos ng sigarilyo sa inidoro.
Walang tigil sa pagvivibrate ang phone na nasa kanyang dibdib. Nang kunin niya ito, nakita niya na si Qiao Anhao ang tumatawag. Hindi niya ito sinagot at agad na nireject ang tawag nito pagkatapos ay itinapon niya sa inidoro ang kalahating sigarilyong hawak niya.
Umikot ang tubig sa inidoro, at gumawa ito ng isang whirling sound at muli itong tumahimik. Huminga ng malalim si Lu Jinnian, inayos niya ang kanyang damit at itinulak ang pintuan ng cubicle. Lumabas siya at tumayo sa harap ng lababo para maghugas ng kanyang mgakamay. Pagkatapos nito ay kumuha siya ng tissue para punasan ang kanyang mga kamay bago siya tuluyang lumabas ng CR.
-
Hindi pa nagtatagal noong pumasok si Lu Jinnian sa CR nang ipahanap ni Han Ruchu sina Qiao Anhao at Lu Jinnian para maghanda na sa paghiwa ng cake.
Hindi sinubukang umalis ni Qiao Anhao. Tumayo lang siya sa harap ng pintuan ng CR habang sinusubukang tawagan si Lu Jinnian, pero hindi naman ito sumasagot.
Pagkalipas ng sampung minuto, muling nagpadala si Han Ruchu ng taong pagmamadaliin sila. Walang ibang magawa si Qiao Anhao kundi tawagan lang ulit si Lu Jinnian. Sa pagkakataong ito, nagring muna ang phone ng dalawang beses bago ito naputol. Napakunot siya ng kanyang mga kilay at naisip niyang maghanap ng pwedeng pumasok sa loob ng CR ng mga lalaki para tawagin si Lu Jinnian.
Nagmamadaling lumapit si Qiao Anhao. Tinignan niya si Lu Jinnian mula ulo hanggang paa at narealize niya na kalmado naman ito bago niya ito sinubakang kausapin, "Pinagmamadali na nila tayong pumunta. Ang sabi nila kailangan mo raw humiwa ng cake."
Tumungo lang si Lu Jinnian at kalmado naman ang kanyang mga kilos, tiyak na mahihirapan ang iba na mabuko siya. Hinawakan niya ang bewang ni Qiao Anhao at sabay silang naglakad pabalik sa banquet hall.
Biglang tumahimik ang banquet hall noong nakita ng mga bisitang dumating na silang dalawa. Namatay ang mga ilaw at may dalawang katulong na maingat na itinutulak ang isang multi-layered cake na kasing tangkad ng tao. Ang pinakaitaas ng nito ay puno ng mga kandilang may mga sumasayaw na apoy.
Walang may ideya kung paano maguumpisa pero bigla nalang tumunog ang birthday song.
Sa tapat mismo ni Lu Jinnian huminto ang birthday cake at ang lahat ng mga bisita ay lumapit para palibutan siya. Pagkatapos ng kanta, sabay-sabay ang lahat na hinipan ang mga kandila.
Nang wala ng natirang kandilang nakasindi, sabay-sabay na umilaw ang dose-dosenang mga crystal lights at umalingawngaw ang mga hiwayawan sa buong kwarto. May ilang pumito at mayroon ding mga sumigaw ng 'Happy Birthday'. Isa-isang iniabot ng mga bisita kay Lu Jinnian ang mga inihanda nitong regalo para kay Xu Jiamu.
Mayroon ng mga katulong na nakatyo sa isang gilid, nakahanda ang mga itong kunin ang mga regalong tatanggapin ni Lu Jinnian. Kahit sina Han Ruchu at Xu Wanli ay naghanda rin ng regalo.
Masyadong masaya ang lahat para mapansing nanigas ang mga daliri ni Lu Jinnian habang tinatanggap ang regalong mula kay Xu Wanli.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya na nakatanggap siya ng regalong galing sa sarili niyang ama.
Si Qiao Anhao ang pinakahuling nagbigay ng regalo sakanya at matapos nitong maiabot sakanya naghiyawan ang mga taong nakakakilala kina Qiao Anhao at Xu Jiamu na dapat daw bigyan ng kiss ang birthday boy.
Hindi nagtagal, naghiwayan at nanukso na ang lahat.
Iniangat ni Qiao Anhao ang kanyang ulo at tinignan si Lu Jinnian. Medyo nagalangan siya noong una pero dahil nangangantyaw na ang lahat na bigyan niya ito ng kiss, wala siyang nagawa kundi magipon ng lakas ng loob at halikan ang mga labi ni Lu Jinnian habang nakatingkayad. Mabilis na halik lang ang naganap na parang isang palakang tumalon sa tubig.
Umalingawngaw sa buong banquet hall ang mga nakakabinging hiyawan at palakpak ng mga bisita.
Manipis lang ang foundation sa mukha ni Qiao Anhao at halata sakanyang mga mata na nahihiya siya. Mahina at malamning ang kanyang boses. "Brother Jiamu, Happy Birthday."
Naramdaman ng mga labi ni Lu Jinnian ang mainit na hininga ni Qiao Anhao. Medyo matagal niyang tinignan ito bago niya igalaw ang kanyang mga labi. Yumuko siya para itago ang mga naglalabang emosyon na nararamdaman niya at ngumiti. May mga dumating na mga mahinhing katulong para ibigay sa kanya ang kutsilyong gagamitin na panghiwa ng cake.
-
Hindi nagtagal, matapos lang kumain ng cake ay isa-isa na ring umalis ang mga bisita. Si Qiao Anhao at Lu Jinnian ay nakatayo sa pintuan ng mga Xu at magalang na hinahatid ang mga bisita sa mga sasakyan nito. Sunod sunod na nagsilabasan sa mansyon ng mga Xu ang mga mamahaling sasakyan. Nang maka alis na ang lahat, ang kanina'y maingay at magulong lugar ay biglang nabalot ng katahimikan.
Labas pasok ang mga katulong ng mansyon para linisin ang mga naging kalat sa party.
Nakasunod sina Qiao Anhao at Lu Jinnian kina Xu Wanli at Han Ruchu habang naglalakad papasok ng mansyon. Bigla silang huminto at tinawag ni Qiao Anhao sina Xu Wanli at Han Ruchu na halos kalahating metro ang layo sa kanila, "Uncle Xu, Aunt Xu…"
Huminto rin at sabay na lumingon sina Xu Wanli at Han Ruchu. Pulang pula ang mukha ni Xu Wanli dahil medyo nakainom ito.
Ngumiti si Qiao Anhao at magalang na nagpaalam, Hindi na po kami papasok. Malalim na po kasi ang gabi kaya mauuna na po muna kami."
Hindi nagsalita o gumawa ng kahit anong ingay si Lu Jinnian habang naglalakad papunta sa kanyang sasakyan. Binuksan niya ang pintuan at umupo sa loob, bago niya imaniobra para itapat kay Qiao Anhao. Ibinaba niya ang bintana pero hindi pa rin siya nagsalita at bumusina lang. Diretso lang ang kanyang tingin at hindi manlang siya nagabalang tumingin kina Xu Wanli at Han Ruchu.
Agad na kumaway si Qiao Anhao sa dalawa bilang kanyang pagpapaalam. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at umupo. Inilabas niya ang kanyang ulo sa bintana at muling nagpaalam. "Goodbye."
Nagsabi rin ng 'Goodbye' sina Xu Wanli at Han Ruchu kay Qiao Anhao at binilinan pa siya ng mga ito na magingat samantalang nanatili lang na diretso ang tingin ni Lu Jinnian. Inikot nito ang manibela at dahan-dahang binuksan ang makina ng sasakyan hanggang sa tuluyan na silang lumabas ng manor ng Xu family.
-
Mula sa manor ng mga Xu hanggang sa Mian Xiu Garden, kailangan nilang daan ang kalyeng may pinaka maraming tao at sasakyan sa buong city.
Kakadaan lang ng mga truck na naglilinis sa gabi kaya basa ang kalsada at ang mga ilaw na nanggaling sa traffic lights ay nakakasilaw.
Ibinaba ni Lu Jinnian ang bintana at dahan-dahang pumasok ang preskong hangin kaya mas naging komportable ang byahe nila.
Ilang oras din ang itinagal ng birthday party at marami ring nainom si Qiao Anhao kaya medyo napagod talaga siya. Pagkapasok niya palang ng sasakyan ay sumandal na siya kaagad at ipinikit ang kanyang mga mata para makaidlip kahit papano habang iniisip niya kung paano niya sosorpresahin si Lu Jinnian pagkauwi nila.
Kasalukuyang tumutugtog sa sasakyan ni Lu Jinnian ang isang nakakarelax na music ng isang magandang female singer. Hindi niya alam kung anong kanta ito pero pasado naman sakanya ang melody. Pagkatapos ng isang linya, sumilip siya kay Qiao Anhao at napansin niyang nakapikit na ang mga mata nito para bang nakatulog na, kaya pinatay niya ang music.
Nabalot ng sobrang katahimikan ang loob ng sasakyan, tanging mga busina lang na nanggaling sa labas ang maririnig.
Hindi naman talaga natutulog si Qiao Anhao, ipinikit niya lang ang kanyang mga mata para makapagpahinga ng konti. Noong marinig niyang biglang namatay ang music, idinilat niya ang kanyang mga mata at hindi niya inaasahan na makikita niya sa side view mirror na tumingin sa kanya si Lu Jinnian pero agad din namang nagconcentrate sa pagdadrive.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES